Author Topic: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?  (Read 405198 times)

bigdadis_girl

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 529
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #300 on: March 18, 2013, 02:42:51 pm »
^thank you sis sa mga na share mo, nakaka inspire talaga.  Inspire na ako mag exercise ngayon dati talaga sobrang tamad.  kelangan talaga alagaan ang sarili para maging ready ang body sa healthy pregnancy.

baby blessings to all!!!

vuzhia

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 687
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #301 on: March 25, 2013, 09:37:34 am »
hi sisses! LMP ko nung December 04, 2012, then punta ako ng OB ng January 17, 2013, preggy na nga daw ako, reseta na sya Folic Acid & Fish Oil pinabalik ako ng Feb.16 for ultrasound then sac lang nakita nya at wala ngang embryo pinababalik ako after 2 weeks for another ultrasound & confirm nga na blighted ovum, wait na lang daw muna namin lumabas anag sac naturally para hindi na ako d&C

then March 1, nag start na ako mag spotting, March 3 lumabas na yung sac, bumalik ako kay OB ng March 4 at completed abortion na daw ako, lumabas na yung sac and no need na ng d&c, na sad kami ni hubby kase 1st pregnancy namin ito, inisip na lang namin na hindi pa talaga time & ibibigay rin God yun sa tamang panahon, tutal nung December lang naman talaga kami nag TTC kase inuna muna naming makalipat ng house

ask namin si OB kung kailan ulit pwede kami mag TTC & after 6 months daw, yun daw ang ideal medyo natatagalan si hubby, kaya nga healthy living muna para preparation for another pregnancy

rant ko lang sisses yung mga taong nakapaligid sa amin, pinipilit naming maging positbo ni hubby lagi sa sitwasyon namin, kaso yung iba kung ano-ano sinasabi keso kawawa naman kami (hindi naman namin feel na kawawa kami) keso gumawa na daw ulit kase kung aantayin pa yung 6 mos minsan daw hindi agad nakakabuo...nakakainis lang

ngayun talaga tuwing pag gising ko iniisip ko talaga na happy ako parati, para good and positive vibes, Good Luck mga sisses!
Death - the last sleep? No, it is the final awakening......

dec_girl

  • Ooops! The rumor is true, I am a
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 380
  • Hardworking Mom and Wife
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #302 on: April 01, 2013, 08:22:12 pm »
had a miscarriage during my 1st pregnancy back in 2002, abnormal development ng baby. kaya pala nung ultrasound ko, mahina heartbeat ng baby. on the 10th week, dun na nawala ang baby. na d& c ako. but my husband and i stayed positive despite our experience. i prayed for strength and asked God to grant us another child. now, i have 2 healthy kids, God's answer to my prayers.

jhem31

  • <3
  • Probationary
  • Posts: 8
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #303 on: April 01, 2013, 09:00:32 pm »
I was diagnosed with PCOS last 2010, hindi naman ako mataba, at wala akong acne, pero super abnormal ang period ko, minsan umaabot nang 9 months wala akong mens, at pag nag karon ako umaabot ng 1month bago mawala at sobrang lakas, bata pa daw ako nung nag pa check up ako kaya di ako niresetahan ng doktor, sabi niya bumalik nalang daw ako pag ready na ko mag ka baby kasi medyo mahal daw ang gamot. Last February 14, 2013 nag pa-check up ako kasi palagay ko kailangan ko na mag gamot dahil nahihirapan ako sa mens ko, pero nakita sa ultrasound ko na buntis ako, 1month na siya. Sobrang natuwa ako kasi sabi nang doktor ko dati mahihirapan daw ako mag kaanak kasi hindi nangingitlog ang ovary ko, so doble ingat ako, pinabalik ako ng doctor ko after 2 weeks, pero napaaga ang balik ko sa OB ko kasi dinudugo ako, vaginal bleeding daw, andun pa ang baby pero hindi alam ng doktor ko kung bakit walang development ang baby ko, binigyan nya ko ng duphaston, at pinababalik ako next week, sabi nya sakin pag next week at dinudugo pa rin ako at wala pa rin development ang baby ko hindi daw magtutuloy ang pag bubuntis ko, pero 3 araw bago ako bumalik dun, sobrang sakit ng puson ko at ang lakas ng bleeding ko, Dinala na nila ko sa ospital, at nung inultrasound ako wala na daw ang baby ko kailangan akong raspahin, March 1, 2013 ako naraspa, sobrang sakit hindi lang ako nagastusan ng malaki nawalan pa ako ng anak.

