Girl Talk

Work & Money => Savings & Investments => Topic started by: tomatostellar on July 28, 2012, 02:37:24 am

Title: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: tomatostellar on July 28, 2012, 02:37:24 am
there are some people talaga na I can't seem to say no to,,mga ka-close ko din na I know gipit talaga. Iba small amount lang heram, pero there are some people na di talaga nagbabayad =/ and these small amount sum up din to a bigger of course, pero sa iba ibang tao
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: pinkberries on July 28, 2012, 03:17:53 am
Find a reason to say NO.  ;)

Kahit ano... may babayaran kang credit card, strictly budget lang kasi pera mo dahil may loan kang binabayaran, o di kaya nanay na nanghihingi ng amount for her monthly salon visit.   ;D  just anything. 

Learn to say NO, especially to those na hindi marunong magbayad.  Kahit gaano pa ka emergency yan.  Remember, hindi lang siya ang may problema.  Ikaw din, you have your own battles to fight too.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: saskia on July 28, 2012, 03:21:27 am
sad to say, i simply can't.

hirap ako tumanggi sa mga ganyan kesehodang halos wala namatira sakin. feeling ko kase lahat sila matter or life and death  which i think is wrong and dapat ko mabago kase imposible naman talaga lahat ng nangutang sakin eh nasa life and death situation na.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: tomatostellar on July 28, 2012, 03:25:47 am
^ parang ako pa kasi nag-guilty na di makapag paheram pag alam kong may spare ako,
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: adrian on July 28, 2012, 10:22:28 am
Ay Dios ko, sis, andaming beses na ako na-burn sa pag-papautang kaya nadala na ako.

Tama si pinkberries:

-Learn to say NO,
-especially to those na hindi marunong magbayad.  Kahit gaano pa ka emergency yan. 
-Remember, hindi lang siya ang may problema.
-Ikaw din, you have your own battles to fight too.

Life is hard and it can be a real battle at times. You give away your ammunition, what do you have to rely on to protect yourself? You work hard, YOU sacrifice, you earn your money, then people expect YOU to be their ATM....tama ba 'yon?


At si Saskia:

 -imposible naman talaga lahat ng nangutang sakin eh nasa life and death situation na.


CORRECT!
If these people can't even manage themselves na mai-control yung finances nila, prepared ka bang maging lifeguard when they get themselves into trouble again? Wag kang magpa-martyr sa needs ng mga walang disiplina, that's THEIR life, THEIR issue, not yours.

Sis tomatostellar
- parang ako pa kasi nag-guilty na di makapag paheram pag alam kong may spare ako,

Mahirap kasi when it comes to people is that we women are trained to take care of others, and to put other first, kaya when people ask for help and we can't or won't, kahit papano, we feel guilty.

Pwe, binitawan ko na yang mindset na 'yan. Ayaw ko mag-alaga ng matanda (ie, adult person) na parang bata kung kumilos sa buhay. Past a certain age, you have to be responsible for yourself. That's the mark of a mature person. Yuo want something, discipline yourself to get it and sacrifice for it, not run to anyone wailing that you have a boo-boo and hoping they make it better.

Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: aquacharly on July 28, 2012, 10:52:54 am
Do not show you carry around excess cash.
      Hwag maging mayabang; get a rep for being kripz.
      Quesa  naman get a rep for being galante -- then, the issue is not that you can't say "no", but that you perpetuate/feed your image of being galante.

Say sorry, kasya lang money ko for my lunch and snack & transpo.

If malaki asked for, a short term loan for hundreds or thousands -- say your money is always taken by your mom/hubby/sister kasi you committed to a fixed deposit  time deposit ek ek ek k ek.  Pag ka ask  you for details -- say: Basta the 1 handling it is your mom/hubby/sister or whoever

Or, a version thereof -- naka time deposit money ko. Tight budgeting ako

If truly gipit and you want to help but you doubt babayaran ka --  do not give the whole amount hinihingi -- give say 10-20% thereof, or whatever maluwag sa kalooban mo -- Then say: Sorry, that's all I have, Pero sa yo na yan -- hwag mo na bayaran. Usually, mahiya na yan balikan ka uli. Good riddance, 1 manguutang down!  hehe


Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: saskia on July 28, 2012, 01:16:55 pm
Sorry, that's all I have, Pero sa yo na yan -- hwag mo na bayaran. Usually, mahiya na yan balikan ka uli. Good riddance, 1 manguutang down!  hehe

naku sis, that's the ideal scenario but sad to say, madami pa din who will take advantage of that tactic and would see it as an opportunity na "makalibre" nanaman next time..
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: luckymommy88 on July 28, 2012, 01:47:56 pm
We have a monthly budget for extended family bigay or mga friends na nangungutang ni hubby sa excel to control na rin. Super inis lang ako this month kasi lumampas kami sa budget while yung recreational budget namin for the family hindi namin nagamit. Meaning kami tinitipid namin ang sarili namin, we work soooo hard but failed to reward ourselves this month samantalang yung iba napapagbigyan namin  :-\

Yung ibang tao kasi wagas mangutang, isang text lang gusto deposit agad or smart padala na namin agad. Buti na lang din kahit papano we usually don't give the whole amount asked us. 50-80% lang afterall kapamilya pa din or kaibigan yun, bayaran kami o hindi alam ko kahit papano nakatulong. Hirap din kasi talaga ako tumanggi lalo na pag talagang close.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: rianne_mallows on July 28, 2012, 02:35:27 pm
I agree aquacharly.  Those tactics are enough to discourage the normal mangungutangs.

Pero Kung minamalas ka at kapal muks yung lumalapit sa iyo, iyong tipong makulit at nangonginsyensya, At parang ikawpa masama dahil lang hindi ka mkpg abot, ikaw din magdrama ka . Magkuwento kung paanong pagtitipid na ginagawa mo at yung mga bayarin mo etc etc. That's what my mom does.

I remember yung malyong kamag-anak namin, matanda lang sakin ng konti nangungutang sa nanay ko. Sabi ba naman ipangutang na lang daw siya ng nanay ko sa amin/mga anak niya para may maibigay sa kanya nasa sala din ako nun tapos sabay tingin sakin.
Sa inis ko sabi ko - close tayo?
Grabe talaga. Siya na pinakamakapal na nangutang na ive witnessed  so far
To think ang reason niyasa pangungutang eh pambayad sa mga kinakautangan niya

Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: marssie on July 28, 2012, 05:32:09 pm
If you really cant say no at close sayo,bigyan mo nalang ng any amount, like a friend of mine, inaabutan na lang niya ng 1k (10K kasi hinihiram), then tell her yun lang kaya mo kahit wag na niya bayaran at sabay bulong na sana wag ng mangutang ulit at mahiya na hehe

Ako naman pag close ko pinahihiram ko lalo na kung alam ko namang marunong magbayad,kaso minsan kasi kahit may pera kang ipahihiram kung may expected ka ring pagkakagastusan di ko talaga mapahiram, mas nakakaloka naman na ipahiram ko pera ko tapos ako naman ang mangungutang ng gagamitin ko para sa kailangan ko.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: aquacharly on July 28, 2012, 06:17:07 pm
naku sis, that's the ideal scenario but sad to say, madami pa din who will take advantage of that tactic and would see it as an opportunity na "makalibre" nanaman next time..

Well, yes - sometimes kapalmukz babalik nga.
 So bweltahan Ko -- eh binigyan  na kita last time.  Tama na.  Ganon din ka kapalmukz  sagot. hehe
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: sixteen16 on July 28, 2012, 06:41:14 pm
Dretso ko sinasabing "WALA" ako mapapautang.. kaibigan, relatives, kung sino man yan.. why? nahihiya kasi ako maningil.. hinihintay ko na lang sila magkusang magbayad pero kapag wala talagang sila plano magbayad nagiging "bigay" tuloy. Dami ng beses sa mom ko pa lang.. ako ang pinapasingil.. ang nangyayari kapag pinupuntahan sa bahay laging wala, hindi sinasagot ang phone tapos minsan sila pa ang galit. nakakainis lang. sa inis mo hahayaan mo na lang hanggang sa makalimutan. Tapos minsan lakas pa ng loob magyabang sayo, e samantalang ang laki pa ng utang nila. hayy.. tapos kame ginagawa ang lahat para makatipid.. kainis lang talaga. imbes na wala kameng problema, sila ang nagbibigay ng problem sa amin.

ito na lang lagi ko tinatatak sa utak ko at sinasabi, "Neither a borrower nor a lender be".. para wala ng problema.. :)
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: tomatostellar on July 28, 2012, 10:17:46 pm
"Well, yes - sometimes kapalmukz babalik nga.
 So bweltahan Ko -- eh binigyan  na kita last time.  Tama na.  Ganon din ka kapalmukz  sagot. hehe"

hahaha i super like this aquacharly, kapalmukz meets kapalmukz,

naker thanks sa mga input nyo :)
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: caterpillar-girl on July 29, 2012, 01:13:09 pm
I tell them kakapautang ko palang dun sa isa kong friend. It's not true of course, hehe, but then it gets us (me and the person trying to borrow money from me) out of a lot of trouble. I say, "Ay sorry,  actually kasi kakapautang ko palang dun sa friend ko. Naunahan ka nya, sayang!" So they don't feel THAT bad. Hehe.

But you know, you shouldn't have to make up stuff. Just say, may hinuhulugan ka rin payments. Or just say, naku now's not a very good time. If nakaluwag luwag ako baka mapapahiraman pa kita. Pero right now kasi pareho lang tayo mejo gipit. Wala naman sila magagawa eh.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: Jihan_Sr on July 29, 2012, 01:32:00 pm
nagpapahiram naman ako kapag kailangang kailangan talaga.
like sa office, sometimes pag nasho short ang officemates
at may extra naman ako, kahit 500 i let them borrow
cause binabalik naman.

pero may ibang officemate din na nagsisinungaling na kailangan
ng money kasi ganito ganyan, tapos malalaman mo kinabukasan
painom inom lang, dun ako nawawalan ng gana.
pag nanghiram ulit sinasabi ko na lang wala akong dalang pera
ngayon.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: babae_po_ako on July 29, 2012, 01:51:17 pm
yung nanay ko nagtatago at di nagpapakita sa mga nangungutang sa kanya..
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: mxherr5 on July 29, 2012, 09:22:14 pm
@aqua, same pla banat natin hehe
 ;D

I also tell potential borrowers that my money is tied up
in investments.

Pero like others said, there are still those who are very
makulit. I usually say that I'd have to pay a "fee" to get
that investment out  ;D so they'd have to pay me a
reasonable sum on top of what they want to borrow.

And unsecured loans are for the birds, I get any gadgets
they have like cellphones, psp,ps3,etc. If they're unwilling
to part with it, then I question just how "important" and
if it this is really a life or death situation if their gadget is
more important.

Note I've had all loans paid and have earned from those
fees   ;D

Except for my then girlfriend and my wife now. Sya lang
hindi pa nagbayad lol pero since wife ko na sya, it goes
without saying na quits na yun
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: leelou on July 29, 2012, 11:06:32 pm
naala ko lang nuon, nag-cash advance ako sa credit card ng P80K para lang may maipautang sa friend pero medical emergency naman yun. meron din isa na di ko matandaan ang reason, nag-sangla naman ako ng jewelry para may maibagay lang. kaloka!  ;D buti na lang naibalik din naman sa akin hehe

tapos meron sa mga friends ko dito na naghihiram, alam mong magastos pa sayo. yung tipong ikaw eh nagtitipid para lang may ma-save talaga pero sila makikita mo, gastos ng gastos, updated sa gadget, ang porma. kainis!  >:(

usually sinasabi ko, wala ako available fund. nasa utangan din or kaya napadala ko na sa account ko sa pinas. ganun na kasi ginagawa ko ngayon, pinapadala ko kaagad para hindi na mautang bwahaha! kapag may sobrang makulit, at alam ko importante talaga, i lend mga 1/3 or 50% lang. pag alam ko hindi marunong magbayad, small amounts lang ibibigay ko, like 1K or 2K. kahit hindi mabayaran, ok lang  ;D
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: juliaroberts on July 30, 2012, 09:58:27 am
As much as i wanted to help you, di rin ako ka-liquid kasi marami din akong hinuhulugan/binabayaran.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: ~ anna ~ on August 08, 2012, 06:13:37 pm
Pag ayaw ko pautangin, I tell them na I have no money to spare.  Yung iba kasi sa kanila namimihasa na e.  Nakikita ko na ang gastos nung iba, and hindi lang magastos ha, yung magastos pa na wala sa lugar, like bili ng bili ng unnecessary stuff like Starbucks, shopping ng shopping, papalit-palit ng cell phone, may Blackberry pang nalalaman--tapos lalapit kasi kulang sila sa pera, di umabot yung budget sa susunod na sweldo.

I have nothing against buying all that stuff and enjoying what money can bring.  What gets to me e yung mga namimihasa, yung lapit ng lapit para mangutang pero hindi nagtitipid.  Maaawa ako kung nakikita ko na nagsusumikap talaga yung tao magtipid and mag-ipon pero sadyang kinapos yung pera.  Walang kaso sa akin yun.  What I don't like e yung mga gastador, lalo na yung mga gastador na nagdradrama pa.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: pinklilac on August 08, 2012, 06:48:08 pm
sinasabi ko agad na wala akong work or idahilan ko na kakabayad lang tuition etc.
and yep magpahiram man ako maliit lang talaga para pag di nabayaran di na makaulit yung tao.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: sonia62 on August 08, 2012, 07:09:19 pm
i would tell them wala ako mapapautang sa kanila. pero buti na lang walang nagtatangkang umutang sa akin. alam siguro nila na hindi ko sila pauutangin! lol
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: pinkingrid on August 09, 2012, 03:23:37 pm
Wala namang masama to lend sa nangangailangan diba? Kung legit talaga na NEED at sobrang kinapos. But if you find out that they habitually borrow from you because of their undisciplined use of money or mali mali yung pinagkakagastusan, medyo dapat mag-ingat tayo.

I don't think mali din naman na sermonan sila from time to time no? They should be disciplined in the way they handle money din kasi
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: ishopnowfeelguiltylater on August 09, 2012, 03:32:39 pm
ako ang ginagawa ko, magpalusot ng magpalusot hanggang maisip niya na di talaga ako nagpapautang.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: MaitaOfMakeupOnDemand on August 09, 2012, 04:31:00 pm
I just say na may paglalaanan yung cash kaya hindi ako makapangutang. Maiintindihan nila yun when you say you need the money also... I hope
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: piatos on August 10, 2012, 01:20:12 am
sinasabi ko lang may pinagiipunan ako or may balak akong bilhin
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: girlalou on August 10, 2012, 07:54:40 am
I'm overseas, when I was new here, my cousin used to send me msg thru fb to ask for money.he wants me to send it via western union but I said no,ayoko masanay cia na isang message lang magpapadala na ko
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: sonia62 on August 10, 2012, 08:12:43 am
^ correct sis. may iba kasi tipong hindi naman talaga need pero nangungutang. like yung cousin ko umutang ba naman pang-gluta. kamusta naman di ba. as if she'll die kung di sya mag-gluta at kailangan mangutang? saka minsan pag sa mga ofw akala ata ng mga tao eh pinupulot nyo lang ang pera na sa isang iglap eh may mabibigay ka. eh pinagtatrabahuhan nyo din ang pera plus the fact na kailangan nyo tiisin yung hirap na malayo sa pamilya.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: crazycoolchic19 on August 10, 2012, 09:04:04 am
Alibi ko wala pa sweldo husband ko or may pinaghahandaan akong big budget eh, or magbabayad ako CC or may emergency kami binili laki ng halaga nasira budget ko, kaso ang nakakbadtrip nito after sabihin ko alibi ko mag iinarte , magpapaawa na nakakaguilty tuloy :))  di ba nya magets alibi ko ayaw ko magpahiram dahil once na magpahiram ka masasanay so from the start pa lang sakin tablado na :)) ang hirap kase titipidin ko sarile ko dahil sa mangungutang na hinde marunong magbudget ng pera !kapal talaga!ang hilig nyo manghiram si hubby lang nagwowork samin, samantalang kayo both working kapal lang ng feyz mangutang di marunong magbayad sa asawa ko !ayusin nya nga nila buhay nila.


Sa pamilya ko lang ako pede magpahiram, sa bro ko at hinde na utang yun bigay kona kase alam ko naman situation nila, pero dun sa  barkada ko na hinde marunong magbudget silang magasawa..at ang dahilan baby nya kase ganto kase ganyan, ako nga dalawa anak ko nagaaral eh ::)....ni wala sila binabayadan na kuryente dahil sa kapabayaan sa pera ! nagillegal jump pa! Napakagastos sa kung anong anik anik!Magbago na sila, dahil hinde lahat ng kaibigan ay maasahan at tutulungan sila,pamilyado kami.at kapag may history ka na ng kapabayaan mo nakakatakot magpautang :))
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: zidane on August 10, 2012, 10:02:56 am
hindi ako madalas mg pautang sa frens, but in case i do, depends on their reason... when i say no, i just say na kakabigay ko lang ke mama ko ganon... then pag nangulit, i will just say the same reason..bala na siya if mag tampo..

i have this one fren na nanganak tapos wala naman palang hawak na malaking pera, to think na 9mos sila dapat ng prepare for that. at sa private hospital pa talaga siya ng padala ah,,most of our frens hindi sila pinautang kc they are known to be carefree and the husband is so damn lazy to work,andami pang bisyo...
kami naman ni hubby binigyan na lang nmin sila ng small amount di na utang, kahit nakakabwisit naawa na lang kami dahil 2 weeks na sila sa hospital..saka baka sabihin wala kaming kwentang fren eh..

pag kuya ko naman bigay na lang mas madalas kc walang bayaran na yun eh... lalo na pag mama ko... hehe
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: maiandra on August 11, 2012, 03:00:04 am
nakakainis yung tinitipid mo sarili mo para ipautang sa iba. Hindi mo na tuloy ma enjoy yung pinagtrabahuhan mo.

Sa family ko ibang usapan syemppre, pero ang nakakainis yung ibang relatives ko na nakanganga na lang naghihintay ng grasya. Ang sarap taguan.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: sonia62 on August 11, 2012, 06:53:52 am
^ sis kainis naman talaga yung mga taong inaasa na lang sa iba ang buhay nila no. saka dapat maintindihan nila na hindi porke may work ka eh money comes easy. pinagtatrabahuhan mo yun at may mga pinagkakagastusan din naman tayo no. naku ako yung isang tita ko once nagtry sa akin. thru text nagsabi na  baka daw pwede ko palitan ng cash yung check nya or makahiram ng pera. naku eh may mga record na sila na hindi marunong magbayad ng utang. though nakakaawa kasi medyo hirap sa buhay, pero sinabi ko talaga na naku ang pera ko nasa bank. ayun never na umulit. di ko masabi ang yaman ng kapatid nya sa akin sya uutang. pano kasi ilang beses na sila napautang ng iba kong tita hindi naman nagbabayad. nakakainis kasi sa buong angkan namin sila yung pinakawalang pera kaso pano ka maaawa ang dami ng tulong na binigay sa kanila ng mayayaman kong tita at tulong yun na pangmatagalan like ipinasok nila sa work tito ko para may regular income sila. at hindi lang nila once tinulungan makakuha ng work tito ko kaso iisa ending: gumagawa ng kalokohan like ginagastos ang pera ng tindahan so natatanggal sa work tapos kahihiyan pa sa mga tita ko na tumulong sa kanila. yung tipong naging cycle/habit na nila na pag walang pera hihingi or uutang or papatulong. pero pag natulungan after ilang weeks wala na namang pera or work dahil sa kalokohan. haay talaga mga tao... hehe
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: zidane on August 13, 2012, 09:06:59 am
true mga sis... minsan mahihiya ka na lang gumastos ng bonga, well deserved naman dahil pinag hirapan mo yung pera mo, pero minsan hindi na lang talaga ako gagastos kc pag nakita nila kung anu2 sinasabi kesyo laki ng gastos ko pero sila kahit konti di ko mabigyan etc.. kaya minsan tinatago ko na lang mga binibili ko... sad noh...
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: sonia62 on August 13, 2012, 10:19:00 pm
^ naku sis kami din ni hubby ganyan. sad lang na mismong mga pamilya pa namin ang ayaw maniwala na yung income ni hubby eh konti lang natitira. kaya nga mostly gulay ulam namin para bukod sa healthy na eh pangtipid na din. imagine naopera ko nung 2010 gumastos kami ng almost 300k sa hospital bill walang nag-offer ng tulong sa amin from our families and hindi na rin kami lumapit sa kanila para wala silang masabi sa amin kaya nagloan kami sa bank, 4yrs payable yun at least wala kaming tatanawin na utang na loob sa kahit sino. tapos sa kanila just because nairaos namin on our own parang walang nangyari nageexpect sila na may pera kami. parang minsan gusto ko sabihin ano ba akala nyo pinipitas lang namin ang pera sa garden? kaya pag may binibili kami ni hubby discreet kami. like sa food kunwari may uwi hubby ko ng medyo mahal na food galing sa meeting nya (syempre ofc nagbayad nun) naku yung box na pinaglagyan or plastic eh tinatapon namin on our way out ng subdivision para di nila makita sa basurahan. kasi kung anuano pa sasabihin. at ayaw maniwala pag sinabi namin na wala kaming pera. and to think na family namin yung unang dapat makaunawa sa amin.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: miloo on August 14, 2012, 12:04:19 am
I would tell them that I have to pay something big - like credit card bills or a loan. Kahit wala kasi I learned my lesson na, ang dami talaga nangungutang without paying back.

I tell this to my friends who always borrow but never pay back.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: pinkberries on August 14, 2012, 01:48:41 am
Sinasabi ko, "Tag-hirap ako ngayon" and then sasabihin ko mga gastos ko na kailangan ko unahin muna.   ;D 

Pero may isang Tita ako na sobra kung mangutang, kapag tinanggihan mo, magsisimula siyang kwentahin ang possible income and savings ko from the time I started working.  Grabe!  Dinaig pa calculator.  sasabihin "Wala ka lang bang naitabi kahit 30k man lang, 4 years ka na nagtratrabaho diba?"  Pampaaral ng kanyang anak na nasa college nun.   Ang sabi ko na lang, wala at di ako marunong mag-save.  ;D

Ang napapansin ko, yung madalas mangutang sa amin, eto yung mga taong nasanay lang sa hingi, sa tulong ng iba.  at kung hindi bibigyan, i-chichismis ka sa buong angkan.   ;D  oh well, bahala sila. 
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: Iam_che on August 14, 2012, 08:55:53 am
i just simply tell them i dont have extra kasi, that i still have so many expenses pa..  :)
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: kiz_me1109 on August 15, 2012, 06:36:37 am
I don't tell them that I don't have money kasi masama daw yun.What I do is I tell them that I have money but we keep it for something important. Sometimes, I tell them na kay hubby yung ATM ko.

Hirap magpautang ngayon kahit na sinasabi pa nila na important. Hindi pa naman ako marunong maningil. And may bad experience narin kasi ako sa isang close friend na umutang sakin before. After nung nangyari e natakot na ako magpautang.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: serendipity02 on August 15, 2012, 07:33:47 am
sinasabi ko na lang na nakaset na yung budget ko, or may nauna ng nangutang (kahit wala naman)..

Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: marssie on August 15, 2012, 02:37:09 pm
naku sa relatives ko walang nagtatangka sa aking mangutang at alam nilang marami akong pinagkakagastusan, at pag may pera ako kusa akong nag aabot sa kanila pag meron at alam nilang di ako madamot.

Kaso nakakaloka naman yung nangungutang sa officemate ko, nanghihiram daw sa kanya yung tyahin niya ng budget nila, as in budget ng pamilya ng tyahin  for 4months! seaman kasi ang asawa at may dalawang anak, kabababa palang daw ng barko,so yung dalang pera nagamit sa importanteng bagay kaya wala silang budget hangang sa makasakay ulit yung asawa tsaka daw babayaran ang officemate ko. Kaloka lang, why some people cant be responsible enough to save some budget eh alam naman pala nila na pag nasa baba ng barko ang asawa nila, wala silang perang aasahan, well i dont know how they handle their money, pero ang sa akin lang tulad ng langam, magimpok habang wala pang ulan kahit maliit na butil lang, pag umulan na at di na makakalabas, kahit papaano me makakain silang pwedeng tipirin..kesa naman sa totally zero >:(

Minsan kasi pag nagtatrabaho ka,walang naniniwala pag sinabi mong wala kang pera, kaya dapat diretsuhin mo sila na wala kang perang pwedeng ipautang hehe.  Naku po, kulang na lang ipakita mo sa kanila ang payslip mo, at sabihin mo na dito napupunta ang sahod mo, at yung natitirang 5% eh tinatabi mo para sa pamilya mo at hindi para sa pangangailangan ng iba.

