Author Topic: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?  (Read 405042 times)

ms_babhie_anne28

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 226
  • Doctor na Kikay
    • Let's Prettify
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #320 on: August 05, 2014, 03:42:58 pm »
When we learned na wala na si baby, supposedly 17wks and 6 days ako by LMP. Sa ultrasound, he stopped developing at 16wks and 5 days. Medyo naglessen ang pregnancy symptoms ko except sa breast tenderness ko na persistent parin. That time na di ko pa alam na nawalan na sya ng heartbeat, di ko naman inisip na naglessen na pregnancy symptoms ko baka wala na si baby. Nakalabas na din kasi ako almosy sa 1st tri kaya I thought baka dahil dun... haay.

Sana masundan agad. Ang hirap magmove on. Feeling ko makakapag-move on lang ako pag preggy na ulit ako.

lakwatsa

  • lakwatserang
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2099
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #321 on: August 05, 2014, 05:05:28 pm »
^awww ang sad naman. pinacheck nyo sis kung ano naging cause ng miscarriage? sabi kasi sa mga nababasa ko kapag first trimester e chromosomal related sya kadalasan pero kapag 2nd trimester daw nangyari, possible may problem daw sa mommy like thyroid issues, infection, etc at yun ang nagtrigger.

don't lose hope sis. rest ka lang muna and pray lagi. mas mabilis ka mabubuntis nyan kasi naraspa ka.  ;)
Live, love, laugh...

...and show an act of kindness each day :)

monamie02

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 112
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #322 on: August 05, 2014, 05:30:47 pm »
hi mga sis, share ko lang ang miscarriage ko..nung May pa ako nagbleeding at nagbabasa basa ng mga thread tungkol sa pregnancy at miscarriage dito pero now ko lang nakita tong thread na ito.

March 23 2014 nang ng PT ako at positive ang result pero nagpacheck up ako april 2 or 4 sa PGH kasi malapit lang sa work ko . 7w3d by LMP. then inischedule ako for some laboratory pero hindi ako sinabihan na magpaultrasound..ang laboratory ko ay april 24 at ang ang result un ay May 2 na babasahin kasabay na din ng 2nd monthly check up.

May 02 2014 2nd check uo ko 8am nasa PGH na ko at natawag ako ng doctor around 12 or 1 pm na sa dami ng pila , okey naman daw ang lahat ng result sa lab, normal lahat. Niresetahan na ko ng mga vitamins at sinabihan na magpaultrasound para malaman kung ilang weeks na talaga ang baby. Pumila pa din ako sa ultrasound ng PGH ng hapon na un kahit sinabihan na ako na baka abutin ng 7pm dahil sa dami na din n nagpapaultrasound. Here comes may turn para sa transvaginal ultrasound mga 6pm na un. Nagtataka ako bakit ang tagal magsalita ng doctora at parang hindi okey yung mukha nya.. tapos nagtawag pa sya ng co-doctors nya sa loob ng room na yun para ipakita yung monitor, mga 4 na doctor na yng tumingin at saka pa lang ako nagtanong kung may problema ba, at yun nga wala daw heartbeat ang baby ko. hindi na daw nagtuloy ang progress ng heart nya at 7weeks . Nashock ako talaga, sapo ko noo ko habang nakahiga pa sa bed at nagiisip bakit nangyari yun.. may mali ba akong nagawa.. sabi ng doc hindi naman daw un sa dahil may nagawa ako.. normal naman daw na minsan hindi talaga nagtutuloy ang progress ng heart marami na rin daw ganoong kaso. Minsan daw sa make-up ng genes (hindi ko na matandaan ang tamang term na sinabi nya). Sabi nya irerefer nya na daw ako sa OB ER para macheck up ako at maresetahan ng gamot o kung kelangan na iraspa . Nung nakaupo na ko at naghihintay nung resulta sumakto pa na bumuhos yung malakas na malakas na ulan di ko tuloy mapaigilan na umiiyak kahit na may nakakakita sakin na mga doctor.. sa isip isip apra ba namang nananadya yung langit sinabayan pa yung iyak ko. Buti nalang yung doktora kinausap muna ako,nakisimpatya sa nararanasan ko nung mga oras na yun.  Hindi ko alam pano ko sasabihin yun sa hubby ko. Nagpasundo ako sa kanya, dun na nya ko pinuntahan sa OBAS ER mga 7 pm at doon ko na din  sinabi sa kanya yung result ng ultra.Nung nasa ER ako ni IE pa ako ng doctor para tignan kung open na cervix ko pero hindi pa daw open. Dun na ko nahimasmasan at tanong na ako ng  tanong  doctor kung anong mangyayari sa akin at sa baby ko.. Sigurado ba talga na tama ang nakikita sa ultrasound?Iraraspa na ba ko?Kelangan na ba talaga o baka pwede pa namang maghintay ng ilang weeks o months kasi baka may himala pa at magkaheartbeat pa ulit.. kaso ang sagot saken eh hindi naman daw maglalabas ang doctor ng ultrasound result kung hindi talga sila sigurado kaya yun sumunod nalang ako. Kinuhanan ako ng dugo for lab ulit para check kung infected na yung dugo ko or hindi. 12mn na lumabas ang result sa dami ng pasyenteng nila. Normal ang result kaya niresetahan na ko ng evening primrose oil at isang pang gamot (nakalimutan ko na name) good for 3 days para magopen daw cervix. pinababalik din ako after 3 days ff up check up pero pag may naramdaman daw na pananakit ng puson o hilab o may pagdudugo o pag nilagnat ng wala pang 3 days balik na ko agad sa kanila.

