Author Topic: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?  (Read 405041 times)

ms_babhie_anne28

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 226
  • Doctor na Kikay
    • Let's Prettify
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #340 on: September 16, 2014, 11:00:17 am »
UPDATE:

I underwent REPEAT D&C last September 2 kasi may retained products of conception parin ako na hindi nakuha ng unang doctor na nag-D&C sakin.

Here's the story. Diba nagmiscarriage ako then nag-D&C last July 21. After that, nagspotting ako for a few days then after 5 days post D&C nagbleed ako. Malakas with severe cramping. Went back to may doctor and she just gave me Methergin. I asked her if need magpa-ultrasound sabi niya no need. After that unti unti nabawasan yung bleeding but the spotting never stopped. Actually medyo nagtataka na ako. I know there's something wrong but she just keeps on saying na it's normal daw. Eh syempre I have to trust her kasi she was the one who did the procedure and she's my OB. But 5 weeks after the D&C lumakas na naman yung bleeding. At first I thought it was my menstruation, but nagdoubt ako kasi super lakas. Then I insisted na magpa-ultrasound. There may nakita na mass inside my uterus. The sonologist came with an ultrasound report as "Retained Products of conception vs Gestational Trophoblastic Tumor vs Other uterine pathology". When my OB saw the UTZ report, sabi niya she will refer me to an OB/Gyne Oncologist daw kasi I have a tumor. Parang di niya matanggap na possible na may naiwan nga. I was crying sobra yung iyak ko kasi I don't know why is this happening. Sabi pa nya if it's a tumor daw magchemo kami. So the following day I had may Serum Beta-HCG checked. If it's unusually high, it could be a tumor. My HCG was 9.31 (normal is less than 2). So since mataas ang HCG ko, she was thinking talaga na it might be a tumor. But I'm really not convinced. I even asked her if raraspahin nya ako. But parang wala sa plans nya. So, through God's guidance I decided to seek another OB. My 2nd OB immediately did a D&C to me (since I had a very high risk for infection na since the retained products had been there for more than a month already), this time the D&C was ultrasound guided. And then she gave me lots of antibiotics. Ang dami niyang nakuhang retained! Shocked sya ngayon lang daw sya nakaexperience ng ganun. It could have cost me my life and fertility! Biopsy result came after a week and indeed it was a product of conception.

I was very disappointed with mu previous doctor. It was very emotionally draining. Imagine, you lost your baby, then you think nakasurvive ka with your D&C and then sasabihan ka na baka magchemo ka for ilang months kasi may tumor ka. Buti na lang I'm also a doctor kaya I really know there is something not right about my body and about her impression. What if hindi ako doctor? Ano na kaya nangyari sakin? That was negligence on her part but i just don't want to make a big deal out of it coz she's a colleague. Sorry haba ng post.

ms_babhie_anne28

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 226
  • Doctor na Kikay
    • Let's Prettify
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #341 on: September 16, 2014, 11:05:06 am »
By the way, my HCG was high but wasn't high enough to consider a tumor. Usually kung tumor, thousands and taas. Mine was just 9.31 and ot could have been due to kakaraspa ko lang 5 weeks prior. And maybe because may naiwan pa kaya di bumaba. Ewan ko ba bakit di niya matanggap na posibleng may naiwan. Eh kung nagtiwala lang ako sa kanya eh di bala nagchechemo. More harm pa gagawin niya. Haay. I learned a lot from my experience. As a doctor and as a patient.

lakwatsa

  • lakwatserang
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2099
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #342 on: September 16, 2014, 12:42:37 pm »
^ay grabe naman yan sis! pwedeng idemanda ng malpractice yang OB na yan. pano na nga lang kung wala talagang idea at sunod lang sa chemo na suggestion di ba? grabeng damage - emotionally and financially ang dinulot nya tsk tsk.
Live, love, laugh...

...and show an act of kindness each day :)

ms_babhie_anne28

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 226
  • Doctor na Kikay
    • Let's Prettify
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #343 on: September 16, 2014, 01:02:59 pm »
Yes sis. Ang laki ng nagastos namin. Doble yung gastos para na rin akong nanganak. Ang akin lang, buti may idea ako coz I'm a doctor too. What if wala akong idea... Baka kung ano na nangyari sakin ayoko isipin. Haay.