Nagpapautang din naman ako depende sa rason.. at pag talagang may extra ako, pero kung ang extra ko e nilalaan ko into something, sorry nalang. or pag super close ko nga, give ko nalang any amount then tell na yan lang kaya ko, the end. :P
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: piatos on August 16, 2012, 09:36:02 am
sinasabi ko din no in a nice way kasi pag ako naman umuutang ganun din sila haha!  ;D
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: nessy on February 01, 2013, 10:16:36 pm
ito ang problema ko ngayon. may isang kakilala si hubby na nangungutang. 3k lang naman. ito yong isang sinu-supply-an namin noon ng meat sa palengke. last week, nagtaka kami kasi sarado ang pwesto nila. so, we though na baka may nilakad lang or something.  tapos kinabukasan, wala sarado na naman ang pwesto nila. so we assume na wala siguro pamuhunan. the other day, nakita nila kami ni hubby dun sa pwesto nila, nagbukas na sila pero konti pa lang ang tinda. siguro pinilit na makapagbukas kahit konti lang nag puhunan kasi nga mas mahirap pag hindi sila nagtinda. anyway, sabi sa akin kung pwede daw ba sila manghiram.ang sagotko, hindi ko maipapangako pero titignan ko kasi may mga bayarin pa kami sa ngaoyn. sagot ba naman, sigen a tulungan mo na ako ngayon pamumuhunan ko lang. ang akin lang, hello! sana noong mga panahon na nagtitinda kayo nagtatbi rin kayo kahit paunti unti tapos ngayon nasaid kayo mangungutang kayo ng pamuhunan. pero hindi ko par in sinabi yon kasi nga parang ako ang nahihiya. last night, bago kao pumasok, sabi ni hubby pumunta daw dito, at tinatanong ako dun sa usapan namin, eh hindi naman ako nagsabi na oo,ang sabi titignan ko at hindi ako nangangako kasi nga may mga obligasyon rin kami. hay nako nakakairita lang. porque nagsabi na sila sa amin na manghihiram sila parang kailangan talaga pahiramin sila at pumunta pa talaga sa bahay namin. to think na hindi naman nila alam house namin so hinanap lang nila.

nadal na rin kasi ako magpatuang, yong college friend ko, nangutang sa akin ng 17k, hindi na nagbayad, ever! tapos may friend ako, nanghiram,noong sinisingil ko na, ang sagot ba naman sa akin, "marami ka namang pera wag ko na [textspeak!] bayaran". kainis lang wala naman kaming maraming pera gipit gipit nga kami tapos gaganunin pa ko. kainis lang.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: Gtalker2010 on February 02, 2013, 05:22:17 am
Ito din mahirap minsan.. nakakaawa kasi minsan yung ibang nanghihiram :(
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: angelzero on February 06, 2013, 09:54:33 am
if they're friends/acquaintance i just say: "i'm just as broke as you."
if they're family i usually can't say no. nagpapautang ako kahit partial lang nung hinihingi nila.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: freelancer_babe on February 06, 2013, 10:09:18 am
Just say that you have to spend your money on your most important and urgent things - such as bills.

Wala naman kasi talaga akong monthly budget sa mga mangungutang. The line above just works. Simple lang.


NOTE: I tend to lend money to people whom I know could pay in time. Malalaman ko lang ito kung ilang beses na sila nakahiram sa akin tapos nakakapagbayad naman agad. But still risky. Papahiram mo lang kung may extra.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: mxherr5 on February 06, 2013, 01:26:59 pm

NOTE: I tend to borrow money to people whom I know could pay in time. Malalaman ko lang ito kung ilang beses na sila nakahiram sa akin tapos nakakapagbayad naman agad. But still risky. Papahiram mo lang kung may extra.

I got confused here, I think you meant lend and not borrow right?

I don't get why most people feel ashamed when they don't want
to lend money though.
Its your money and you have priorities too.

I always ask for collateral/security if they insist that its an
emergency and they beg. No collateral no money.
If its an emergency, then they can probably part with their
gadget/whatever right?

And I don't ever get any animosity from people I turn down,
they know that that's just how I roll lol.

In fact, this has only failed me once, with one person.
My ex gf who is now my wife. Laki ng utang nya dati  :P
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: freelancer_babe on February 06, 2013, 01:41:43 pm
I got confused here, I think you meant lend and not borrow right?

Tama, lend. I modified my post above. Hehe.

Sa akin kung maliit na halaga lang at kung kapamilya, pinapahiram ko ng walang collateral. Pero di lahat ng kamag-anak - may kamag-anak akong hirap sa buhay, and lending my money is probably not a good idea.

Kung malaking halaga, I'd probably ask for collateral. Pero di pa naman nangyayari sa akin.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: 17arci on February 06, 2013, 01:44:49 pm
Pag madalas na nangungutang and/or pag alam kong nasusunod yung luho nya tapos ipinangungutang yung pangangailangan nya/pamilya nya,, sasabihin ko na gipit din ako kahit hindi naman.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: cuppiecakses on February 06, 2013, 01:56:00 pm
Sinasabi ko na lang na sorry hindi ko na kaya magpautang gipit din kami ngayon pasensya na :(
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: jamberryknots on February 06, 2013, 02:04:41 pm
hay naku long standing problem ko ito with my roomate hay grabe lang siya hindi pa kami super close ha medyo makapal lang ang face ako na ang nahihiya sa kanya
before i usually keep around $50-100 cash in my wallet
eh ang style niya dati tatanungin kung me cash daw ba ako syempre ako ang sagot ko oo (off naman kung biglang sagot ko bakit haha) ayun sabay hiram na
so ganyan mga ilang months eh nainis na ko i only keep $10-20 cash na lan (nahihirapan akong magsinungaling) rationale ko if she asks sasabiin ko yan lang pera ko at least honest talaga kahit pa withdraw ako ng withdraw
so next scenario, ganun ulit iask niya if i have cash sagot ko ay ganito lang kasi pera ko hay grabe talaga sabi niya ay sige ok lang yan akin na lang yang 10/20 mo anyway di ba aalis ka naman mamaya makakapagwithdraw ka naman
hay naku lumaki talaga mata ko sa kanya pero ayun hindi din ako nakatanggi kasi naman nasaan ang option if i say no feeling ko ako pa ang rude kasi matanda din talaga sakin yun

me iba pa yang tactics one time humiram ng pera sa isa pa naming housemate (kasi pumasok siya sa room non merong lying around na $50 sabi niya pahiram daw muna siya non at paguwi ko daw AKO ang magbabayad at sakin na lang siya magbabayad, all without my permission si housemate pa nagsabi sakin na nanghiram ang roomate at ako taga bayad
kaasar talaga

kaya nga ngayon mas lalong hindi ko na lang siya pinapansin or kinakausap unless super necessary
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: cuppiecakses on February 06, 2013, 02:09:00 pm
^ ang kapal ng fez ng roommate mo.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: freelancer_babe on February 06, 2013, 02:12:42 pm
^^ hindi ba maiwasan si roommate? as in change rooms?

hindi talaga maganda ang character ni roommate. kahit ako di ko papahiraman yan. malamang iiwas na ako.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: merchee on February 06, 2013, 02:21:47 pm
^^^awwww. sis, have you tried saying no to your roomate? or try mo na singilin sya? nagrereply ba? hahaha.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: dyosabel on February 06, 2013, 04:58:00 pm
Naalala ko yung college friend ko. Nangutang sya saken ng 500 kasi daw kinapos sya ng budget sa pagkain (working na kame nito). So pinautang ko naman. Nung sinisingil ko na, nowhere to found na. tapos nalaman ko nakapanuod ng concert ng super junior. hehe. At nung di sinasadyang nagkita kame, parang walang nangyari. Ako pa nahiyang maningil. hehe. Kaya dalang-dala na ko magpautang. Sabi nga ng tatay ko may bulsa na daw ako sa balat. hehe
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: baliya15 on February 06, 2013, 05:16:30 pm
dati maluwag ako lalo na sa family, pero ngayon no na, nadala na ako. sinasabi ko lang na may paglalaanan ako ng pera. si hubby, di talaga yun nagpapautang, kaya kilala sya as kuripot/madamot.sabi nya mas ok na daw na magtampo yun nangungutang kesa mag-away kayo pag singilan na, ikaw pa mawawalan pag di nakabayad.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: msals2007 on February 07, 2013, 07:55:36 am
i also have an officemate na constant ang pangungutang dito. One time lang siya nakahiram sa akin, P100 lang so sabi ko pahiramin ko na P100 lang naman di nakakaiyak kung di magbayad. True enough di nga ako binayaran. Sa suweldo daw ibabalik pero ilang pay day na ang lumipas nginingitian lang ako pag nagkakasalubong kami. Ngayon ilang beses ulit nag attempt manghiram. May 3k, 500, etc. Tinatanggihan ko na. Kung yung P100 hindi niya nabayaran what more yung mas malaki di ba. Di naman ako rich. Lagi ko sinasabi tama lang budget ko til the next payday which is true naman madalas. And if I'll have extras, ayoko na din, sira na siya sa akin.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: jmeangeL on February 14, 2013, 12:35:48 pm
itago ang yaman... don't tell to anyone

just say NO.  kung magmaka-awa pa, turn your back.  the more na makinig ka, the more na binibigyan mo ng pag-asa ang nautang sa'yo.

wala talaga eh... so?!
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: yanmae on February 14, 2013, 03:35:08 pm
Ako nagpapahiram lang ako sa mga kamag anak ko na sobrang malalapit sa akin at naaasahan ko talaga kapag nangangailangan din ako.

Kahit sa kaibigan di na rin ako nagpapahiram. Nakakadala kasi, malaki ang possibility na di sila magbayad lalo kung kaclose mo sila. Iniisip ko kasi pinaghirapan kong kitain ang perang yun tapos sila hihiram lang at kapag bayadan na kalimutan nalang, mabuti sana kung mom ko yun na kahit di bayadan eh okay lang atleast nanay ko naman yun. Sinasabi ko nalang na kelangan ko rin ng pera at sapat lang ang hawak na money ngayon.. Irefer ko nalang sila sa mga nagpapa lending.. hehe
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: chicafabulosa on February 14, 2013, 03:43:19 pm
I just simply say NO diretso. Walang sugar coated words
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: jamberryknots on February 19, 2013, 10:34:39 am
to sis cuppiecakses and freelancer_babe, yes makapal talaga ang face niya
like ko na kasi yung house and other housemates siya lang talaga haha
basta ganun na lang ang ginagawa ko hindi na ko naglalagay ng money sa wallet ko
minsan nga meron pa yang intro me sob story pang kasama sabay sabi na kapos na siya

dati huge amount hinihiram niya sakin like 50k plus ay yun tumanggi ako sabi ko ay hindi pwede kasi wala akong ganyang money pinipilit pilit pako sabi ko ate ang savings ko ay ganitong amount lang
sabi ba naman niya "ay kawawa ka naman ganyan lang ang pera mo" haha nakakaloka siya
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: quinone on February 19, 2013, 12:07:23 pm
jamberryknots - yung roommate mo hindi nagbabayad? you share your room talaga o common areas such as kitchen and living room? kasi kung ako malamang lagi ko i-lock yung room ko at i will ignore her completely. as in kahit kinakausap niya ako hindi ako sasagot. panget ng ugali ng roommate mo. parang ikaw pa poor kapag di mo pinautang, chaka biglang nangunguha ng basta may perang makita.

ako naman, bihira akong utangan. at kung halimbawa first time mo mangutang sa akin, ang sagot ko no or wala. kapag naman feeling ko kailangan mo tlaga portion lang ng inuutang mo ang ipapahiram ko. never, never yung buong amount. chaka ang close friends ba nangungutang tapos hindi nagbabayad? mukhang ang gumagawa niyan mga acquittance, hindi mga true close friends natin. kaya sagutin ninyo mga nangugutang na you have just enough for yourself. o kaya sabihin ninyo superstitious kayo, malas nagpapautang kasi palabas ang pera :P
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: lanee_beu on February 19, 2013, 12:40:27 pm
madalas d ako nagpapautang, kasi i learned my lessonsss na hehe,, pero last year, nangailangan friend ko, kapapanganak ko palang naman nun, e since close kami pinahiram ko kasi akala ko "kilala" ko na sya when it comes to money, i failed hehe,, 'til now d pa nagbabayad at d na rin nagpaparamdam, d ko naman sinisingil,, nghihinayang ako malaki pa naman yun..hayy pano ko ba sya sisingilin ng d masisira friendship :(
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: quinone on February 19, 2013, 01:01:36 pm
^singilin mo in a friendly way. kapag siya pa ang nagalit, let the friendship go. hindi tunay na kaibigan ang ganun. people grow, minsan after a few years nagiiba ng ugali ang mga tao, hindi lahat ng friends for keeps.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: jamberryknots on February 19, 2013, 01:55:35 pm
sis quinone roomate talaga
yes me kagaspangan ang ugali nun hindi lang sa pangungutang maski sa ibang bagay
yes never na akong nag-iinitate ng conversations with her hindi ko siya kinakausap kapag hindi siya yung nauna kasi me asar factor na ko sa kanya

yes naasar ako sa comment niya pero sabi nga ng partner ko nung nikwento ko sana daw sumagot ako bakit sino ba ang nangungutang haha although actually meron akong money kaya lang ayaw kong magpahiram ng ganung amount

at isa pa nga yun uutang sa ibang tao ako pala magbabayad WITHOUT my knowledge pa kakaloka yung tao pang inutangan niya ang nagsabi sakin
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: soumy01 on February 21, 2013, 11:45:29 am
ah grabe naman yun, ginagamit niya pangalan mo. mahirap na kasama ang mga ganyan tao, mabigat sa buhay kasama yan masyado negative. mamaya ikaw na hinahabol ng mga inuutangan nyan.

kami pag may nanghiram lalo yung malalaki masyado sinasabi namin nakainvest ang pera hindi pwede basta basta ifull out.

pero kunwari  may ng hihiram, 500 lang pinapahiram ko. tapos kung hindi na nya ibalik atleast hindi na siya makakahiram sa akin. masasabi ko oi may 500 pa ako sayo.
yung kakilala ng nanay ko grabe yung parang nabubuhay sa utang yung tipong uutang siya pambayad dun sa due na utang niya.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: Purple_Power on March 03, 2013, 01:23:52 pm
Nung nag-aaral pa ako sobrang bait ko pa sa pagpapautang, well  maliit na amount yun kasi consider the fact na school days pa yun pero yun nga na experience ko yung ang bait sayo na nakakaawa kapag hinihiraman ka pero wag ka kapag singilan na ikaw pa masama. Nadala na ako so now I became wiser. To be honest galante ako sa pagbibigay ng gifts sa inaanak at sa pamangkin. Pero swerte ko lang na matitino talaga cousins ko which is yun ang magulang nila kaya I have no problems with it saka wala naman akong inaanak na ang magulang ay mahilig mangutang o naninigil pa ng regalo.

Well dahil sa naka experience na ako during school days na pinahiram ko tapos hindi binabalik nung college naman ako natuto naman akong maningil. Kapag hindi ko siya masingil personally in school tumatawag ako sa bahay niya tapos nun kapag sinabing wala yung classmate ko saka ko sasabihin sa kung sino nakasagot. There was a time yung Nanay niya na matapang ang nakasagot sa kanya ko sinabi na kukunin ko na sana yung pinahiram ko sa kanyang pera. Well of course in a nice way.  ;D Kaya ayun napilitan agad magbayad yung classmate kong yun. Tapos same thing sa ibang classmate ko na alam ko cellphone naman ng Nanay niya yung number na ginagamit niya so dun ko naitext. Kaya una natuto naman akong maging effective Singelera. After that hindi na talaga ako nagpapautang at dyan na ako natuto to say NO!

Depends on case to case basis, basta maliit na amount sige pwede pa but then they still have to return it. Pero kung parang atay ko na yung amount huwag naman at dahil yun nga ako mismo may problema rin financially.

Now naman na may bf ako, he is borrowing from me pero paminsan minsan lang. He is responsible enough to return it dahil alam na alam niya ugali ko kung paano ako maningil. Sabi pa nga niya grabe raw ako maningil parang hindi ko siya bf  ;D. Natatakot rin siya na baka mamaya tumawag ako sa bahay sabay Lola niya kausapin ko tapos pagagalitan siya. Alam niya pwede kong gawin yun dahil adik talaga ako sa singilan.

The last time may nanghihiram sa akin ng huge amount na halos 1 month salary ko na or ni lampas pa nga sa 1 month salary ko yun. Una kasi may binebenta siya tapos sabi ko wala akong alam na mapagbebentahan niyan tapos nakikusap na sa akin agad na pahiramin siya agad at nangangako na ibabalik niya rin agad. So siempre ako I explain a lot na hindi ko kakayanin and so on pero ito sinabi ko sa kanya na kahit ako problematic rin in terms of finances pero ayaw niyang intindihin as in namimilit pa so because of that naturn off ako. As much as nun una gusto ko siyang tulungan I can do it agad kasi kilala ko naman magulang niya. I already explain kung ano ang pwedeng gawin niya in order for her na makabenta pero parang nabastusan ako nung hindi niya pinakinggan explanation ko tapos gusto agad pahiramin ko siya ng amount dahil due na yung pagbayad ng puhunan. Kaya later on pinagsabihan ko siya na sana noon pa inalam niya yung target market nung bebentahan niya. Imbis na sarili na lang niya tinutulungan niya ngayon yung pera napupunta kung kanino lang tapos kailangan pa niyang mangutang. She apologize already at mula nun hindi na siya nanghiram. Hindi ko na mashadong idedetalye kasi mapapahaba nang husto.

Ito lang naman ang advise ko on how to refuse kapag may nanghihiram sa inyo. Sometimes depende rin minsan sa ugali niyo or pakikitungo niyo sa ibang tao. Meron naman effective na kapag sinabing NO stop agad pero minsan meron kasing sobrang makulit na hindi titigil hangga't hindi nagagawa.

Kung ayaw niyo maging matapang or kayo yung may pakikitungong mahiyain sa mga nanghihiram sa inyo just give time a bit to analyze and know kung bakit niya kailangan ng pera. Ano ba nangyari. Explain your side na hindi mo rin kakayanin yan at mahirapan ko. Ngayon kung makulit pa rin at hindi inintindi either ignore it, pagalitan niyo, o bigyan ng advise kung ano ang dapat na ginawa niya para to earn money sana at hindi na umabot sa point na nangungutang na siya kasi that borrower is making another big problem again.

Hangga't maaari maging matapang kayo lalo na if you want to explain or simply in saying NO para wala nang second thoughts yung manghiram na mangulit pa.

Huwag na huwag magpapadala sa paawa effect nila, remember kayo mismo may problema rin kaya unahin niyo dapat settle yung problema niyo bago yung iba. Minsan kasi yung mga paawa effect strategy nila yan para macarried away ka sa problema nila. Minsan nga yung iba nanloloko dyan sa paawa effect eh. Pero wag ka walang pambayad sa utang yan. Baka imbis na yung pera pa nila pambayad sa utang sa inyo pinambili na agad ng luho nila.

Hangga't maaari kapag nagpahiram kayo know all the contact details at kung sino rin ang pamilya niya. Para walang lokohan pagdating sa singilan. Kasi baka umabot sa point na kapag kayo na nangailangan ng pera at ang pag-asa pa run ay yun huge amount na pinahiram niyo, mapipilitan na kayong mag file na kaso. So ask legal advise na rin bago kayo magpahiram para in case hindi ibalik alam niyo na kung ano ang dapat gawin.

ito ang problema ko ngayon. may isang kakilala si hubby na nangungutang. 3k lang naman. ito yong isang sinu-supply-an namin noon ng meat sa palengke. last week, nagtaka kami kasi sarado ang pwesto nila. so, we though na baka may nilakad lang or something.  tapos kinabukasan, wala sarado na naman ang pwesto nila. so we assume na wala siguro pamuhunan. the other day, nakita nila kami ni hubby dun sa pwesto nila, nagbukas na sila pero konti pa lang ang tinda. siguro pinilit na makapagbukas kahit konti lang nag puhunan kasi nga mas mahirap pag hindi sila nagtinda. anyway, sabi sa akin kung pwede daw ba sila manghiram.ang sagotko, hindi ko maipapangako pero titignan ko kasi may mga bayarin pa kami sa ngaoyn. sagot ba naman, sigen a tulungan mo na ako ngayon pamumuhunan ko lang. ang akin lang, hello! sana noong mga panahon na nagtitinda kayo nagtatbi rin kayo kahit paunti unti tapos ngayon nasaid kayo mangungutang kayo ng pamuhunan. pero hindi ko par in sinabi yon kasi nga parang ako ang nahihiya. last night, bago kao pumasok, sabi ni hubby pumunta daw dito, at tinatanong ako dun sa usapan namin, eh hindi naman ako nagsabi na oo,ang sabi titignan ko at hindi ako nangangako kasi nga may mga obligasyon rin kami. hay nako nakakairita lang. porque nagsabi na sila sa amin na manghihiram sila parang kailangan talaga pahiramin sila at pumunta pa talaga sa bahay namin. to think na hindi naman nila alam house namin so hinanap lang nila.

Sis nessy seems that desperate na yang nanghihiram, as I've posted above ganyan rin naging dilemma nung gustong manghiram dahil kailangan sa puhunan tapos ganyan rin ang lakas mamilit na hindi naman siya gumagawa ng paraan para kumita ng pera.  Kung ikaw pa nga sinabi mo pa na titingnan mo kasi may babayarin dito naman sa akin sinabi ko na hindi ko kakayanin pero todo pa akong pinilit. Kaya ayun nung nagsalita ako frankly saka siya tumigil. In your case naman seems that nung pumunta siya sa bahay niyo parang nag-assume agad na pahihiramin mo na siya kahit walang affirmation. Ito sana advise ko sayo sis, kung may utang na siya hangga't maaari huwag munang magpahiram nung susunod hangga't hindi siya bayad since for sure may susunod pa yan at baka kayo na asahan niyan. Sa mga desperate na tulad niya hangga't maaari huwag magsabi na titingnan mo pa na parang may 50-50 chance pa siyang makakapanghiram sa inyo. Maganda sana kung sabihin agad na hindi mo na magagawa kasi may problema na kayo, well kahit hindi totoo. Maganda rin sabihin niyo na kakailanganin pa nga sana niyo yung 3K na pinahiram niyo kasi gipit kayo.  ;D Nasa sa inyo naman yan kung anong strategy niyo basta ang point ko lang rito is huwag kayong magbibigay ng statement na may makikita pa siyang butas na hiraman kayo.

nadal na rin kasi ako magpatuang, yong college friend ko, nangutang sa akin ng 17k, hindi na nagbayad, ever! tapos may friend ako, nanghiram,noong sinisingil ko na, ang sagot ba naman sa akin, "marami ka namang pera wag ko na [textspeak!] bayaran". kainis lang wala naman kaming maraming pera gipit gipit nga kami tapos gaganunin pa ko. kainis lang.

Naku sis! 17K is huge amount  :o Kung ako yan baka nagfile na ako ng kaso at gagawa ako ng way na masingil ko siya. Baka tinakot ko na yan na magfile na ako kaso tapos magpapadala na ako ng demand letter.  ;D Hindi ko siya titigilan. Ganyan ginawa ko sa isa kong friend which is effective, hindi ito pautang kundi bayad niya sa akin dahil nagwork ako sa kanya. Pero hindi ko talaga tinantanan kaya napilitan magbayad completely. Then to your other friend seems that she is brat to say na huwag ka na bayaran dahil marami kang pera. Seems that sobrang naging bait mo sa friend mo kaya she abused it.


Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: Girltalker2 on March 07, 2013, 04:24:44 pm
mukhang magnet kayo ng mga nangungutang. buti nalang sakin wala masyadong lumalapit. kasi alam nila kurips ako. galante ako sa mga inaanak ko at pamangkin ko, kasi kokonti lang naman sila.  pero hindi ako nangungutang, moreso, minsan lang ako inapproach na utangan at hindi din natuloy kasi nga I started asking questions pero ayaw sagutin nung nangungutang, kesyo embarrassed naraw sya.... so what to do?  hindi sya nahihiya mangutang pero nahihiya sya magkwento how she ended up in that situation.

moreso, isa pa, wala akong iphone, di hamak na bulok lang ang celfone ko, malamang isa iyan sa mga ingredients ko kaya hindi ako nauutangan.  ;D  less hassle, less problema.

so bottomline I think prevention is still the best para  hindi ka lapitin ng mga nangungutang. or kung maisipan man nila na kelangan nila ng pera, dapat hindi ikaw ang top of mind nila, and you should be the last person they would approach.   ;)


Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: pampam2 on March 08, 2013, 09:57:26 am
Kami ni hubby lapitin din ng "mangungutang" from relatives to strangers..mga di naman ka close na neighbors. Ang hirap mag "No" for me kasi andon lagi yong guilt feeling lalo kapag kapamilya mo tapos makikita nila yong lifestyle mo. But in reality hindi naman nila alam yong other obligations mo like hinuhulugan mo pa yong bahay mo...may binabayaran ka din mga loan like credit card and kung ano yong nakikita nilang leisures namin eh pinaghihirapan naman namin mag-asawa. Ang mahirap pa sa pag papautang hindi marunong tumupad sa pinangako...sa lahat ata ng nanghiram sa amin wala pa talaga at masaklap 'yong di talaga nakakabayad kahit ikaw na naniningil. Kaya nakaka stress pag may lumalapit, kapag nag "NO" ako iniisip ko pa din. Kapag nagpahiram ka naman worried ka pa din kasi baka hindi na naman mabayaran  :(
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: freelancer_babe on March 08, 2013, 10:24:00 am
Sometimes it helps to put extra money in financial instruments that are not easily accessible/not very liquid. Such as the old time deposit.

