Girl Talk

Sex & Relationships => Looking for Love => Dating & Courting => Topic started by: bubbles_sandy on October 03, 2012, 09:28:27 am

Title: signs that your guy is cheating on you
Post by: bubbles_sandy on October 03, 2012, 09:28:27 am
aside from female instinct, any other signs na malakas kutob mo he is cheating..
Title: Re: signs that your guy is cheating on you
Post by: klengmorales on October 03, 2012, 09:57:40 am
based on experience

Laging naka offline ang phone. Kasi nagpapalit palit ng sim
ayaw makipagdate
matutulog na daw pero may kachat/katext/ka call
laging mainit ang ulo
laging pagod at haggard
hindi nagpapaalam na aalis
dati lagi akong kasama sa mga lakad..
Title: Re: signs that your guy is cheating on you
Post by: stylishmomy on October 03, 2012, 10:28:50 am
other wives who's been cheated would say the opposite, their husbands became sweet and more caring. It's to compensate on the cheating. So basically, if there's sudden changes then that's a sign to watch out for.
Title: Re: signs that your guy is cheating on you
Post by: bubbles_sandy on October 03, 2012, 11:20:09 am
agree ako dun sa mga sudden changes.
yung feeling mo na ang daming secrets, magugulat
ka na lang, may makikita or marinig ka na parang off or hindi
tama
Title: Re: signs that your guy is cheating on you
Post by: aquacharly on October 03, 2012, 01:32:21 pm
other wives who's been cheated would say the opposite, their husbands became sweet and more caring. It's to compensate on the cheating. So basically, if there's sudden changes then that's a sign to watch out for.

Lols, true.
Basta changes in habits
Time blocks that cannot be explained
Title: Re: signs that your guy is cheating on you
Post by: @JLO on October 03, 2012, 07:30:55 pm
natatawa ko,   i just remember this...

there was one time i call him, he said na nasa CR lang daw sya kaya di nya nasagot..

then a week later.. i suprisingly call him again... di ulit sinagot kasi nasa CR na naman sya...

sobra naman timing yan :S..


i never call him again after that hahahaha....
Title: Re: signs that your guy is cheating on you
Post by: autophobic on October 03, 2012, 09:05:19 pm
from my own experience
-idea nya na magkasunod ang cp # namin pero all of a sudden nagchange ng network/number.
-late umuwe or worst kinaumagahan na.
-di sinasagot ang tawag unless emergency.
-di na active sa fb and ayaw nya na itag ko skanya pic nmin ng anak nya na kasama sya.
-my application lock sa cp.
-kung dati ayaw nya umalis ng di kme magkasama then biglang laging may sariling lakad na.
-ilang beses nagpahaging na "paglaki ni baby mamamasyal kame di namin sasama si mama"
-isasama sa swimming ang baby namin dahil naiinggit sya sa mga kawork nya na kasama anak nila pero di ako kasama.
-sa harap ng magulang nya sinabihan ako ng t**** bobo at impakta.
-kapag natutulog na nakatalikod sya. pag ipapaharap mo galit pa.
-pag niyaya mo magsexy time sasabihan ka lang ng wag mo hawakan naiihi ako, ano ba? ang kati mo!, matulog kana!
-kapag aalis sa iba magpapaalam maliban sakin.
-nasa moa lang daw sya kainuman kawork nya pero pagsgot ng tawag ko sobrang tahimik.

and dami pang iba post ko nalang pag may naalala pa ko.
Title: Re: signs that your guy is cheating on you
Post by: Girltalker2 on October 03, 2012, 09:46:45 pm

^ pag hindi agad nasasagot ang calls or text. pagkatapos pag kasama mo naman sya, lagi naman hawak ang celphone nya. ano yun, iniiwan ang celphone nya sa kotse pag hindi ikaw ang kasama nya?