May 3 2014 nagpasecond opinion pa kami sa healthway at nagpaultrasound ulit pero same result pa din. No heartbeat. May 5 balik ako ulit sa PGH, ni- IE ulit at tanong about sa mga symptoms pero normal lahat.

May 8 ff check ulit at laboratory , normal result pa din sa dugo ko.
 
May 11 dapat ang ff up check ko pero hindi ako ako nakapunta kasi mas pinili namin ng hubby ko na umatend sa church anniversary ng tita at tito nya (christian kasi sila pati si hubby) pinagpray over din nila ako.
May 12 ako nagpunta sa PGH para ff up check up. Akala ko hindi mapapansin na the past day talaga ang original na check up day  at yun medyo pinagalitan ako habang ni-ie ako ng doctor feeling ko tuloy ang sakit sakit that time ng IE. after few minutes sinabihan ako na dahil one week na kong nagtatake ng gamot at close pa din ang cervix ko kelangan ko na magundergo ng D&C pero dahil sa sobra dami nilang pasyente na buntis at mga nanganganak nung araw na un eh kelangan na nila ako irefer sa ibang ospital. binigyan lang nila ako ng referal form at yung records ng check up ko.  tapos the next day May 13 nagpunta na akong mother & child hospital (Jose abad santos hospital na sya ngayon) . nung kinausap ako ng ob at ni-ie close pa din nga daw ang cervix ko , binigyan nya ako ng dalawang option;

OPTION 1 may ilalagay daw sila sa loob ko na maliit na parang kahoy daw na once nailagay sa loob kusang nageexpand at magoopen ang  cervix at iraraspa na ako.

OPTION 2 yung tinetake ko na evening primrose oil imbis na inumin eh ilalagay sa loob ng puerta ko every night (dapat 2 times a day pero dahil nagwowork ako once na lang every night nalang kasi pag nakatayo ka daw may tendency na umagos palabas yung oil, masasayang lang) wait daw ako within the week na ginagawa ko yun dapat magbleeding na daw ako pero kapag wala pa din saka na ako magisip kung gagawin ko na ba talaga yung OPTION 1. Pinili ko kasi yung Option 2 dahil ayoko talaga magparaspa dahil sa mga naririnig kong kwento tungkol sa raspa at ang gastos na din plus sinabi din sa akin ng ob na kapag ni raspa ka hindi naman sure na sa isang procedure lang nila eh matatanggal nila lahat kasi hindi daw nila nakikita yung kinakayud nila kumbaga naghuhula lang daw sila, so kapag nagpaultrasound ako ulit at may nakita pang tira iraraspa daw ulit ako..ang masama lang daw nun yung effect na nagkakascar (plus another gastos ulit)