Mas madaling sabihin na wala tayong pera kasi we are forced to use lang kung ano ang cash on hand natin.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: Purple_Power on March 08, 2013, 10:48:07 am
pampam2 yan ang mahirap kapag nakita nila ang lifestyle mo na angat sa iba. Chances are talagang magiging lapitin ka ng gustong manghiram. Sa case ng family ko lalo na't nakita nila na meron na kaming bagong bahay, akala nila mayaman kami kaya may mga kamag anak kung mangutang wagas na wagas. Ganyan rin mentality ko nung bata ako I have guilt feeling rin as well kapag hindi ako nakapagpahiram pero nung naranasan ko na yung common factors like mangangako tapos hindi matutupad, dyan na ako natuto to have limitations tapos inaanalyze ko munang mabuti kung bakit niya kailangang manghiram. Dyan na rin ako natuto to say NO. Partida noon ako pa nahihiyang maningil. Kaya sanay na ako na kapag may mangangako na ibabalik agad alam ko na hindi niya magagawa yun lalo na kung malaking amount ang hiniram niya from you.

Most of the time yung mga mangungutang lalo na yung nasa mode of desperate, walang pakialam sa obligations mo kasi ang main concern nila is pautangin mo sila. Kahit anong explain mo na you need to pay this and that kukulitin ka pa rin. Kapag nangako sila don't always expect na matutupad yun kasi in reality hirap silang bayaran ang utang. Depende pa sa ugali nila minsan ayaw nila. Minsan ang utang nagiging synonymous na sa hingi para sa ibang tao. Sasabihin lang nila na hiram para madali mo silang pahiramin pero most of the time TY na rin ang meaning niyan.

Sa totoo lang mas madali magsabi ng NO kesa sa manghingi. Kaya lang naman magiging baliktad ito dahil nagiging tolerable na tayo sa request nila tapos malalakas na loob nila na tayo na hingan ng tulong hanggang sa tayo na mananagot.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: pampam2 on March 08, 2013, 02:48:13 pm
Parang mas mahirap pa nga sa part nating nagpapahiram kasi laging sa atin ang may dilemma regardless YES man or NO. Kasi pansin ko magiling makipag usap pag nanghihiram pa lang but after non good luck talaga...you cannot even hear "pasensya na hindi ko mabayan on this date" kahit ni Hi or Hello wala.

Hindi naman din kami madamot, kasi we share din naman like mga pamangkin ko binibilhan naman namin ng damit or toys. Pero syempre iba naman 'yong bigay at hiram. Pag nanghiram ka kahit kapatid pa dapat bayaran mo pa din.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: cheezecake on March 08, 2013, 08:55:07 pm
ang sinasabi ko lang sorry wala e dami din akong utang sa credit card and I refer mga nagpapautang na may interest
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: sweetcheeks on March 26, 2013, 10:10:17 pm
How to say no..

When you're planning to lend money to a close friend or loved one, don't expect them to pay you back because that only causes resentment. Instead, for example they're borrowing 15k, you can give them 5k or whatever amount you can give as a form of help or gift :-)

Hope this helps
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: ayka on March 26, 2013, 11:51:48 pm
I only lend money to those who I know can pay me on the their next payday. In short, those who are working with monthly salaries. To my immediate family naman (parents, siblings), I GIVE, not lend.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: lisse on March 27, 2013, 01:43:44 am
Kaming 2 ni hubby hindi naman masyado lapitin, pero meron pa rin tlaga na mangilang-ngilan na malakas ang loob, malakas ang loob kasi hindi naman namin tlaga ka-close samin manghihiram.
Both our families kasi lahat may mga trabaho kasehodang entry level palang sila talagang nagsisikap naman. paminsan-minsan nasho-short sila pero never sila magsasabi. pakiramdaman na lang talaga. pareho kasi kaming eldest ni hubby so mga bro and sis namin ang babata pa mga nagsisimula palang magwork. usually ang nagsasabi samin mga parents namin. for example dumalaw sa knila yung bro and sis namin, tapos pag hindi nag-abot ng pera ayun sasabihin samin n baka short sa budget si bro/sis. usually kasi kahit 200 pesos lang or $20 (US kasi kami now) inaabutan nila parents namin (although working pa rin naman both parents namin). kami n magkukusa magpahiram. usually allowance lang for the week hinihiram nila until lang makasweldo sila ulit. binabalik nila the day after the sweldo kaya sarap nila pahiramin hehe.
ang pinakarecent na matigas n nanghiram sakin e yung classmate ko dati nung elem na mga 3 months ago ko lang ata nakausap ulit thru FB. nanghihiram sakin ng 20k pambayad daw sa credit card para lang daw hindi sila masirang mag-asawa. e wala p akong work dito kahit p nasa US ako saka estudyante ang bagsak ko for 2 years dito so asa lang ako sa asawa ko now. sinabi ko $100 lang kaya ko ipahiram na sobra sa allowance ko if she wants kunin na niya. aba ayaw! sabi dibale na lang daw kung hindi daw ako magtitiwala na babayaran ulit ako after a month. halos matapon tuloy kape ko sa shock hehe.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: ayka on March 27, 2013, 05:32:24 am

ang pinakarecent na matigas n nanghiram sakin e yung classmate ko dati nung elem na mga 3 months ago ko lang ata nakausap ulit thru FB. nanghihiram sakin ng 20k pambayad daw sa credit card para lang daw hindi sila masirang mag-asawa. e wala p akong work dito kahit p nasa US ako saka estudyante ang bagsak ko for 2 years dito so asa lang ako sa asawa ko now. sinabi ko $100 lang kaya ko ipahiram na sobra sa allowance ko if she wants kunin na niya. aba ayaw! sabi dibale na lang daw kung hindi daw ako magtitiwala na babayaran ulit ako after a month. halos matapon tuloy kape ko sa shock hehe.
^LOL, sis over the top naman yan! ikaw pa ang pinagmukhang masama. kaloka siya ha. kapalmuks.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: lisse on March 27, 2013, 05:56:41 am
^naku talaga, hindi ko nga alam if matatawa ako or maiinsulto na magagalit sa kanya eh. hindi naman niya ako dinelete sa FB niya pero ni-restrict ko siya sa list ko. I found out na nasa Dubai pala silang mag-asawa and they only have 1 kid na nasa parents niya. And they are both working. Buti nga siya may work, ako wala eh.  :-[
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: Purple_Power on March 27, 2013, 08:34:35 am
Naiinis rin ako sa ganyan yung tipong ang lakas ng loob mangutang pero wag ka! puro sila luxuries, daig ka pa sa pagtatravel niya sa buong mundo habang ikaw inutangan hirap na hirap kumita ng pera. 
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: ms.libra on March 27, 2013, 11:25:16 am
Recently a co-parent in school was bragging na parating na asawa niya from abroad, then after a few days called me at home (surprised where she got my number) at nangungutang. ngek!kakauwi lang ng asawa utang agad.so I politely said NO at nagdahilan na lang na hubby is on a business trip and I don't lend money without his knowledge. Ayun na, kung ano-ano ng tsismis ang pinagkalat sa school about me and my kid. All moms naman won't believe her. Buti na lang hindi ko siya pinautang hahahahaha. Super low life pala!
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: tey_roch19 on March 27, 2013, 01:08:06 pm
SOBRNG NAKARELATE AKO DITO! Last year, may friend akong doctor since im working in a hospital, she borrrowed 50k para matuloy lang ang tour nya. So dahil confident ako at mapagtiwala akong tao pinahiram ko sya dahil alam kong doctor sya at capable naman sya makabayad. My Gahhhhd. Grabe, inabot kami ng mahigit isang taon. Puro sya pakiusap. Pasalamat nalang ako nagbayad 2,000 per payday. Grabe, imbes naipon ko ang pera ko, eh, wala na. Kaya ko naman nakwento, kanina pagkagising ko, nabasa ko ang text nya, nanghihiram ng 65,000 kesyo, wala daw syang materyal na bagay o pera (malamang kaya nga sya nangungutang) ang tanging meron lang daw sya e karangalan. Ewan ko ha pero dalang dala na ako sa mga pinapahiram ko, i just lost 60,000 cash sa pagpapakat*nga at pagpapaka bait baitan sa kaibigan. Sobrang bitter ko lang, pagkahiram nya e nagawol sa company. Take note ang dami kong naitulong sa kanya. KARMA nalang nila yun ang pera kinikita pa, pero ang trust hindi na. Kung dumating ang panahon na kakailanganin nya ang tulong ko, kahit naghihingalo na sya, tatalikuran ko lang sya. Though, may kasalanan din naman ako, so charge to experience, i have to learn to say NO. At dahil hindi ko naman kayang directly sabihin, I just blocked her sa phone ko para di nila ko matawagan. Minsan, hindi din maganda tumulong sa kapwa. Nakakasisi lang lalo na pag walang utang na loob ang mga tinutulungan mo.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: Purple_Power on March 27, 2013, 02:14:13 pm
^Wow sis that is so huge!  :o Kung yung ngang dati kong friend na hindi ako binayaran ng Php 20,000 salary hinabol ko at tinakot ko bago niya ako bayaran as in pinaglaban ko. Tama sis! Kahit maghingalo naman  ;D which is baka mawitness mo pa sa hospital dahil dyan ka nagwowork huwag ka na magtiwala. Karangalan pala meron siya bakit niya tinakbuhan yung utang niya sayo. I am sure nagwaldas yan ng kinikita niya. Saka mangungutang para sa tour?  :o Kahiya hiya yan.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: xtine on March 27, 2013, 02:55:37 pm
I say wala akong pera kahit na meron ako.  Pero kung kukunti lang like 10 pesos, I let it go.  Pero kung madalas na at hindi ko naman sya close na kamag anak at alam kong can afford naman, I sarcastically say "Bakit wala kang pera?" Para mapaisip naman sha.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: tabularasa08 on April 06, 2013, 03:21:39 am
naku, nadala na ako magpautang. may relative ako na umutang saken ng 25K last year na hanggang ngayon eh hindi pa nagbabayad. samantalang nung time na humihiram ng pera eh kung anong mga promises ang sinabi. nakakalungkot lang kase sa sama ng loob ko hanggang ngayon eh hindi ko sya kinakausap o pinapansin unless sya yung unang kumausap saken. imagine, pinipigilan ko yung sarili ko ba bumili ng kung [textspeak!]-ano para maka-save tapos ngayon parang bulang biglang naglaho nalang yung 25K ko  :'( hindi ko sya sinisingil kase ako yung tipong nahihiya maningil, naghihintay ako na magkusa syang magbayad kaso wala atang pag-asa na mangyari yun. haaay

ngayon, pag may umuutang lalo na kung nasa thousands, laging sinasabi ko na wala akong pera. lalo na kung alam kong wala syang means to pay me back.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: evilwoman on April 06, 2013, 07:29:06 am
@ tey_roch19 - feeling ko may gambling prob yang doctor na yan. Ganyang ganyan kasi ang habit nung mga addict sa pagccasino.

Sa akin naman,tuwing magkikita-kita ng mga relatives,mukha laging kawawa (as if nageffort  pa hehe).mga kupas kupas na damit at nagtutuklapang bag ang gamit with matching kwento ng gastos kaliwat kanan.effective naman sa karamihan pero meron pa din talaga matigas ang mukha.natuto na ko magsabi na wala ako extra.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: Trianna on April 08, 2013, 09:25:55 pm
sa kin, i always say meron ako money pero nakabudget na for something more important na kelangan namin. which is exactly the truth. pag naibayad ko naman na like for an insurance or kakagrocery lang, i tell them outright nagastos ko na and wala pang immediate na parating. iwas din ako mag co-maker sa mga naglo-loan. kakatakot kasi pag di na sila nagbayad, kaw pagbabayarin ng nagpautang.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: timetraveller on April 14, 2013, 12:58:33 pm
May kabarkada akong mahilig mangutang. Nakakainis lang kasi lagi mong nakikita sa Facebook at Twitter na kung saan saan nagpupupunta at kung ano-anong binibili, halos every week nasa Rockwell o Glorietta tapos panay ang utang. Paawa effect pa lagi, kesyo may financial problem chu chu. ;D May pagka-social climber rin kasi sya. Lagi nyang nagagastos ang pang-tuition nya para sa luho at pang-gimik nya, so she always ends up borrowing money from us, her friends. May ugali pa nga sya na ang tagal tagal bago magbayad ng utang at sya pa ang galit pag sinisingil sya. Style nya rin yung unti-unti kang babayaran tapos di na babayaran ng buo yung utang nya sayo. ;D Kaya lahat kami sa barkada wala nang tiwala sa kanya when it comes to money.

She was never able to borrow money from me, sa ibang kabarkada lang namin. Just last week umuutang sya sakin, sinabi ko na ngang wala akong pera, ang sagot ba naman sakin "ah ganun ba, kelan mo ako mapapahiram?" ;D Text ng text sa akin at nangungulit. I just ignored her. Hahaha. Di kasi sya magbabago hanggat pinagbibigyan sya. She should learn how to live within her means. Kung di talaga sila mayaman, then matuto sya magtipid.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: douxmadchen on April 14, 2013, 02:42:51 pm
^ Medyo mahirap talagang magpahiram (may pera ka man o wala) kung alam mong gagastusin naman sa wala yung pera o tipong kasalanan naman nung tao kung bakit wala siyang pera. Hayy.

Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: quinone on April 14, 2013, 03:23:01 pm
bigla kong naalala yung kapatid ng isang friend ko. nangungutang sa akin, around 500 ata iyon so pinautang ko naman. yung isa kong barkada friend biglang tumawag at inuutangan rin daw siya LOL. so pinautang rin niya. we agreed na wag na pautangin next time kasi parang ang payat niya at baka nag-aadik lang.

so, nung 2nd time niya nangutang, sabi niya sa akin babayaran raw ako ng kapatid niya (overseas kasi) e sa loob-loob ko kung totoo edi sana yung kaibigan ko mismo ang tumawag sa akin para pahiramin ko kapatid niya diba? so, pinuntahan ako sa office, bitbit pa yung anak niya may sakit kuno...e ayoko na talaga magpahiram sinabi ko talagang wala ako at binigyan ko ng 20php pamasahe pauwi. napahiya siguro, hindi na nagpakita ulit.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: thea_girl on April 16, 2013, 10:45:34 am
Grabe kapal talaga ng mga taong ang lakas ng loob mangutang at hindi nahihiya, ok lang sana if gagamitin sa importanteng bagay like emergency, yung iba kase parang wala lang may gusto lang bilhin or gamitin sa mga walang kwentang bagay tapos nga walang ginawa kundi magyabang sa ibang tao eh puro naman utang sa ibang tao..sana lang wag na mayabang. kaya ako i save my own money kahit paunti-unti dahil mahirap mawalan  at hirap mangutang sa panahon ngayon.  :(
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: Purple_Power on April 16, 2013, 11:26:22 am
Ito rin ang isang bagay kung bakit ko natutunan na hindi talaga dapat mag please ng ibang tao kasi kapag siningil mo sa utang ikaw ang palalabasin niyang masama which is dito kailangan maging matapang sa singilan eh! In my case wala pa akong nararanasan na hingan ng huge amount pero sa parents ko may mga narinig ako from them na inutangan sila ng ibang tao tapos hindi nagbabayad. Objective ko talaga is ayokong magpahiram unless barya o small amount. Depende sa taong uutangan ko kung alam ko namang mapagkakatiwalaan then kahit hindi na ako maningil okay lang.

Yan kasi ang hirap kapag inuuna yung yabang at yung pagiging social climber eh! tapos yun pa binibigyan ng importance. Tapos yung iba naman utang ng utang sabay ang lakas ng loob magreklamo sa gobyerno. Tingin ko isa rin ito sa bagay kung bakit hindi umuunlad itong bansa kasi utang ng utang sa mga luho at walang katuturan na bagay tapos in the end puro reklamo.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: xyeZZZ on April 18, 2013, 05:34:41 am
kapag nangungutang sila sa akin. I always asked kung saan nila gagamitin ang pera, if i know na para lang naman sa mga material things, tinatanggihan ko. Lagi ko nalang sinasabi, nakabudget na kasi ang pera ko at naipasok ko na ang sobra sa savings namin. I always say na di ko kasi magalaw ang savings account kasi nakajoint account sya.  If it's life and death situation, i always check first my budget kung ano ang kaya kung pahiramin at kaya kung I let go na pera. Kung babayaran ako, thank you, kung di naman, si Lord na ang bahala.  ;)
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: tomatostellar on April 18, 2013, 09:11:32 am
^ naiisip ko nga din na  be thankful ako yung nasa position na pwede mag paheram at hindi need mangheram, pero kung palage parang maling mali naman ata
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: xyeZZZ on April 18, 2013, 10:14:32 am
^ oo, sis tomatostellar, abuso na kapag laging nanghihiram, kung good payer naman, keri lang. Sabi nga nila, curse daw magpautang at mangutang. Sometimes it breaks friendship, sometimes na man nagiging cycle na. Mangungutang para pambayad sa utang. It's always better to live within your budget lang talaga. Then dapat may emergency fund in case na may mangyari, para maiwasan mangutang.

Ayaw ko talaga yung feeling ng may utang. Parang di ako mapakali. Ayaw ko rin ng parang feeling ko may utang na loob ako sa tao dahil pinautang nya ako. Ewan!  Desire less nalang at makuntento sa buhay.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: yhiing on April 18, 2013, 12:26:36 pm
May friend ako utang ng utang.  Less than 1000 kada utang so OK lang sakin especially she has 3 kids to feed with her unstable income.  There was a time tinanggihan ko sya, she begged to use my credit card for their groceries.  :o  Since then, distansya nako sakanya, sayang yung 6 years of friendship.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: cheezecake on April 18, 2013, 09:27:08 pm
I just happen to remember my friend na kapag may uutang sa kanya ang sinasabi niya nagpapautang siya pero may interest ayun hindi na nilalapitan ulit.  ;D
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: nettai on April 22, 2013, 03:49:13 pm
Ang pinakamahirap sa mga mangungutang sa yo is pag nagagalit sila pag tinatanggihan mo; minsan mangungunsyensya pa. Or yung mangungutang kasi sobrang kailangan then maya't maya makikita mo sa Facebook/Twitter/whatever social networking site, nagmamayabang na may bagong gadget/phone sya, nakalabas sya ng bansa, nagpakabongga sya by eating in an upscale resto, etc etc etc.

I remember na may nangutang sa akin, [dating] best friend ko. Namatayan sya ng nanay so baon sila sa utang, mareremata na yung bahay nila kasi sinangla nila. Kaso wala akong maibigay sa kanya then muntik na akong mag-loan just for her, best friend ko eh. So nagkaroon na ako ng pera (buti na lang di ako nag-loan) so nagpautang naman ako.

Maya't maya she eloped with a guy, indebted to various people... Then lately nakita namin sa FB na nakaipon na sya for an iPhone 4S and she has given birth to a baby girl. I heard na naipa-blotter na sya ng tita nya, so I guess she's at large right now kasi di daw sya mahanap, not so sure about that anymore. Napakaaaagaling.

Di ko na lang sya siningil, dahil [dating] best friend ko sya and just for the sake of her baby girl. Ayoko nang isipin ang karma dahil baka ako pa ang gawing masama at ayoko ring madamay ang anak nya.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: aspiringlawyer on April 25, 2013, 02:57:19 pm
maraming beses na din ako nabiktima ng ganito. malalaman mo na lang lately may pattern pala sila. maraming promises, tapos failed naman, tas  maraming lies and alibis na mgpatong patong lang. yung iba kasi diyan social climber lang, nangugutang para makacatch up. ganun nangyari sa isa kong friend. yung nangutang sa kanya mega upload lang ng gimmicks kung saan saan, kain sa mga upscale resto, shopping ng bonggang bongga. tas aakalain mo ikaw lang inutangan yun pala sa lahat ng circle niyo, nalibot na niya. mas maganda pag nagpautang kayo yung may written proof, like Receipts sa couries na pindalhan or bank deposit slip. para may habol lalo na pag malaking pera. one time, i ended up writing a demand letter para matakot yung nangutang. nagbayad naman pero mga halos isang taong singilan. dagdag stress at sakit ng ulo. di mo lang kasi iinexpect na may mga taong sumisira sa friendship dahil lang sa pera.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: Purple_Power on April 25, 2013, 08:40:04 pm
^Tumpak ang sinabi mo may pattern yan. Dagdag mo na sa una magmamakaawa as in kawawang kawawa tapos galing magsales talk na parang bukas ibabalik na agad. Ang bilis mong pinahiram kasi awang awa ka at naniwala ka sa promise na babayaran ka. Pero wag ka pagdating ng singilan galit pa sayo ikaw pa masama.

Regarding naman sa demand letter it reminds me of my former friend rin. Pero ito naman hindi utang talaga kundi sweldo kasi nagwork ako sa kanya for 2 months tapos ni wala siyang binayaran kahit singko. Ang nangyari kasi 2 kami employees sa kanya tapos siya at yung rest ng friends niya mga magpapartners pero siya yung pinakaboss dahil siya yung nagplan ng business na ito. So investors ang tawag sa partners niya. Hindi naging successful yung magazine na dapat ipublish dahil lack of funds sila. So napilitan silang isara yung company. Kaso mo yun nga hindi kami binayaran pareho sa service na ginawa namin for them. So para may closure gumawa ng quit claims yung dati kong friend na pinalalabas niya na binayaran na niya kami at pinapirma kami tapos raw ang magbabayad sa amin yung investor raw. Although ang nakasulat sa quit claims pangalan ng friend ko instead of yung name ng investor. So dahil paniwala kaming pareho na mababayaran na kami finally eh di nagpauto kami na pirmahan yung quit claims. Pero after that it was so horrible and the story is too long. Yung investor hindi kami nabayaran dahil short siya so siempre dahil siya yung nasabing magbabayad at nangako siya my God super galit to the highest level na ako sa kanya hanggang sa nagsalita na ako ng masakit sa kanya tapos nung tumawag siya he was offended already nagbangayan kami. But after that he explained his point kung ano ang totoong nangyari then he apologized so it was my friend's fault. Nag legal advise na ako from IBP and I was told na magpadala ng demand letter sa taong nagpapirma. So inaway ko na yung mismong kaibigan ko. Grabe isang taon nangyari ito pinahanap ko sa taong may connection sa NBI yung address niya it was not successful tapos yung registered name sa LTO it was not successful grabe ang dami kong ginawang paraan kung saan ko siya padadalhan surprisingly yung demand letter at isang taon ko ginawa ito. Dahil hindi ako matahimik at mapakali bigla akong nagsend ng message sa facebook ng friend ko na hinihingi ko na yung home address niya at inamin ko sa kanya na padadalhan ko siya ng demand letter. So sa takot niya napilitan siyang magbayad agad. Parang ako wheeewwww  ::) :o kailangan lang pala takutin para magbayad siya. 

Saka yeah! totoo nakakasira talaga ng friendship kapag pera ang usapan.

Tapos ito naman ngayon nagulat na lang ako sa sinabi ng mama ko na yung pinsan ko malaki ang utang sa kapitbahay, actually nga kahit sa Mama ko malaki utang ng pinsan ko. Tapos yung Papa ko naman sinabihan yung kapatid niya na may mga utang siya sa Tita ko, Tito nila, at sa kapitbahay na hindi alam ng ate niya. I was surprised rin na hindi na pala siya nagwowork as part time sa call center tapos naiconfess raw niya dun sa kapitbahay na hindi na raw siya nagwowork kundi pinang goo goodtime lang raw niya yung mga hinihiram niyang pera.  >:( So anong meaning nun? Niloloko niya pala kami? Pinang gigimik niya lang yung malaking pera. Well buti na lang wala akong perang pampautang sa kanya ni hindi ako hiniraman nun kahit kapatid ko. Ang nakakainis rito nagawa pang mag good time eh! hirap na hirap na sila tapos namatayan pa sila ng ina last year.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: nettai on April 26, 2013, 09:03:17 am
^ I agree sis, kaya lesson learned for me na ever since... Either I give a small amount of money pag nangangailangan ang friend ko (e.g. May emergency sya, 10k ang hinihiram, I just give a small portion like 500 or 1k just for goodwill, basta alam ko naman na nagsusumikap sya on his/her part), and definitely no-no na if my friend asks me to invest in something with him/her, or makipagsosyo sa kanya, or anything else involved with money.

Not only breaks friendships, sobrang hassle pa at sakit pa ng ulo ang ibibigay sa yo. X_X
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: aspiringlawyer on April 26, 2013, 09:36:13 am
korek mga sisses. pag hindi pa natakot. gawa na talaga ng demand letter. tapos wag na magpahiram ng malaking halaga. kung super need tama na yung magbigay ka ng small amount an iniexpect mo na hindi na marirecover. parang tulong na lang.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: Purple_Power on April 27, 2013, 01:52:06 pm
Ang sinasabi ng bf ko wala naman raw nakukulong dito sa Pinas nandahil sa utang. Pero ano ba yun pwede sila sa estafa cases?
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: mxherr5 on April 27, 2013, 02:39:10 pm
wala talaga. as far as I know sum of money ang case
sa mga utang at civil case lang to not criminal.

One important "ingredient" sa estafa is fraud, malice
meaning may intention talagang mag loko. Iba po yung
nangutang ka at nagipit at therefore hindi mabayaran.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: xtine on April 27, 2013, 11:16:34 pm
^Estafa is a documentation of supposedly your payment to the debt, pero hindi nag materialize.  For instance, bounced check.  In this case, you have committed fraud because your supposed to be payment did not happen, parang nanloko ka lang.
 
