watch now

Author Topic: bakit kayo nag resign sa job nyo?  (Read 137385 times)

thea_girl

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 279
Re: bakit kayo nag resign sa job nyo?
« Reply #420 on: March 19, 2019, 01:02:12 pm »
sobra na yung trabaho, parang pasan mo daigdig sa work load. I want to live longer, that is why I resigned. Life is short, I know I can still get a new job.  ::)

freelancerGClemente

  • Probationary
  • Posts: 2
Re: bakit kayo nag resign sa job nyo?
« Reply #421 on: April 03, 2019, 12:36:04 pm »
Burnout, tapos di na masaya yun environment - toxic mga kawork lalo ang boss. HAHA. Masyadong involved kasi sa personal life ng mga tao, and minsan di na nya mai-separate yun personal issues sa work. Hanep diba. So ayun, resign, tunganga mode for a while tas now working as a freelancer online.  ;)

https://geraldineclemente.wixsite.com/freelancergclemente

kyliejane

  • Newbie
  • *
  • Posts: 33
Re: bakit kayo nag resign sa job nyo?
« Reply #422 on: April 03, 2019, 10:50:51 pm »
Greener pasture, location issues, personal growth. Lahat na!

D4thAngel

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 594
Re: bakit kayo nag resign sa job nyo?
« Reply #423 on: April 05, 2019, 07:01:04 am »
Had to find a job that can balance a family and career. Sawa na ko makiusap sa yaya. Lumalaki ulo nila habang tumatagal.
Surround yourself with people who encourage you, inspire you, and believe in your dreams.

mysterioza_me

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 6251
Re: bakit kayo nag resign sa job nyo?
« Reply #424 on: April 30, 2019, 11:20:08 am »
^Sinabi mo pa sis. Amo na ang MAS nakikibagay sa Yaya ngayon. Di mo mapagbigyan wawalanghiyain ka. Pagsabihan mo lalabas na minamaltrato mo agad. Susko!
If a girl understands your b******t, stick through your mistakes, smiles even when you've done nothing for her , it's obvious she's a keeper. But it's also obVious that you don't deserve her...

mamy_maldy

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 122
    • Mommy Journal
Re: bakit kayo nag resign sa job nyo?
« Reply #425 on: May 30, 2019, 02:37:42 pm »
Bagong Boss na may favoritism agad at nakikinig sa tsismis. Pay is very good and benefits generous, but I can not work with a Boss na hindi neutral. Nakaka toxic un ha.
"Make your words soft and sweet, if in case you need to swallow it, you can swallow it well"

http://mamymaldy.blogspot.com/

missyuko

  • Blue Clover Dreamer
  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 126
Re: bakit kayo nag resign sa job nyo?
« Reply #426 on: June 30, 2019, 10:08:56 am »
1st job. love the events, mababait mga kasamahan sa work. yun nga lang mahal pa ang travel at ibang expenses ko para makapag work at ang layo sa residence ko. pag uwi pagod pero gagawa ka pa ng paperworks sa bahay. kaka grad ko lang nun, at sweet deal na siya dahil kilala yung
company at ok na experience. kahit masaya ko dun, umalis ako para i pursue ang ibang work. overall: hassle na commute at low salary

2nd job. after a year and a half of being being jobless dahil di ako na absorbed sa IT firm, pinag hintay lang ako ng 9 months kakapabalik balik at contract signing na lang daw then biglang regret letter. nag try ako bumalik sa industry na kagaya ng first job ko at mas malapit yung place sa bahay. yung salary same halos sa first job ko pero nakakpag save naman ako ng konti kase malapit lang. at yung proximity ng company sa establishments like malls at restaurants at market, etc ay super convinient at walking distance lang. yung ilang lakad lang pwede ka gumala sa break time mo. yun nga lang stressful ang work, stressful ang boss at iba naming kasamahan sa work. gusto ko naman yung job ko pero malaking factor din yung boss at kasamahan mo sa work.

3rd job. hopefully 3rd's a charm. pero kinakabahan ako, naging cautious nako after ng 2nd job ko. hindi muna ko ganu mag eexpect 
What good is it for someone to gain the whole world, yet forfeit their soul? -Mark 8:36

purple_girl

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 809
Re: bakit kayo nag resign sa job nyo?
« Reply #427 on: September 07, 2019, 05:57:41 pm »
not yet resigned but currently exploring for professional growth and greener pastures. feeling ko kasi medyo dead end role yung role ko ngayon and can't move naman to another department or team due to technical skills-gap. no available trainings naman offered sa company at the moment to bridge that gap. i've gone through a recruitment process in a new company and i passed daw as per HR. i'm hoping lang that i'll get an offer letter na soon since for approval pa daw at may asking rate is a tad higher than their budget. not sure if dapat pa ba akong umasa or look for other opportunities pa.

megansmomma

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 936
  • what's wrong with being different baby? :)
Re: bakit kayo nag resign sa job nyo?
« Reply #428 on: September 10, 2019, 06:34:07 pm »
After 41 months, I AM NOW JOBLESS!!!!