Then came May 18, pero wait may side story lang muna ko kasi May 17 was my bday and nagpromise si hubby na may date kami ng gabi na yun pero dahil naaya sya ng isang kaopisina na bday din ng anak na pumunta dun sa kanila kasi naghanda daw at saka matagal na syang inaaya nun, yun di kami natuloy at ako iyak ng iyak magdamag pero nagsorry naman sya at sabi nya babawi sya the next day May 18. at ito nga the next day dapat mga 5pm kami aalis. pero mga 4 pm palang may  spotting na ko at parang may pananakit ng puson , yung feeling na magkakaroon ka ng period tapos un na paunti unti dumadami na ang paglabas ng dugo (dahil ata sa stress ko sa kakaiyak nung nakaraang gabi kaya lumabas na din sya). the next day pa ko bumalik sa ospital May 19 yun. Nung una sinabi pa na iraraspa pa din ako, nashock ako , sabi ko tuloy "doc talaga po bang kelangan iraspa kahit na may lumabas na po?Nasapo ko naman po yung isa sa lumabas." Tas chineck nya yung dala ko na nakalagay sa container tapos inadvise nya ako na magpa  ultrasound ulit para makita kung may natira pa at ang result sa ultrasound maliit na maliit na lang na kayang kaya na daw ng gamot na palabasin un. (deep in side na pa Thank you talaga ako kay GOd  kasi nakaraos na ko kahit papano). May nireseta ulit na gamot sakin tatlong klase. mga 1 week din ang bleeding pero patagal ng patagal pakonti ng pakonti sya.two weeks na pahinga ang sinabi sakin pero hindi ko sya nasunod. Mga 9 days palang pumasok na ko agad sa office tinapos ko lang yung pag file ko sa sss (self employed kasi ako)

 Tapos month of June meron na ko agad period pero nung july hindi ako dinatnan at kahapon lang saktong 12noon nakaramdam ako ng konting hilo at feeling na nasusuka. May pakiramdam ako na meron na ulit kaming nabuo pero kinakabahan ako kasi parang masyado pang maaga since nagmiscarriage ako last may lang. ang mga nababasa ko kasi atleast 2 cycle ng menstration bago magpabuntis ulit. pero si hubby nung sinabi ko sa kanya kagabi yung nangyari saakin nung tanghali eh tuwang tuwa sya buntis na daw ako ulit  :) :).. pero ako medyo kinakabahan pa din.. iniisip ko sana wag naman mangyari ulit yung katulad sa 1st pregnancy ko.  iiwas na din ako na matagtag na gawain . noong una kasi 1st month ng pregnancy ko lagi kami nasa byahe. baka may factor din yun kaya nawalan ng heatbeat unang baby ko..

Please bare with the super long post po.  :(  :)
« Last Edit: August 05, 2014, 07:22:30 pm by monamie02 »

dropdeaad

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 186
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #323 on: August 05, 2014, 06:00:28 pm »
^congrats sis. Wag kang magworry mas magiging okay yan. Basta ingatan mo lang si baby at alagaan mo sarili mo, ako nga nakunan last dec 07 tapos ngayon 34 weeks pregnant nako. Ilang tumbling nalang makakasama ko na si baby :) at nalaman ko pang preggy ako noon nasa 18 weeks nako, lagi din akong natatadtad sa byahe noon first tri ko dahil sa school works pero sobrang kapit ni baby na hindi talaga ako pinabayaan. Ngayon napakahealthy ng pregnancy ko kahit hndi ko ganoon naalagaan noong una.

monamie02

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 112
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #324 on: August 05, 2014, 07:27:27 pm »
Thank you sis dropdeaad!

Sana nga maging okey na lahat if ever. Dis time alam ko na din ang mga dapat at hindi dapat sa dami ng mga nababasa ko dito sa Femalenetwork (ang laking tulong din ng mga nababasa ko dito) . Mas magiging maingat at maalaga na ko para sa aming dalawa  :) :)  Congrats din sayo malapit na kayo makita ni baby mo ;)

dropdeaad

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 186
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #325 on: August 06, 2014, 12:18:42 am »
^oo nakakatulong talaga tong thread eh. Hehe! Ako nga naisip ko kasi nung unang pregnancy ko masyado kong inalagaan kaya feeling ko naMC ako kasi yung ngayon mas tadtad ako sa byahe noon tapos sobrang stress naranasan ko pero thank God malapit lapit nadin ako sa finish line. :) always think positive at monitor mo lagi si baby mabilis lang lumaki si baby.