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: bpa on April 28, 2013, 11:09:00 am
me, pag first time mangutang (close friend and relatives) and if di naman masyado malaki like less than 5k, i give whatever the reason para wala na issue. for me kase money lang yun, lalo na kung close friend or family and di naman yung may history ng pangungutang baka kase nagipit lang talaga. nag-iintay lang ako magbayad, di ako naninigil. kadalasan yun iba half lang nababalik. hehe. yun iba forever na nga magbayad installment pa, para bang installment den yun pinahiram mo. but at least nagbayad ng buo. walang interest yun ha. but di na nakakaulit pag half lang binayad, kase for me di mo pa nga nabayaran utang mo dati utang nanaman. i say na wala eh. sorry. and pag tawag uli. deadma nalang. alam na nila yun. but if i know na that person is way of life na mangutang, di talaga kahit 1st time di talaga ko nagpapahiram ng malaki. but if 500 lang, oki lang. not more than 1k. but 1 time lang yun. parang tulong nalang and konsensya na nya if wala talaga siya balak magbayad.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: rhia00 on April 29, 2013, 01:49:19 am
Pashare din ng experience..

Pag first time at less than 3k nagbibigay ako. So far binabayadan naman. Pero i remember a coleague parang hobby na nya mangutang. I thought initially baka super gipit lang and lives paycheck  to paycheck the nashort. Pero nahuli ko sa facebook madalas mag out of town. The next timw nanghiram hindi ko na pinahiram, sabi ko nabayad ko na or nadeposit sa investment or anything. Plus lecture regarding pagtitipid and living below/within her means. E kami nga ng fiance ko mega tipid bec of our h&l and investments at umaasa na lang sa free company out of the country (buti galante si employer), sya nangungutang para makapag out of town?! Haller?!
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: Purple_Power on April 29, 2013, 08:57:42 am
Now I realized na karamihan pala ng mga nangungutang ay para lang sa luho hindi dahil sa may emergency sila. Samahan mo pa na sila mismo ang masama ang ugali.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: gab54 on April 29, 2013, 11:27:32 am
So far, hindi na ako nagpapautang ng personal. Kasi sa dami ng tinulungan ko dahil sa awa, wala na ngang interest, sila pa ang galit pag sinisingil mo. In the end I lost money & friends.
Pero ngayon, may small lending company ako na pinapamanage ko sa partner, dun ko sila nirerefer. Syempre may proper CI, contract, approval at interest. So if hindi siya pasado sa CI hindi siya makaka loan, if maturn off siya sa interest eh di wag na, at kung hindi sila makapag bayad, ang partner ko ang bahalang makipag baranggay or mag file ng kaso.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: aspiringlawyer on April 30, 2013, 10:24:54 am
In case of non-payment of debt, you can only file a civil action for collection of a sum of money. In case of amounts not exceeding P100,000, you may file it Small Claims Court. Summary ang procedure dito. You don't even need to hire a lawyer for this. May form naman na downloadable. Kaya kelangan talaga documented yung pautang niyo para may habol. Estafa does not apply to debts as there is already transfer of ownership of the money you parted. Estafa applies to borrowed things na dapat isoli like gadgets, etc. but not to money.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: Purple_Power on April 30, 2013, 11:26:12 am
Ah okay I got it now pwede pala siya sa small claims.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: sugar n spice on May 02, 2013, 10:58:38 am
Pag mga kapatid ko, okay lang. Minsan kahit hindi bayaran, keri. Wala naman kasi samin ang iresponsible at abusado. Sa mga pinsan, so far ang nanghihiram lang sakin hindi talaga responsible so sinasabi ko "sorry maraming gastos". Sa friends, wala naman din, kung meron man maliitan lang na nagbabayad kagad. Pero sa work, naku. Pag maliitan lang, go. Pag malakihan, sinasabi ko walang money talaga. Most pa ng nanghihiraman, hindi naman talaga close. Meron isa feeling close, tapos biglang manghihiram. Hay ayoko nga. madami pa naman hindi marunong magbayad. Hindi pa naman ako magaling maningil. So kesa magkasamaan kami ng loob. I say "no" right away.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: tey_roch19 on May 04, 2013, 09:43:14 pm
@ tey_roch19 - feeling ko may gambling prob yang doctor na yan. Ganyang ganyan kasi ang habit nung mga addict sa pagccasino.

Sa akin naman,tuwing magkikita-kita ng mga relatives,mukha laging kawawa (as if nageffort  pa hehe).mga kupas kupas na damit at nagtutuklapang bag ang gamit with matching kwento ng gastos kaliwat kanan.effective naman sa karamihan pero meron pa din talaga matigas ang mukha.natuto na ko magsabi na wala ako extra.

hay nako sis. isa doctor isa social worker. badtrip pa mga paandar nung social worker. tapos iuunfriend ka sa fb as if kawalan sya. na inis ko nagpost ako ng pic nya. haha :) ayoko na maistress. charge to experience.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: lime_eds on May 06, 2013, 04:51:23 pm
Recently a co-parent in school was bragging na parating na asawa niya from abroad, then after a few days called me at home (surprised where she got my number) at nangungutang. ngek!kakauwi lang ng asawa utang agad.so I politely said NO at nagdahilan na lang na hubby is on a business trip and I don't lend money without his knowledge. Ayun na, kung ano-ano ng tsismis ang pinagkalat sa school about me and my kid. All moms naman won't believe her. Buti na lang hindi ko siya pinautang hahahahaha. Super low life pala!

Hehe, ganyan din yung isang officemate ko, nagtataka na nga lang ako kase may work naman siya at yung husband niya eh nasa abroad.. bakit kinakapos siya? Panay ang utang niya sa iba't-ibang tao, pag sa kin siya nangutang, hindi ako nagpapa-interest... kaya siguro mas gusto niya sa akin mangutang. Yun nga lang pag laging sayo, nakakapagod na din. Kaya minsan I have to say NO. Kaso tuma-timing siya pag may mga nagbabayad sa akin na ibang officemate namin. Kaya di ko pwede sabihin na wala akong pera. Ang talino niya noh.

Now I know na nag-aaway sila mag-asawa dahil hindi nga siya marunong mag-budget.. kaya pala...
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: jmeangeL on May 07, 2013, 09:48:31 am
Hehe, ganyan din yung isang officemate ko, nagtataka na nga lang ako kase may work naman siya at yung husband niya eh nasa abroad.. bakit kinakapos siya? Panay ang utang niya sa iba't-ibang tao, pag sa kin siya nangutang, hindi ako nagpapa-interest... kaya siguro mas gusto niya sa akin mangutang. Yun nga lang pag laging sayo, nakakapagod na din. Kaya minsan I have to say NO. Kaso tuma-timing siya pag may mga nagbabayad sa akin na ibang officemate namin. Kaya di ko pwede sabihin na wala akong pera. Ang talino niya noh.

Now I know na nag-aaway sila mag-asawa dahil hindi nga siya marunong mag-budget.. kaya pala...

^---tell her na may pag-gagamitan ka ng pera.  you don't have to be specific kung ano man iyon.  then, tahimik lang, she'll take the hint
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: xyeZZZ on May 10, 2013, 02:21:57 pm
hay naku! Etong ka officemate ng hubby ko nangutang ng pera 3 days before the salary,  since nagpromise na bayaran sa sahod at petsa de peligro, pinahiram naman ni hubby. Aba ang nangyari, naging hulagan ang utang, minsan bigyan lang siya ng 200, minsan naman 500, may isang beses 200 na GC (sodexho). Kakaloka! Tinanggap nalang ni hubby kaysa sa wala. Until now, di pa rin fully paid yung utang niya, last Feb pa yun and knowing na mas mataas yung position niya kay hubby. Forgive and Forget nalang at di na talaga siya makakaulit.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: mamy_maldy on June 08, 2013, 11:09:46 am
Paano kung ang nangungutang e kapatid mo o nanay mo sa halagang half million? Masaklap pa, ang gusto nila ako ang magsangla ng bahay ng parents ko an ililipat daw ni mama sa name ko para ako ang makasangla. Bakit sakin ililipat? Mama is over aged to be granted a loan ng bank, sibling has no capacity to pay dahil walang income. San gagamitin? pambayad daw ng utang nila, pantubos sa nakasanglang alahas, at the rest inenegosyo.

Pag ganun ang pinagusapan nio, papayag kayong umutang under your name pero silan naman ang makikinabang?
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: khayzee on June 08, 2013, 11:54:12 am
Ano ba yan.. Wala na ba silang ibang paraan? At pati paglipat/ pagsanla ng bahay e naiisip nila..


Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: mxherr5 on June 08, 2013, 02:26:47 pm
Paano kung ang nangungutang e kapatid mo o nanay mo sa halagang half million? Masaklap pa, ang gusto nila ako ang magsangla ng bahay ng parents ko an ililipat daw ni mama sa name ko para ako ang makasangla. Bakit sakin ililipat? Mama is over aged to be granted a loan ng bank, sibling has no capacity to pay dahil walang income. San gagamitin? pambayad daw ng utang nila, pantubos sa nakasanglang alahas, at the rest inenegosyo.

Pag ganun ang pinagusapan nio, papayag kayong umutang under your name pero silan naman ang makikinabang?

I would not, this would mean my name would be besmirched if ever they
fail to pay in the future.

Plus who would pay daw for the expenses in transferring the title to your
name? Deed of donation ata mangyayari dito.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: mamy_maldy on June 08, 2013, 02:47:41 pm
Di ko alam, I am so depressed :(. Nakakaawa sila oo, but the reason why nagkandabaon baon sila sa utang is beyond reasonable and acceptable. Oo pamilya ko sila but I have my own family na rin. Feeling ko ang damot ko pag di ko sila pinagbigyan.

Ang in -0ffer ko sa kanila. Sige I will just buy na lang the house na nka allot sa sibling ko. We have two houses kasi, both under pa sa name nang parent ko. Yung current na tinitirhan namin, yun daw ang ibibigay sa kin, and yung kabila sa sibling ko. So sabi ko I will just buy yung kabilang house kung talaga need nila ng money. Eh pina rerent out yun sa iba, so sabi ko once binili ko yun, akin na ang rental income dun. Sus, parang ayaw pa, parang ang dating ko ang gahaman ko sa pera.

Ewan, but I've asked a number of people about it, sabi nila given the same situation, they would'nt get a loan under their name and have the proceeds used by their sibling or mother. May pamilya na daw ako at yung kapakanan nila ang unahin ko. They have a point.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: tomatostellar on June 09, 2013, 12:36:46 am
oo nga sis, it's kind of inconsiderate of them to put you in that situation =/
and mukhang they have it all planned out at pilitin ka na lang pumayag. hirap talaga pag pamilya+pera ang usapan.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: quinone on June 09, 2013, 02:14:51 am
mamy_maldy, obviously ang gusto ng family mo e sustento. baon sila sa utang you said, you know ang mga tao na hindi marunong humawak ng pera kahit gaano pa kalaki ang ilagay mo sa kamay nila, laging kulang yan. don't let them drag you down, kahit pa kapatid at nanay mo yan.

Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: mxherr5 on June 09, 2013, 07:22:14 am
You need to show them some tough love.
Kasi if you just go along with their plans, you
are an enabler.

That means you are enabling their bad behavior,
supporting it even.

Listen to your friends and tell them no.
Have them list all their expenses and cut out the "fat"

Maybe suggest the debt snowball method in eliminating
their debt.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: mamy_maldy on June 12, 2013, 04:55:09 pm
Oo that's what I feel parang they are bringing me down with them. Tama ka sis quinone, pag di marunong sa pera, kahit gaano kalaki, mauubos pa rin. Six mxherr5, what do you mean by debt snowball method?
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: mxherr5 on June 13, 2013, 06:41:19 am
Its a debt elimination method popularized by Dave Ramsey.
Just google it for more info.

Good luck!
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: freelancer_babe on June 13, 2013, 10:14:29 am
I just said NO to a first cousin na nangungutang sa akin and promising interest sa inutang.

Ang bigat ng feeling talaga when you have to say NO, pero yun lang, I have to. Judging from their financial situation, and their credit reputation (humiram na rin sila sa ibang relatives namin without paying back) - I think I won't ever get that amount of money.

Saka I don't have all that time and energy na maningil. :P
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: beach on July 17, 2013, 08:56:50 pm
A friend borrowed 50K from me (very big amount at that time kasi, like 10 years ago)... Fast forward to today... she hasn't paid me back and ignores me. We are no longer friends... not because I broke the ties, but because she did. Medyo obvious she no longer has plans to pay me back.

Now, I don't have difficulty saying no to anyone. I just say that "I am sorry, nothing personal, but I never lend other people money."
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: lisse on July 17, 2013, 09:47:02 pm
^uy sis, gusto ko yang statement mo. would you mind if I borrow it and use it on friends and relatives na livelihood na ata ang mangutang and hindi magbayad?
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: beach on July 17, 2013, 11:11:50 pm
hehe... go right ahead... Effective sya for me. :)
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: bratinella08 on July 18, 2013, 09:35:34 am
Mga sis, learn from my mistakes, grabe sa sobrang bait ko nahihirapan ako mag turn down sa mga request, pero ngayon 2 co-maker ko, tapos first time mapadalhan ng bank kasi yung friend ko na nagloan di nakapagbayad kaya ako sinisingil at tie-up yung payroll namin sa bank, kaloka, salary deduction eh yung taong yun may ibang utang pa sakin, even my first cousin na nag guarantee sya sasalo kasi nangutang friend nya using my credit card, more than a year di pa rin full ang payment, grabe, tapos sinisingil ko pinsan ko aba sya pa galit, eh usapan namin after a month sya magbabayad if di nagbayad friend nya. plus may iba pa kong friends na one year di pa bayad, more than 30k each, ako pa nahihiya maningil, ako kasi nai-stress sa kanila. Ikaw na tumulong, ikaw pa dehado. Now, ayoko na, i've learned the hard way.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: jessiej199091 on July 18, 2013, 09:37:24 am
i feel guilty pag hindi ako nagpapautang kung alam ko naman na may maipapahiram ako. basta dun lang sa mga taong alam kong nangangailangan talaga. minsan kasi yung humihiram ng pera, mas sunod pa luho sa katawan kesa skin. mas mabuti ng tumulong kesa sa humingi ng tulong. but i make sure na up to 5k lang pinapahiram ko. masakit na yun sa bulsa ko. madalas kasi, wala ng bayaran yun.

pero pag wala talaga, sinasabi ko na dami kong binayaran for that particular month.

Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: hun_nie08 on July 20, 2013, 12:14:19 am
Awww.. ang hirap kasi e.. ako yung pinsan ko bumili ng tv using may credit card, 12mos yun, 5mos lang sakin nakahulog and di na ako nirerpelyan ngaun. imagine i shed 20k sa pera ko para lang di magkainterest sa card. Kaya ngaun di na ako pumapayag lalo na kung di ko ganung kaclose...  :( usua;;y, di ako naglelend ng money, ang nagagawa kong tulong is telling them that  hindi ako ang magpapahiram. kunwari tutulungan ko lang sila. so parang di ko pera yun.. by that pwede niyang bayaran dahil syempre alam nyang di ko sariling pera ko yun hehe!
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: alice_alice on July 30, 2013, 10:03:13 pm
Inuunahan ko na "Sorry marami din akong binabayaran na utang" pero wala naman talaga para di na ko utangan
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: ashara on July 30, 2013, 10:24:19 pm
Sinasabi ko na dami kong problema .. Wag na siyang dumagdag
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: Myealexis21 on August 01, 2013, 03:22:17 pm
^I just say sorry and that I don't have extra cash to lend.  Eversince ganyan na ako, kaya even my relatives hindi talaga nangungutang sa akin.

Isang way para di kayo maka-attract ng mangungutang...don't post expensive things in facebook, travel, etc.  If I have to post those pictures, limited lang ang viewers. 

And if meron man akong papautangin sigurado ako (100%) na babayaran niya ako, and I always set a time for them to return the money.  I hate din kase maningil, minsan yung nangutang yun pa ang galit pag singilan na :)

Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: graZiousa on August 01, 2013, 04:23:38 pm
Nagpautang ako ng branded slippers, ngayon ang nangyari may mga kaibigan na kumuha rin sakin.hangang ngayon di pa nabayaran lahat malaki laking halaga rin. di pa naibabalik puhunan ko. kaya ngayon kahit maliit na halaga i manage to say "pasensya na wala akong mapapahiram"... kasi at the end of the day sino mamomoroblema kung mangailangan na tayo tapos di pa makapagbayad ang nanghiram.. tayo naman ang magkandaloko loko sa paghahanap ng magagamit.. many times na nangyari sakin to. may mga pautang sa negosyo na until now talaga di pa talaga nababayaran to the point na kahit mga kaibigan na sila pang may utang sila pa ang galit pag nabangit sa kanila... Kaya dalang dala na talga ako...
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: bubblepop on August 02, 2013, 07:34:52 am
problema ko rin first cousin ko nanghihiram sakin Hindi ko masabing No dahil sa utang na loob, hay buhay
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: cloudzy_09 on August 02, 2013, 09:01:30 am
Ako din yung cousins ko its very difficult to say no pero I learned my lesson the hard way kaya ngayon matigas na puso ko sa nangungutang sa akin lalo na kung hindi naman kami close. Iniisip ko na lang instead na bigay ko sa kanila yung pera ibibili ko na lang ng gamit ng anak ko.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: Myealexis21 on August 04, 2013, 02:08:27 pm
problema ko rin first cousin ko nanghihiram sakin Hindi ko masabing No dahil sa utang na loob, hay buhay

That's why ayoko rin ng utang na loob.
Kahit anong gawin mo, ang hirap bayaran.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: beach on August 04, 2013, 04:08:16 pm
Somebody was hinting kanina na hirap sya sa pera and that she needs money for whatever... so before she can get to her point (which is probably manghiram from me), I left na. Graceful exit pa... kunwari pupunta ng CR, hehe. :)

Hindi ko sure talaga if uutang sya... pero di ko na kailangan marining. Kasi for me, ok lang assuming (na uutang this person). If she really needs the money, she will find ways din naman siguro to approach others... basta others muna and sana ako na yung last resort, hehe. :)
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: bubblepop on August 05, 2013, 07:53:15 am
oo nga sis myealexis21 to think na sa mama niya kame may utang na loob.....,   update lang dun sa pinsan kong umuutang mapapa OMG ako dahil yung asawa niya panay post sa fb at nakita ko sa newsfeed ko na binili siya ng Branded bag worth $ 2k kanina. Nakakainis na nakaka iyak tinipid ko ng husto family ko para may mapahiram lang sa kanya, now nagbago na isip ko I just don't know how to say No Hindi na tuloy pahiram ng pera sa kanya, naiiyak talaga ako now. :(
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: EizziL on August 16, 2013, 02:22:36 pm
I will just say, I don't have extra money for now. My salary is just enough for me. ;D
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: shabby on August 20, 2013, 11:32:11 am
Nagpautang na ako sa officemates pero less than 1k lang naman. Yung isa, nagbayad. Yung isa, hindi. Sumusubok pa siyang umutang ulit, pero I tell him na pasensya na pero naka-allot na sa bills and medicines though I have enough money pa. He has a history na kasi sa office. Hindi lang siya sa akin may utang na hindi na binabayaran.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: rochelle1025 on August 31, 2013, 07:31:52 pm
"Sorry but I don't have extra money."
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: timetraveller on August 31, 2013, 08:59:33 pm
Yung isang kabarkada kong social climber na mahilig mangutang, nanghiram sakin last last week ng Php50. Wala na yata balak bayaran. Tapos kanina nanghihiram ng Php2500, pang-dagdag tuition daw. Sabi ko, "hindi ba may utang ka pa saking Php50?" Ayun, di na nangulit at parang napahiya pa yata. ;D

Ewan ko ba dun. Palagi rin nun hinihiram yung Nike shoes ko para daw sa jogging. Eh naging madalas na yung paghiram nya nung shoes ko, kaya tinanong ko kung bakit hindi na lang siya bumili ng kanya. Sagot sakin, "eh kasi hindi ko kayang bumili ng Nike, nakakahiya naman kung mumurahin ang rubber shoes dahil may-kaya ang mga kasama kong mag-jogging".  :o Sinabi ko na lang na ayaw na ng mommy ko na magpahiram ako. Hahahahaha OT na sorry
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: xtine on August 31, 2013, 11:40:23 pm
^Sabihin mo sis, napaka unhygenic.  :)  Para di na manghiram.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: rochelle1025 on September 01, 2013, 11:32:38 am
Yung isang kabarkada kong social climber na mahilig mangutang, nanghiram sakin last last week ng Php50. Wala na yata balak bayaran. Tapos kanina nanghihiram ng Php2500, pang-dagdag tuition daw. Sabi ko, "hindi ba may utang ka pa saking Php50?" Ayun, di na nangulit at parang napahiya pa yata. ;D

Ewan ko ba dun. Palagi rin nun hinihiram yung Nike shoes ko para daw sa jogging. Eh naging madalas na yung paghiram nya nung shoes ko, kaya tinanong ko kung bakit hindi na lang siya bumili ng kanya. Sagot sakin, "eh kasi hindi ko kayang bumili ng Nike, nakakahiya naman kung mumurahin ang rubber shoes dahil may-kaya ang mga kasama kong mag-jogging".  :o Sinabi ko na lang na ayaw na ng mommy ko na magpahiram ako. Hahahahaha OT na sorry

Social climber nga! As if naman titingnan ng mga kajogging nya yung shoes nya. And if her jogging mates would judge her because of her rubber shoes, better if she just looks for other friends.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: linacheng on September 01, 2013, 11:36:42 am
Dati hindi din ako makapaghindi sa mga nangungutang sa akin. Especially sa mga kamag-anak..  I remember nung student ako, yung pinsan ko humiram ng 2.5k para daw pang apply nya sa work. Since valid naman yung reason nya, pinahiram ko yung ipon ko. Nung nagkawork nakalimutan na magbayad kesyo nung siningil ko, hindi pa daw masyado nakakaipon,maliit lang ang sweldo, etc. After that hindi na ako nagpahiram ng pera sa kanya ever. May mga other instances na nagpapahiram ako na hindi na naibabalik.

Share ko lang din,ngayon na nagwowowrk ako,dati may kaofficemate ako na maluho, every weekend kakain sa isang mamahaling resto, nagbabar, nakakapagtravel. Then after  end of month he will ask if pwede siya humiram kasi gipit na sya, nagkulang daw ang budget. That time, pinapahiram namin siya ng friend ko since kaofficemate/kabarkada, pinapalagpas ba yung lifestyle nya. Maliit lang yung pinapahiram ko kaya mas malaki yung hinihiram nya dun sa friend ko. Nadali na kasi ako eh. Pahirapan na singilan so nung napansin ko yun I stopped lending him money. Yung friend ko na mas mabait sa akin(lol) yun ang namroblema. To the point na lagi nya pinapaalala yung utang kahit lunch time. So ako, being a good friend pumasok na sa problema nilang dalawa, at sinabi ko: wag mo na nga pautangin yan si (officemate) kasi  pare-pareho lang tayo nagwowork. Namimihasa ka na kasi(nasa harap si officemate-lender)  nung sinabi ko yun. Magtipid ka naman. May mga sinabi pa ako aside from that  so ayun mukhang nahiya nung sinabi ko yun, di nila siguro ineexpect na sasabihin ko yun. Nagbayad si officemate after ilang weeks then hindi na nangungutang. I think minsan talaga kailangan mo maging pranka sa mga ganitong tao.

Ngayon medyo naging mautak na ako. I always tell to those na manghihiram na they need to pay me on this date or else hindi na sila makakaulit sa akin.. Lagi ko binabanggit na 'nadala na ako kasi sa mga hindi nagbabayad sa akin'... So far effective naman siya sa mga humihiram sa akin, though may times na hindi complete yung bayad nila at humihingi ng extension dun sa kulang nila. 

Pero pag wala din ako maipahiram. I just tell them na wala din ako ipapahiram at wag mangulit ng mangulit. Kahit umiyak pa sila ng dugo..hahaha
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: timetraveller on September 01, 2013, 12:05:25 pm
^Sabihin mo sis, napaka unhygenic.  :)  Para di na manghiram.

Nung first, second, third time pinagbigyan ko. Eh kaso gusto yata kanya na lang yung rubber shoes pero ipapatago sakin... Aba, hindi na noh. ;D

Social climber nga! As if naman titingnan ng mga kajogging nya yung shoes nya. And if her jogging mates would judge her because of her rubber shoes, better if she just looks for other friends.

I've met those "friends" of hers na sis, mukhang hindi rin naman mga sobrang yaman. Parang mga social climbers lang din. Hahahahaha, bad.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: rochelle1025 on September 01, 2013, 07:23:27 pm
^Hahaha! Birds of the same feather pala sila. :D
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: Mikasa on September 01, 2013, 07:31:51 pm
sinasabi ko na walang akong ipapautang lalo na dun sa hindi marunong magbayad sa oras. mas mahirap kasi maningil kesa magpautang. pag nasira kasi sakin, as in hindi na talaga.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: timetraveller on September 01, 2013, 09:45:19 pm
Yung best friend ko, may ugali ring pala-utang tapos mangangako na babayaran on this specific date pero laging hindi natutupad. Last year umutang sya sakin ng Php500, pangako nya babayaran nya after a week. Pero inabot ng four months bago bayaran. ;D Tapos nitong June, umutang ng 1k, sabi babayaran sa July 10. Ayun, binayaran ako last week ng August. Sabi ko na nga ba dapat hindi na ako nagtiwala ulit, hindi ako nadala. Pero hindi na talaga sya makakaulit. Kesa masira ang friendship namin dahil sa broken promises nya, di ko na lang sya papahiramin. EVER. Lalo na't alam ko namang kaya sya kinakapos kasi gastadora rin sya.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: toria on September 12, 2013, 10:40:58 pm
Hindi naman sa pagdadamot pero ayaw na ayaw ko magpautang sa mga taong maluho. In a sense na nakikita mo namang gastador, tapos pagdating ng gipitan manghihiram sayo. Tse! Ako nga pinaghihirapan ko bawat sentimong kinikita ko.

