Author Topic: Weightloss diary THREAD 3 - support thread sa mga gustong pumayat (no slimming p  (Read 38417 times)

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2628
  • Live and let live. Love and let love.
^in fairness naman 2 na kids mo, at your age nasa 50 kgs ka pa din, napaka laking achievement nyan, mahalaga conscious ka sa health. So proud of you.  :D

Oo nga di din masyado ok yung siomai, gawa ka nalang sarili mo hehe.

hushush

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1316
^thanks! Hehe! I just cant imagine myself @40s and overweight/obese.. Kasi ganun yun mga kapitbahay namin sa hometown ko.. Laylay ang boobs, malalaking baso at pata.. 😬

Inihinto ko nga yun collagen kasi napansin ko nagutom ako kahapon eh. Parang nadownplay yun appetite suppressing power ng garlic.. So ngayon walang collagen indi ako nagugutom.. Kaya lang kanina lang parang nahypoglycemia na naman ako due to my AF na din siguro.... Kinabahan ako kasi baka maulit na naman yun nangyari during my keto. Kaya ayun nagpanic akot muntik na mapaluto at mapakain ... buti na lang naalala ko na may prune juice pa pala ako.it must have raised my glucose level abruptly kaya ok na ako hehe...hello 180 calories nga lang. Nasira ang 23-hour fast ko! 😬
Ok na din.itatae ko din naman yun later haha!.ang main goal naman ng fasting ko is to restrict solid food intake as much as possible eh...hay buhay..hirap pumayat.. 😢

hushush

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1316
Down to 49.6kg!yaaay! 🤗 hindi gumana ang prune juice sakin kagabi. Nadilute kasi naisabay ko ang inom sa maraming water.. Kaya ending, ayun, pinakulo lang ang tyan ko.. Parang may naglalaro ng football sa tummy ko the whole night hehe.. 😆
Weight update muna ako kasi friday na pala:

Weight update:
Height: 5'2

October 3, 2017 - 49.1 kg
February 8, 2018 - 52.0kg
February 19, 2018 - 51.1kg
February 28, 2018- 50.1 kg
March 7, 2018 -50.7kg
March 8, 2018 -50.3kg
March 10, 2018 - 49.8kg
March 16, 2016 - 49.6kg

Pinag-iisipan ko pa kung mag-OMAD ulit ako ngayon and 23-hour fasting.. Bahala na..😬


hushush

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1316
Good morning!! 😃
Musta na kayo fellow dieters! Sana naman may results din ang pagdadiet nyo.. Anyways, kung ako naman so far, as of this morning, i was down to 49.2kg!🤗 kahapon lang e 49.6kg ako! Parang di din ako makapaniwala.. Pero siguro dahil papatapos na ang AF ko ay narelease ko na din siguro ang retained water ko..

Pag-iisipan ko pa ngayon kung pabababain ko pa or weight maintenance na lang ako..Depende din sa garlic supply ni hipag hehe! 😀
1month and 1week din ako nagfocus at nagtyaga mapababa ang weight ko at nagsucceed naman ako to achieve my target weight. 😀

Profile:
Starting weight: 52.0kg
Height: 5'2
Age: 36yo (mom of 2)
Method: intermittent fasting, low-calorie diet , garlic diet

Weight update:
February 8, 2018 - 52.0kg
February 19, 2018 - 51.1kg
February 28, 2018- 50.1 kg
March 7, 2018 -50.7kg
March 8, 2018 -50.3kg
March 10, 2018 - 49.8kg
March 16, 2018 - 49.6kg
March 17, 2018 - 49.2kg

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2628
  • Live and let live. Love and let love.
^Wow congrats! Kudos talaga to your dedication and kasipagan. Dyan palang winner na winner ka na!  :)

hushush

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1316
^thanks sis! Laking tulong din nitong thread sakin. Inspiration ko na makainspire din sa ibang reader na magpapayat..
ang key talaga sakin, pagkahatid sa mga bata at wala naman ako importanteng lakad, magstay lang sa house at mahiga, maglaba o magpahinga. Kasi dati lagi ako nasa mall pagkahatid sa mga bata..so kung ano-ano din nakakain ko.. Hehe. 😀

Saka grabe dun yun 23-hour fast ko ha.. kung gagawin ko pala yun every other day e baka nga maging 48kg ako..

