Author Topic: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?  (Read 401348 times)

simpleemie

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 288
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #460 on: June 30, 2015, 02:55:55 pm »
Sabi rin sakin ni OB to. I ask kase baka dahil di ko sineryoso ang bedrest though limited pa rin kilos ko. Mine is embryonic demise din.

bk

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 136
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #461 on: July 07, 2015, 03:45:56 pm »
i had d&c (raspa) 2 days ago. sooo sad talaga. first baby sana namin to. nung nag ultrasound ako 6wks 5days yung baby nun sabi ng sonologist medyo mabagal heartbeat at maliit gestational sac. so i got really worried. as in naiyak ako nun. tapos my ob advised me to take utrogestan which i did kahit hate na hate ko siya kasi vaginal. ang effort kaya mag insert ng gamot sa vagina. tapos bumalik ako for check up after 2 wks. at that time 9wks preggy na ko. pag ultrasound sa kin una sa tyan lang muna... tapos sabi ng ob "hindi ko gusto nakikita ko". tapos try nya naman transviganal ultrasound. ayun na... sabi nya wala na heartbeat ang baby. nashock talaga ako! tapos sabi nya 7 wks pa lang nagstop na growth ng baby so 2 wks na sya patay sa loob ko. ayun pina admit na ko sa ospital para sa raspa. sadness overload talaga.

airwaterfire

  • mi amore'
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 387
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #462 on: July 07, 2015, 06:00:24 pm »
raspa talaga ang sayo sis?

kasi noon sa kin, mag 12weeks na ako noong nalaman ko na wala na heartbeat. pero aog sa fetus was 8weeks 2days lang. nag spotting na ako non at mild cramping. pero we waited na kusa ako mag labor at lalabas ang sac pati placenta. within 4 weeks sabi ni doc. pero 2 days after ultra sound lumabas at sa bahay lang ako. messaged ko lang si ob sa fb.
When we are no longer able to change a situation,
we are challenged to change ourselves.

bk

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 136
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #463 on: July 07, 2015, 09:37:38 pm »
raspa talaga ang sayo sis?

kasi noon sa kin, mag 12weeks na ako noong nalaman ko na wala na heartbeat. pero aog sa fetus was 8weeks 2days lang. nag spotting na ako non at mild cramping. pero we waited na kusa ako mag labor at lalabas ang sac pati placenta. within 4 weeks sabi ni doc. pero 2 days after ultra sound lumabas at sa bahay lang ako. messaged ko lang si ob sa fb.

Yes sis, raspa yung sa kin kasi 7 weeks pa lang yun baby at wala akong nafeel na kakaiba. as in feeling ko normal lang naman lahat walang masakit o bleeding. kaya nga nagulat ako nung nag ultrasound at sinabing patay na baby ko e.

belliecute

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 565
  • a busy supermom and a girltalker
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #464 on: July 08, 2015, 12:02:36 am »
out of 5 pregnancies, i had 3 miscarriages..

1st pregnancy - no heartbeat
2nd pregnancy - baby girl
3rd pregnancy - basta dinugo na lang ako at 8 weeks
4th pregnancy - baby girl
5th pregnancy - no heartbeat ulit

sa dami ng trauma ayoko na ulit mabuntis, kahit na gusto ko sana 3 kids.
my OB found out na malapot daw dugo ko and hindi makadaloy ng maayos ang oxygen sa baby, thus resulting to miscarriage.

gamit na gamit yung SSS sa 3 pregnancies ko.

my prayers sa mga mommies who had miscarriage.
" The heart has its reasons which reason knows not of "

simpleemie

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 288
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #465 on: July 08, 2015, 07:48:56 am »
nakakaiyak talaga tong thread na to.
kaya natin to mga sis.

airwaterfire

  • mi amore'
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 387
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #466 on: July 08, 2015, 11:37:06 am »
magpapatest sana ako ng kaolin test at bleeding and clotting time test para malaman dahilan ng miscarriage ko. kaya lang sabi ko kay o.b tsaka nalang. natatakot ako kasi kuhaan ka ng dugo at may kamahalan ang kaolin test-5k plus.
When we are no longer able to change a situation,
we are challenged to change ourselves.