Kaya ngayon sinasabi ko na lang talaga eh wala akong extrang pera pwede ipautang. Tapos.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: ashleycole on September 15, 2013, 12:35:41 pm
lagi ko na lang excuse sa mga mangungutang sa 'kin ay diretso sa parents ko ang money at allowance lang nasa wallet ko..pero pag alam kung emergency talaga kahit konti ay pinapautang ko naman hehe..
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: leelou on September 15, 2013, 05:05:32 pm
Hindi naman sa pagdadamot pero ayaw na ayaw ko magpautang sa mga taong maluho. In a sense na nakikita mo namang gastador, tapos pagdating ng gipitan manghihiram sayo. Tse! Ako nga pinaghihirapan ko bawat sentimong kinikita ko.

Kaya ngayon sinasabi ko na lang talaga eh wala akong extrang pera pwede ipautang. Tapos.

biktima din ako nito. pag close friends mo ang hirap humindi. kahit minsan nakakasama ng loob makikita mo may bagong bag, shoes, etc. kaso nga nagiging habit grabe. next time promise talaga hindi na. have to make excuse and stick to it.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: alice_alice on September 16, 2013, 11:08:40 am
Hindi naman sa pagdadamot pero ayaw na ayaw ko magpautang sa mga taong maluho. In a sense na nakikita mo namang gastador, tapos pagdating ng gipitan manghihiram sayo. Tse! Ako nga pinaghihirapan ko bawat sentimong kinikita ko.

Kaya ngayon sinasabi ko na lang talaga eh wala akong extrang pera pwede ipautang. Tapos.

Ako marunong na ako humindi dati nagogoyo pa ako sa mga ganito especially pag close mo, mangungutang pero kinabukasan may bagong mga gamit, nasa uso lage kaso panay utang naman tapos ang tagal magbayad minsan kalahating taon na di pa mabayaran ang 800 nautang eh pare parehas naman kame may sweldo.

Never na ako madedenggoy sa ganyan marunong na talaga ako tumanggi.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: kreez on September 17, 2013, 09:50:29 pm
ako meron talaga kong envelope na nilalagyan ko every month para sa mga nangungutang, actually hindi ko na consider na utang pag nagbigay ako ng pera from this envelope, parang ok nalang yun.  may criteria din ang pagpapautang ko, dapat yung emergency talaga or kailangan na kailangan lang otherwise kung sa palagay ko eh hindi masyadong importante ang reason then I say no. 
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: khayzee on September 17, 2013, 10:09:20 pm
ang hirap mag NO, minsan ikaw pa masama. kainis lang kala mo pinagdadamutan sila.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: Sapphire8 on September 17, 2013, 10:37:51 pm
I have a really close friend na notorious sa pangungutang sa circle of friends namin. Then one time she tried to borrow money from me eh sakto naman na kakabayad lang namin sa CCs ng sobrang laki-- ayun, I explained to her na kakatapos lang namin magbayad sa bank and wala na ako extra cash to lend her-- di na nya ako pinansin after nun. Nagtampo sya big time. Tapos napaisip ako-- siguro dun lang naka-base ang friendship namin-- sa ano kaya kong ibigay sa kanya. *sniffs* lol

Oh well caramel, you really don't owe anyone an explanation why you can't give them what they want. It's your money, afterall. Mas mahirap naman na after mo sya pautangin eh ikaw itong di mapagkatulog kakaisip when ka nya babayaran-- or if babayaran ka pa nya.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: tomatostellar on September 18, 2013, 02:05:23 am
^kapalmuks naman ng "friend" na yan
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: Myealexis21 on September 18, 2013, 01:32:47 pm
ang hirap mag NO, minsan ikaw pa masama. kainis lang kala mo pinagdadamutan sila.

Sinabi mo Sis! Pero Ako walang akong pakialam kung masama ang tingin nila sa akin when I say no.  Like makikita mo nga na may bagong ganito ganyan, sabay mangungutang sa yo. Ay naku no-no-no yan sa akin!  At mahirap din kase once na pinagbigyan mo, palagi na yan mangungutang and yung paniningil ang ayoko.

For me paniniwala ko I am somehow helping them to manage their finances better if I say no kapag nangugutang sila.  That will be a lesson for them not to overspend at para mag save sila for rainy days.

What I do now, deposit ko savings ko sa bank na kelangan ko talagang puntahan para mag-withdraw pare hindi easily accessible.  Time Deposit ko pa para may rason akong walang extra money. I don't keep anything extra with me, yung budget lang for the month.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: khayzee on September 18, 2013, 03:09:29 pm
kaso sis pag sinabi mong walang extra, hihiritan ka ng ibabalik din agad hahaha
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: Myealexis21 on September 18, 2013, 07:28:26 pm
^eh kung ibabalik pala agad, di wag na mangutang hehe... ipa-define "kaagad" :)

ako generous naman akong tao, if I see that the person needs it, ako mismo ang nagbibigay ng tulong.  Ako pa nag-aalok na magpautang. but to people I trust lang at proven na marunong magbayad at on time ang pagbabayad ha.

Tingin ko my friends and relatives know na allergic ako dyan sa utang utang na yan.  Mabibilang ko lang kase sa daliri ko ang nangungutang sa akin sa loob ng isang taon.  Siguro it helps na rin na hindi magarbo ang lifestyle ko, plus I don't post a lot in facebook. 
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: Sapphire8 on September 18, 2013, 07:49:08 pm
^kapalmuks naman ng "friend" na yan

Heheh! Bati na ulit kami ngayon. Ang sabi na lang sa akin hanapan ko sya ng puede sya pautangin. O di ba? Heheh!

I had another case with a manicurista na nag-ho-home service sa amin. Inuutangan ako ng P5,000 pang start daw ng business nya. I was really willing to help her pero sabi ko wait lang-- pinag-iisipan ko rin kasi if I trust her enough to give the full amount or bibigyan ko na lang ng maluwag sa kalooban ko na amount-- ayun, the week after na pinatawag ko sya, madami na syang dahilan. In short, ayaw na nya ako puntahan dahil di ko sya napautang in punto.

What's wrong with the world?!? Ang kikitid ng mga mangungutang ngayon ah. Pero okay lang, at least nakilala ko na agad pagkatao nila.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: khayzee on September 18, 2013, 08:52:31 pm
^eh kung ibabalik pala agad, di wag na mangutang hehe... ipa-define "kaagad" :)

ako generous naman akong tao, if I see that the person needs it, ako mismo ang nagbibigay ng tulong.  Ako pa nag-aalok na magpautang. but to people I trust lang at proven na marunong magbayad at on time ang pagbabayad ha.

Tingin ko my friends and relatives know na allergic ako dyan sa utang utang na yan.  Mabibilang ko lang kase sa daliri ko ang nangungutang sa akin sa loob ng isang taon.  Siguro it helps na rin na hindi magarbo ang lifestyle ko, plus I don't post a lot in facebook.

allergic na din ako sa utang sis. i never post any gadget sa fb, or kahit ano hinde ako mahilig mag post. dati pag may time nakikipagkwentuhan pa ko sa kapitbahay, pero naman biglang sisimplehan ka na uutangan ka pala hehe. now marunong na ko tumanggi, lahat naman kasi ng bagay dapat paghirapan.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: JINJIN:* on September 19, 2013, 03:23:46 pm
i just did now..I said no and I told her, "naaalala mu lang ako pag me kailangan ka, sorry pero hindi ako nagpapautang pag hindi bukal sa luob ko"

sound a bit harsh but I want her stop, she has been bombarding me with pms, samantalang hindi manalng nga siya makapag like ng pics ko sa fb tapos ngayon na gipit siya eh kilala niya..the nerve!

Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: AnJelatine on September 22, 2013, 12:01:24 pm
"Aw. Uutang nga din sana ako sa'yo eh." Haha! ;D
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: khayzee on September 24, 2013, 04:50:30 pm
"Aw. Uutang nga din sana ako sa'yo eh." Haha! ;D


haha pede!
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: kookai88 on September 24, 2013, 05:35:37 pm
sinasabi ko "Ay naunahan ka ni ano, nangutang na siya sa akin, kanina lang" hehe!
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: chirochan on September 28, 2013, 12:49:55 pm
Ako di talaga ko nagpapautang kahit kay mister nangungutang friends nya no lagi sagot ko dahil may mga kids kami kahit hiram ng gamit d ako nagpapahiram mas okay maging segurista
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: red_one on September 30, 2013, 02:07:59 pm
yung close friend ko nung HS, as in close ko sya, tagal na kasi namin di nagkikita, then yun bigla nalang kami nagkaron ng communication through fb. nasa cavite ako nasa laguna sya. then inuutangan ako. i say no, kasi pag napahiram ko sya pano ko naman sya sisingilin eh bihira nman ako mag-online sa fb. ano yun pupuntahan ko pa sya sa laguna para singilin?
meron pa ring isa, ganun din HS friend din. through fb nalang din communication namin, madalas ko sya ka-chat sa fb,and seaman asawa nya tapos may 3 sila anak. nangungutang sakin, kesyo wala daw pambili ng gatas anak nya. gipit daw sila, sabi ko " ay sensya na kasi kakapadala ko lang ng pera ng sa pinsan ko, naghiramn din ng pera." (which is true naman talaga) and need ko pa magbayad ng cc ko. sabi ba naman, baka meron ka pa naitatago dyan, kasi wala na talaga pambili gatas anak ko. nag-offline na nga ako.
bakit parang feeling nila bank ako. tapos ngaun ayun, di ko na sila nakikita online. so what if pinautang ko pala sila pano sila hahabulin? actually diko na nga alam kung san sila nakatira ngaun kasi married na sila eh.
and ang latest, yung SIL ko kasi ooperahan daw. kulang daw yung pera. that was last august lang. yung mister ko ang nagsabi sakin. nahiya naman ako sa mister ko tumanggi, at saka dahil medical issue yun pinahiram ko ng 5k kahit labag sa kalooban ko. sabi ko sa mister ko baka december na di pa ako binabayaran ng kapatid mo ha. ayun october na ngaun, nakakagala na nga sya ng bonggang bongga at balik na sa trabaho eh. ni hindi ako nakarecieve ng thank you ate sa pinahiram mo na pera. up to now di pa ako binabayaran. take note single po sya at matagal na syang nagwo-work. wala naman syang pinapaaral. pero ewan ko at bakit walang savings. basta ang alam ko magadget sya. yun lang.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: Perfume_Lover on September 30, 2013, 06:27:22 pm
eto ang dilemma ko di ako makalusot, but when I know or I feel that she needs it ako na mismo mag offer then maglagay ng interest na din especially if more 2000 na
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: alice_alice on October 13, 2013, 04:36:01 am
I have this officemate na kakasweldo pa lang nangungutang na, he says naubos kasi nagbayad ng ganito, ganyan.

I said ni na several times, sabi ko pa nga i have debts to oay too and it's true kasi panay panay bili ko nung mga hulugan na kung ano sa opisina.

Ang style niya since I can't lend him big amounts eh pasundot sundot kunwari 200 today after 2 days 30 then the next day 500 then next wk 50php. Diba parang lakas makabadtrip i mean c'mon nanloloko ka na ata eh. So never ko na siya pinapahiram kahit anong paawa niya.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: southpaw on November 03, 2013, 05:45:01 pm
I have this dilemma now.

I work overseas and was supposed to buy a property sa Pinas, pero it didn't work out. During this time, i was able to advice my aunt who was helping me select the H&L na kaya ko mag down ng P500K. This money is from my end of service benefit (backpay) from a company i've worked with for almost 8 yrs.

Today I got a message from the same aunt, asking for financial help kasi yun nainherit nyang H&L from my grandparents is due for foreclosure na. It will be included in the lists of properties due for bidding after 2 weeks with PDIC, and syempre they wanted to stop that from happening kasi may mga possible buyers naman daw.

Di namention amount kung how much she needs, pero ibabalik daw in 1-2 months.

I don’t want to appear na walang concern pero I really don’t know if makakabalik the money if I lend it to her. Haaay.  :( :(



Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: prettychestnut on November 03, 2013, 06:39:23 pm
^ hi sis southpaw. It's very difficult lalo na overseas ka pa. Marami ng cases when it comes to relatives kaya iwas iwas muna sa mga ganyang pautang. Mas better if you will come, in due time, ikaw na mismo humanap ng house and lot, mas siguradong hawak mo pa ang babayaran mo sa seller. :)
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: mxherr5 on November 04, 2013, 01:27:55 am
@southpaw, sooo you feel like you won't ever
see your money back again?  :P

I'd suggest telling your aunt, that the 500k
you were going to use to buy the H&L is now
tied up in investments..
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: Girltalker2 on November 06, 2013, 05:16:25 pm
I have this dilemma now.

I work overseas and was supposed to buy a property sa Pinas, pero it didn't work out. During this time, i was able to advice my aunt who was helping me select the H&L na kaya ko mag down ng P500K. This money is from my end of service benefit (backpay) from a company i've worked with for almost 8 yrs.

Today I got a message from the same aunt, asking for financial help kasi yun nainherit nyang H&L from my grandparents is due for foreclosure na. It will be included in the lists of properties due for bidding after 2 weeks with PDIC, and syempre they wanted to stop that from happening kasi may mga possible buyers naman daw.

Di namention amount kung how much she needs, pero ibabalik daw in 1-2 months.

I don’t want to appear na walang concern pero I really don’t know if makakabalik the money if I lend it to her. Haaay.  :( :(

Tell her na invest mo na ang money at hindi na sya liquid now since hindi nga nagwork out yung H&L na dapat mong idown.

Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: SexyHenessy on November 06, 2013, 05:37:03 pm
Minsan kasi nakakahiya humindi eh, lalo na sa mga first time humiram sayo.
Anyway, ako, di talaga ako nagpapautang ng malaking amount sa una, pag marunong magbayad, edi good, makakaulit. Pero pag hindi na nagbayad, that will be the 1st and last. :)
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: southpaw on November 08, 2013, 04:21:47 am
sisses mxherr5 and Girltalker 2, thanks... i did just that! ;) i informed them na i've invested the funds, may lock in period and di pwede galawin.

ang hirap pag may mga pa-guilty factor ang mga relatives pag manghihiram e. pero if it's not life and death situation naman, then sometimes we need to decline rin.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: lisse on November 08, 2013, 05:21:55 am
que-aga-aga message agad sakin ng cousin ko at isang former classmate ko nung elementary pa ha manghihiram ng pera. dinedma ko na lang kasi nga dinaan ako sa pa-guilty factor.

yung cousin ko sabi need daw i-CT scan nanay niya. eh tinanong ko samin kung totoo ba. eh wala naman daw sakit nanay non, high blood lang daw. pangalawang attempt na niya ito, nung una sinabi ko na wala akong extra na mapaphiram kasi may mga monthly kami na binabayran.

yung ex-classmate ko naman, more than 10 years ko ng hindi nakikita yun pangalawang attempt na din ito. sabi pa, ibabalik daw agad next month (which is this Nov na kasi Oct 22 siya nangungutang). eh nabasa ko sabi ng isang sis natin dito na kung kaya naman palang ibalik agad eh bakit mangungutang pa, hindi na lang antayin yung "next month".

pansin ko madalas nila utangan mga based abroad. kasi nga naman no way mo ng ma-contact personally at madali ng taguan. hindi talaga ako agree na mangungutang thru text or FB lang. malay mo ba kung siya mismo yun diba. (not that I will surely lend some money pag personal akong nilapitan)
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: kolinetongue on November 08, 2013, 03:46:32 pm
i tell them directly na wala po akong available na pera for pautang, kahit sino pa sya
kahit close friend ko or relatives. pero kung pang emergency naman at para sa health nya pinagbibigyan ko na pero not the whole amount. half lang or 1/4 para meron lang maiabot. hindi ko na kase aasahan na babalik pa yun :o
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: toria on November 11, 2013, 06:46:33 pm
@lisse sis same ba tayo ng cousin at classmate haha.

Pakiramdam nila pag asa abroad ka, may patago na silang pera. Nakakalungkot lang, hindi nila nakikita na pinaghihirapan mo din iyun. Kung ako nga pinipigilan ko ang sarili ko magpamilya pa dahil alam kong hindi pa ako handa. Tapos sila hala sige anak ng anak tapos aasa makautang sa iba.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: lisse on November 11, 2013, 10:55:00 pm
^sis, baka mag-classmates din yung mga cousin at classmate natin haha!

dinadaan ko na nga lang sa tawa kasi kahit na ba malayo sila sayo, nasa abroad ka tapos aminin natin sabik din tayo sa mga old friends, makibalita, catch up, etc. Tipong excited na excited ka to re-connect with them tapos hihiritan ka ng pautang. demanding pa may minimum amount. nung una medyo bumibigay ako kasi nakukurot ang puso ko sa mga sob stories, pero naman sarili ko tinitiis ko and todo tipid para maka-ipon. Tapos ang saklap naman kung after ng pagtitiis ko eh iba ang mag-eenjoy ng naipon ko. It's sad kasi minsan gagamitin pa mga mahal nila sa buhay na may sakit daw kahit wala naman. Hindi ba sila natatakot na baka mamaya niyan magkasakit nga talaga sila.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: beach on November 22, 2013, 04:17:07 pm
Against my better judgment and breaking my own rule against giving loans to friends, I lent money to a "nice" friend kasi she needed it badly (pregnancy-related expenses).

Now, 3 months later, promises of payment but no actual payment, kahit partial lang, made. Medyo big amount pa naman. I dunno what to think. Kasi she says she is really looking for ways to pay me... pero my goodness, sana man lang may partial payment kahit konti.

I will reiterate: SAY NO to mangungutang NO MATTER NAKAKAHIYA TO SAY NO. Destroys friendships lang, and you lose money pa in the process. It's really a no-win situation.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: hanshellite on November 22, 2013, 04:47:11 pm
I have a college schoolmate/friend na nangungutang sa akin, pambili daw ng cellphone. 20k lang daw. Duh?! Sabi ko sa kanya: " Girl, mag-ipon ka na lang muna. Pag nakaipon ka na, saka ka bumili ng cellphone na gusto mo."
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: timetraveller on November 25, 2013, 12:44:48 pm
^ Sorry to say sis pero ang kapal naman ng face nyang schoolmate na yan ;D As in harap harapang sinabi pambili ng cellphone? Hahahaha ;D Mamamatay ba sya kung hindi muna maganda ang cellphone na gagamitin nya? Kaloka ;D
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: Prunella on November 25, 2013, 01:00:38 pm
I simply say no. I used to lend money to friends and distant relatives, pero not even a cent came back. Masama pa ang loob pag sisingilin sila. So... never again.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: hanshellite on November 25, 2013, 01:12:50 pm
^ Sorry to say sis pero ang kapal naman ng face nyang schoolmate na yan ;D As in harap harapang sinabi pambili ng cellphone? Hahahaha ;D

Sa text lang nya sinabi yan sis. Hindi nya kaya yan for sure sa personal. hahaha. Kairita nga eh. Hindi naman necessity ang "magandang cellphone" para mangutang talaga sya. hmp! Iayon ang pangagailangan sa kakayahan! Grrrr..
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: lovely_carrot on November 25, 2013, 01:57:35 pm
I just say "Ako nga sana mangungutang sa'yo, naunahan mo lang ako!"  ;D
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: little_princess on November 25, 2013, 03:23:28 pm
i just say that i am not liquid at the moment and my money is invested in something that i can't touch for a bit.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: prettychestnut on November 25, 2013, 07:10:42 pm
Puwede niyo naman ireason out na "sorry nakaTime Dep eh"

:)
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: lisse on November 25, 2013, 10:23:19 pm
^naku sis, GInamit ko na yan before. ang sabi, kelan daw ba maturity, yung isa naman sabi, "ayun pala, meron ka naman pala natatabi, [textspeak!] na, pahiram naman. barya lang sayo yung charges ng termination ng TD eh". oh diba?
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: toria on November 26, 2013, 07:51:11 am
^ay sis pag ganun sabihin mo kakapalan na ng face yan.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: mxherr5 on November 26, 2013, 08:56:32 am
@lisse,

- Kelan ang maturity?
  - 4 years pa. 5 year TD yun eh

- May savings ka pla, barya lang naman sayo ang charges dba?
  - Eto na encounter ko lol. Sabi ko medyo malaki ang charges.

    Pero sabi ko pwede nyang bayaran ang charges.
    At kailangan rin nyang bayarin yung nawalang
    interest.

    At pumayag sya.

    Humingi rin ako ng collateral, binigay nya ang PSP at PS3 nya
    at ang ATM nya.
   
    Pumalag sya sa collateral, eh pero sabi nya kasi sa sahod nya
    babayaran which was ilang araw na lang.

    Kaya sabi ko, no sweat to. Ilang araw ko lang naman ihohold.
    Yan ay kung on time kang mag bayad hehe

    Ayun, pinahiram ko :D
    Yun yung pinaka malaking loan ko to any person.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: timetraveller on November 26, 2013, 12:44:32 pm
Sa text lang nya sinabi yan sis. Hindi nya kaya yan for sure sa personal. hahaha. Kairita nga eh. Hindi naman necessity ang "magandang cellphone" para mangutang talaga sya. hmp! Iayon ang pangagailangan sa kakayahan! Grrrr..

Hay naku sis. Mga ganyang tao. Di bale nang mawala ang integrity para sa luho ::)

Ang nakakainis pa sa karamihan ng mga mangungutang, para bang obligasyon mong pautangin sila. Parang kinukwestyon pa yung pagkakaroon mo ng pera as if sa kanila yun at pinatago sayo. Kapal muks ever!
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: adrian on November 26, 2013, 12:50:34 pm
Oh my gosh, sis, ang kapal naman, ginawa kang parang ATM. At least may collateral, hayyy.

Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: prettychestnut on November 26, 2013, 03:34:32 pm
Hindi lang yun ha. Alam nila na nagwowork ako sa bank. Shempre gagawin ka nilang bangko. Kumusta naman ano. Lol
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: adrian on November 26, 2013, 05:32:42 pm
Hindo ko talaga ma-get yung ganung klaseng thinking -- as if may karapatan silang ganyaning ang ibang tao na parang 'uy, close talaga tayo, pautang naman'. Kesyo co-worker or groupmate or batchmate, pweh.

Tapos SILA PA ang (A) maiinsulto kapag nanghihinayang ka, like "Ano, sa tingin mo tatakasan kita? (Pero sa totoo lang pahirapan ang pagsingil) (B) Magagalit/passive-aggressive na pahirit-hirit na ba't ayaw mong tumulong, eh 'marami ka namang pera' (dahil may savings ka. At sila wala.)

Sa loob-loob ko lang nagmumura na ako kapag umabot sa ganyan.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: shesanmigz on November 28, 2013, 12:45:30 am
Basic rule ko: If the reason for pangungutang is a matter of life and death at kung kaya ko naman yung amount, pinapahiram ko.

Kung hindi naman ikamamatay ng kung sino man pag hindi ko sya pinautang, generally, hindi ko pinapautang.  Pero kung close kami at first time naman nya manghiram sa kin, pinapahiram ko kung keri kong hindi magalit sa kanya if ever na hindi talaga sya makabayad.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: bluish_mommy on November 28, 2013, 02:22:47 pm
how to say no? ako naman, ang lagi kong style, ibinabalik ko yung same degree ng bigat or even more than pa, ng reasoning na sinasabi sa akin nung nangungutang...

example:

ang reason nya kaya sya nangungutang dahil naputulan sila ng Meralco or ipang-e-enroll ng anak or sinisingil na sya ng pinagkakautangan nya, or whatever reason na hindi matter-of-life-and-death.

ang sinasagot ko "naku, pasensya na kababayad ko lang din ng meralco namin, tapos kaka-enrol ko lang sa anak ko, may due date pa nga ako sa katapusan sa insurance ko, kulang pa yung pambayad ko ngayon eh... pasensya na ah"

as simple as that... read between the lines...

same as sis shesanmigz, kundi rin lang naka-taya ang buhay at kung ano lang ang extra ko yun lang din ang pinapahiram ko... at usually kapag buhay na ang nakataya, utang na bigay na ang inaabot ko, hindi yung full amount na inuutang, nag-aabot ako kahit papaano at sa sarili ko yung amount na ok lang na di na bayaran.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: little_princess on December 01, 2013, 09:27:02 am
lisse, grabe naman yan! super kapal ng mukha! what dod you tell them? usually people who tried borrowing from me, if i tell them that my money is tied up, they would walk away na eh
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: lisse on December 01, 2013, 03:21:03 pm
^oo sis, sobra talaga sa kapal. Sinabi ko no, hindi pwedeng ipa-terminate ko yung TD para lang mapautang kahit kanino kasi kako may pinaglalaanan na kaming mag-asawa ng ipon namin. sabi ko pa, purely business, nothing personal. she said "ay ganon". I didn't respond na. awa naman ng Diyos sa mommy ko naman lumapit, lol!
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: timetraveller on December 01, 2013, 11:26:48 pm
^ Wow sis. Hindi natinag. Hay naku.

