Author Topic: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?  (Read 405198 times)

chantale10

  • Newbie
  • *
  • Posts: 27
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #360 on: January 26, 2015, 01:48:15 pm »
hi sis airwaterfire - hindi na rin ako ni raspa kanina lang ako nag pa ultrasound at sabi ng sono wala ng natira pero naguluhan ako sa mga doctor. opd lang kasi ako sa mcm so resident doctor dun tumitingin pinatigil na ako ipainom ng methergin pero sabi ng doctor na tumingin sa akin sa delivery room kanina nagusap kami after ng tvs ko ituloy ko pa ng 1 week. naguguluhan na ako.

okay lang ba mga sis na inumin ko pa rin yung methergin till saturday? may binigay ba sayong antibiotic sis? sa akin wala na nagworry naman ako baka infect naman ako. nagpa blood test ka rin ba para malaman baka infected ang dugo mo? sorry mga sis naguguluhan talaga ako di ko rin alam gagawin ko till now tuliro pa rin sa mga pangyayari.

balak ko rin mag iba ng ob na baka kay dr.valerie guinto pumunta next week just to be sure kung malinis na ba at wala talagang natira.

« Last Edit: January 26, 2015, 02:11:38 pm by chantale10 »

preggygielian

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 466
  • Enjoying motherhood!!!
    • In Tune with My Body
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #361 on: January 26, 2015, 05:22:21 pm »
Sis chantale10, I think you need to either call your OB again or have a check up with another OB. Sa mga ganyan, never ever leave a doctor's office na hindi ka clear sa mga gagawin mo at iinumin mong gamot. :) I was also given antibiotics nun pag daw nagdugo ako (eh hindi naman ako nagdugo, so pinainom sakin ang antibiotics after ng D&C ko).

airwaterfire

  • mi amore'
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 387
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #362 on: January 26, 2015, 07:30:32 pm »
Wala akong antibiotic pero nag pa CBC at Urinalysis ako. Meron pa nga minimal retained products of conception sa akin tsaka .17cm ang lining ng endometrium ko pero sabi ni Doc okey lang yun. No need ng methergin etc tsaka pakunti kunti nalang discharge ko at mostly brown color. Kampante naman ako kasi wala naman akong nararamdamang kakaiba.

Pa check ka ng o.b sis chantale.

« Last Edit: January 26, 2015, 07:32:45 pm by airwaterfire »
When we are no longer able to change a situation,
we are challenged to change ourselves.

chantale10

  • Newbie
  • *
  • Posts: 27
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #363 on: January 27, 2015, 10:01:31 am »
thank you mga sis, baka sa bukas or saturday punta na ako sa ibang ob para makasigurado ako. tinatanong ko naman mga ob dun sa opd parang wala naman ibang advise eh tinanong ko pa kung magpa cbc rin ako para makasigurado pero wala naman sinabi. nakakaloka hindi na ako ulit magpapa ospital sa manila medical hirap kausap ng mga doctor.

lilipat na ako sa iba bukas hindi ako mapalagay mahirap naman baka mapabayaan ako. malaking ospital sila at private pero pangit sila magserbisyo. umiinom pa rin ako ng methergin pero ang bleeding ko di naman madami, kagabi sumakit ang puson at balakang ko pero sa tvs ko malinis na. hay nakakaloka mag isip.
« Last Edit: January 27, 2015, 10:05:47 am by chantale10 »

chantale10

  • Newbie
  • *
  • Posts: 27
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #364 on: February 05, 2015, 07:53:33 am »
cleared na ako kahapon by my ob, malinis na ang matres ko ulit, sabi niya pwede na magtry after 1 or 2 cycle. pero ayoko pa sana hindi pa ako ready at sobrang nakakatrauma.

mga sis pwede na ba ako mag pills 2 weeks pa lang after makunan ako.