Masubukan nga... 😃😃

hushush

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1316
I just broke a 20-hour fast. Ang plano ko sana ay 24hrs. Di bale bukas pag nasa house lang.. Nasa mall kasi kami. But i managed to just eat chicken and 1pc burger steak with no rice.. Then water.. Nainspire ako dahil nakahanap na ako ng swimsuit na bagay sa body type ko hindi man super super sexy ang effect e at least  hindi ako makoconscious isuot sa pool or beach! Yaaay! 😀

hushush

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1316
Good morning! Today, pumalo ng 48.9kg ang scale ko. Then uminom ako water at naging 49.0kg. Not bad though, sumisilip na si 48ish eh.. 1week pa sigurong 20-23 hour fast..
Ayoko muna magweight update kasi baka bukas bumaba pa hehe.. 😀

This morning, i only ate 1/2 cup of oatmeal with 1tbsp of milk, ayoko muna ng fatty foods. I want to eat light meal lang today. Need ko din ng fiber at water therapy kasi constipated ako..

Antabang ng oatmeal ko! Ok na din. Basta lang malamnan ang sikmura ko at makaiwas sa hypoglycemia... 😬😬😬

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2628
  • Live and let live. Love and let love.
Congrats Sis, haha dami mo na pala update dito, wala ako masyado masabi kasi same lang naman daily routine ko aside sa cheat weekends (I EAT/DRINK EVERYTHING THAT I WANT - carbs, sugar, fast foods, junk foods :D) and pag nagdate kami magasawa, like yesterday 11th monthsary namin hehe. ;D No major weight gain this week for me, 48 kgs pa din ako, nag 49 kgs after cheat weekend na binge na naman lol, tho no extreme effort sa diet nor work out. Chill-chill lang hehe.
« Last Edit: March 19, 2018, 04:07:36 pm by Rory_Lorelie_Gilmore »

GeRi Sp!cE

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 569
Hello ladies!

Nakalimutan ko din mag-weigh last friday. Balak ko sana every friday kaso and daming errands that day. Tapos ang daming eating out na naganap this weekend! But I'm So happy finally I lost 2 lbs...Ginawa ko nang pounds para mas ramdam ko ang progress ko. Saka mas sanay kasi ako sa pounds.  ;D

Almost a month na kasi walang nababawas sa weight.  minsan kasi wala din ako cardio more on eating veggies lang...Tuloy tuloy ko na to...tagalan ko na lang cycling kasi 20 minutes lang nagagawa ko eh...Happy ko din kasi naka-takbo ako dun sa village kung saan kami nag-swimming last sunday. Oo, nag-swimming na naman! napakain na naman ako rice. haha! Kaya talagang nag-jogging ako para ma-burn yung calories because of rice and sari-saring food!  ;D Go lang mga sis! Kaya natin to!

Feb. 23 - 124 lbs      waist: 32 in       hips: 39 in   
Mar. 9 - 124 lbs        waist: 31 in       hips: 38  in
Mar. 19 - 122 lbs     waist:  30 in.      hips: 38 in
« Last Edit: March 19, 2018, 04:17:44 pm by GeRi Sp!cE »
Manners are a sensitive awareness of the feelings of others. If you have that awareness, you have manners no matter what fork you use.

hushush

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1316
Hello sisses! Sensya na now lang nakareply. Nabusy ang mommy hehe.

^Uy sis Geri Spice congrats sis at mukhang tuloy-tulot na yang weightloss mo. Magfocus ka lang at sigurado yan mabilis lang matutunaw excess fats mo 😊

^sis Rory. Ginagawa ko nga diary tong thread na to para mabalikan ko one day yun mga ginawa ko para maachieve ko yun weightloss.
Buti ka nga walang kaeffort-effort 48ish pa rin.👍👍👍
Magpakita ako ng pix sa group chat natin hehe. 😀

Speaking of.. It's official! Im down to 48.7kg as of this morning!
Kaya naman magweweight update na ako! Yaay!
😃

Profile:
Starting weight: 52.0kg
Height: 5'2
Age: 36yo (mom of 2)
Method: intermittent fasting, low-calorie diet , garlic diet

Weight update:
February 8, 2018 - 52.0kg
February 19, 2018 - 51.1kg
February 28, 2018- 50.1 kg
March 7, 2018 -50.7kg
March 8, 2018 -50.3kg
March 10, 2018 - 49.8kg
March 16, 2018 - 49.6kg
March 17, 2018 - 49.2kg
March 20, 2018- 48.7kg