Title: Re: signs that your guy is cheating on you
Post by: i_v_y on October 27, 2012, 04:45:02 am
based on experience

- late umuuwi
- di mareach sa cellphone
- big deal kapag nung hiningi ko yung password sa facebook
- nagsisinungaling
- laging hawak ang cellphone at halos ayaw ipahawak sayo ang cellphone nia.

basta change in habits talaga.
Title: Re: signs that your guy is cheating on you
Post by: iwannabeasupermodel on October 27, 2012, 05:13:34 pm
talaga pang accurate ang women's instinct?

is there a chance na paranoid lang, walang job so iba yung pinagkakaguluhan, masyadong nanonood ng telanovela?

i know maling-mali to. dahil i know na nothing can ever truly describe the feeling of being cheated, that i am a woman and my sympathy must go to the woman as well.

pero what if, di totoo yun? what if sinasaktan lang pala niya yung lalaki, adding stress to that person, bringing him closer to the threshold of heart attack for nothing?

i know na this is a little contradicting sa other kong mga posts dati, pero i'm just wondering. 
Title: Re: signs that your guy is cheating on you
Post by: Beng01 on October 29, 2012, 01:14:21 pm
based on personal experience :

- sa supermarket, nag titingin ng nivea for men, kung bagay daw ba sa kanya yun
- sa dept store nag eexplore ng perfumes, natuwa naman ako kasi at least maiiba din ang perfum nya
- tatawagan ako sa cp all of a sudden, to check kung nasaan ako. I thought he was being sweet at that time
- kaunting mali ko lang nagagalit kaagad, plus nagbibitaw ng masasamang salita sa akin...
 etc etc

bottom line, iyon pala may gf ng iba  :o
Title: Re: signs that your guy is cheating on you
Post by: stylishmomy on October 29, 2012, 02:09:29 pm
my aunt caught my uncle cheating, aside from the woman's instinct...may mga changes talaga sa behavior.

Di pa tapos ang nightly news, he would say na inaantok na daw cya kaya mauna na cyang magpunta sa kwarto nila, my aunt followed and checked on him.. she found him wide awake and texting.

My uncle read the kabit's text (I love you too) while my aunt was behind him washing dishes (di siguro nya alam na mababasa ng aunt ko) he asked for a new perfume as his birthday gift, eh di pa naman ubos ang other perfumes nya.
Title: Re: signs that your guy is cheating on you
Post by: hermione28 on October 30, 2012, 10:07:31 am
OT po ata pero wala po kasi akong makitang thread to post this, I just need advice.

4 years na kame ng boyfriend ko, taga province sya. minsan lang sya umuwi. last 2010 umuwi sya sa province nila, pag balik nya nalaman ko na niloko nya ko 2 girls pa! text lang naman "daw" hindi "daw" sila nagkita. nagkaayos naman kame.

tapos ngaun lang nasa province sya, mag katext kame nung october 26 all night sabi nya nasa bahay lang daw sya nanonood ng tv, etc., tapos kagabi inopen ko yung facebook nya may naka upload na pic na nakipag inuman pala sya nung 26. mga high school friends nya, marami sila at may mga girls din. wala naman syang katabing girl, pero dun lang sa pic, how would i know diba?

nagalit ako, pero sabi nya wala lang daw yung mga yun, sabi ko bakit kailangan nyang magsinungaling na nasa bahay lang sya kung wala syang gagawing masama diba?

What do you think po, is he cheating again?
Title: Re: signs that your guy is cheating on you
Post by: stylishmomy on October 30, 2012, 10:33:48 am
^red flag sis since he cheated before na kahit text lang, what assurance ba na di daw sila nag kita? and he now he lied once again...
Title: Re: signs that your guy is cheating on you
Post by: hermione28 on October 30, 2012, 10:41:55 am
^thank you po. ano po kaya gagawin ko? we're together for 4 years ang hirap mag let go lalu na kung wala naman akong katibayan na may iba talaga sya.

pero once na maconfirm talagang may iba sya I'm very ready to let go. Strong naman ako eh.

Pero he lied, what should I do for now?
Title: Re: signs that your guy is cheating on you
Post by: bubbles_sandy on October 30, 2012, 04:26:11 pm
^ang hirap if he already lied. been with
that situation.you know that something is wrong
kasi iba ang feeling talaga.
Title: Re: signs that your guy is cheating on you
Post by: stylishmomy on October 31, 2012, 08:17:48 am
^^kaw lang makapag decide whether you want to go on with the relationship sis or not, if you're still willing to trust him after the lies, if you want to give another chance.
Title: Re: signs that your guy is cheating on you
Post by: hermione28 on October 31, 2012, 04:05:17 pm
^thanks po. Alam ko naman po ako lang makakapag decide. Eto naguguluhan pa po ako as of now. Wala kasi talaga akong mahuli. Tapos kilala ko na kasi boyfriend ko we're together for 4 years, God fearing sya so kapag na mention na si God takot na yun, at for sure puro katotohanan na sasabihin nya.