krisslim

  • I ♥♥ my Wonderful Family!!
  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 68
  • ♥♥ just chillin ♥♥
    • ->Foreign Cosmetic Brands<-
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #365 on: February 08, 2015, 11:52:34 am »
Yes! But first of all I'm so sorry we have to go through this. *hugs*
Share ko na ren. This is a planned pregnancy btw kaya sure ako sa LMP ko. Nag try kame last November, then by December medyo makirot na boobs ko so nag preggy test nako and positive, yey!
12/17 nag pa TVS nako and yes indeed its positive so no problem naman, healthy naman daw pero no heartbeat pa kase 5 weeks and 2 days pa lang daw. Balik daw kame pag nag 7 weeks na para sa heart beat. But the night of 12/23 mga around 11 pm nag bleeding ako ng bright red and may malaking clot na kasama so derecho kame sa ER ng MMC then the usual questions etc. Resident Doctor did an IE and told me to have a TVS para sure. 12/24 na yun ng madaling araw and there meron ng heartbeat si baby 86 beats per minute. Sabi ng Sono ok lang daw kase kakaform lang ng heart nya kaya mahina pa. The healthy heart rate daw is 150 beats a minute.  Pero baka next day daw lalakas na daw yun.   Bed rest na lang daw and nag reseta ng progesterone vaginally.
So super happy kame. So we announced na kase Christmas na yun. Kase sabi ko di pa namin iaannounce pregnancy ko hanggat wala pang heartbeat.
Since Dec 25 onwards may mga konting spotting pero tuloy ko pa rin yung meds ko plus prenatal vits. Then January 5 balik kame for another TVS, ayun wala na syang heartbeat, my baby died at 6 weeks and 3 days. Sobrang iyak ako pati hubby ko kase di ko akalain na ganon mangyayari. Sabi ko dapat nag TVS ulit ako kahit holiday etc dapat nag ingat pako ng husto. Pero sabi ng OB ko baka daw bad combination ng chromosome kaya di na natuloy. Subchorionic hemorrhage ang findings sakin btw and ang masakit walang explanation. Even OB sa ibang hospital wala ren sila masagot. And my OB advised me to wait it out and have my body to expel the baby naturally. Ayaw nya ng D&C kase marami daw side effects like pre mature labor sa next pregnacy kase daw closed pa cervix ko. Uterine rupture, scarring, temporary infertility etc. So we opted for natural na ren kase gusto ko mabuntis ulit within this year. Wala naman binigay na meds. January 5 balik ako sa OB ko kase no bleeding and pain. So OB did an IE open na raw cervix ko so antay antay na lang still no meds para mas mabilis sana. Paguwe ko nag bleeding ako ng bright red na tuloy tuloy pero small clots lang. OB told me na dapat daw sin laki ng lemon yung antayin ko pero none. Nawala den sya pero bumalik the following day pero mahina na hangang sa nawala. 2nd week nag research nako and raspberry leaf tea daw nakaka soften ng cervix and yogis moon cycle tea, yung ingredients ng moon cycle tea are don quai root, raspberry leaf,  juniper berry, parsley, cinnamon. So those ingredients are known to speed up the process daw according sa mga mommies na nag MC sa babycenter forum. Meron sa healthy option.
But im on my 5th week na pero so far brown spotting pa lang and cramps and a little contractions. Naiinip nako kase ang tagal ng natural. But ayoko talaga ng D&C so sabi ni OB give pa daw nya ko ng 2 more weeks kase wala naman ako sign ng infections. Safe naman daw but the waiting is really nakakaiyak na. :(  oh i also took prime rose oil orally 3 x 1000mg then nag vaginally nako 2 x 1000mg after 3 days. Bali 1 week nakong puro tea sana umepekto na. Last IE ko medyo malaki na daw yung opening ng cervix ko. So sana sana talaga the soonest matapos na. :(
Sa eldest ko simula nung 7 weeks na nalaman ko na buntis ako walang problema as in no morning sickness, no annoying nausea, yung labor ko 5 hours lang kaya nagtataka ako bakit nagkaganito. Hay! Sa mga nag natural MC ilang weeks ang inantay nyo bago lumabas si baby Angel nyo? Sorry napahaba! Thanks for reading and baby dust to all!
Tough times never last, but tough people do.

http://www.facebook.com/frenchmacaroonsonlineboutique

Instagram: @fmbeautyboutique

http://twitter.com/frenchmacaron11

airwaterfire

  • mi amore'
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 387
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #366 on: February 08, 2015, 05:59:22 pm »
^ 4 days lang simula ng first day ng spotting lumabas siya. kasinlaki ng itlog na ang sac at medyo malaki na placenta.
When we are no longer able to change a situation,
we are challenged to change ourselves.