Kaya ako nag post dito dahil gusto kong humingi ng advice, tumigil na ang pag dudugo ko dulot ng D&C pero March 25, 2013 dinudugo na naman ako, parang mens kasi red talaga siya, normal ba na mag ka mens kagad ako kahit wala pang 1month nung naraspa ako?

Sana masagot niyo kasi nag aalala talaga ko, thanks.
♥♥♥

frapuccino

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 53
    • Adventures Of Frappuccino
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #304 on: April 01, 2013, 11:06:03 pm »
^sorry about your loss. :( Possible period na yan sis kasi it has been 28 days na since nung niraspa ka and you mentioned tumigil na yung bleeding mo then nagbleed ka ulit ng march 25.
"Ask and it will be given, seek and you will find, knock and it will be opened to you"

Beng01

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 656
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #305 on: April 04, 2013, 12:51:02 pm »
I lost it last January 18, 2013.

Nung nagpacheck up ako and ultrasound, diagnosis is ectopic :-(
That day din inooperahan ako, kaya I lost the 6-week embryo dahil kailangan tanggalin, nabuo siya sa right fallopian tube ko :-(
Life for me now is Eat, Pray, LOVE!

Thanks be to God for my loving husband and for my beautiful daughter. I am one lucky gal! ♥♥♥

jhem31

  • <3
  • Probationary
  • Posts: 8
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #306 on: April 04, 2013, 02:36:02 pm »
Sabi sa blog na nabasa ko, pag nakunan ka malaki ang chance na mabuntis ka agad, pero malaki din ang possibility ng miscarriage, dapat 2 cycles muna ng mens bago ka mag plan na magka baby ulit. Minsan ang dahilan ng miscarriage ee mababa ang matres, di ko alam kung makakatulong ang hilot dun pero wala naman masama kung susubukan di ba? Basta bago kayo bumuo, dapat muna maging handa ka physically and emotionally para maiwasan na ang miscarriage. Dadating din ang baby natin sa tamang oras at panahon. Wag mawalan ng pag asa mga sis. God bless.
♥♥♥

wella

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 51
  • Its not an attitude, its the way I am
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #307 on: May 07, 2013, 09:00:16 am »
Hello mga sis, I wanna share this article as this gave me hope and wisdom. I would say that despite of our loss, we are proud that once in our life we became parents even for a short time. Baby dust to all!

http://www.lifesitenews.com/blog/my-sibling-i-never-acknowledged?fb_action_ids=10151883729687796&fb_action_types=og.likes&fb_source=other_multiline&action_object_map=%7B%2210151883729687796%22%3A640847975941504%7D&action_type_map=%7B%2210151883729687796%22%3A%22og.likes%22%7D&action_ref_map=%5B%5D


Jeannybaby

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 113
    • My Blog :)
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #308 on: March 27, 2014, 12:44:00 am »
Its been a long time since someone posted on this thread; but i just wanna share.. Im also diagnosed with blighted ovum; bHCG levels didnt go up, and im due for another ultrasound nxt week to confirm...  But OB said all my symptoms indicate blighted ovum; tapos almost everyday had brown discharge. supposed to be my first pregnancy so it's quite sad.

GMGravity

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 193
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #309 on: March 27, 2014, 02:15:28 pm »
Sabi sa blog na nabasa ko, pag nakunan ka malaki ang chance na mabuntis ka agad, pero malaki din ang possibility ng miscarriage, dapat 2 cycles muna ng mens bago ka mag plan na magka baby ulit. Minsan ang dahilan ng miscarriage ee mababa ang matres, di ko alam kung makakatulong ang hilot dun pero wala naman masama kung susubukan di ba? Basta bago kayo bumuo, dapat muna maging handa ka physically and emotionally para maiwasan na ang miscarriage. Dadating din ang baby natin sa tamang oras at panahon. Wag mawalan ng pag asa mga sis. God bless.