Ms. Right

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 90
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #344 on: November 22, 2014, 02:15:50 am »
Nawala at around 8 weeks (based on my LMP). By the time na nagtvs, wala na talagang nakita and i was bleeding profusely for 3 days before that. Wala akong time magpacheck up nun kasi hell week sa school. Hay. I had my d&c last nov. 10 at a lying in clinic. After nun, pinaubos lang yung methergine na good for 2 days and mydoxyl. Wala nang bleeding ngayon pero may brown discharge na konti. Maliban sa financial issues, ang sakit rin sa loob. Naging pabaya kasi ako eh.

airwaterfire

  • mi amore'
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 387
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #345 on: January 15, 2015, 12:20:58 am »
LMP - october 19
Confirmed Pregnant- Nov 19
Blood test for SSS- Nov 22
First Prenatal since Saturday para walang absent- Nov 22
First TVS- Dec 16, normal including heartbeat except sa subchorionic hemo na almost 2cm
2nd Prenatal- Dec 20- di pa narinig sa dopler ang hb kaya ang tvs result ang base namin
Last week of dec(dec 28) biglang naramdaman kong nawala ang nausea at vomiting ko. Sobra kasi ang pagsusuka ko kaya bakasyon ako that time almost 2 weeks para makapagpahinga. Yon lang kasi solution para di mailabas foods, higa after eating

Dec 30- I had premonition, sa mga naniniwala lang. Parang bangungot. Kinapa ko agad ang tummy ko kasi sa dream ko parang totoo nga nanganak na ako at patay daw. I prayed. Di kasi ako nakatulog that night dahil sobrang lakas ng hangin plus ulan dahil sa bagyo. Kaya akala ko dahil sa sobrang pagod lang yong masamang panaginip.

Until bumalik kami ng city at back to work na wala na talaga symptoms ko. Di narin sore ang breasts lalo na pag nag dede ang daughter ko(i did not stop bfd'ng kasi nga normal at wala ako contraction).

I never realized na yung parang nigas ng puson at medyo cramp sa balakang parang symptom na siya. Akala ko kasi dahil lang sa stress ako dahil nagalit etc. Di ko rin inakala na kaya bigla nawala morning sickness ko dahil wala na pala. Kanina lang lahat nag sink.

After ng tvs, tinanong ko pa ang sono kung pwede pa ba ibalik ang heartbeat at bakit nawala. Sabi ni sono ang ob ko na daw mag explain. Dapat 12weeks 3 days na ngayon pero 8weeks 2 days lang ang fetus based sa crl niya. Good thing di ako nagpackage delivery. Mahirapan sana ako dahil sa ob ko anytime pwede ko siya kontakin.

Parang mahirap parin tanggapin pero inisip ko nalang na may dahilan kaya nawala. At pinaparamdam na pala ako noong time na nawala na si baby. Now, waiting ako within 4 weeks na ma expel naturally ang fetus at placenta then labtests and tvs ulit tsaka mag work up kami bakit ako nakunan. Pinapainom narin si husband ng folic.

When we are no longer able to change a situation,
we are challenged to change ourselves.

preggygielian

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 466
  • Enjoying motherhood!!!
    • In Tune with My Body
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #346 on: January 15, 2015, 12:19:03 pm »
@airwaterfire: *tight hugs* sis! So sorry for your loss. :( Sis bakit daw ang tagal bago i-expel? Yung akin kasi nun, Monday nalaman ko na wala na, binigyan na ako ng pang expel then nung di naexpel by the next day, nagpa-admit na ako sa hospital (afternoon ng Tuesday) then Wednesday, binigyan ulit ako pampa-expel and still nothing kaya Thursday night nag D&C na ako. I'm just thinking na torture yun (for me ha!) na andyan pa (pero wala na)...that time, I want it out para makapagstart na ako magrecover then magtry na ulit.