Pero sabi nga ng mama ko, hayaan na lang daw yung mga mangungutang na tumatakbo sa mga pinagkautangan at may karma naman daw. My mom kasi nagpapa-5 6 dati. Mga twice or thrice na rin syang naka-experience na matakbuhan ng nangutang. Pero ipinagpasa-Diyos nya na lang daw. Ayun, yung mga tumakbo sa kanya, hanggang ngayon mga hampaslupang pobre pa rin (HAHAHAHA ang sama). Mga ganung klase daw kasi ng tao, hindi daw aangat sa buhay hangga't hindi natututo na humarap sa responsibilities nila. Forever na usually yang ganyang cycle e, mangungutang, magbabayad, mangungutang ulit, tapos tatakbuhan yung pinagkautangan... when time comes na mas need nila makautang, wala na silang malalapitan or mahihirapan sila lalo mangutang.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: little_princess on December 02, 2013, 10:28:32 am
lisse, super kapal ng mukha to do that! good thing you didn't lend him/her kasi parang that is the type that won't pay you back or magagalit if you make they pay you back.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: lisse on December 02, 2013, 10:12:57 pm
^hindi talaga, kasi naman nasa US ako, nasa Dubai siya. there's no way na masisingil ko siya if ever ng personal. saka AFAIK, mag-asawa silang nandon na nagwo-work. and CC debts yung reason why siya nangungutang. I've worked in Dubai before and if hindi ka talaga gagastos within your means mababaon ka talaga sa utang don. I didn't have a cc nga when I was there eh. Ang nakakainis pa, marunong pa sila sayo. Ayan umiinit tuloy ulo ko lol! Sabi daw sa mom namin (kasi mommy said wala siyang extra. my mom is a public school teacher), baka daw pwede ipag-loan sila sa GSIS tapos sa kanya na lang daw talaga huhulugan. ano ba un? nakakaawa din naman kasi kaya lang tinitigasan ko talaga puso ko kasi nalaman-laman ko nagpasalubong sa 2 siblings niya ng iPad mini. I am not saying they don't deserve to have nice stuff, pero sana wag muna ngayon na may pangangailangan sila. Nakaka-stress din kasi sila sa inuutangan nila. Gusto pala nila ng luho e di sila na lang. HIndi ko naman sila emergency eh, lol!
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: toria on December 03, 2013, 07:43:54 am
May mga tao talagang walang kadaladala. Grabe naman sya pa talaga nagpropose na ipagloan sya ng mom mo lol.

I have this friend na utang ng utang. At first pinahiram ko siguro mga twice din yun. Aba namihasa! Every month ata eh may text sa akin na pahiram ng ganito kasi kinapos sya ng budget. Ang sa akin naman every month ka na lang kinakapos? Bat di mo kaya subukan bawasan ang paggimik mo para may maitabi ka naman for emergency.
Ang nakakainis pa nauubusan na din ako ng ieexcuse tuwing nangungutang sya haha.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: Myealexis21 on December 03, 2013, 12:43:16 pm
^^Isa yan sa kinaiinisan ko Sis sa mga nangungutang ng pambayad ng CC.  I've been there, pero never ako nangutang to pay my CC debts kahit na marami din yun dati, pero talagang tiis tiis at inalis ko yung unnecessary na gastusin.  So if kinaya ko, kaya din dapat nila magbudget at magtiis to live within their means.

Madami na ganyan dito sa Dubai.  Buti na lang strict na ngayon sa CC kase may certain salary requirement na mga bank. 
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: theshopaholicprincess on December 03, 2013, 01:41:17 pm
Sabi daw sa mom namin (kasi mommy said wala siyang extra. my mom is a public school teacher), baka daw pwede ipag-loan sila sa GSIS tapos sa kanya na lang daw talaga huhulugan. ano ba un? nakakaawa din naman kasi kaya lang tinitigasan ko talaga puso ko kasi nalaman-laman ko nagpasalubong sa 2 siblings niya ng iPad mini. I am not saying they don't deserve to have nice stuff, pero sana wag muna ngayon na may pangangailangan sila. Nakaka-stress din kasi sila sa inuutangan nila. Gusto pala nila ng luho e di sila na lang. HIndi ko naman sila emergency eh, lol!

That's what my dad told me before nung nasa Dubai sya. Andami daw baon sa utang dahil sa CC debts nila. Noon kasi mabilis lang daw talaga mag apply ng CC unlike ngayon. At kamusta naman yan pati ba naman sa mom mo hinihiram yung GSIS... hirap din kasi talaga sa atin yung keeping up with the Joneses attitude na kahit said na said na yung pera bibili at bibili pa rin ng gamit para di mahuli or masabing kaya din nila makipagsabayan.

Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: lisse on December 04, 2013, 01:09:28 am
^^ and ^ agree! Dubai is an expensive city. pag Dubai Shopping festival, sale kung sale wala pang tax. I salute these OFWs, I was once like them so I know how it is. Masarap magbigay sa pamilya lalo na alam mong ikaw lang may "capability" na magbigay non. Pero sana not at the expense of their financial freedom and personal relationships. And yes, mahigpit na don, nakukulong nga pag may CC debt ka eh.

anyway, on topic, style ng byenan ko pag may inuutangan, prangkahan talaga. her lines are: "I can, but I won't, I may afford it now, but I know I will not be able to before you can even pay me back. I'm sorry." may mga nagtatampo din daw sa kanya. pero keber siya. after a couple of weeks , nag-uusap din naman daw ulit sila.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: theshopaholicprincess on December 04, 2013, 09:31:45 am
^ agree! even my friends who are working at Dubai nag rereklamo sa mahal manirahan dun.

Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: Myealexis21 on December 04, 2013, 04:30:52 pm
^Lalo na ngayon na nanalo sa Expo 2020 bid ang Dubai.  Goodluck sa Rent.  Pero infairness naman, mas gugustuhin ko pa rin dito magwork kase nakakaipon ako kahit papaano.  Nasasa-tao din naman kung paano nila ibubudget at ipaprioritize ang needs and wants nila. 

^^Sis I think marami rin nagtatampo sa akin dahil medyo ganyan din ako sa mom mo. 

Isang way na effective na ginawa ko para makaiwas sa mangungutang is to advocate I hate utang.  Alam ng mga friends and relatives ko na allergic ako sa utang.  Kaya siguro mangilan ngilan lang ang nag-aask sa akin.  Kapag money matters ang usapan, I make sure na isa sa statement ko about utang.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: Cheesecak3 on December 05, 2013, 03:45:40 pm
Ako naman nagpapautang lalo na kung emergency talaga, like yong sa staff ko may sakit ang anak at tatay. I lend naman at walang interest yan ha.

Sa mga kamag anak naman nagpapautang din ako pero clear ang usapan namin, dapat matino magbayad. Kaya yong iba na hindi maayos magbayad, hindi na nakakaulit.

I also make sure na ang pinapautang kong pera ay extra ko lang, na hindi maapektuhan ang iba kong payables kapag nagpahiram ako.

Nakakaloka lang kasi may isa akong kakilala na gustong humiram ng 100k, as in uraurada. Naloka ako kasi hindi ko naman alam kung paano din nya ako mabayaran. I also check if may capacity ba silang magbayad bago ako nagpapahiram.

Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: aiden on December 05, 2013, 06:01:01 pm
Hindi makapangutang sa akin ang mga tao kasi mukha akong walang pera! :)) I am half serious. lol. I don't have expensive gadgets, and jeans and shirt kinf of girl ako (with tsinelas! It's the UP habit I couldn't break. lol)

Sa totoo ayoko talaga nagpapa-utang. Ako ayoko rin nangungutang save for credit card (which I always pay in full anyway). Traumatized na kasi ako sa experience ng lola at mama ko. Also,I have at least 100k din na collectible ko (na kino-consider ko na na-scam and therefore malabo na mabalik pa sa akin). Kapag may nangungutang, yan sinasabi ko na meron pa akong collectible na hindi pa bumabalik kaya hindi ako makakapag-pautang.

Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: glacy_rein on December 22, 2013, 07:45:59 pm
ayoko sana magpost kasi guilty ako, hirap ako magsabe ng no.. ako pa nahihiya talaga pero ngayon as much as "budgeted" na nga sana kaso grabe inipit na.. hindi pako um-o-oo wala na akong magawa agad… hindi ko naman masisi at gipit din talaga.

buhay abroad… sana makakuha na sya ng work na mas maayos para mabawasan yung 6digits. :(
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: Nikimo on December 22, 2013, 09:57:13 pm
-- Nagbayad ako tuition eh :D :D

( Pero if need talaga at kung meron, go lang! )
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: cloudzy_09 on December 24, 2013, 08:50:13 am
Hirap din ako mag say no pero nadala na ako. Ang ginagawa ko is pag may nangungutang sa akin iniisip ko muna anak ko instead na ibigay ko sa iba ilalaan ko na lang for their future.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: froufrou on January 08, 2014, 08:34:18 am
I just say no. Dati kasi hindi ako makatanggi pag may nangungutang but hindi naman kasi sila nagbabayad. Hindi kasi ako marunong sumingil kung hindi sila kusang magbabayad. Ako pa nahihiyang sumingil. So i just learned to simply say no.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: saskia on January 16, 2014, 07:12:47 pm
Hay nandito nanaman ako..

Namomroblema ako sa landlady namin. Single mom sya na may pabigat na anak. And most of the time, sakin sya natakbo pag may gusto bilhin yung anak nya. Pag hindi nya kase binigay, nagwawala. Maliliit lang naman usually pinakamataas na 2k dati. Nababayaran naman although matagal talaga. Last month, nagsasabi nanaman kase si anak eh gusto ng bagong phone  :o so nanghihiram 30k. Wala naman ako mabibigay sa kanya. Pero nagiiyak na awang-awa daw sya dun sa anak nya dahil yun daw talaga ang gusto. Wala akong pinangako. Sabi ko pag may extra ako o ipon, pwede ko sya mapahiram.

After a couple of weeks, finafollow up na kase daw yung anak nya nangungulit. Sabi ko wala pa ko work dahil holidays yun so vacation. Then kanina pumunta nanaman. Makikibalita lang daw kung meron na. Kase yung anak nya, tumigil sa pagaaral at di daw papasok hanggat di nabibili yung cellphone. Sabi ko what makes her think na pag binili na nya ng phone yung anak nya eh papasok na. Eh nagpromise daw sa kanya. Eh hello! Loko talaga yung anak nya at last sem, nagdrop din sa mga subjects dahil naaasar daw sa traffic.

So sabi ko wala pa ko pera. Eh sabi nya "sabi ko nga sa anak ko maghintay lang dahil may isang salita ka naman na pag meron na, bibigyan mo ako." Hala! Hindi naman ako nagcommit sa kanya. Transparent yung pagkasabi ko na pag meron ako, pwede ko sya mabigyan. PAG MERON.which is true naman. Kahit masama sa loob ko, kung may extra ako, bibigyan ko sya. Pero ineexpect na pala nila at inaantay mag ina. Eh ngayon medyo higpit kami ng sinturon dahil andami bayarin. Plus start na kami magsave for my wedding.

Sorry ang haba.. Naiinis kase ako sa sarili ko that i can't say no. Hindi ko malinaw sa kanya na wala ako pinangako. Pag may extra lang ako. Ayoko din naman kase ng binabalik-balikan. Hindi ko naman sya maiwasan dahil malapit lang sya nakatira dito and landlady nga namin sya. Sikreto din yung paghiram nya lagi sakin dahil magagalit din parents nya. Yoko din kase magkagulo pag hinindian ko sya pag nalapit sya sakin.


Hay! Kakawala gana magtrabaho.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: xtine on January 16, 2014, 09:22:42 pm
^Sis, lalo nya iniispoil ang anak nya.  Dapat mag bigay ka ng rule sa sarili mo na tuwing emergency lang at sa basic needs ka lang mag papautang. 
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: theshopaholicprincess on January 17, 2014, 10:43:24 am
^^ sis tanggihan mo na lang yung landlady nyo... she's spoiling her kid at the expense of others. Maiintindihan ko kung may sakit yung bata pero lalo lang nya ginagawang sutil yung anak nya. Isa pa 30k is a big money kesa pahiram mo sa kanya ilaan mo nalang para sa wedding mo.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: saskia on January 17, 2014, 11:25:53 am
Thanks ^ and ^^. Hirap din kase talaga ako to say no. Minsan nga pag natawag samin, sinasabi ko sa sister ko na tulog ako. Feeling ko kase makakahurt ako ng tao. And yun yung pinakaayoko. Siguro i know the feeling din kase na walang-wala kaya as much as possible, kung kaya at may mabibigay, nagbibigay talaga ako. Kaso pag wala, ako din naman sumasakit ulo. Kahapon nagwawala nanaman yung anak dahil siguro nga di pa mabili yung gusto.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: hanshellite on January 17, 2014, 04:56:52 pm
Sis Saskia,

Ang masasabi ko lang:

Ang kapal ng mukha ng landlady mo.

No lang ng no sis. Kahit na meron ka na, wag ka pa ring magpapahiram kung cellphone lang din naman ang pagagamitan. Di bale ng makonsensya ka dahil hindi ka nagpahiram, kaysa naman sumama ang loob mo at nawalan ka pa ng pera dahil hindi ka na nabayaran.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: sugardrop on January 17, 2014, 05:07:59 pm
I sometimes say, "Sige, pautangin kita pero pautangin mo din ako ngayon."
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: solepurplelife on January 17, 2014, 05:41:03 pm
Ako rin I can't say NO. Nahihiya at naaawa kasi ako. Madali akong maniwala. Kaya pansin ko whenever may gusto mangutang sa mga friends ko ako lagi pinupuntahan. Yan tuloy wala akong masave dahil madalas nakakalimutan ko na. Hindi naman ako naninigil kasi nahihiya ako. Kasi diba kung balak talaga nila bayaran sila pa mismo magpapaalala sa'yo.

Pero natuto na ko at isa yan sa mga goal ko this 2014. Kelangan ko magsave. Kanina lang may tumatawag sa'kin na unknown number. Akala ko naman kung ano. Tapos yun pala a college friend na matagal ko ng hindi nakakabalitaan nangungutang ng 2.5K. Like hello? Magpaparamdam ka lang kapag may kailangan ka? Natuwa ko sa sarili ko kasi natiis ko na hindi sya pautangin. Pero I don't burn bridges naman. I told him na I bought an iphone (w/c is true) yesterday and kung he could have called me the other day baka napautang ko sya.  ;D
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: happie on January 20, 2014, 12:07:34 am
None of my friends have ever tried to borrow money from me. May pride naman and may kaya naman sila kasi either businesswoman, daughter of the owner, doctors sila :) Ok Lang naman to lend money if kailangan talaga. Kami p nga Ng friends ko willing to help out when a friend was sick, we are just waiting for her to show signs that she needs money.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: Baby Madeline on January 20, 2014, 11:18:49 am
^My friends are finacially stable din so walang lumalapit para umutang. When a dad's friend got sick naman and we felt that he needed help, we just sent money sa ATM account nya.

Kung may humihiram sa akin, mga family members yun. Pero technically, di siya utang. Bigay ko na yun although I only give the partial amount.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: katrinac on January 21, 2014, 12:35:52 am
Pasensya na,wala akong extra.  :D diretso ko sinasabi. ahhe!
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: FOURever on January 21, 2014, 04:46:59 am
How can i handle naman yung friend/classmate na kapag mag lunch kami biglang uutang ng pambayad sa food nya kasi di pa sya nakakawithdraw ng pera. I am always hoping na babayaran nya yun pagkawithdraw nya pero parang wala lang. Kahit nakikita nya na isa kong friend nagbabayad sakin.. ang mahal pa naman ng food sa school at pareparehas naman kaming walang trabaho. Parang ako pa nahihiyang maningil sa kanya :(
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: msnowhere on January 21, 2014, 10:18:26 am
How can i handle naman yung friend/classmate na kapag mag lunch kami biglang uutang ng pambayad sa food nya kasi di pa sya nakakawithdraw ng pera. I am always hoping na babayaran nya yun pagkawithdraw nya pero parang wala lang. Kahit nakikita nya na isa kong friend nagbabayad sakin.. ang mahal pa naman ng food sa school at pareparehas naman kaming walang trabaho. Parang ako pa nahihiyang maningil sa kanya :(

Hay nako sis! Wag ka mahiya. Dapat siya ang mahiya sayo. hehe. Just say no, wala kang extra. Pamasahe mo nalang. Or if nakahiram na, after niyo kumain sabihan mo agad na halika na withdraw na tayo. hehe.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: candid_girl on January 21, 2014, 10:32:30 am
it's good to say alibi sa mga naghihiram, but as much as possible kung short ka or wala kang extra sabihin mo ng totoo for sure maiinitindihan ka nila . may iba kasi kahit na kesyo my babayaran ko or etc. naku babalikan at babalikan ka nila para hiraman sila mapapagod at mahihiya kung lagi mo silang tatangihan ska kasi dalawa lang naman pwedeng mangyari sa inyo pag ngpautang either ikaw magalit dahil hindi ka mabayaran or sya magalit dahil hindi mo sya pinautang, pili ka na lang sa hindi ka hehe
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: hornboy on January 21, 2014, 04:29:47 pm
Madalas sinasabi ko. "We're on the same shoe, need ko din yan", hahahaha.  But If I have an Extra, why not.  kaso wala talagang Nagiging extra. 
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: katrinac on January 21, 2014, 10:06:32 pm
FOURever - remind mo nalang sa kanya sis. Well minsan mahirap talaga maningil. May mga tao kasi na kahit naaalala nila na may utang sila, wala silang kusa magbayad. Feeling nila eh libre na yun. Kaya dapat ikaw ang mauna. May mga tao na uutang na ganyan talaga, then pag siningil eh sila pa ang galit. Sabihin mo nalang "Name, ask ko lang if may money na ikaw dyan? May paggagamitan din kasi ako and medyo nashiort ako sa allowance" sana lang wag mag alibi.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: sugardrop on January 21, 2014, 10:14:15 pm
Simula nung isang ex-friend eh tinaguan ako ng dahil sa utang (pati iba naming friends that time), medyo nadala na talaga ako unless ka-close ko talaga yung tao. :)
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: katrinac on January 21, 2014, 10:19:34 pm
I can still remember, yung officemate ko dati, nangutang sya sakin dahil itutuloy daw nya ang studies nya. Paresign na ako nun, and nalaman nya na may back pay ako. and since "wala pa" naman ako paggagamitan that time, pinahiram ko tutal pang tuition naman nya. She promised na ibabalik nya pag nag padala na daw ng allowance yung mommy nya. Eh kaso, bigla nalang sya nawala na parang bula. nakagraduate na sya lahat lahat, at nakapunta ng Singapore, nakabalik narin ng Pinas ni maalala yung inutang nya eh wala. hehe! Inadd pa nga nya ako sa facebook dati and finollow sa instagram, pero deadma. Wala syang nabanggit about dun sa utang nya. Pero yung mga taong ganito, lumiliit ang mundo nila kapag nagtatago sila sa utang. hehe!
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: lisse on January 22, 2014, 12:03:19 am
Naalala ko may nagsabi sakin na wag mo daw sasabihin na "wala akong pera", kasi parang ino-own mo na yun, na wala ka pera and baka nga magkatotoo. it's much better talaga mga suggestions here na walang extra or no more budget for that.

Naalala ko nga, nung andami kong nilapitan na mga kamag-anak at kakilala kasi naaksidente sa middle east brother ko and we need to send money to him ASAP. yung tita ko lang ang tanging nag-pautang samin non. yung iba deadma lang ako. habang naiisip ko yung bro ko inooperahan don mag-isa, walang nag-aalaga, walang tagabili ng food, halos magdilim talaga paningin ko sa hate ko sa mga taong yon. never pa naman kaming nasira sa mga utang and lahat kami may work, kaya may ways and means kaming mabalik yung money, talagang wala lang kaming malaking cash that time na malakihan at once. eventually nakagawa din kami ng paraan.

Ngayon, yung mga taong nilapitan ko, sila naman ngayon lalapit-lapit sakin. nung hindi umubra sakin, sa mother naman namin. I know hindi healthy magtanim ng sama ng loob, honestly wala n akong ma-feel sa kanila kasi nakabangon na kami sa incident na yon, even my bro. maganda na din work niya. pero kahit wala n akong sama ng loob sa kanila, hindi ko talaga magawang pahiramin sila. kasi kung sila nga walang tiwala samin, bakit kami magtitiwala sa kanila?
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: sheng_kah on January 23, 2014, 02:38:44 am
@fourever
sis pag alam mong may cash sya at nakaupo sya sa upuan nya puntahan mo at tumayo ka sa harap nya sabay lahad ng kamay pag tinanong kung bakit sabihin mo "utang mo"

naalala ko yung officemate kong tumagal ng ilang month ang utang sa isang officemate ko kung hindi pa namin sinabi sa gf nya na may utang sya hindi pa sya magbabayad *under kase hehe* ngayon pag nangungutang sya sasabihin muna namin sa gf nya kung papautangin o hindi sya kasi nagmamanage ng pera nila :)
 meron pang isa yung girl officemate ko [textspeak!] mahilig mamahiya may nangutang sa kanyang 1k eh ilang beses nya ng sinisingil umabot ng isang taon hindi pa nagbayad one [textspeak!] gipit na sya talaga kaya siningil nya ulit eh wala pa daw pera ayun pinahiya nya after nun pagkasahod na pagkasahod nagbayad na.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: RushDB on February 01, 2014, 01:51:07 am
Good thing, none of my friends borrows money from me. Kaming magkakapatid lang dito sa bahay nag-uutangan, pero siyempre, nagbabayaran din naman kami. Alam naman ng mga siblings ko na yung pinapahiram kong pera -allotted para sa allowance ko, so binabalik, or else, hindi ako makakapasok sa office.
Pero nung college days, nagdorm kami w/ my friends/classmates, laging late dumadating pangrent ko, never naman akong nagsabing manghihiram ako ng pera, ginagawa ng friend ko, laging siya muna sumasagot ng part ko sa rent, tapos bibigay ko na lang sa kanya pagdating ng bayad; pero sobrang nakakahiya pa rin.
I guess, wag mangutang para di ka rin utangan.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: FOURever on February 01, 2014, 08:36:27 am
Thanks mga sis. Nahihiya kasi ako maningil kasi baka sabihin, pera lang naman yun o baka masyado akong "excited" maningil. This past few weeks, halos sakto na lang dinadala kong money, may pasobra lang na mga 50 o 100 para maiwasan na rin na mahiraman ako tapos di mabayaran. Siguro kaya bothered din ako kasi kung ako yung nanghihiram (hindi naman madalas, kapag nashort lang talaga), i make sure na babayaran ko the next day para di naman nakakahiya at hassle sa hiniraman ko..
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: Ms.Cacao70% on February 01, 2014, 01:21:34 pm
hindi ako pala-utang at di ko matandaan kung kelan ako huling umutang and i hope na hindi ito mangyari sa akin *knock on wood*. kaya hindi rin ako basta-basta nagpapautang unless immediate family pero sa awa ng Dios both sides naman namin ni hubby walang utangero at utangera. i mean magtitiis kami sa wala, magtitipid to the max basta wag lang humingi ng pera sa iba. ganon ang motto namin.

ang karaniwang sinasabi ko "sorry, wala akong pera ngayon kase wala akong work, stay at home ako". tapos ang usapan  :) hehe. totoo naman kase. pero noong working pa ako ang karaniwan kong sinasabi "kakabayad ko lang ng bills at wala nang natira sa amin". i try not to get too emotionally involved sa nangungutang, di ko tinatanong kung para saan dahil most likely, magdadrama yan para maawa ka. naiinis din ako pag namimilit, black listed sa akin yon. mas gusto ko pa yung nangungutang pero hindi nage expect kung magkano lang ang maibigay mo at kung wala ok lang. mas naawa pa ako sa ganon. kesa yung makulit na akala mo may pinatago sila. grrrr... binabara ko yun.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: Ms.Cacao70% on February 01, 2014, 01:27:14 pm
^^ ako din sis, hindi ako pala singil ng utang. isang beses ko lang sasabihin sa yo na magbayad ka at yon e after kong abutin ang pera ko sa yo. i will give you my full trust. ngayon nasa sa yo na kung hindi mo sisirain ang tiwala na yon. pag hindi ka nagbayad on time kahit kalahati lang ng inutang mo or pag iniwasan mo ako, wala kang maririnig sa akin lalo na kung below 1k lang naman pero asahan mo na hindi na hindi na tayo close. that's it at kung sakali man magkrus ang daan natin uli, never na kita papautangin ever.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: swtgrl_bee on February 02, 2014, 08:28:28 pm
Derecho ko din sinasabi, "Sorry wala akong extra ngayon at madami pa kaming mga bayarin." Wala ng paikot-ikot pa.  :P
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: contala on February 02, 2014, 10:20:19 pm
mailahad ko nga din ang hinanaing ko dito.It's true na mahirap talagang tumanggi pag alam mong may pera ka,pero sa mga pinagdaanan ko,nagkasira kami ng bestfriend ko dahil sa UTANG.2009 nag start siyang humiram sakin ng 1k,2010,another 1k,2011.another 1k,tapos 2012 sinasanla niya sakin yung videocam nila ng 2k,so pinahiram ko siya ng 1k at diko kinuha yung videocamera nila,sabi ko ihanap nlng niya sa iba para mabuo niya yung kailangan niyang 2k.naging maluwag ako sknya at inaantay ko din yung pinangakong araw niya,nung nakikita kung medyo nakaadjust na siya kasi may trabaho na asawa niya,kinapalan ko na mukha kung maningil,ang ending ate pa nya nagbayad sakin at galit pa siya sakin ngaun.

ngayon naman ninang ko sa kasal,humiram ng 4k,since dipa nalalagyan yung account namin,sabi ko hiramin muna niya kasi galing mismo sakanya na ibabalik niya after 1 week,syempre ninang ko,nahiya talaga akong tumanggi,kaso magdadalawang buwan na naman mga sissies,wala padin.kagabi lang nagpadagdag na naman siya ng 1k,ikaw ba naman sabihan na talagang walang wala sila,at gabi pa siya nanghiram,diko na naman natanggihan.kasi nangako talaga siya na itong february maibigay niya lahat.Sabi ko sa sarili,sa susunod talaga kailangan ko ng matutong tumanggi.kahit idahilan mo pang maclose account na,dipadin eepekto,sana lang talaga mabayaran na niya ako nitong february.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: mom_G on February 03, 2014, 01:03:19 am
Ginagamit kong excuse yung husband ko... "ayaw kasi ni-- na nagpapautang ako, sorry". 
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: aiden on February 03, 2014, 12:53:29 pm
^Yan ang excuse ng hubby ko kapag may nangungutang sa kaniya lalo na kapag kamag-anak niya nangungutang! Ako daw ang ayaw magpa-utang. :-P okay na rin siguro? Haha
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: smua2014 on February 22, 2014, 02:10:45 pm
It's really difficult to say no. From time to time my friends would always ask me if they could borrow money from me. Not that I don't want help them, I just don't want to ruin our friendships just because of money that's why every time they do ask me, I stop communicating with them for a while and later naman they will forget na. Probably they already borrowed from someone else or whatever.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: shinta on February 22, 2014, 10:10:53 pm
i say, wala akong extra or may paggagamitan/pinaglalaanan ako.

pero one time, yung ninang namin sa kasal ang nanghiram at isinama pa si MIL. di kami makatanggi. sinabi na lang namin na isoli agad kasi nakalaan yun sa panganganak ko. 2+ years ago na yun at hanggang ngayon di na kami binayaran, kahit ilang beses siyang siningil ni hubby. eh si hubby pa naman diretso maningil, as in "kelan po ba kayo magbabayad ng utang nyo". pero di din marunong mahiya. tapos nalaman namin na ang dami pala niya inutangan na di na din binayaran. even with my MIL, when she passed away, may utang pa ninang namin. di ko nga alam ba't namin naging ninang sa kasal yun eh.

parents ko laging biktima, di kasi sila makahindi. kaya di ako nagpapa-utang hanggat maaari para walang sakit ng ulo. di din ako mahilig mangutang.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: smua2014 on February 22, 2014, 10:26:55 pm
i say, wala akong extra or may paggagamitan/pinaglalaanan ako.

pero one time, yung ninang namin sa kasal ang nanghiram at isinama pa si MIL. di kami makatanggi. sinabi na lang namin na isoli agad kasi nakalaan yun sa panganganak ko. 2+ years ago na yun at hanggang ngayon di na kami binayaran, kahit ilang beses siyang siningil ni hubby. eh si hubby pa naman diretso maningil, as in "kelan po ba kayo magbabayad ng utang nyo". pero di din marunong mahiya. tapos nalaman namin na ang dami pala niya inutangan na di na din binayaran. even with my MIL, when she passed away, may utang pa ninang namin. di ko nga alam ba't namin naging ninang sa kasal yun eh.

parents ko laging biktima, di kasi sila makahindi. kaya di ako nagpapa-utang hanggat maaari para walang sakit ng ulo. di din ako mahilig mangutang.