chantale10

  • Newbie
  • *
  • Posts: 27
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #367 on: February 09, 2015, 09:55:49 am »
^^sis sa akin jan 22 ko nalaman wala ng hb ang baby ko by tvs 9 weeks na ako dapat pero di na nag grow c baby 6weeks 4 days lang cya, tpos nung 22 din ng gabi dinugo ako tapos may meds binigay sa akin pang pa hinog daw un ng cervix eh kaya 24 ng gabi nag labor na ako may lumabas na blood clot. naglalakad lakad din ako kasi sa mga buntis diba para mag open ang cervix ganun ginagawa kaya yun din ginawa ko. mga 2 weeks din bago nagstop ang spotting ko.
« Last Edit: February 09, 2015, 09:58:31 am by chantale10 »

krisslim

  • I ♥♥ my Wonderful Family!!
  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 68
  • ♥♥ just chillin ♥♥
    • ->Foreign Cosmetic Brands<-
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #368 on: February 09, 2015, 10:50:15 am »
^hi sis thanks sa reply! Ano yung nitake mo na pampahinog ng cervix?
Ang hirap mag move on hanggat di natatapos. :( btw mag take ka na lang ng pills sa 1st day ng actual mens mo, mas effective kase ang pills pag 1st day ng mens ang umpisa. Sabi yan ng OB ko. :)

Buti ka pa sis airwaterfire 4 days lang inantay mo. Ako 5 weeks na today pero still spotting pa rin and mild cramps. :(
« Last Edit: February 09, 2015, 10:54:02 am by krisslim »
Tough times never last, but tough people do.

http://www.facebook.com/frenchmacaroonsonlineboutique

Instagram: @fmbeautyboutique

http://twitter.com/frenchmacaron11

preggygielian

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 466
  • Enjoying motherhood!!!
    • In Tune with My Body
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #369 on: February 09, 2015, 12:00:09 pm »
mga sis, have you considered d&c? I am so sorry you have to go through this...ako kasi nun talaga I wanted it out para makamove on...makarecover na at makapagtry na ulit. Within the week of knowing nakapag D&C na ako and then checked by my OB kung nakuha na lahat. D&C is done so frequently...does the waiting for it to naturally come out outweigh the side effects (if there is any) sa D&C? Pwede na kami magtry agad after 1 or 2 cycles...pero nakapag conceive on the 7th cycle with the help of Clomid (May PCOS din kasi ako so di ako naglalabas ng egg most of the months).

I am unsure kung ang cause ng cervical erosion ko nung Dec 13-Apr14 ay yung D&C. Pero ayun...please ask your OB kung talaga bang waiting is the only way...

chantale10

  • Newbie
  • *
  • Posts: 27
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #370 on: February 09, 2015, 12:47:52 pm »
sis krisslim - try mo tanungin ang ob mo kung pwede ka mag meds para mapabilis ang labas ni baby mo. sa akin nga nag pa second opinion pa ako sa ibang ob para makasigurado ako na wala ng natira sa loob mahirap na baka magkaroon pa ng infection.

mga sis after ng miscarriage gaano katagal bumaba ang hcg level nyo? ako 17 days na pero yung pt ko may napakanipis na faint positive pa rin.

airwaterfire

  • mi amore'
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 387
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #371 on: February 09, 2015, 04:06:32 pm »
^^ may mga side effects ang d & c lalo na kung di naman kailangan per explanation ng o.b at tsaka sa mga nababasa ko. isa na doon ang temporary infertility, scarring ng uterus. mama ko more than 4 times din nakunan naturally. as in lumalabas lang ng kusa ang ang dead fetus. nakita ko pa nga before.

seguro kaya mabilis dahil feeling ko namatay na ang baby ko between last week of december(around dec 28 until Jan 9). dec 28 kasi nagsimula na bigla nawala ang pregnancy sickness ko. then by january 9 natagtag ako masyado sa jeep kasi nasa dulo ako, wala pasahero, lubak ang kalsada at sobra bilis ng takbo. ayon, kaya by monday spotting na at may lumabas na tissue-like na blood na pino at may amoy.
When we are no longer able to change a situation,
we are challenged to change ourselves.

krisslim

  • I ♥♥ my Wonderful Family!!
  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 68
  • ♥♥ just chillin ♥♥
    • ->Foreign Cosmetic Brands<-
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #372 on: February 09, 2015, 05:55:47 pm »
Prim rose oil lang binigay sakin (pinilit ko pa sya nun) tapos tuloy ko lang yung tea na iniinom ko. Hoping na sana this week lumabas na sya.