Had to look for greener pastures, mas makakabuhay sa aming mag-ina, feeling ko walang career growth so instead, i will try to explore other fields somewhere.. maybe start again from scratch, one thing I am sure now is I need to have job soon for my baby.

emjhay2355

  • Probationary
  • Posts: 5
Re: bakit kayo nag resign sa job nyo?
« Reply #429 on: October 02, 2019, 12:35:34 pm »
1st job -  una nasa travel agency ako as marketing sales pero nag kacomflict sa OIC kasi oic and my boss have an affair! Eh yung boss ko parang may gusto skin so nag selos tong oic lagi ako pinag titripan at lagi ako pinagbabalingan ng stress.. so I wanna quit then since my boss has two different business napilitan syang ilipat ako sa kabila. Kaso di ko nagustuhan yung working environment dun saka am not good at math since signage advertising yun more on computation, so I end up resigning for 1 year and 2 months pero pag sinama mo [textspeak!] experience sa kabila 1 year and 7 months sana total..  8)


2nd job - sa skin care clinic as front desk officer para ma try kong magamit yung pinag aralan kong tourism. Pero parang di ko nakikita ang sarili ko na tatanda [textspeak!] mga tao dun... liit pa ng sweldo tapos layo sa family and far form dorm!!!  ::) :-\ :-\ :-\


Now am looking for a better one! Sana yung tatagal na ako! Btw 25 yrs old na ako?  :) :) :)

Ld_awesome

  • Probationary
  • Posts: 8
Re: bakit kayo nag resign sa job nyo?
« Reply #430 on: October 04, 2019, 01:01:42 pm »
1st job - work overload not par with salary
2nd job - i looked for regular position again
previous job - company unstable and shifting schedule was getting difficult for me to cope with

abuelita

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 36
Re: bakit kayo nag resign sa job nyo?
« Reply #431 on: January 02, 2020, 02:40:16 pm »
Burnout. Everything was okay at first, then things got more demanding with quota and quality. Shouldnt have been a problem if employees were properly trained. Took a toll on my health that I began having panic attacks in the middle of a meeting.

Wala pa ko inaapplyan na iba. I'd like to rest for a bit, kasi natoxic talaga ako ng sobra it made me question my career path.

Marics25

  • Probationary
  • Posts: 1
Re: bakit kayo nag resign sa job nyo?
« Reply #432 on: January 02, 2020, 03:11:08 pm »
Toxic si boss masyadong mapagsamantala sa empleyado, mababa na nga sweldo dami naman obligasyon sa trabaho. Mabuti sana kung patayuan ako rebulto pag namatay sa sobrang pagod sa trabaho 😂

mysterioza_me

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 6251
Re: bakit kayo nag resign sa job nyo?
« Reply #433 on: January 03, 2020, 01:18:40 pm »
^Ganyan na nangyari sa kin sa previous work ko. Hindi ko na alam saan ako lulugar. Nasa gitna ako lagi ng client vs company policy. Pagsinunod ko company policy at ang outcome e na-frustrate si customer, kasalanan ko. Kapag nagbigay naman ako ng courtesy dahil nagbend ako konti sa company policy at naging happy si customer,  may kasalanan pa din ako kasi di ako naging strict sa pagsunod sa company policy. Dumating na ako sa point na napapanaginipan ko na trabaho ko. Nininerbyos na ako kapag nagri-ring maski cellphone ko or nakakarinig ako ng nagri-ring na cellphone. Nasa byahe pa lang ako papasok iniisip ko na ano na naman haharapin ko sa magdamag at kung matatapos ko pa ang araw. Thankful ako na nakatagpo ako ng maayos na work ngayon at magandang company. Sana lang yung bagong sup namin wag ma-regular, kaimbey siya.
If a girl understands your b******t, stick through your mistakes, smiles even when you've done nothing for her , it's obvious she's a keeper. But it's also obVious that you don't deserve her...

MrsG.2020

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 90
Re: bakit kayo nag resign sa job nyo?
« Reply #434 on: January 06, 2021, 10:25:41 am »
^Ganyan na nangyari sa kin sa previous work ko. Hindi ko na alam saan ako lulugar. Nasa gitna ako lagi ng client vs company policy. Pagsinunod ko company policy at ang outcome e na-frustrate si customer, kasalanan ko. Kapag nagbigay naman ako ng courtesy dahil nagbend ako konti sa company policy at naging happy si customer,  may kasalanan pa din ako kasi di ako naging strict sa pagsunod sa company policy. Dumating na ako sa point na napapanaginipan ko na trabaho ko. Nininerbyos na ako kapag nagri-ring maski cellphone ko or nakakarinig ako ng nagri-ring na cellphone. Nasa byahe pa lang ako papasok iniisip ko na ano na naman haharapin ko sa magdamag at kung matatapos ko pa ang araw. Thankful ako na nakatagpo ako ng maayos na work ngayon at magandang company. Sana lang yung bagong sup namin wag ma-regular, kaimbey siya.


Same here. Papasok pa lang ako stress na ako. Nininerbyos ako lagi sa mga mga messages, calls lalo na emails. Nakakastress ang workmate and superior. Ako lagi nag aadjust.  Haaaay help me. 10 years na ako sa company. Heeelp!

eeyanross

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 46
Re: bakit kayo nag resign sa job nyo?
« Reply #435 on: January 09, 2021, 04:09:27 pm »
Magr-resign pa lang .. for greener pasture, growth and wider opportunities.  Wala akong makitang negative if I leave my current job, kelangan lang nang tiyaga and lakas nang loob.

charlene_fn

  • Administrator
  • GirlTalker
  • ******
  • Posts: 45
Re: bakit kayo nag resign sa job nyo?
« Reply #436 on: February 23, 2021, 11:49:24 am »
Hi, ladies!

Are you going through a tough time at work? Kailangan mo ba ng kakuwentuhan?

Join us as we talk about all things work from resigning to shifting careers on the Calamansi app on Wednesday, February 24, at 9 p.m. Feel free to simply listen in or share your concerns with other Pinays.

Chika naman tayo. Click this link to join Girl Talk Live: Usapang Trabaho: https://share.mansi.io/fGFjYfQm5db.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close