ms_babhie_anne28

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 226
  • Doctor na Kikay
    • Let's Prettify
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #326 on: August 07, 2014, 11:26:44 am »
Laking tulong nga nitong GT kasi nalalabas nating mga nararamdaman natin. hehe. Ako medyo ok na. Excited na rin ako maging preggy ulit. Pero ayoko muna isipin masyado kasi baka ma-stress ako. Medyo nakakalungkot lang everytime mag-oopen ako ng FB may makikita akong mga posts from my pregnant friends. Siguro mga 7 kami na kakilala ko na magkakabatch sana na due this December. Tapos ako nakunan... Imagine yung pain na nararamdaman ko pag nagpopost sila about their pregnancy with ultrasound pics pa. But I'm happy for them. Masakit lang talaga tingnan... haay.

monamie02

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 112
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #327 on: August 07, 2014, 11:38:16 am »
sis ms_babhie_anne28 same tayo ng feeling tungkol dun sa mga nakikita natin sa FB na mga naglalagay ng pictures/status tungkol sa pregnancy nila o kaya mga nanganak na..ang dami din kasi sa mga fb friends ko na nagbuntis sunod sunod.. meron pa mga kambal.. nakakainggit pero okey lang magkakaroon din ako soon. hihi :D

eleine26

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 366
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #328 on: August 07, 2014, 03:17:57 pm »
sis ms_babhie_anne28 and monamie02 ganyan din ako. dati natutuwa ako or deadma lang sa mga posts ng friends ko about pregnancy and baby. ngayon may halo inggit na. tas parang nakikita ko sa paligid eh mga buntis. ano ba to?!hahahaha. pero last week na nagpacheck up tas may nakita ako buntis, hinde ko talaga mapigilan naiyak ako. kasi andun yung thought na sana ganun na din ako eh. hayyy  :'( :'( :'(

nag mc ako last July 25, 7 weeks. honeymoon baby sana namin. kaya sobrang lungkot namin ni hubby. tas yung kabahay ko buntis din, 2 weeks lang pagitan namin. siguro dahil may pagkabitter pa ako sa nangyari. ayoko siya makita. siya nagprogress ang pregnancy sabay sa akin hinde nagtuloy. siguro gaya ng iba, makakamove on lang ako kapag nabuntis ako ulet.

pray lang tayo mga sis. sana healthy at wala na complications next pregnancy naten.  :)

preggygielian

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 466
  • Enjoying motherhood!!!
    • In Tune with My Body
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #329 on: August 07, 2014, 03:37:48 pm »
Hi mga sis! Ako nagka-missed miscarriage last year, ang walang kasymptom symptom na may problema na pala. :( Nung 6th week ko nun, yung baby measuring 5 weeks lang so baka late lang ako nagovulate diba...pero nung pagkabalik ko after 10 days, hindi na naggrow yung fetus beyond 6w4d eh dapat 8 weeks na ako nun. Ang meron lang ako, light brown spotting na nababasa ko eh normal lang naman daw kung walang kasamang cramping. nag D&C ako within that week, hindi pa siya sobrang sakit sakin nun kasi sabi namin magtry lang kami, pag merong nabuo, edi meron, pag wala, edi wala.

Kaso pagkatapos nung D&C ko, nagtry ulit kami mga Christmas time, wala...by February nadepress na ako kasi may mga kaibigan ako sa FB na buntis..waaaah! kaya ini-start na ako ng OB ko sa metformin saka clomid kasi may PCOS ako at hindi pala ako nagoovulate kaya di ako mabuntis! kaloka! Ayun, after 4 cycles of clomid, by 2014 Father's day (June 15), pregnant na! :)

Ang mga binago ko nun, nagpahilot ako nung April sa probinsya, healthier diet, kick boxing 3-4x a week, saka sex every other day from day 10 - 20 :)

Baby dusts to everyone! I'm 11w4d today and paranoid everyday! haha! :) Excited to meet our rainbow baby on Feb 2015.

monamie02

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 112
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #330 on: August 07, 2014, 04:28:53 pm »
Congrats sayo sis preggygielian..

ako man din pala dati mapa sa jeep o makasalubong sa daan din puro buntis o di kaya may kargang baby.. para bang nananadya hehe

preggygielian

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 466
  • Enjoying motherhood!!!
    • In Tune with My Body
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #331 on: August 08, 2014, 02:10:12 pm »
Congrats sayo sis preggygielian..

ako man din pala dati mapa sa jeep o makasalubong sa daan din puro buntis o di kaya may kargang baby.. para bang nananadya hehe

Thank you sis! :) Nako naexperience ko din yan..para bang lahat nalang ng makasalubong buntis or may anak or may stroller hehe

ms_babhie_anne28

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 226
  • Doctor na Kikay
    • Let's Prettify
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #332 on: August 08, 2014, 04:59:54 pm »
Akala ko nag-iisa ako sa ganitong feeling. Yung bang pag nakakakita ako sa FB ng posts at pics ng ultrasound, naninikip dibdib ko. Umiiyak parin ako pag mag-isa ako. Kasi iniisip ko, bakit sila ok bakit ako hindi. Hay.