Hindi na ako kumain ng garlic today. Mukhang stable naman ang sugar levels ko at wala ako masyadong cravings.. 😊



Rory_Lorelie_Gilmore

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2628
  • Live and let live. Love and let love.
^CONGRATS SIS HUSHUSH!!!  :) :) :) Nakakatuwa it only means kung gusto talaga natin pumayat eh kayang kaya with enough drive, effort and discipline. Btw kaka bukas ko lang ng GC natin sa FB, ganda ng make up bagets mo tignan lalo na pumayat ka! Ganda!  :D Di ka namin ma-add uli eh. Halos 4 kgs na lose mo in a month. Achieve na achieve!  ;D

Naku kami date ng date ng Husband ko, pero di naman ako binge mode this week, tamang kain lang hanggang halos full na, sumaya pa kami dito sa work biglang dami kami Pinay, susmiyo fiesta pag lunch, maski salad ang baon ko eh napapatikim ng kung ano anong baon or order nila for solidarity lol but later walk and run uli saka bukas. Aja aja to me, maiburn man lang ang mga pinagkakain! :)

young_maiden

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1579
  • Love yourself.
Nagtimbang ako kanina. Nasa 55.86 kg na ako. Not bad.
The less you respond to negative people, the more peaceful your life will become.

hushush

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1316
^congrats din sis young_maiden!akala ko e sumuko ka na.. Wag ka bibitaw! 😀

^^haha! Thanks sis Rory! isang malakeng TROTH pala na pede ako maging 45kg kung gugustuhin ko.nun sinabi mo nga yun nung una di ko talaga maimagine maski maging 48ish...kaya lang nakita ko yun post mo sa chat baka maging kalansay na nga ako nun hehe!! Yun selfie stick nga minsan indi ko na mahawakan nang stable pag nagseselfie. 😬
Need ko bukas kumain ng protein.. Baka mabobo na naman ako sa math haha! 😬

Uy tama yan wag ka masyadong kain nang kain. Kasi ka baka masanay yang body mo.. Alalay pa rin kahit chillax lagi. Pangit din naman yun parang anorexic na ayaw kumain.. Actually minsan parang nagiging ganun na ako.. Parang ayoko na kumain ng mga food na alam kong mataas sa calories.. tikim na lang minsan sa takot na baka masanay na naman ako sa malakihang kain..

Nakipag-geto nga ako sa mga amiga ko at parang amazed na amazed sila na angpayat ko haha! nagpapaturo pa sakin kung pano ang fasting.. madali lang naman magturo...atsaka available na lahat ng infos sa net. Nuon ko pa nga sila sinasabihan na magpapayat. Mahirap lang talaga kasi yung execution e hehe. kumbaga i can talk about IF all day. Ang tanong, may gagawin ba sila to achieve their weight goal hehe..

Nasan na kaya si sis itt? Nahiya na magpost ng weight nya. Baka naging 50kg yun hehe! 😬

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2628
  • Live and let live. Love and let love.
Uy tama yan wag ka masyadong kain nang kain. Kasi ka baka masanay yang body mo.. Alalay pa rin kahit chillax lagi. Pangit din naman yun parang anorexic na ayaw kumain.. Actually minsan parang nagiging ganun na ako.. Parang ayoko na kumain ng mga food na alam kong mataas sa calories.. tikim na lang minsan sa takot na baka masanay na naman ako sa malakihang kain..

Hushush hahaha ganyan ako nung nag 45 below ako, takot sa calories, tapos addict sa work out haha! As in boiled egg nalang tinitipid ko pa dapat 1 pc lang, haha ayoko na non. Saka feeling ko non laging kulang pa yung payat ko, gusto ko pa pumayat. Ayoko na nung feeling na ginugutom ko sarili ko, or dinedeprive ko katawan ko ng nutrients, tapos pinapatay ko sa exercise or guilt pag kumain ako, its not healthy sa katawan at sa mind parang sort of abuse na yun. Saka imagine, gaano natin katagal maimemaintain yung ganitong klase ng diet, na bilang na bilang ang calories at  patayan sa IF. Dun tayo sa safe, healthy, kaya i-maintain at higit sa lahat masaya  ;D