Hugs sis!!! Mahirap pero kaya mo yan, surround yourself with people who love you. :) Recover then try again. Ang mantra ko nun: I am not infertile, we can try again. Took a while plus 4 cycles of clomid pero nangyare siya. I hope you'll recover soon and be able to conceive this year para may baby na this year or early next year! :)
« Last Edit: January 15, 2015, 12:26:40 pm by preggygielian »

airwaterfire

  • mi amore'
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 387
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #347 on: January 15, 2015, 03:51:44 pm »
^
Sabi ng OB di muna kami mag gamot dahil pag ganitong case na di sinasadya lalabas daw ng kusa. Within 4 weeks ng nalaman namin. Matagal na ang 4 weeks. Ganoon din sabi ng kapatid ko na nurse/midwife at ng head midwife niya kusa daw lalabas ang fetus. O nga, prolonging the agony pero ayaw ko namang magpa admit kasi may 4 year old din ako.

Thank you.
When we are no longer able to change a situation,
we are challenged to change ourselves.

arragalang

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 186
  • Due date: July 2015
    • Rookie Mommy PH
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #348 on: January 16, 2015, 07:06:10 pm »
Hi mommies,

sorry for all of your lost. I would just like to be knowledgeable pagdating sa mga ganitong bagay kasi ayoko ri naman maparanoid and of course para ready.

I'm just 14 weeks pregnant and at this time may possibility pa ba na ma mc ako? The last time I visited my OB she tried to hear the baby's heartbeat through a doppler and she told me not to be disappointed pag wala akong narinig pero at leats dapat meron kahit mahina kasi mapayat daw ako. And yes, super thin ako and even now parang hindi ako preggy although napapansin ko naman na tight ang puson ko.

The last time naman I had my ultrasound is nung 9 weeks palang ako and they doctor said okay naman. Pero eto pa rin ako mejo paranoid kasi how will I know if okay si baby ko or hindi.

preggygielian

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 466
  • Enjoying motherhood!!!
    • In Tune with My Body
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #349 on: January 17, 2015, 12:17:18 am »
^hi sis, hehe nakakaloka maging buntis noh? Praning na praning ako dati...ngayon konti nalang :-) hanggat di pa ako nakafeel ng movements ni baby daily...lagi ako worried or paranoid.

Kung hindi ka talaga mapakali...pacheck ka sa OB Sono. Kahit magastos, ako nun papacheck talaga kesa maging stressed ako. Pero madalas...you just have to believe na okay si baby. There's always the risk of having a miscarriage pero as the pregnancy progresses, less and less ang chances. Congratulations tapos ka na sa 1st trimester! :-) sana maramdaman mo na si baby soon para less na ang pagkaworried mo.

arragalang

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 186
  • Due date: July 2015
    • Rookie Mommy PH
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #350 on: January 17, 2015, 10:07:47 am »
^ Hi sis! end of January ang next check-up ko, hopefully marining at mafeel ko na si baby kasi 4 months na ko by that time.

Grabe ang ilis pala lumipas ng oras pag preggy. Hindi ko manlang naramdaman yung last 3 months. Haha!

airwaterfire

  • mi amore'
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 387
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #351 on: January 17, 2015, 12:19:41 pm »
Lumabas na ang fetus kagabi. Nag labor din ako then feeling ko naiihi na ako so punta ng cr. Ayon pagdating ng cr may lumabas na need ng kunting ere. Yun na, ang sac.
When we are no longer able to change a situation,
we are challenged to change ourselves.

arragalang

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 186
  • Due date: July 2015
    • Rookie Mommy PH
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #352 on: January 18, 2015, 11:39:09 am »
^ :(

Nandun na rin po ba si baby sa sac? Ilang weeks na po sana ang baby nyo?

airwaterfire

  • mi amore'
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 387
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #353 on: January 19, 2015, 10:25:21 am »
dapat 12 weeks siya Jan 11-17.
pero nawala siya 10-12 weeks.

nasa loob ng sac ang fetus. masyado kasi maliit almost 2cm lang.
When we are no longer able to change a situation,
we are challenged to change ourselves.