Now he admits nagsinungaling sya, nag sorry naman. Tapos he keeps mentioning God, oo nagsinungaling daw sya but hindi daw sya nambabae, wala daw syang iba. Inom lang daw talaga yun. I'm a God fearing person din, so kahit galit ako pag si God nasa gitna di ko sya matiis. Ayoko namang isipin na ginagamit nya si God sa kalokohan nya, or ginagamit nya si God para hindi ako magalit, hindi sya ganong tao as far as I know.

So now gulong gulo talaga ko which is true. :(
Title: Re: signs that your guy is cheating on you
Post by: Chinito on November 01, 2012, 06:48:37 am
malalaman niyo ang signs sa mga activities ng mga bf nyo!
Title: Re: signs that your guy is cheating on you
Post by: stylishmomy on November 01, 2012, 07:18:34 am
^^follow your gut feeling sis.... I have nothing against religious people but I despise the ones who KEEPS mentioning God to justify their actions or the situations  coz most of the time, those people ang may mga ginagawang masama, hiding something or guilty of their actions.
Title: Re: signs that your guy is cheating on you
Post by: FOURever on November 01, 2012, 08:22:59 am
Suddenly nagiging sweet at too mabait.

Mga plano, naka-cancel kasi may work or may school project.

Mahigpit sayo. At daming bintang.

5 years na kami. I guess he cheated kasi nature na niya talaga yun :p worse, kung di niya ako maantay :) well, it's never my loss ;)
Title: Re: signs that your guy is cheating on you
Post by: hermione28 on November 01, 2012, 10:12:39 am
^^follow your gut feeling sis.... I have nothing against religious people but I despise the ones who KEEPS mentioning God to justify their actions or the situations  coz most of the time, those people ang may mga ginagawang masama, hiding something or guilty of their actions.

Yes sis I know people who do that. but di naman kame ganun, yung parang "i swear to God, etc" ganun lang at hindi parate only in times na super away as in maghihiwalay na pero not always. Kaya samen mahalaga yun, once mention napapahinto kame kasi totoo talaga. As I've said sis kilala ko naman sya, hindi naman sya ganun as far as I know, hindi nya gagamitin si God in vain. Sensya na masyado na ko OT

Gulong gulo lang talaga ko what to believe, which is true.
Title: Re: signs that your guy is cheating on you
Post by: FOURever on November 01, 2012, 10:27:50 am
^to see is to believe sis. Kami, more than 5 years na kami pero nung unang nangyari samin yan, inulit niya, worse pa ginawa nya. Mahirap pag trust ang nasisira. Mahirap ibalik.. Pero not everyone has the same fate. If you think mag woworkout pa kayo, then go and accept him again. I tried that. I took the risk. But nasayang lang yung 5 years namin.. Buti bata pa rin ako ngayong naghiwalay na kami.. Though nawala half or most ng teenage life ko.. At least nakakapag enjoy na ako ulit without him na aasikasuhin ko pa :)
Title: Re: signs that your guy is cheating on you
Post by: hermione28 on November 01, 2012, 04:27:07 pm
^yun nga sis, wala kasi skong mahuli ngayon kung may iba nga. yung last time nagtext lang tapos nung sinabi kong ako yung girlfriend those 2 girls stopped texting and calling him na. at sa 4 years amen wala pa namang nangaaway saken or something.

sabi ko nga pag may nahuli talaga ko willing ako to let go anytime. ang hindi ko lang magawa is to let go habang wala naman akong mahuli. yung lie reason na ba yun to break up with him?
Title: Re: signs that your guy is cheating on you
Post by: jamien on November 01, 2012, 04:32:46 pm
pag-ayaw pakita ng phone
Title: Re: signs that your guy is cheating on you
Post by: FOURever on November 01, 2012, 07:25:51 pm
^^sis, una sa lahat kung naiisip mo na yan, alam mo na siguro yung sagot. Di ka matahimik kumbaga :( pero nasa iyo pa rin yan.. Iba iba kasi tayo ng experiences and iba iba naman mga tao.. Yung iba, pag nahuli, nagbabago. Yung iba, hindi dahil matigas pa rin mga mukha. Hehe! Follow your instinct, sis. Ikaw lang nakakakilala sa kanya.. Yung lies, depende yan. Pero kung fidelity kaso kakambal nung lie na ginawa, mahirap sabihin na lie lang..