Hindi pa ako nagmemens kasi last July lang ako na-D&C. May konting konting spotting pa ako. Pero konti lang. I hope masundan agad. Let's all be positive na lang! :)

dropdeaad

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 186
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #333 on: August 08, 2014, 07:30:31 pm »
Ako din noon naiiyak ako pag nakakita ako na buntis na nagpopost sa fb nanghihinayang Ako even my aunt na nag announce na buntis umiyak ako pero laking gulat ko mauuna pa pala ako manganak sa tita ko hehe.

Basta mga sissies tiwala lang magkakaroon kayo malay niyo wala pang isang cycle may baby ule, basta faith lang :)

ms_babhie_anne28

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 226
  • Doctor na Kikay
    • Let's Prettify
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #334 on: August 09, 2014, 10:20:23 am »
Sana magdilang anghel ka @dropdead. :)

monamie02

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 112
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #335 on: August 11, 2014, 03:10:45 pm »
Update:
Last saturday mga 1pm after work bumili ako ng PT kit  para sa sunday morning gamitin ko.  Pero saturday afternoon around 4pm palang may brownish na something sa undies ko. Akalako ito yung tinatawag nilang spotting isip ko tuloy may miscarriage na anman ba ako? After ko maglinis ng katawan chineckko ulit pero meron pa din at padami n ng padami. Sabi ko kay hubby hindi ko alam kungperiod ko ba to o iba na to. At saka magppt pa din ako early morning para pag positive papacheckup ako agad kasi baka nga may nagyayari nanaman sa baby ko. The next morning nag pt ako at negative ang result tapos tuloy tuloy na ang Mens ko..mukhang sobrang excited ko eh nakalimutan ko na 35days nga pala ang cycle ko kaya ang tagal dumating ng period ko.. Gagawa na alang ulit kami nexttime hihi ..think positive pa din mga sis.. :)

junnyjeen

  • Probationary
  • Posts: 5
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #336 on: September 13, 2014, 08:40:31 pm »
Hi mga sis! I'm new here. This afternoon I was told by my OB that I have a small uterus and the only way I can have a baby is thru IVF and a surrogate mother. Also, she wants me to have 1st degree amenorrhea karyotyping test. Meron po bang may idea how it is done? I feel a bit scared of all the information that I've got from my OB today :(

lakwatsa

  • lakwatserang
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2099
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #337 on: September 13, 2014, 09:30:06 pm »
^sis, try to get a second opinion muna bago maniwala sa sinabi ni first OB. :)
Live, love, laugh...

...and show an act of kindness each day :)

junnyjeen

  • Probationary
  • Posts: 5
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #338 on: September 14, 2014, 01:42:39 pm »
Nag research ako sa internet and mas lalo akong kinabahan na baka may Turner's Syndrome ako. If ito talaga yung mali sa system ko then, wala na kong chance magkaron ng baby :(

i_v_y

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 368
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #339 on: September 16, 2014, 12:24:44 am »
i have had 2 miscarriages in the past, one was blighted ovum, then fetal demise.

mga sis, one thing ive learned from my miscarriages is that, there is nothing we can do to prevent a miscarriage. If it is a bound to happen, it will happen. Maraming reasons, maybe the egg that got fertilized was not good and miscarriage is our body's natural way of getting rid of something that is going to be bad.
Unless may diagnosed with APAS or other syndrome that can be treated through therapy.

I am currently pregnant now, at last saturday nakita ko ang heartbeat nia, 6wks 1 day sia nung sat. Then pag uwi nung gabi, meron akong faint spotting until today. No cramping. Ayoko maging nega kasi masstress lang ako which will not help. I read naman that many early pregnancies, nagsspotting naman at it turned out okay naman. So for now, relax lang muna.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close