chantale10

  • Newbie
  • *
  • Posts: 27
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #354 on: January 23, 2015, 08:22:45 am »
8 weeks based from TVS at nawala na ang heartbeat ng baby ko. konti lang spotting ko kahapon akala ko napagod kaya dumirecho na ako sa hospital pina ultrasound ko ako at wala ng heartbeat ang baby ko at di na nagprogress ang growth nya.

di pa ako dinudugo kasi nagstop ang spotting ko agad kahapon binigyan lang muna ako ng gamot pangpa open daw yung ng cervix, then pagmadami ng blood eh pumunta na daw ako sa hospital at dun pa lang i d&c.

may ganun ba nangyari sa inyo? pinadugo muna bago i d&c?

nakakalungkot first pregnancy ko nakakatrauma naman.
« Last Edit: January 24, 2015, 05:27:23 pm by chantale10 »

airwaterfire

  • mi amore'
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 387
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #355 on: January 24, 2015, 11:01:57 am »
^OO. Kasi close pa ang cervix mo. Ako hindi na ako na pa d & c. Monday spot, nag absent ako sa work tuesday akala ko okey lang inum ng duvadilan at utrogestan pero di nawala. Wednesday punta nako sa ultrasound, ayon wala na heartbeat. Nakakalungkot. Until now.

Since less than 10 weeks ang size ng fetus, normal delivery sa bahay lang.
 
When we are no longer able to change a situation,
we are challenged to change ourselves.

chantale10

  • Newbie
  • *
  • Posts: 27
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #356 on: January 24, 2015, 05:33:34 pm »
^^sis mali yung na type ko 11 weeks ako sa lmp pero sa first tvs ko dapat nasa 8 weeks na ako pero ang baby ko hanggang 6weeks and 4 days lang ang nilaki niya.

mga sis kelan ba ako dapat bumalik sa hospital kasi nagbleeding na ako ngayon pero wala pa ring buo meron pero maliliit pa, sumakit puson ko at balakang na parang magkakaroon na ako pero nawala rin yun agad. hintayin ko ba na dumami yung bleeding ko?

nakakalungkot talaga mga sis.
« Last Edit: January 24, 2015, 05:46:53 pm by chantale10 »

preggygielian

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 466
  • Enjoying motherhood!!!
    • In Tune with My Body
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #357 on: January 24, 2015, 11:51:57 pm »
@chantale10: I'm sorry for your loss sis. Ako nun binigyan ng cytotec na to be taken at 3 diff times that day na nalaman na wala heartbeat pero the next day di naman ako dinugo so pumunta na ako sa hospital padin kahit di ako dinugo nun. Sa hospital they gave me more cytotec eh hindi naman ako nagrerespond -- di ako dinudugo so tinuloy nila D&C that same week. Then I went back to my OB to check kung nakuha lahat and kung okay na. Okay naman so nagrecover ako then we tried to concieve again.

chantale10

  • Newbie
  • *
  • Posts: 27
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #358 on: January 25, 2015, 08:34:43 am »
^^kagabi nagpunta na ako hospital kasi sumakit ang puson ko ng mga 4pm tapos yun naglabas na ako ng 2 buong dugo ba yun ang sakit kaya ginawa ko ng may maramdaman ako na may gustong bumagsak inire ko pa para lumabas na.

sabi ng doctor complete abortion na daw mukhang wala ng natira, binigyan ako reseta methergin at babalik ako bukas sa hospital for ultrasound at check up sa ob ulit. sana ok na at wala ng natira para di na ako i d&c mas lalo nakakatrauma eh.

mga sis meron ba dito na naglabas na ng buo buo at di na niraspa? mag papaultrasound pa rin ako kasi sabi ng doctor yun at to be sure na wala talagang natira.


airwaterfire

  • mi amore'
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 387
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #359 on: January 26, 2015, 12:02:59 pm »
^ hindi na ako niraspa. nakapag ultrasound ako noong Thursday para ma check if lumabas na ba lahat.
Though meron pang natira minimal nalang, lalabas din. Mag pa ultrasound pa rin ako 3rd week next month para makapag pagawa ng fit to work certificate.
When we are no longer able to change a situation,
we are challenged to change ourselves.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close