Iyan din madalas ko marinig kasi dahil nga daw nalinis sa loob. Ganyan nangyari sa sister in law ko last 2012. Around March confirmed na buntis siya pero parang nakunan siya mga 2 months after. Pero October that same year, buntis na siya ulit. Nagresign siya sa work niya kasi super tagtag siya sa biyahe and pagod. Naghanap na lang siya ng malapit sa house nila. So far, wala naman naging problema dire-diretso ang pagbubuntis niya.

lakwatsa

  • lakwatserang
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2099
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #310 on: March 27, 2014, 10:01:25 pm »
just want to share din. i lost mine last Tuesday lang. honeymoon baby sana namin. :(

Monday last wk ang check up ko sa doc. supposed to be 6w3d na ko nun pero nun inultrasound nya ko 5w5d pa lang daw. tapos wala pang heartbeat pero may sac na. then ang medyo nakakaworry is dun sya sa tabi ng myoma (2cm) nabubuo. OB advised to repeat the ultrasound after 1-2wks to confirm fetal viability tapos folic acid lang yun nireseta nya. then play it by ear na lang daw kasi tabi nga ng myoma nabubuo. pero since mag a abroad pala sya, after 1 month na nya ko pinapabalik for ultrasound.

kaso nga lang last Sun around noon time, nagulat ako kasi nag brown spotting ako. eto yun pag nagwiwi ka at nagwipe ka ng tissue e may makikita kang kulay tan sa tissue. the next day around noon time ulit, i noticed may dark brown nang lumabas. dry sya so natakot ako. i checked the internet and sabi its old blood so should be nothing to worry. pero that same afternoon, bigla ko nafeel yun may lumabas, pagka cr ko mucus-like na sya tapos pag nadidikit sa tissue e nag iiwan na ng red marks.

note na i didn't feel any pain at all pero dahil may red na e scared na ko. so the following day, punta kami agad sa OB kaso wala sya so reliever lang yun nagcheck sa kin. that day, naging continuous na yun paglabas ng mucus-like red clots sa kin. everytime na nag wiwiwi ako sumasabay sya. i'm so scared na kasi sabi ko parang first day ng period ko lang ang nangyayari. although may hint na ako na nakukunan ako, at the back of my mind, parang di ko matanggap kasi wala naman akong nafeel na pain e.

pinaultrasound nya ako and di na nakita yun sac dun. pagka insert ng probe, naramdaman ko yun agos na talaga ng whole blood. sabi ko yun na yun. wala na yun baby. supposed to be, dapat malalaman na namin if may heartbeat na sya this week pero iba ang nangyari. pagbalik ko sa OB, ni-IE nya ako and more blood came out. inadvise nya ko to have D&C kasi daw pag hinayaan ko lang na natural lumabas e baka magtagal pa yun bleeding ko at saka meron at meron daw naiiwan sa loob so mas ok kung iraspa para mailabas lahat. that same day, i got admitted.

the doc couldn't tell if the miscarriage was due to the myoma or kung talagang hindi lang natuloy mag develop yun sac like blighted ovum ganun. :(

so ayun, my advise, if there is any blood, kahit anong kulay pa yan - tan, brown, black, maroon, red at kahit walang accompanying cramps or pain, punta na kayo agad sa OB to have it checked.
Live, love, laugh...

...and show an act of kindness each day :)

dropdeaad

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 186
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #311 on: April 11, 2014, 01:48:39 am »
It's been 4 months since makunan ako due to blighted ovum sobrang sakit sakin mawalan ng baby kasi parang tanggap ko na tsaka ng bf ko sabay hindi pala siya totally nabuo kaya pag may naririnig akong buntis or happy na nagbubuntis naiinggit ako kasicyung baby nila makapit eh. Pero hindi pa ako ready ule magkababy dami pang kailangan gawin pero 3 months nako delayed nagpipills naman ako kaso parang may gumagalaw na lagi sa tummy ko tas naninigas na lagi puson ko could i be pregnant again? Ayoko muna magpt kasi natatakot ako talaga eh :( baka preggy ule ako okay lang naman sakin kaso hirap magkababy pag wala pang stable na buhay.

spaghetti

  • Probationary
  • Posts: 3
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #312 on: April 11, 2014, 07:50:58 am »
Hi all...just want to share about my recent miscarriage experience...   :(
Mar21, I found that I was 4wks pregnant. A week after, we were told that the sac was not growing and my hcg levels were also low, so mag-expect na daw ako na magbleed.  I took another opinion from a different doctor and from their scan, they did not find any sac at all, which left me super heartbroken and confused.  So medyo tanggap ko na na wala na talaga until last Apr7 I had this terrible lower back pain.  I was rushed to the hospital and to make it short, the ultrasound found a 4wks 6days sac.   I thought it was a miracle.  But I was already having discharge so I was advised for bed rest.  Until the discharge became bleeding.  At first, I was in denial that it was blood already.  I have been reading millions of articles online and marami nagsabi na maybe it is an old blood.  Until Apr9, super sakit ng puson ko and I felt this huge clot came out from me.  I wasn't thinking right at that moment.  Nasa kamay ko yung big clot na parang dugo...and i was so scared I knew I lost the baby.  This was finally confirmed by the doctors sa ER.  But according to the scan I still have retained some in my uterus kaya I was prescribed Methergine.  Super sad ako and feeling weak, maybe because of the medicine.  I am still bleeding.  Ang hindi ko pa maintindihan is yung resident OB sa hospital did not even advise na magpahinga ako.  Parang hesitant pa sila magsabi kung ilan araw daw ako magpahinga.  My ob at that time was out of town kasi...