That's right sis. Nakaka stress ang maningil lalo na yung feeling na ikaw na nga inutangan, ikaw pa nagmumukhang masama.  :-\
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: aquarius on February 24, 2014, 10:24:10 pm
ay madali ko lang masagot ang tanong na yan kasi wala naman kaming maiipautang.  ;D

pag nagpapahiram ako ng pera, usually maliit lang na halaga kasi yun lang ang kaya namin.

pag parents ko ang nanghihiram, di na ako nagpapabayad.
pag mga kapatid ko, ok lang kasi nagbabayad naman sila.
pag mga friends naman naman na may history na ng pagbabayad ng utang, ok lang din.

pero pag mga taong once kong napahiram at nahirapan akong singilin, never ko na silang pinapahiram ulit. sinasabi ko na lang na may malaking ginagastusan. that's it. totoo naman.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: jenrb on February 25, 2014, 05:30:04 pm
i usually don't lend money to relatives, friends or co-workers. i had several bad experiences na nung may nangutang sa akin, pinautang ko agad dahil kailangan daw nila. tapos pag kailangan na singilin, ang daming excuses or ayaw na talaga magbayad. nakakasama lang ng loob.

so kapag may nangungutang sa akin, as much as possible, i try to give an amount na lang na maluwag sa loob ko at hindi na nila kelangan bayaran. for example, if may nangungutang dahil may namatay, or nagkasakit, or pang-tuition, or whatever, i will give money na lang as tulong, usually 1k or 2k.

if my siblings, nagpapautang ako, they always pay naman. my mom and grandma do not make utang pero i give them money naman lagi.

hindi rin ako nangungutang, sa bangko lang for real estate purchases or for investments.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: Bhabes_hots on March 02, 2014, 06:07:49 pm
Correct ka dyan sis! mahirap magpa utang sa mga kapatid or anyone close to you.  Either they pay up voluntarily or pahirapan ang singilan! 

Sa workers naman easier to give vale.  It also easier to disapprove a request for vale because you have a lot of reasons to tell them.  Sa mga kapatid mahirap mag say ng NO!
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: Myealexis21 on March 02, 2014, 08:50:17 pm
^Buti na lang yung brother ko walang problema sa singilan hahaha! Actually hindi naman sya nangungutang pero ako yung nag-aabono ng padala namin monthly to our parents.  Tapos kapag sweldo na sya, saka nya ibibigay sa akin yung part niya.

Wala akong problema kase hindi ako nahihiya maningil sa kanya hehe! pero pag sa iba naku kahirap!

Although kapag alam ko marunong magbayad, hindi na ako kelangan lapitan, minsan ako pa nagaalok kapag nakikita kong medyo gipit.  May bilin lang ako sa kanya na wag sasabihin na pinautang ko sya.  :)
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: Girltalker2 on March 05, 2014, 07:45:13 am
It's really difficult to say no. From time to time my friends would always ask me if they could borrow money from me. Not that I don't want help them, I just don't want to ruin our friendships just because of money that's why every time they do ask me, I stop communicating with them for a while and later naman they will forget na. Probably they already borrowed from someone else or whatever.

Sometimes it is also important to choose our friends.  Relatives fine, wala tayong choice. Pero for friends na mahilig mangutang, parang for me, it is a disrespect of our friendship.  Kasi the fact na may kaibigan ka gusto kang utangan (not a life/death situation pa) at madalas, he/she is simply putting you in a difficult spot.  Ang totoong kaibigan iniisip ang kapakanan mo, at hindi gagawa ng ganyan unless last resort, at talaga emergency situation.

I guess I am just blessed on not having friends na umuutang.  Or baka I choose my friends as well, I respect them and they respect me.  It is as simple as that.

 

Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: bluish_mommy on March 05, 2014, 09:53:31 am
i have a set of friends na sinabihan ko from the very beginning na "kung gusto nyong magtagal ang samahan natin, wag tayo mag-utangan."

kaya from the start talaga alam nilang hindi ako nagpapa-utang.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: Se7en8ight on March 31, 2014, 10:18:38 pm
Honestly, I don't have a hard time saying NO. Unang una, may mga taong hindi nagbayad sakin at totoong nakakadala. Mahirap maningil and I hate reminding those people to pay up. Ako yung nahihiya. I always tell them na may kelangan ako bayaran kaya I cannot lend them the money.

Wag rin kayo magpautang sa kakila or friends na taon na nung huli nyong makita at susulpot lang if they need to borrow money from you, chances are, maglaho nanaman sila ng hindi pa nakakapagbayad.  ;D
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: marssie on April 09, 2014, 03:21:33 pm
Pag napapadaan ako sa thread na to naalala ko nanaman tuloy kaibigan ko na may utang sa akin.  Nakakainis lang kasi nung pinautang mo nagpaalam na agad na after 2 months ka pa babayaran but yet pinahiram mo pa rin, here comes two months, ngayon halos 7months na wala pa rin.  Twice palang nagparadaman na madedelay sa pagbabayad, yung isa pa dun siningil ko pa siya. Hayst, gusto ko nga tumulong ulit at pautangin isa pang kaibigan ko na again nagpaalam din na babayaran lang ako pag nakaluwag na siya, kaso naman sana ko kukuha papahiram ko di pa nga ako nababayaran.

By the way kaya ko pala pinahiram yung unang friend na tinutukoy ko kasi nakahiram din ako sa kanya dati ng same amount, but take note nagbayad naman ako after one month, all i thought ganon din ang gagawin niya sa akin.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: caramelli on April 09, 2014, 03:42:02 pm
Yung dati kong bestfriend umutang din sa akin kasi nagkasakit yung anak nya. Maliit na halaga lang naman, she promised na babayaran by the end of the month.. 2007 pa yun at hanggang ngayon, hindi na nya ako binayaran. May mga instances na nagparamdam sya, sasabihin babayaran na tapos di naman tutuloy hanggang sa nagsawa na ako. Last nyang paramdam 2009 ata. Ok lang sana, diretsuhin nya ako kung di nya pa mababayaran, maiintindihan ko naman kaso nga lang, alam ko namang kaya nyang bayaran, ok ang sahod nya, may mga kapatid syang nagbibigay din ng pera sa kanya since bunso sya kaso AYAW lang talaga nyang magbayad. Honestly, hindi ko inexpect na ganun kakapal yung mukha nya, haha. Hanggang sa wala na, pati friendship namin naapektuhan na, never na sya nagparamdam uli and I no longer consider her as my friend.. syempre naman!
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: caramelli on April 09, 2014, 03:46:24 pm
Yung dati kong bestfriend umutang din sa akin kasi nagkasakit yung anak nya. Maliit na halaga lang naman, she promised na babayaran by the end of the month.. 2007 pa yun at hanggang ngayon, hindi na nya ako binayaran. May mga instances na nagparamdam sya, sasabihin babayaran na tapos di naman tutuloy hanggang sa nagsawa na ako. Last nyang paramdam 2009 ata. Ok lang sana, diretsuhin nya ako kung di nya pa mababayaran, maiintindihan ko naman kaso nga lang, alam ko namang kaya nyang bayaran, ok ang sahod nya, may mga kapatid syang nagbibigay din ng pera sa kanya since bunso sya kaso AYAW lang talaga nyang magbayad. Honestly, hindi ko inexpect na ganun kakapal yung mukha nya, haha. Hanggang sa wala na, pati friendship namin naapektuhan na, never na sya nagparamdam uli and I no longer consider her as my friend.. syempre naman! Kaya mula noon, nadala na ako. Kahit sa kamag anak, madalas lista sa tubig kaya gagawin ko, bibigyan ko nalang ng certain amount, yung hindi masakit sa damdamin pag binitawan, para kahit di na mabayaran ok lang.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: leelou on April 09, 2014, 04:04:39 pm
@marssie sis lesson learned na next time wag na pahiramin hehe.

ganyan din yung close friend ko, ginawa ako pahulugan. usually in a year, 2-3 times mangutang, ang bayad, ranging from 2-6 months tsk tsk. as in for years nya na ginagawa sa akin yan. latest scenario, dahil hindi ko na napautang sa 2 times nya nagsabi sa akin kasi naman wala talaga ako extra, aba eh nakisuyo naman na makikigamit sa credit card ko kasi pinacancel na nya raw yung credit card nya kasi nga para hindi na daw sya ma-tempt gamitin kasi almost always, maxed out ang credit card. importante lang daw yung pagbili nya at she will pay also pay the interest kasi after a month nya daw babayaran. ako naman, hindi na natuto, napapayag na naman only to find out na nag-upgrade pala ng phone, to Iphone 5s! kainis! di na ako natuto knowing she's always been maluho. so promise talaga, never ever ko na sya papahiramin.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: marssie on April 09, 2014, 07:09:03 pm
^Sis Leelou grabe na rin no, pati cc naki-ride on pa tsk tsk...
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: msals2007 on April 10, 2014, 04:51:41 pm
About a month ago, my neighbors borrowed money from for the first time. Yung mother sinamahan yung anak niya kasi yung anak talaga ang magbabayad since sya ang may work. Nashort daw sila ng budget for the medications ng father niya who had stroke over a year ago. Promised me ibabalik agad after a week kasi sweldo na niya yun. May nakatabi akong pangbayad sa credit card ko na hindi pa naman due so pinahiram ko. Day after bumalik pa sa akin yung anak, asking if pwede maki ride sa cc ko for the airfare ng ka team niya. ang kwento kasi biglaan daw pinatawag ng former company para ayusin ang papers nila for the backpay kaya need pumunta agad nun from Minadanao to Manila ha, and around 7 days maukuha na niya backpay niya na about 30k kaya maibabalik agad yung 3k na inutang sa akin na cash plus airfare na nasa 4k. A week had passed, nagtext kesyo nadelay ang processing, etc, after a week pa daw uli. Another week passed, di na nagparamdam, I sent him a message sa fb and send several text messages dinedeadma na ko. Then send another fb message to the mother who replied naman na she will remind her son and pasensya na daw. Then finally nagparamdam yung son, nagkaproblem daw sa papers. Hay ang pangbayad ko sa card wala na, pati yung airfare ng kaibigan nag due na lahat di man lang ako binigyan. What if wala silang matanggap na backpay, sorry na lang sa P7k. Kakaiyak naman. Ngayon lang ako nagpahiram kasi akala ko since katabing bahay mahihiya naman na di tumupad sa usapan. Try ko ifollow up uli after a week and tell him hulug hulugan. Di naman pwede aasa din ako sa backpay niya paano kung wala na pala yun.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: leelou on April 10, 2014, 05:08:42 pm
^Sis Leelou grabe na rin no, pati cc naki-ride on pa tsk tsk...

oo nga sis eh, pakonswelo ko na lang at least mag-earn ng points yung cc ko. nasa 30K pesos din yung ira-ride  ::) pero that will be the last time na, i swear, keeping my fingers crossed hehe.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: imeego on April 10, 2014, 05:18:06 pm
eto nangyari kay hubby...may co-worker sya nanghiram ng 5k last year pa, promised to pay once makuha daw nya separation pay nya..she needed money kasi sa application nya papuntang saudi..ipinaalaam naman sa akin before sya nagpahiram and since kilala ko din naman, pinautang na...come december, nagsabi na ibibigay na daw nya dapat nung satuday but since wala si hubby, sa monday na lang daw...aba, after that wala ng paramdam..ang nakakainis pa, si hubby pa nahihiyang magfollow-up, so ayun utang kalimutan na lang, naging christmas gift na lang namin sa kanya >:(...there's this hubby's colleague naman na hirap kaming tanggihan kasi naaawa kami since gipit nga pero kahit  madalas mangutang, magaling naman magbayad, never had a problem pagdating ng promised date nya, kaya everytime magsabi sya, nagbibigay kami pero limit namin is hanggang 20k lang :P
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: brandi on April 10, 2014, 06:12:55 pm
Pasensya na wala kakabayad ko lang ng bills  ;D
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: k_fine on April 10, 2014, 07:02:34 pm
'Pwede pakaskas sa credit card mo? Bayaran ko at the end of the month'

'Sorry, nagreach na sa limit eh. Pasensya na'

Ganito palagi scenario sa akin LOL. I mean haller pano kung hindi nila bayaran? Eh di kawawa naman ako sa bills ko.

A friend of mine nanghiram sa akin ng pera nung may sakit anak niya. That was a year ago and until now hindi pa rin binabayaran. But i understand since medyo gipit talaga siya kaya lang she should have at least acknowledged na hindi pa siya makakabayad kasi gipit pa. Hindi yung parang wala lang. Oh well
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: AVIDGOLFER on May 03, 2014, 05:52:20 pm
'Pwede pakaskas sa credit card mo? Bayaran ko at the end of the month'

'Sorry, nagreach na sa limit eh. Pasensya na'

Ganito palagi scenario sa akin LOL. I mean haller pano kung hindi nila bayaran? Eh di kawawa naman ako sa bills ko.

A friend of mine nanghiram sa akin ng pera nung may sakit anak niya. That was a year ago and until now hindi pa rin binabayaran. But i understand since medyo gipit talaga siya kaya lang she should have at least acknowledged na hindi pa siya makakabayad kasi gipit pa. Hindi yung parang wala lang. Oh well
I have the same problems as yours Sis....20K utang with matching promisry note pa pero deadma when we see each other in the clubhouse where I used play. Before she used to say and tell me that mate cencia na wala pa sa ngayon yaan mo lang lapit na mag retired si Hubby..ako naman si generous at mapag kumbaba eh ..I used to reply with Ok lang...no rush...until last year no more na talaga at deadma na lang.....lol...Another one is on dollar demoination and mind  you not just 200 or hundres but it was thousand...and it was in 2009.since then no more news from her until now..tsk tsk tsk...My principle is Ok lang as long as I am not the one that owe financially to somebody at nakaka luwag naman ako, I can still recoup and earned those amount and sure enough I was able to earned enough. I am just hoping that someday they will realize that they owe me and have sufficient funds to pay. Just sharing about money matter na mukhang wala ng bayaran ....lol
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: FOURever on May 03, 2014, 09:09:48 pm
Oh nooo. Tinry ko manghiram ng money for lunch sa friend ko nga pala. Sabi ko ako naman naubusan ng allowance for that day (backread na lang yung iba kung paano scenario namin ng friend/s ko especially sa school, but also sa mga lakad). After that, siningil nya ako, so akala ko makakatyempo ako na: ah sige. Ibabawas ko na ba sa babayaran ko yung nahiram mo for food/panggala sa akin?

Ang sagot:ha? May utang ako sayo?

:/

And i'm starting to "hate" or "dislike" one of my friends. Super reklamo sya na ang daming gastos pero heller everyday ba naman nagstarbucks to study daw. Plus dinner sa mga resto/fastfood kasama mga iba nyang friends. Tapos sa amin hihiram ng money for lunch, for gala, etc. Then i heard may utang pa syang 4k sa kabatch namin para lang makasama sya sa mga study session na di naman worth it dahil mas madami pang distractions nangyayari sa kanila :/ sakit sa ulo.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: *yvainne* on May 04, 2014, 05:57:41 pm
Dati weakness ko ito. Basta may manghiram, bigay naman ako tapos pahirapan sumingil. grabe yun iba na ayaw ako tantanan na akala mo may patagong pera. Pero natuto talaga ko mag NO  talaga. Kase un iba may pangluho tapos hihiramin sakin. At sila pa mamimile kng kelan nila gusto bayaran.gusto 1 year to pay pa. Ano ako; banko o lending?!  Hirap daw....kelangan daw talaga tapos malalaman mo bumili ng ipad, nagpa party etc.kaya ngaun natuto ako.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: Lianne@TheWiseLiving on May 08, 2014, 01:10:49 pm
Dati weakness ko ito. Basta may manghiram, bigay naman ako tapos pahirapan sumingil. grabe yun iba na ayaw ako tantanan na akala mo may patagong pera. Pero natuto talaga ko mag NO  talaga. Kase un iba may pangluho tapos hihiramin sakin. At sila pa mamimile kng kelan nila gusto bayaran.gusto 1 year to pay pa. Ano ako; banko o lending?!  Hirap daw....kelangan daw talaga tapos malalaman mo bumili ng ipad, nagpa party etc.kaya ngaun natuto ako.

That's so true, sis. Had an experience na they needed money for tuition, yun pala they bought an iPhone lang. Imagine, grabe, right?

Personally, if may nang-uutang, I never expect them to pay me na.

So when they ask me if I can lend them 10,000, I say I can't. I have no budget for that. It depends nalang on their sincerity if I give them 1,000 "para lang makatulong", but generally, I say no, wala sa budget kasi.

Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: *yvainne* on May 08, 2014, 09:52:07 pm
^may nagsabi rin sakin sis na ganyan daw gawin. mukang okay pala yan.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: crzysxycl on May 09, 2014, 09:00:50 am
Ang hirap tumanggi lalo pag relatives ang hihiram. Pero I learned na when it comes to money, kahit kamag anak mo, tataluhin ka. Kaya pag may family gatherings kami, I make sure na wala silang makikitang basehan na pwede silang umutang sa akin. Kung makikita nila na magarbo ako, na galante ako, they'll have a reason na umutang kahit hindi naman nila talaga kailangan ng pera. Lalo na ibang relatives namin, pag "umutang" lista na sa tubig, sana sinabi nalang "pahinging pera" diba kesa "pautang naman ako.." tapos may kasunod pang "babayaran ko sa <date>" sabay di rin naman magbabayad.. pag nakaharap mo pa ulit, dedma lang, parang wala syang utang sayo.  >:(
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: kittypaw on June 04, 2014, 08:39:10 am
Always remember pag utang always 80% of the time di na babalik yan. Kaya never magpautang ng di mo afford mawala ng parang bula.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: bluish_mommy on June 18, 2014, 11:34:09 am
may mga umuutang na hindi marunong umunawa sa sinasabi mong rason, talagang yung sarili lang nila ang iniintindi nila, at kukulitin ka na parang pinipiga kang maglabas ng pera talaga... pag ganito ng klase ang kausap ko, ang ginagawa ko, nililitanyahan ko sya ng mga gastusin ko sa bahay, tapos sa ending sasabihin ko "iniisip ko na nga rin mangutang eh, may alam ka ba?" ha ha ha
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: tomatostellar on November 23, 2014, 05:43:40 pm
pag ganito ng klase ang kausap ko, ang ginagawa ko, nililitanyahan ko sya ng mga gastusin ko sa bahay, tapos sa ending sasabihin ko "iniisip ko na nga rin mangutang eh, may alam ka ba?" ha ha ha

ODK hahaha - gagawin ko nga rin to next time ;p
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: shygirlme on November 23, 2014, 07:45:21 pm
Hirap ako magpautang kasi ako hirap din mangutang :p wel actually ayoko kasi nangungutang kaya ako hirap din magpautang. Minsan masakit kapag may natatanggihan ka. Lagi akong nalalapitan pero lagi ko sinasabi wala akong extra money. Minsan nga iniisip ko baka isipin nila sakin walang extra money pero nakakakain kami sa labas. Nakakabili ng luho. Care ba nila e nagsikap ako para makapera ako e :p

I have a highschool tropa. Nung fresh grad ako nanghiram sya sakin 500 pina western ko pa sabi nya ibabalik daw nya ok lang sakin pinadala ko tapos nalimutan ko na singilin sa isip isip ko ok lang inaanak ko 2 anak nya. Kaso nakakasama ng loob na maaalala ka lang nya pag gusto nya manghiram siguro mga 5x na sya lumapit sakin kahit nung kakadating ko lang from Abroad non. Pero lagi ko sinasabi wala akong pera kasi bread winner ako so unahin ko lagi family ko. Nakakasama lang ng loob pag di ka nya need di ka kinakamusta tapos pag kinakamusta ko sya seen lang ako sa fb pero pag sya mangangamusta sakin alam ko na kasunod haha
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: 28Leslie on July 08, 2015, 08:13:44 pm
ako ang ginagawa ko, depende sa reason, value ng hihiramin at sa tao

halimbawa, pang tuition fee, hospital bills, gamot, etc. nagpapahiram ako pero small portion of money lang like 10-20%, tapos alam ko sa sarili ko na hindi na yun babalik (haha) pero yung mga taon yan, yan yung talagang may malaking impact sa pagkatao ko yung pinagbibigyan ko like yung super friends ko nung high school. kung hindi din naman dahil sakanila wala din ako sa position ko now.

nagpapahiram lang ako ng malaking value pag alam kong responsible yung tao.

pag first time nanghiram tapos small value lang pinagbibiyan ko, testing lang kung magbabayad. pag hindi nagbayad, never na talaga makakahiram kahit anong reason pa. (in my mind: markado ka na sakin)

yun isang teammate ko, kumain kami sa labas tapos charge to cc ko daw muna yung meal nya. pagdating ng bill sinisingil ko na, as in ang kapal ng muka ayaw magbayad, magbibilang daw muna sya ng barya. (anyway, hindi ko na sya siningil ulit para di na ko ma-stress, sobrang laking mark X talaga nya sakin.) dumating yung holiday, december, bibili daw syang laptop kung pwede daw mang hiram ng cc, with explanations and everything na magbabayad daw sya. Tiningnan ko talaga sya sa muka tsaka ko sinabing "NO." (grabe, sarap ng pakiramdam ko na mag say NO sakanya. haha! payback time!)

meron pang mga nangungutang na sasabihin sayo na sa katapusan magbabayad tapos pagdating ng katapusan hindi na magpaparamdam, pagsingil mo sasabihn nagamit na sa mas importanteng bagay kuno pero puro post sa social media ng food and gala. kaloka. yung mga ganyang tao, mark X na rin yan sakin.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: tomatostellar on July 09, 2015, 08:49:35 am
^nakaka asar no? mga social climbers

meron ako kilala chronic na utang-era nag try borrow sakin Php 300 ~ tinanggihan ko talaga sya, sabi ko lang "sorry walang spare e"
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: simpleemie on July 09, 2015, 09:58:23 am
Lately wala ng umuutang sakin☺ Alam nila na marami akong bayarin.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: ampere on July 15, 2015, 08:51:44 am
pag di ako sure na makakabayad i always say may pinaglalaanan ako depende sa uutang pag alam ko naman na makakabayad  nagpapahiram naman ako.


pero pag kapatid ko nagsabi hindi ko na sinisingil, well yung panganay lang naman namin may sakit kasi sya so ayoko ng problemahin nya ang pera mas importante gumaling sya  :)
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: msals2007 on July 15, 2015, 11:56:54 am
Share ko lang naalala ko lang, nakita ko kasi kahapon yung neighbor ko na nangutang sa akin ng  P7k  plus March of 2014 pa. Palabas ako ng gate namin padaan naman siya pauwi sa kanila. I decided not to call him dineadma ko na lang, actually nagdalawang isip pa ko kung tatawagin ko but decided na hindi na lang. Nakakatawa kasi ba naman tumakbo siya papunta sa bahay nila...as in takbo talaga until he reached their gate tapos nagmamadaling pumasok. Grabe sa kapal ng face talaga. Kaya ingat ingat din sa pagpapautang. Ako kasi nadaan sa awa kasi na-stroke yung father niya so pangbili daw ng medicines kasi nashort sa budget for that week. Pero okay naman work niya i think trainor ata siya sa isang kilala na BPO eh. Pero kahit piso wala man lang naihulog.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: missFB on July 21, 2015, 02:42:34 pm
ako noon, nakakapangutang din. Lalo na nung time na super liit pa ng sahod ko as in kapos talaga sa budget.  Minsan din, hindi ako nakakabayad agad sa pinangakong date, pero nagsasabi ako.  Hangga't maari nagsasabi ako na hindi ko pa siya mababayaran at humihingi ako ng pasensiya :)

Kaya ngayong ako na ang nauutangan, yun lang din ang hinahanap ko sa mga nangutang sa akin na deadmabels na... as in taon na ang binibilang... ewan ko ba, magbaba ka ng pride kasi ikaw nakisuyo diba? Pero meron talagang ganung tao... 