Wala akong alam sa natural before, akala ko nga di pako papauwien nung Jan 5, kase baka raspahin ako pero yun nga nag explain si OB ko na antayin na lang. And weekly kame magkikita to monitor yung signs of infections and thank God wala naman kahit 5 weeks na. Paguwe ko todo research ako about D&C and possible side effects nya. Sabi nga ni OB ko meron nga daw sya pasyente missed abortion 3 months ng wala yung baby nya and di ren kase sya regular na nagpapacheck up. Pero ok naman yung girl. So kampante ako na magiging ok den naman ako.
Saka gusto ko ren kase makita yung baby ko at mabigyan ng proper burial kahit maliit lang sya. Pag D&C kase di ko sya pwede iuwe. :(
« Last Edit: February 09, 2015, 06:00:10 pm by krisslim »
Tough times never last, but tough people do.

http://www.facebook.com/frenchmacaroonsonlineboutique

Instagram: @fmbeautyboutique

http://twitter.com/frenchmacaron11

chantale10

  • Newbie
  • *
  • Posts: 27
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #373 on: February 09, 2015, 06:20:44 pm »
yun lang din binigay sa akin eh 3x a day tapos suppository. 3 days lang nag bleeding na ako at labas na [textspeak!] blood clot ko,nung gabi din na yun sabi ng doctor sa delivery room complete abortion na daw nangyari eh.

mahirap talaga, nilibing din cya ng partner ko. nagpapagaling na lang talaga ako di pa rin ako sobrang nagpapagod kasi baka mabinat. basta sis monitor mo lang sarili mo pag may iba ka pakiramdam punta ka na agad sa ob mo.

krisslim

  • I ♥♥ my Wonderful Family!!
  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 68
  • ♥♥ just chillin ♥♥
    • ->Foreign Cosmetic Brands<-
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #374 on: February 09, 2015, 06:31:07 pm »
Thanks sis! *hugs* and sorry for your loss.
Tough times never last, but tough people do.

http://www.facebook.com/frenchmacaroonsonlineboutique

Instagram: @fmbeautyboutique

http://twitter.com/frenchmacaron11

airwaterfire

  • mi amore'
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 387
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #375 on: February 11, 2015, 08:17:18 am »
2 weeks after lumabas ng fetus, negative hCG na ako.
When we are no longer able to change a situation,
we are challenged to change ourselves.

chantale10

  • Newbie
  • *
  • Posts: 27
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #376 on: February 11, 2015, 04:25:04 pm »
^ hayy sa akin sis 18 days na parang meron pa rin konti nakakapraning wala pa rin naman kaming contact ng partner ko. parang 3 days na rin medyo masakit na breasts ko so baka tama nga rin si ob na malapit na ako magkaroon ng period ulit.

airwaterfire

  • mi amore'
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 387
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #377 on: February 11, 2015, 05:04:47 pm »
baka nag lactate ka?
Naglactate kasi ako.
When we are no longer able to change a situation,
we are challenged to change ourselves.

chantale10

  • Newbie
  • *
  • Posts: 27
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #378 on: February 11, 2015, 05:59:57 pm »
hindi naman sis 3 days ago last sumakit ang dibdib ko eh.

cesza02

  • Probationary
  • Posts: 2
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #379 on: February 11, 2015, 09:13:53 pm »
Hi mga sis.. my question ako, so this what happend, super depress ako this past weeks, and on feb.5 uminom ako ng shampoo, i know di q dpat gnwa but i did, nothing happened skn that night, kinaumagahn im bleeding, pang28th day na, so i assume it was my period, that day umalis ako, then paguwi q i went to cr then i saw my napkin, it has a pinkish and white tissue, 1st time q mkkita ng gnun usually blood clot kc pag i have my period, and smskt puson q ng sobra on my 1st day lang, but this time mild lang ang pain but on off ang pain for 3 days, i hope its just really my period. Tia, and about sa pag inom q, ive learned my lesson kya sana ang question q nlng sna ang sgutin, bat kya my pinkish white tissue na lumabas skn,
« Last Edit: February 11, 2015, 10:14:45 pm by cesza02 »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close