contala

  • Newbie
  • *
  • Posts: 27
  • eat.pray.love
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #467 on: July 24, 2015, 05:59:02 pm »
May LMP is June 19 dahil nararamdaman ko masakit breast ko tapos ang takaw takaw ko mayat maya gutom ako and nag gain din ako ng weight so I waited until July 22,madaling araw palang NagPT na ako and it was positive so kinaumagahan i went to OB para mabigyan ako ng vitamins

Sadly kinahaponan nag spotting ako,kay bumalik ako sa OB ko kinaumagahan,chineck niya yung cervix ko closed and sabi niya possible ako for threatened miscarriage ky pinagbed rest niya ako at pinagtake ng duphaston

And until this morning may spotting padin at naramdaman ko nung naligo ako may lumabas so i checked on bilog siya na puti na may clot sa gilid,sinabi ko sa OB ko she had checked on it and nirequest niya ako to have Transvaginal Ultrasound baka daw gestational sac na yun na walang laman or H mole.

Bukas palang ako pupunta para magpaultrasound,Sobrang lungkot ng pakiramdam ko but worried ako sa H-Mole.Please pray for me,Sana its not a serious problem.Gusto ko pa magkababy and it's just hard on my part kasi kakaalis lang ni hubby june 28.Ang saya niya nung nalaman niyang nag positive ako pero ngayon hindi pa niya alam ang nangyayari sakin.

Pasensiya na napahaba.
--life can only be at its best one's you start loving it--

bk

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 136
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #468 on: July 26, 2015, 02:29:08 am »

Awww! Kinda scary yun sa yo kasi may blood. I hope normal spotting lang yun sa yo and not that serious. Yun sa kin wala naman blood nor any pain pero nung pag ultrasound wala na heartbeat baby ko. Early this July lang ako niraspa. Im still on maternity leave. God bless sa yo sis.

simpleemie

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 288
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #469 on: July 26, 2015, 12:08:23 pm »
no heartbeat din case ko sis no spotting

mhed0404

  • Newbie
  • *
  • Posts: 11
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #470 on: July 29, 2015, 09:00:09 am »
same here, no heartbeat, im on my 15 wks when we found out, nag spotting ako so i went to my ob. when she was checking the heartbeat thru doppler she cant find it so she decided to do an ultrasound, that's where we found out that there's no blood passing on the heart that's why there's no heartbeat.

Di ako ni raspa. I waited for my body to expel the baby because that's what my OB wants. I waited for a week before i had contractions then went on a labor. I was able to expel everything so no need for d&c.

airwaterfire

  • mi amore'
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 387
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #471 on: July 29, 2015, 12:25:01 pm »
^
noong nag miscarriage din ako last January(10-11weeks) normal din at sa bahay lang. dun ko pa na feel ang parang napopo during manganganak. sabi ko nga kay o.b na ganoon pala ang feeling pag malapit na lumabas ang baby. hindi ko kasi naramdaman yan sa first baby ko.
When we are no longer able to change a situation,
we are challenged to change ourselves.

simpleemie

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 288
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #472 on: July 29, 2015, 12:25:04 pm »
I had d&c kase ni spotting wala ako. I still cry pag naaalala ko. I didnt know na pagdadaanan ko to, physically kase feeling ko ang lakas ko. My 1st pregnancy walang kahirap hirap, as in smooth lahat.

baby_peanut

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 222
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #473 on: July 31, 2015, 10:38:25 am »
Nung first pregnancy ko (year 2013) when OB confirmed na positive ako, after few weeks nagbleed ako. I think 8 weeks ako nun. Nadepress ako everytime naaalala ko yun kasi super excited kaming lahat. I didn't undergo D&C, pinainom lang ako ng pampadugo kasi maaga pa naman daw para ma d&c.