Iniisip ko nalang.. mabuti na din yun, para hindi na sila makaulit sa akin.    Nagpapautang pa din naman ako pero sa mga taong alam kong makakabayad...

o kaya... pag ang inuutang ay 3k halimbawa, ang sasabihin ko lang 1500 or 1000 ang kaya ko.. para kung di mabayaran.. hindi masyadong masakit. nakakahiya naman kasi sa kanila. hahaha

At isa pa.. pag kamag-anak talaga ang nangutang, sine-set ko na sa utak ko na THANK YOU na yun.  ;D
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: gil12 on March 31, 2016, 02:43:30 pm
umabot na sa point na nagsisinungaling na ko para lang hindi ako mautangan. someone's asking to "borrow" checks from me, relative. sinabi ko na lang na wala na kong checking account. it's too risky. may laman kaya checking account ko.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: tomatostellar on May 28, 2016, 08:40:08 pm
^ mahirap talaga sa mga kamag anak...

tapos yung mga nanghihiram, makikita mo andami naman binibili na kung [textspeak!]-ano!
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: tahimik_24 on July 16, 2016, 07:35:45 am
Sorry bayaran ng tuition ni kapatid.
Pasensya na kabibigay ko lang ng pera sa parents ko.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: hisana on July 16, 2016, 08:09:18 am
Wala masyado umuutang sa akin. Sabi ng ate ko it's because ang sungit ko raw tignan, mga desperado lang ang lalapit, LOL. But on the rare occasion na meron, I only lend what I can lend comfortably. Alam ko naman kasi may chance na matagal bayaran or magkalimutan na. Otherwise diretsahan ko sabihin na I want to but I can't.

Yung kapatid ng coworker ko, ang kapal lang ng mukha. Sorry to be blunt. Lagi humihitam ng anywhere between 500 to 3k, at may kasama pang sob story na hindi daw sya makauwi kasi walang pamasahe (parang linya nung mga scammer) at kung ano pa, pero magugulat ka, mamaya nasa sofitel, nag tour sa bangkok, nag shopping spree, etc. ang masama nyan eh ito naman matipid yung coworker ko, pero hindi naman makatanggi kasi kapatid daw nya. Minsan kung sino pa ang family, sya pa yung abusado.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: britzm on August 09, 2016, 10:13:53 pm
kapag may mga naglalakas loob na mangutang sa akin, most probably close kami. pinapa utang ko naman kasi alam ko nagbabayad sila.
kapag hindi naman kami close, papautangin ko pero less than the money na gusto nila utangin. say, pahiram ng 5k.
sabihin ko, ay 1k lang meron dito eh. ok lang? tapos sabihin ko balik mo sa sahod ha.
hindi ko tinatanong kung kailan sila magbabayad. nagkaka option pa sila na "babayaran ko pag nakaluwag ako"
tapos pag bayaran, ireremind ko siya once.
magbayad man siya o hindi, isipin ko na lang buti hindi nadale yung 4k.
pero pag hindi siya nagpaalam man lang na hindi muna makakabayad, markado na siya sa akin. gaano ba kahirap magsabi na hindi mo muna mababayaran utang di ba?
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: D4thAngel on August 10, 2016, 06:54:02 am
I tell them I have credit card dues to prioritize. Kapag di ko nabayaran agad, ako naman ang magbabayad ng interest. Mahirap talaga magsabi ng "NO" lalo na pag alam mo na super need nila ang money. Kapag close ko na man yung nanghihiram, up to amount lang na willing ako i-forego.

Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: SaffiyahEnglish on September 24, 2016, 06:09:13 pm
I know someone ginagawa niya kapag nangutang may pinapatong na interes at kinuukuha ang CC. So kapag babawiin na ang CC i-withdraw na niya yung amount na need niya. At least patas ang labanan walang lugi.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: wifey on October 21, 2016, 05:49:11 pm
Nagpapautang kame pag alam namin na magbabayad naman, pero kung sure kame na sa samaan lang ng loob mauuwi, ay NO talaga. Nung natutunan na namin humindi ng hindi nagi-guilty, naging madali na tumanggi kahit/lalo pa pag family member  :P Inuunahan na namin na wag kame ang utangan nyo, di na namin inaask how much at anong reason kasi hahaba lang at wala naman talaga kameng balak magpautang.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: tinapay on November 02, 2016, 04:01:17 pm
mahirap pag friend mo. like in my case. nangutang uli ang friend ko. at first medyo hesitant ako kasi the last time na nanghiram sya, inabot ng taon bago bayaran. e medyo maliit na amount lang yung noon. ngayon medyo malaki na. i told her a lot of stuff na iba na kasi ngayon, may asawa na ako, etc. etc. so i asked permission pa from my husband. pumayag naman. may usapan kami kung pano nya ko mababayaran. mag loan daw kasi sya, yun ang pambayad. need na nya kasi ng money kaya di na nya maiintay yung loan. lumabas na yun loan, pero di pa rin ako binayaran. dami nang nangyari sa family nya, reasons kung bakit di pa nya ko nababayaran. ngayon, nahihirapan akong singilin kasi may issues ulit sa familly nya, nakakahiya naman maningil sa ganung sitwasyon. pero kailngan ko na talaga syang kausapin para malaman ko kung kelan sya magbabayad. me and my husband needs to budget our funds na kasi. marami na kaming bayarin. ang mahirap kasi people think na marami kaming pera. di naman marangya ang pamumuhay namin....
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: rics on November 03, 2016, 01:58:31 am
Wala naman masyado nangungutang sa amin.
Pero there was one time BIL wanted to borrow money - as in big amount.
Told my husband to set the terms kung paano kami babayaran, siguro nahirapan sa terms namin sabi he'll just borrow somewhere else.

If ever there will be someone nangangailangan - we check first if its valid. otherwise, we give you some amount. tulong nalang. and explain why we cannot hand out the amount you wanted.

Other than that, we just flatly say - sorry, we don't have that much money to loan you at the moment.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: marywater on November 22, 2016, 08:39:15 pm
Pag may nangungutang sakin, normally I'd ask how and when they can pay me back. Kung malabo sagot, di ko na pahihiramin. I won't even try to make an excuse. I just say "No. Sorry that won't work for me. Sa iba na lang." Natuto na talaga ako sa mga di nagbabayad ng utang.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: hael2011 on November 25, 2016, 01:26:11 pm
I find myself very blessed that I am not in the position of those who ask for money. Kaya kung may nanguutang sakin, sige lang. Lalo don sa mga nagbabayad naman.

Pero dun sa alam kong di na magpapakita, 30%-40% lang binibigay ko, yung alam kong hindi ako masyado iiyak kapag di na nagbayad.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: missyuko on December 13, 2016, 11:47:55 am
ako no-no ako magpapautang lalo na ngayun. gipit din naman ako kaya kahit na isipin ng tao na yun na maramot ako ok lang. mag dra-drama effect ako sa mangungutang sakin or di kaya ay I'll blatantly say no. regardless if friend ko pa sya. sguro magpapautang na lang ako kung may pera pera na talaga na hindi ako manghihinayang pagka hindi na mababayaran.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: leelou on December 14, 2016, 08:54:07 pm
hindi nangungutang pero nanghihingi ng donation para sa christmas raffle nya para sa mga tauhan nya (may negosyo sila). hindi naman kami magkasosyo sa negosyo  ;D close friend ko ito pero gulat levels talaga ito. at alam nyang bugbog ako sa gastos ngayon. haay.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: xtine on December 16, 2016, 01:37:48 pm
I try to make sure I am a person na HINDI nila unang maiisip if gusto nila mangutang.  Also, i ask many logical questions para mafilter ko sino ang desperado sa hustler.

There are people who are hustler pagdating sa utang, kasi alam nila madali maguilty yung mga mauutangan nila.  I make sure I am not included in those "madaling maguilty" list.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: forsix10 on December 22, 2016, 02:42:45 pm
Nakakagaan ng loob magbasa dito at di lang pala ko nag iisa. halos same sentiments din tayo mga sis. kaming family strictly nagbabudget pero hirap to say No at yung mga nangungutang na yan nakakainis na ang bobongga ng lifestyle.latest gadget ang gamit, di nagpapahuli sa uso, me monthly out of town, dine in weekly, nagsusugal etc. kainis lang yung mga ganitong klaseng tao (iba ibang tao naman to) pero iba kasi nirereason kung san gamitin yung pera yung tipong nakakaawa talaga then makita mo me post sa fb ng kung ano ano. hays! then biglang di ka na replyan sa text/fb, etc.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: layladesilva on January 23, 2017, 12:52:07 pm
pag eto talaga ang topic, inis na inis ako. kasi di pa kami marunong mag-NO dati. yung may utang sa amin, patay malisya pa. walang balak magbayad. at nagagawa pang mag-attempt ulit mangutang. natural, tinatanggihan namin. makapal talaga mukha.

just say no.  kung may kapal ng mukha ang isang taong manghiram sa akin, dapat mas makapal din mukha kong tumanggi. di nga sya nahiya humiram sa akin eh, bakit ako mahihiya magsabi na hindi puede.

Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: swtgrl_bee on January 25, 2017, 07:22:46 am
Yung post ko dito, just say NO! Infairness, until now hindi pa din naman kami yung tipong walang pera? Ay takbuhan natin si (ako)  ;D Broadcast na broadcast kasi kung gaano ako kakuripot eh.

Pero yung kamag-anak ni husband ko na paulit ulit na umutang ng small amount na sa ending eh wala na, nung huling utang binigyan ko ng medyo malaki laki at sabi ko last na yun. 2 years na din hinding dumadaing sa amin.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: ember_sky on January 30, 2017, 04:29:26 pm
How to say NO kapag kamag-anak mo? yung ka close mo tapos nakatira pa kayo sa isang bahay.
Yung tipong kahit sabihin mo na wala, ipipilit na niya na meron..  :(
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: britzm on February 07, 2017, 05:26:39 pm
^there's got to be someone in the family na mag second the motion pag sinabi mong wala ka na pera. i remember a kamag anak na nanghihiram sa dad ko. sabi ni dad wala siya pera dahil wala pa sahod. ang sabi hihiram na lang muna si kamag anak sa iba tapos pagdating ng sahod ni dad, bayaran yung utang sa ibang tao. naku lahat ng dugo umakyat sa ulo ko nung nalaman ko. kung naabutan ko pag uusap nila malamang nakatikim sakin ng masasakit na salita. kung meron lang sana pumigil kay dad edi hindi nakaporma yun.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: pinkmoscato on February 07, 2017, 07:50:06 pm
If he/she is someone I trust, and I know na makakabayad din, I lend.
But I encountered an officemate na nangungutang tapos pambili lang pala ng mga luho like shoes, bags, etc.  ::) So I always say "may pinaggamitan na ako nung extra money ko" or binigay ko sa parents ko.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: shinies on February 07, 2017, 11:14:48 pm
Pag kasal na - "tatanong ko pa kay mister/misis kung pwede"
Pag single - "tatanong ko pa sa magulang ko"

 ;D

Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: lovemeagain30 on February 12, 2017, 03:34:43 pm
mukha kasi akong masungit at known sa pagiging kuripot kaya siguro natatakot akong utangan. hihi! :)
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: RoadrunnerXCX on February 15, 2017, 06:13:40 pm
i felt bad recently  as we lent money to my hubby's relative then  after a week or so the child of his relative  posted a pic on fb wearing braces na with caption "finally." i thought  there was an urgency or something kaya nag go ako pero mygosh to spent for braces nowadays...that could definitely wait.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: ficklemind on February 16, 2017, 12:12:32 pm
^ sinabi ba nila sis nung nanghiram sayo san nila gagamitin?

Normally I would say "wala akong pera" or "may pinaglalaanan ako, baka ako naman ang mashort"
Buti hinde kami active ni hubby sa FB kaya walang way yung mga nangungutang sakin to verify kung poorita talaga ako.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: D4thAngel on February 21, 2017, 06:54:45 am
I tell them, ibabayad ko sa credit card and pera ko. Kung magpapahiram ako, di ko mababayaran ng buo at magbabayad pa ko finance charge.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: summer2017 on June 27, 2017, 03:57:06 pm
I've been feeling guilty lately.  I have a long time friend wayback highschool na ilang beses na lumapit sakin to borrow money. Pinapaikot nya money nya for her spa business.  Eh never talaga ako nagpapa-utang because unang-una, ayoko ng naniningil, nahihiya ako and I only lend what I can afford to lose.  I give referrals naman sa mga nagpapa-utang talaga. But sometimes, di maiwasan, she needs money to augment her business.  I'm single and she knows na I somehow have extra so I feel guilty.  Like last week,  I said no again for the nth time. Nagbabayad naman sya, responsible but knowing her, pag kwento sya sakin, madame syang nasasabing negative sa mga naniningil sa kanya and I don't want that to happen to us.  Yun lang talaga, I feel guilty  :o
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: tomatostellar on June 28, 2017, 04:27:20 am
^kaka-turn off naman si friend, sya na nga tong pinaheram. Huwag ka na ma-guilty. It's your money anyway. Di ka obligado to keep her business afloat.
Remember, how she speaks about other people is most likely the same way she speaks about you to others.
Who knows, baka ganyan na din sya magkwento sa iba about you not lending her.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: plumpolka on June 28, 2017, 10:21:03 am
i just tell them wala akong ganong pera at may babayaran din ako. although bihira lang may manghiram sakin kasi mukha akong masungit at mataray, meron parin mangilan ngilan na nagmemessage sakin (FB) na lang. mas madali mag decline.  ;D
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: samtorini on June 28, 2017, 10:45:59 am
Kanina lang may nanghihiram sa akin, 30K pambili ng computer or laptop ata for her "job". Tinanggihan ko, saying na enough lang suweldo naming mag-asawa sa bayarin. Oo, "nakakaguilty" after, pero ayoko na ma stress. Sobrang na stress ako sa huling pinahiram ko na pera.

Kaya ngayon, kahit magkano di na talaga ako nagpapautang
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: lonely_dad on June 29, 2017, 08:12:56 am
hirap na nga ako sa tuition ng anak ko tapos magpapautang pa ako?
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: DeathToMondays on June 29, 2017, 09:54:08 am
Friend: Uy, may [insert amount here] ka ba? Babayaran ko agad, please lang.

Me: Wala akong ganyang pera.

Friend: Ang sama mo naman, babyaaran ko naman agad, eh.

Me: Nangungutang ka na nga lang, tatawagin mo pang masama yung inuutangan mo?


Ours is a culture where saying 'no' to things we cannot and don't want to commit to demonizes us. Even if we had enough money to spare, it's still our prerogative as to how we use it.

Barring emergencies, what people need to learn is to live within their means, not inconvenience others so they can maintain a comfortable lifestyle they can't afford. 
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: kvan on June 29, 2017, 10:41:52 pm
Kaloka! Ang sama mo dahil ayaw mong magpautang...LOL! Hindi ko kinaya ang kapal ng mukha.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: summer2017 on June 30, 2017, 09:33:06 am
In fairness naman kay friend, nagbabayad naman talaga yun sa mga pinagkaka-utangan nya.  Ayoko lang talaga magpa-utang. Hehe. She's a single mom of 3.  Nag-text nga ulet last night and tried to borrow again.  Sabi ko na lang, negative talaga girl.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: lisse on July 03, 2017, 03:29:23 am
Naalala ko nung time na short na short talaga ako dami ko tinext at kinausap para mangutang. First time kong ginawa yon at first time ding mangutang. Sadly ni isa walang nagpahiram sakin. Because of that incident natuto talaga akong maging super ingat sa finances ko. Kaya ngayon pag may nanghihiram sakin, automatic no, I can't sorry ang sagot ko. Except pag siblings ko spoiled sakin mga yon eh and kahit minsan never pumalya isoli pera ko. Samin eh si daddy lang talaga hndi nagbabayad eh LOL!
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: shygirlme on July 03, 2017, 09:49:41 am
How about those na gusto unahin nyo muna sila pahiramin bago nyo gamitin sa iba yung pera nyo? eto lagi ko naririnig sa mga nanghihiram, baka pwede pahiramin muna bago ko ipambili o kaya laging sayang sana pinautang muna sa kanya bago ko unahin bumili ng ibang bagay?
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: kvan on July 03, 2017, 10:20:05 am
You still have the right to say no. Your money, your rules. Hindi sila kasama sa plano mo when you earned that money so they don't have the right to complain.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: plumpolka on July 03, 2017, 04:20:18 pm
^^ di mo obligasyon magpautang ng pera. di ka naman nagttrabaho para sa kanila. wala silang pakielam kung paano mo ihandle yung finances mo dahil lang di nila nahandle ng maayos yung finances nila.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: LilaFowler on July 10, 2017, 07:53:18 am
Ito issue ko, I have a friend na lagi ko naman pinauutang kasi lagi naman sya nagbabayad. Pero lately ang tagal na bago sya magbayad so parang ayaw ko na sya pautangin.

We go shopping together sa Costco and I will pay for everything on my card.  The last couple of times, nagpa transfer sya thru paypal. Medyo malaking amounts ang nagiging utang nya, nasa over $500 usually.

In the beginning binabayaran nya kaagad, pero last few times, ang tagal nya bago bayaran. Like I have to follow up mga 2-3 weeks na wala pa din.

 Ang excuse nya, she asked her bf to transfer the amount to me and akala daw nya nabayaran na also nagpalit daw sya ng phone di daw nya nakita yung messages ko.

Di ko alam how to say no considering may history of me lending her money.




Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: yellowminion on July 10, 2017, 01:03:32 pm
I just tell them na allowance ko lang available cash ko. Naka-forced savings kasi ako sa coop sa office namin-which is true naman- kaya wala akong available cash. Di ako nagi-guilty ngayon kasi na-experience ko na rin na ma-short sa budget just to accomodate other people. Basta say No politely lang tapos pag nagpumilit, stay firm with your decision. Except pag immediate family, basta pag may extra ibibigay ko kasi nagbabayad agad.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: kvan on July 10, 2017, 10:36:45 pm
^^Just tell her that you can only lend her this much up to a specific time frame. Give her a warning kapag naulit ulit then just say no, you can't afterwards. At wag mo ng isama sa shopping.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: marssie on May 15, 2019, 08:30:53 am
Ang hirap talagang mag NO lalo na pag nasa abroad ka at nakikita nila na nagbabakasyon ka, bumibili ng car, may bagong Bahay at kung [textspeak!]-ano pa... mindset kasi ng karamihan pag abroad ka may ipon ka, may pera ka, may pwede ka ipangutang, hindi nila alam bago ka magkaroon ng ipon, ilang dugo at pawis, pagod at Puyat at pinagdadaanan mo para lang may maitabi ka para sa sarili mo, sa pamilya mo at hindi ka mang aabala ng iba sa oras na nangailangan ka.  Nakakainis lang kasi na minsan hindi nila maintindihan na hindi ka nag iipon para ipangutang sa iba. 

Meron din akong pinahiram, tumanaw lang ako ng utang na loob dahil nung panahon na nangailangan kami sila din ang tumulong, until now hindi pa nagbabayad almost a year na but I still feel okay kasi nag paparamdam sila at nagsasabi na wala pa which is naintidihan ko din naman dahil alam ko pinag daanan nila at ginamit yung pera sa pagkakasakit at awa ng Diyos ay hindi naman pa namin kailangan, kumabaga extra money ko talaga yun para sa family ko and since I treat them like a family okay lang.

Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: curlylass on May 15, 2019, 01:26:25 pm
I just learned how to say NO. There's nothing wrong, kesa naman masira relationship namin. I just explain na may paglalaanan na yung pera ko and konti na lang cash on hand, enough for my allowance.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: AsunaYuuki on May 15, 2019, 02:11:12 pm
I just say na wala talaga akong extra money na pwedeng ipahiram. It gets easier the more you practice it. Nagpapahiram lang talaga ako sa mga taong may "good record", sila yung nanghiram na before saken at natupad ang pangako kung kelan magbabayad.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: avitot on May 16, 2019, 03:03:50 pm
just say it, walang masama kung ayaw mo at lalong walang masama kung wala ka talaga mapahiram. Mas mahirap pag umoo ka nagpaasa ka sa tao tapos sa huli hindi ka rin magpapahiram.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: yn061515 on May 16, 2019, 08:17:21 pm
Kung may extra ako, I don't mind lending money lalo sa kakilala and ka-close.

I know kasi how it feels to have almost nothing kaya ramdam ko yung mga tao kung bakit kinakailangan manghiram.

although hindi ko pa naexperience naman mahiraman ng madalas kasi mukha ata kami dukha ni husband kaya wala masyado nalapit sa amin.

Pero when it becomes a habit na, siguro okay din to say NO na or hindi ibigay full amount.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: D4thAngel on May 16, 2019, 08:32:15 pm
Mahirap tumanggi if you have money to share, lalo na alam mo na nangangailangan. I just lend the amount i'm willing to lose.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: sunnnyside on July 12, 2019, 09:39:26 pm
Friends and relatives know na mahirap talaga ako hiraman ng money so i rarely get asked. Nadala na kasi ako one time nagpahiram ako dahil emergency daw pero mababayaran nya sa certain time. So pinahiram ko yung pambayad ng insurance ko. Hindi niya nabayaran sa oras, buti na lang may savings ako so dun ko muna kinuha. Tapos makita kita ko may bagong gadget sa bahay.  >:(

For those na nagi-guilty pag hindi kayo nakapagpahiram, please don't. It's your money so decision mo what to do with it. If it helps,  don't consider your savings/emergency fund 'extra money' para di mo mapautang.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: exquisitegem on July 25, 2019, 11:46:30 pm
I just say I don't have extra money to spare. Nakakadala na kasi magpautang. Especially those who get in touch lang pag may kailangan tapos hindi marunong magbayad. Kaya nunca! haha
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: swtgrl_bee on July 26, 2019, 09:24:35 am
^^same tayo.  ;D Overly exposed din kasi ata na talagang I work my ass off para lang magkapera. So nakakahiya lalo na sa mga tatamad tamad. Saka kilalang kuripot ako.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: exquisitegem on July 26, 2019, 11:59:52 am
^hahaha ako din sis. Kilalang matipid kaya may advantage din :D
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: heidzqb on August 15, 2019, 02:17:34 am
Pwede sigurong sabihin na inutangan na ng iba yun money. Mas hindi pangit pakinggan, doesn't sound like rejection.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: vanity fair on August 27, 2019, 05:55:12 pm
I just flat out say NO.  I have no obligation or responsibility to lend money.  Laki na din ng nawala sa akin na pera & friends dahil di sila nagbayad.  I feel better now that I can say NO sa mga nangungutang. 
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: lonelywifey on September 02, 2019, 06:54:29 pm
pasensya na wala akong maipapahiram. di na kailangan mag explain pa.
Title: Re: How do you say NO sa mga NANGUNGUTANG sayo?
Post by: FayeP on September 06, 2019, 12:13:50 am
as long as may extra at kilala kong nagbabayad ng utang, go lang...saka nasa pautang business din ako before, very, very small lending business on the side...maliit lang interest...then nun tinapos ko na yun business na yun, may mga ilang dating officemates na naghihiram pa din, yun nga lang wala na interest kasi di naman na ko nagpapautang...nagbabayad naman sila...

may mga ilan na kapalmuks na lang kasi daan-daanan ka lang, ni hindi man lang magsabi na wala pa pambayad. Tapos makikita mo may bagong gamit, or nagpunta sa ganitong lugar, or malalaman mo sa iba na manghiram din sa iba pang tao tapos di din nagbayad, pagkaganun, di na makakaulit sakin...

alam ko ang feeling ng walang wala, kaya ayoko sana din magdamot or wag magpautang, pero sa ngayon pili lang talaga at sinasabi ko laging di ko yun extra na kelangan ko din sa ganitong petcha para magbayad sila...saka usually ginagawa ko half lang ng hinihiram nila...kasi sa totoo lagi din ako sakto sakto lang sa pera...walang extra talaga...kaya ko pinapahiram kasi ayoko yun feeling na wala ka malapitan dahil talagang naranasan ko yang walang wala at wala mahiraman...