Super painful and traumatic yung experience ko.  I don't know how some people felt when they had natural miscarriage...if meron sa inyo, please share your experience.. Everytime naaalala ko yung blood sa kamay ko (almost the size of my palm), umiiyak ako...

Anyone please?  Nung nagmiscarriage ba kayo, how long kayo leave from work?  Did you avail of the maternity leave?  Ang dami ko iniisip ngayon and at the same time I am still grieving.  :(

sweetarwen07

  • Aragorn's Queen
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 214
  • cynical optimist
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #313 on: April 11, 2014, 11:11:15 am »
Super worried here. This is my second baby. I lost my first baby last 2012.

Now, 15 weeks na ang second baby ko. Bigla ba naman ako nag spotting. My doc immediately advised me to take duphaston once a day and duvadila 3 times a day. Uminom na ko. Antay daw tumigil ang spotting. If not, mag leave ako 1 week sa work.

Cant help but worry na baka maulit miscarriage ko. Nag spotting din kasi ako dati, nagpa ultrasound ako that same day, at sabi wala na daw heartbeat baby.

Sana wag ba maulit. :(
"So we have nothing over which to fret; but simply wait to see our pieces played.  I am eternally his possession, I am eternally his."

dropdeaad

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 186
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #314 on: April 11, 2014, 01:52:15 pm »
Ako sis galing ako natural miscarriage last december dapat 11 weeks na ata akong preggy pero mga november palang may spotting nako pinatake ako ng duphaston non and bedrest pero after 3 weeks bigla nalang ako dinugo na parang mens bali 3 days lumakas dugo ko tapos nung pinaultrasound ako gestational sac lang meron at 4 weeks bigla kasi nung una 5 weeks na eh kaya medyo malabo na meron kaya pinastop nadin ako sa duphaston tapos mas lumakas na bleeding ko then nung saturday noon after ko magpacheck bigla nalang akong dinudugo ng malakas tas may kasamang lower back pain tapos ilang minutes palang humilab na yung puson ko sumabay pa yung poop ko kaya hndi ko maiere ng maayos baka kasi sumabay yung dugo then after noon lumalabas na yung mga blood clots tapos yung sac nya na puti na laman after noon narelieve na yung pain pero andyan padin yung bleeding. Pinaparaspa ako ng ob ko nun kaso ayoko takot ako sa raspa tapos pinainom nalang ako methergine then after a week nawala na bleeding ko tas okay na. Bali 2 weeks ako hndi nakapasok buti nalang xmas vacation na non.

lakwatsa

  • lakwatserang
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2099
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #315 on: April 12, 2014, 10:21:37 am »
mga sis sabi ng doc, mas ok iraspa kasi pag natural lang, meron at meron daw naiiwan sa loob ng uterus at possible malason ka pa daw sa ganun. kapag niraspa, dun lang nakukuha lahat so magiging clean yun uterus mo. saka pag natural lang daw kasi di mo alam kelan titigil ang bleeding e.
yun pagraspa naman ginagawa din sya minsan to stop abnormal bleeding o di kaya para alisin yun nabubuong polyps. hindi naman sya masakit mga sis kasi under anesthesia ka naman. nun nagising ako noon done na sya e. tapos pinainom lang ako ng medicines after. yun bleeding naman mahina lang. pantyliner lang keri na.

@sweetarwen07, rest ka sis. pray at iwasan mag worry. baka makatulong kausapin si baby na kapit lang sya. past 1st trimester ka na naman e di ba so dapat wala na yun mataas na risk ng miscarriage.

@dropdeaad, sis buti yun sa u nalaman na blighted ovum. yun akin di na nalaman kung ano cause e. lakasan mo loob mo sis at mag PT ka. pero kung nagpipills ka naman, di ba mas delikado yun kung may nabuo? pa-check up ka na agad sa OB sis. kaya mo yan. be strong.