Actually, malaking help sakin tong thread saka yung FB GC natin, kasi halos lahat ng tao sa paligid ko na-OA-an na sakin bakit daw ako nagpapayat eh wala pa nga daw ako 50 kgs, sila mostly 60kgs, pinaka payat na 55 kgs, nasa 5'2 - 5'5 mga height.
« Last Edit: March 21, 2018, 03:13:04 pm by Rory_Lorelie_Gilmore »

candacena

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 782
^sabihin mo sa kanila LAKUMPAKE! katawan ko to. haha hindi ka naman anorexic eh. may nagsasabi sakin bat pa daw ako nag exercise ang payat ko na. hindi lang naman weightloss ang dahilan pag nageexercise eh. hehe

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2628
  • Live and let live. Love and let love.
^korek, sa pagpapagutom, ok agree ako sa ibang tao na masama nga naman talaga yun, pero sa exercise pag may kumontra sakin baka umalma din talaga ako haha!  ;D

engr_neechee

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 315
  • I'm in love with my Labrador Retriever
Nababagalan ako sa 0.2 lbs ko per day :( I'm down to 155 today.  I started 169 nung February 5.
When you want something, the whole universe conspires on helping you to achieve it.

http://vimeo.com/56471638

hushush

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1316
^^with regards to undereating /prelude to anorexia, opposite lang yun ng GLUTTONY, andun ka sa maxima-minima status of eating, but between the two, id rather choose undereating, if you are depriving your body too much, at mukha ka nang kalansay, yun talaga ang masama, yun ang ANOREXIA, but if you are eating a little but with choice of quality foods that will help you maintain a good physical and mental condition, much more to lose stored fats, i think walang masama dun.

Mas nakakadepress yung panay lamon.  Kasi panay food ang nasa isip.mayat-maya kumakalam ang tyan. Pag di masatisfy ang cravings, nakakadepress. Pag wala nang pera pambili ng starbucks, cake or milkshake, nakakadepress. Di ba mga beshie na mahilig magdine out at buffet? 😀

Wag mo na lang pansinin sis yung mga officemates mo na nangangantyaw sayo. Mas OA kamo sila kasi overweight na nga sila kain pa rin sila ng kain komo maraming pambili ng food. Pag magka-diabetes sila or maheart attack, kulang pa yung kinikita nila pampaospital or pambili ng meds.. Sige kain lang sila ng gusto nila basta wag ka nila papakialaman. 😀

Kung yung mga muslim nga nagpafasting kahit water wala silang intake..minsan umaabot ng 5-12days.. Tayo intermittent lang. Nakakakain pa tayo at nakakainom. Kaya wag mong pansinin yun mga officemates mong prelude to gluttony na ang eating habit. Yaan mo lang sila. Ganyan talaga ang mga matatakaw. Mandadamay para pare-pareho kayong tumaba! Lumayo-layo ka na sa mga yan at dun ka lang sumama sa mga mahihina kumain.. 😂😂😂

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2628
  • Live and let live. Love and let love.
^Sis hushush init ata ulo mo today ha haha, baka nagugutom ka kain ka muna haba ng fast mo eh. Charot lang.  ;D

Well, thank you sa words of wisdom, haha! Unfortunately eh kakaunti lang kami dito, kaya di ko sila maiiwasan lalo na lunch, pero kaya naman ng will power ko umiwas sa peer pressure, lol, unless gusto ko talaga kumain lalo na kasama Asawa/friends ko, so sarili talaga ang kalaban/kakampi kung gusto mamuhay ng healthy.

As for me, di uubra sakin undereating lalo kung nag work out ako, wala ako magagamit na fuel for my exercise to be as effective as I want it to be, wala ako strength sa gabi or hapon lalo na drained na sa work at byahe. Pero sa umaga, kaya ko fasted workout since galing sa tulog. Last night, kumain ako 2 boiled eggs and 1 banana saka 1 pc chocolate, ayun naka 40 mins ako ng Fitness Blender (abs, glutes, arms/upper body, warm up and cool down) perfect sakin yun as my pre work out food, pag sobra naman heavy or masama sluggish na ako ambigat na. I hate working out but I loooove the effect to my body after and the endorphins.  :D

47.8 kgs (5 ft height) ako kanina pagkagising. Bilis lang mag flactuate ng weight ko, wag lang kumain ng masasama talaga lalo na carbs.  ;D
« Last Edit: March 22, 2018, 03:59:46 pm by Rory_Lorelie_Gilmore »

 


Latest Stories

Load More Stories
Close