Beauty, Parenting and Lifestyle!
www.mommyrockininstyle.com

contala

  • Newbie
  • *
  • Posts: 27
  • eat.pray.love
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #474 on: August 02, 2015, 04:39:10 pm »
Hello mga sissies,nakunan nga ako,nung nagpaultrasound ako no gestational sac seen,sabi ng OB yun na nga yung lumabas sakin.blighted ovum daw yung case ko.hindi na niya ako niraspa kasi daw manipis na one week daw ako magbleed parang menstruation,8 days from now nung nakunan ako and tama nga sabi ng OB ko one week,ngayon wala na lumalabas sakin,though nandun padin yung "what if's".accepted na namin na hindi pa right time,But were not losing hope I know everything happens for a reason.kinilabutan nga ako when i heard the news that mariel and robin are having twins after the miscarriage.It such a sad experience but God has something instore for us.
--life can only be at its best one's you start loving it--

simpleemie

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 288
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #475 on: August 03, 2015, 02:10:15 pm »
about  mariel, talaga? thats good.
naiyak na naman ako napadaan na naman ako sa thread na to.

rosyposy04

  • Probationary
  • Posts: 2
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #476 on: August 03, 2015, 09:32:43 pm »
Hello. Matagal na akong lurker dito sa GT pero hindi ko naisip na dito ako sa thread na to magpopost. Nad&c ako last january 6, first baby sana namin, 6wks4days. Kahit 6months na nakakalipas nalulungkot pa din ako. Parang may butas na talaga na naiwan. Hindi ako masyado nagsasabi sa ibang friends ko kasi baka hindi naman nila maintindihan or baka maisip nila oa ako dahil nasasad pa din ako. Well alam ko maiintindihan nyo ako. Ngayon medyo nagtatry na ulit kami ni hubby pero di kami masyado nageexpect, nakakastress kasi. Pray na lang kami na sana ibigay na Nya. Baby dust sa ating lahat! :-)

SarSi_Em

  • Chubbylicious
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 200
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #477 on: August 04, 2015, 12:34:07 am »
yes 2x. first baby ko, 4mos old na. bumagsak ang placenta.
nagka depression ako after nun, di ako kumakain, d ako lumalabas ng bahay, hintay ko un day na dapat
birthdate nya. 
tapos na buntis uli ako, pero nahirapan din ako, bed rest ako for 6 mos para wag lang malaglag. pero nagka issue pa rin ako muntik na sya ipa abort ni OB dahil bumabagsak naman un placenta tapos in pain ako, pero ayun, kinausap ko lang sya na maging mabait, nakinig naman, now 19 yo na sya  ;D

tapos un 2nd miscarriage ko, 6weeks pa lang sya, di ko lam na buntis na pala ako. d nako uli nabuntis.
Someday...

contala

  • Newbie
  • *
  • Posts: 27
  • eat.pray.love
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #478 on: August 06, 2015, 01:45:23 pm »
Baka triplets pa nga daw ang baby ni mariel...Don't lose hope mga sis...well,totoo naman na its one of the hardest situation a mother could experience ang makunan ka.Its true na nasasad ka kapag nakakarinig ka ng nakukunan,pero you dont really have an idea kung anung klaseng pain nararamdaman niya,not until maexperienced mo,iba pa nga sasabihin sayo okay lang yan pwede kapa naman magbuntis pero di nila alam na kahit ganon na pwede ka padin magbuntis eh it is still a lost that you can never replaced,after 12 days of my miscarriage,nanaginip ako kagabi nanganak daw ako and its a boy,nakita ko how angelic his face,sabi ko siguro siya na sana yun.mahirap man physically emotionally eh I know makakayanan lahat natin to through our Lord Jesus Christ.
--life can only be at its best one's you start loving it--

bk

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 136
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #479 on: August 06, 2015, 05:11:39 pm »
^oonga, nakakainggit si mariel. Gusto ko pag nabuntis ulit ako twins din o kahit triplets. Lahi namin twins so may chance naman talaga. Naisip ko din para pambawi dun sa baby ko na na miscarriage. Haha!

 Btw, naalala ko nung time na dinala na ko sa preparation room for my d&c, ang una namin madadaanan is yun nursery. Basta dun sa area na yun yung sterilized area na nila, magkakatabi dun yung nursery, delivery room, etc. Imagine how sad it is to see newborn baby when you just lost yours? Hayyy, sadness overload. Tapos nung piniprep na ko naririnig ko pa may umiiyak na baby. Im not sure kung bagong anak yun sa delivery room o yung nasa nursery na yung umiiyak. Sobrang kaiinggit lang.

Latest Stories

Load More Stories
Close