@spaghetti, entitled ka sa maternity leave sis. 60days yun. if you are an employee, claim mo yun. right mo yun e. yun OB ko mismo nagsabi nyan. ayoko nga sana kasi SSS lang ang sweldo pero kelangan din ng katawan natin magpahinga. saka kahit ok na physically, emotionally kelangan din natin magrest at matanggap yun nangyari.

isipin na lang natin na hindi "perfect" yun little one kaya di sya itinuloy ni Lord na ibigay sa tin. sabi kasi nila minsan chromosomal abnormalities kaya hindi tumutuloy ang development e. so love pa rin tayo ni Lord kasi ayaw nya tayo mahirapan :)
Live, love, laugh...

...and show an act of kindness each day :)

sweetarwen07

  • Aragorn's Queen
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 214
  • cynical optimist
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #316 on: April 12, 2014, 12:56:42 pm »
Salamat @lakwatsa. Puro positive thoughts lang. So far, nag stop na bleeding. May konting cramping lang. Hopefully pati itong cramping wala na today.
"So we have nothing over which to fret; but simply wait to see our pieces played.  I am eternally his possession, I am eternally his."

spaghetti

  • Probationary
  • Posts: 3
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #317 on: April 14, 2014, 02:00:26 pm »
thank you @lakwatsa... marami nga nagsasabi na I need to rest.  in denial kasi siguro ako kaya iniisip ko kaya ko na magwork after holy week...but yes, i will take my maternity leave.. para sa akin din naman iyon..

salamat uli..

ms_babhie_anne28

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 226
  • Doctor na Kikay
    • Let's Prettify
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #318 on: August 05, 2014, 11:23:13 am »
I just had my d&c last July 21. He is supposedly our first baby. Sobrang saya ni bf that time. My LMP was March 8. My first ultrasound was perfect. Teary-eyed pa bf ko when he heared the heartbeat. Then we got so busy mag-asikaso sa wedding namin. I had no symptoms at all-- no pain, no bleeding/spotting. So I thought everything's well with our baby. 1 week after our wedding, we went to my OB for my 2nd prenatal check-up. She tried to listen for my baby's heartbeat using the doppler twice. Magkaibang doppler pa ginamit niya but wala talaga. So nagpa-ultrasound kami right away but unfortunately, wala talagang heartbeat si baby. And he's a baby boy pa naman. I was 14wks then. Sobrang humagulgol ako nun habang inuultrasound. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Ang daming tumatakbo sa isip ko. I'm a doctor. And that time, I kept on saying to the sonologist na baka anjan lang yung heart, kahit na nakikita ko at nagegets ko sa ultrasound na wala talaga. Parang nawala lahat ng mga inaral ko. Ang dami kong tanong... Laging bakit bakit bakit. Sobrang sakit kasi I never imagined in my entire life na mangyayari sakin to. Then fear came in, knowing na mararaspa ako. Since I'm a doctor, too much knowledge can make you praning. Iyak ako ng iyak. Tinitingnan ako ng mga nakapila sa ultrasound at tinitingnan ko sila, tinatanong ko sa sarili ko "bakit nangyari sakin to?" Dati pag may mga patients kami na nakukunan, they would cry, minsan natatanong ko sa sarili ko na "ano kayang nararamdaman nila? bakit sila naiiyak eh di pa naman nila nakikita at nakakasama ang baby?" Now I fully understand how it feels. Pag nanay ka pala, mararamdaman mo. Siguro painful man, pero madami akong natutunan... as a doctor and as a patient. This also made me and my husband become closer and stronger.  Siguro masasabi kong nakapag-move on ako after ko ma-d&c. We waited kasi. Usapan namin ng OB ko na wait namin mag-pass out naturally kasi I really don't want to undergo d&c. So we waited almost 2 weeks before I finally decided magpa-admit. Then naadmit ako and naginduce. But ayaw mag-open talaga ang cervix ko and di ako nagbbleed. Laging spotting lang... After 1 week na stay sa hospital, nagdecide ako magpa-d&c. Ayun... Ngayon, I'm praying and hoping na ma-bless kami and I'm willing to do and give-up anything, mairaos ko lang ng maayos ang next pregnancy ko.

lakwatsa

  • lakwatserang
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2099
Re: Naexperience nyo n ba makunan or miscarriage?
« Reply #319 on: August 05, 2014, 12:47:45 pm »
^hugs sis. :( what week daw nagstop ang development ni baby?

wala ka bang pregnancy symptoms na naramdaman before tapos yun tipong biglang nawala? minsan daw kasi ganun e. wala kang usual miscarriage symptoms pero yun pregnancy symptoms mo biglang mawawala.
Live, love, laugh...

...and show an act of kindness each day :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close