Good day! Newbie here! Gustong-gusto ko lang talaga malaman kung meron ba sa inyo ditong nagpa-PAP smear and merong coccobacilli sa results, at kung pano niyo ginamot yun.
Ganito kasi. Ikukuwento ko sa inyo lahat. Sobrang haba nito, pero I hope you'd take time to read.
I had a new partner and nag-sex kami like around 3 days before my period. Wala naman akong weird na naramdaman nun, except masakit nung una. Pero gets ko naman kasi matagal na rin since nung last ko. Right after ng period ko, nagdo ulit kami. That time, medyo masakit sya the whole time. Pero sa isip ko siguro kasi hindi ako masyadong turned on kaya kulang yung lubrication eh medyo hardcore pa naman yung partner ko. One day after, it was Tuesday, I started feeling this abdominal pain which kind of resembled menstrual cramps, pero di sya ganun kasakit. Annoying lang. Naisip ko baka kasi ang dami kong nainom na bottled juice at kape nung araw na yun kaya ako nagkaganon kinagabihan. Nagpatuloy yung ganun buong araw kinabukasan, pero nung sumunod na araw nawala rin naman. Nung mga sumunod na araw, iba na yung naramdaman ko. Dumami yung vaginal discharge ko and nagkaamoy sya. Like, kahit nakaupo lang ako, naaamoy ko pa rin sya. Hindi sya mabaho, like repulsive smell. Pero weird, hindi naman ganun yung amoy ko dati eh. Actually, wala talaga akong naaamoy before that.
Sabi ng friend ko na bago lang nagka-UTI, nangamoy din daw sya down there nung before sya nadiagnose, pero wala yung sakit pag umiihi. Kaya nagulat na lang daw sya nung nagpa-check up for a medical certificate, sabi ng doctor na may UTI daw sya. So nagpacheckup na ako nun, Friday, kasi baka UTI. Pero sa isip ko, parang hindi talaga kasi yung discharge ko nag-iba eh, naging mas yellowish pa sya tapos kumati rin yung opening ng vagina ko. Kahit katatapos ko lang maligo at maghugas, makati tapos may discharge na ako agad. Nagstart ako mag-betadine fem wash nun. Nawala yung kati after 2 days, pero yung discharge, ganun pa rin. Nung lumabas urinalysis ko, sabi ng doctor uminom daw ako ng maraming tubig pero walang niresetang gamot, tapos bumalik daw ako after one week para mag-urinalysis ulit. Di na ako bumalik.

Nagpunta na ako sa gynecologist.
Sinabi ko sa gyno yung changes sa discharge and amoy ko down there. Tinakot pa niya ako, baka raw STI. She performed PAP smear on me and after a week, lumabas may bacterial infection nga ako. Hindi naman sya STI, thanks God! "Coccobacilli consistent with shift in vaginal flora" yung may checkmark sa lab results. Niresetahan niya ako ng Doxin na 100mg, 2x/day for 7 days. Tapos pinapabalik niya ako one week after ko matapos yung medication. Nagka-period ako while taking the antibiotic. I was hopeful na gagaling na ako, pero after ng period and ng medication, ganun pa rin yung hitsura at amoy ng discharge ko. Although may improvements naman, di na ganun kadami and kastrong yung amoy. Nagiging strong lang sya lalo na pag pinagpawisan ako sa may butt part. Sobrang strong na kahit nakaupo or nakatayo ako, naaamoy ko sya. Nakakaconscious tuloy.
So yun, pagkabalik ko, nag PAP smear ulit and yung lumabas sa results, normal naman na. Wala na akong infection, pero nakalagay sa remarks na "flora consists of coccobacilli". Mga 2 weeks bago ako bumalik sa gyno ko, kasi nainis ako sa kanya at nawalan ng tiwala. Nung bumalik kasi ako nung date na sinabi niya, nakalimutan niyang dalhin yung results ng PAP smear ko. Sabi iemail na lang daw niya kinagabihan, pero wala. Kinabukasan, nag-email ako sa kanya. Wala pa rin. Bumalik ako last last Monday, pero di ko sya inabutan so kinuha ko na lang yung results ko sa secretary niya. Nagpunta ako ng family medicine doctor na free kasi sa school lang namin. Sabi niya baka okay na kasi normal na raw yung results tsaka dumadami raw talaga yung discharge pag nagsimula na makipag-sex, pero hindi ako convinced so sabi niya magpa-second opinion ako sa may Quirino Memorial. Kaso ang haba pala ng pila dun. Bumalik na lang ako sa dati kong gyno kasi yun pinakaconvenient for me kahit may bayad.
Sabi ng gyno ko, okay na raw ako. Hindi ako convinced dahil nga after all those weeks, same pa rin yung consistency ng discharge ko since nung nagstart yung infection ko. May improvements pero feeling ko di pa rin ako okay. Ininsist niya na nagchichange talaga yung vaginal discharge depende sa cycle mo and sa kinakain mo, nangangamoy rin depende sa suot mo lalo na yung masisikip. Alam ko na yun lahat kasi ang dami ko ng nabasa sa internet. Sabi ko wala namang masyadong changes sa lifestyle ko eh, lalo na sa kinakain. Yung palagi ko lang kinakain before, ganun lang. Ayun sabi niya, obserbahan ko na lang sarili ko and bumalik ako after my next next period, that woudl be around eng of August.
Gusto ko malaman if anyone among you here had the same experiences as me, or anything close, at pano ba na-cure totally yung sa inyo? Naiistress na kasi talaga ako. Magtithree months na akong ganito eh.

I had become very conscious about my thing down there. Naghuhugas na ako twice a day, and nagwawipe na rin ako w/ tissue every after ko umihi, from front to back of course, na hindi ko naman habit dati. Bumili ako ng bagong underwears, 100% combed cottom. Hindi na rin kami nag-sex ng partner ko, last na yung sa May before ako nagkainfection, kasi bawal pa nga, and thankfully, gets naman niya. I wonder kung normal na ito sa akin? Does vaginal discharge change din pag naging sexually active ka na? Mine is yellowish and creamy yung consistency, parang yung lotion na hindi thick. Hindi rin nag-iiba yung consistency niya throughout my cycle, napansin ko nitong last 2 months. Dati naman nagchichange eh, from creamy to parang egg white, tapos usually clear to white to slightly yellowish yung kulay. Pag natutuyo sya sa underwear ko, it becomes crusty and mas nagiging yellowish pa. Yung amoy niya, hind repulsive; nag-iinhale deeply nga ako pag inaamoy ko yung shorts ko and panties. Para lang syang maalat at minsan maasim at medyo matamis yung amoy. Di ko alam kung ano talaga amoy ng sour milk, pero baka ganun? Nakaka-feel din ulit ako paminsan-minsan nung parang menstrual cramps, pero nawawala din naman sya agad. Nakakabother lang kasi feeling ko parang may namamaga sa loob, pero normal na yung PAP smear eh, so ano yun? Kahapon parang kumati sya pero parang for one secone lang, parang natusok lang ng buhok, alam niyo yun? HUHU. Ang dami-dami ko ng pinagsabihan at pinagtanungan tungkol dito sa problema ko, pero I have yet to find the answer and cure to my problems. I hope dito, makahanap ako. Please.