Back to topic:
Kapag hot n cold :) sweet tapos biglang cold. Di mapaliwanag ang pagiging moody.
Title: Re: signs that your guy is cheating on you
Post by: michipoo on November 01, 2012, 07:54:14 pm
womans instinct.. i remember before nung ngcheat sakin ang ex ko, hindi ako mapakali.. i have dreams na he's cheating on me everynight. that time wala pa ako idea na may iba pala siya.. kinukuwento ko pa sakanya noon tungkol sa panaginip ko na yun at sabi niya lang "panaginip lang yun blah blah blah".. later on i found out na he is really cheating on me pala..
Title: Re: signs that your guy is cheating on you
Post by: FOURever on November 01, 2012, 08:15:47 pm
^same here. :p hay, mga lalaki talaga (not all, though)
Title: Re: signs that your guy is cheating on you
Post by: bubbles_sandy on November 04, 2012, 02:25:11 pm
sudden changes sa mga habits or activities niya
Title: Re: signs that your guy is cheating on you
Post by: michipoo on November 28, 2012, 09:56:28 am
^ ay nako sis ngyari sakin yan, sympre bf denied it, nag investigate ako and i asked a lot of questions later on i found out its true, other woman nya yung girl.. ano ba nararamdaman mo babae nga nya yung girl? sometimes or most of the time kasi paniwalaan din ang womans instinct
Title: Re: signs that your guy is cheating on you
Post by: bubbles_sandy on November 30, 2012, 03:39:12 pm
agree, sometimes you really have to trust
your instinct.
Title: Re: signs that your guy is cheating on you
Post by: snowflakes on December 11, 2012, 07:42:32 am
sudden change-
kung dati sweet biglang hinde na
kung di naman sweet biglang naging sweet
cellphone thing is true - lagi off pag ikaw kasama or laging dala kahit sa cr, pag di mo naman kasama no reply sayo.
no sex at all
lagi galit sayo kahit simpleng bagay lang
lagi may reason to avoid conversations
Title: Re: signs that your guy is cheating on you
Post by: buchi on December 25, 2012, 12:02:41 pm
sa experience ko, nadiscover ko pag magkasama kami, laging late.. tapos parang pagod lage.
may laging tumatawag sa kanya na di niya sasagutin.
magcr lang.. mas matagal pa sa iyo un pala dun sila nag uusap. hahaha :P
mahaba ang patience niya kahit tampo ka ng tampo.. kassi naman pala may ginagawang kalokohan.
laging "tulog" kala mo naman pagod kasi call center nagtatrabaho.. yun pala may kasamang iba. dalawa silang tulog.
Title: Re: signs that your guy is cheating on you
Post by: alexii on December 27, 2012, 09:14:30 am
Hindi naman nagkakamali ng kutob ang mga girls e or ito na lang, madalas tama ang kutob ng mga girls. Lalo na pag may nagbabago sa isang guy!

Signs?
-Nanglalamig sayo
-AYAW ipakita o ipahawak ang cp sayo
-Laging busy sa ibang bagay (dati hindi naman)
-Naka-cancel ang mga lakad niyo
-Minsan na lang kayo magkita (dati siya pa ang nagsasabi magkita kayo)

Title: Re: signs that your guy is cheating on you
Post by: xtense_15 on December 28, 2012, 06:06:12 pm
sali ako.. tee hee!

pero sakin woman's instinct doesn't work. tapos hindi pa ako yung selosa type, so i really cannot tell.

my long time bf didn't "cheat" technically, inamin nya sakin na he wanted to be with someone else that time, pero i didn't see any distinct changes. haha manhid kung manhid. though nagkaron ng time na, for one whole week, 3x lang sya magtext, tapos sinasabi nya O.T. sya sa work uuwi ng 2 or 3am. normal kasi yun sa kanya pero i never thought na nung time na yun eh nakikipag date pala sya sa iba. tas naging mainitin ang ulo nya. yun lang, then nagbreak na kami. pero hindi parin ako makapaniwala kasi i didn't see the signs talaga :(
Title: Re: signs that your guy is cheating on you
Post by: ravena on January 05, 2013, 02:32:54 am
womans instinct.. i remember before nung ngcheat sakin ang ex ko, hindi ako mapakali.. i have dreams na he's cheating on me everynight. that time wala pa ako idea na may iba pala siya.. kinukuwento ko pa sakanya noon tungkol sa panaginip ko na yun at sabi niya lang "panaginip lang yun blah blah blah".. later on i found out na he is really cheating on me pala..

hi sis, tama naman ang guts or a woman's instinct. same tayo i dreamt of him cheating on me at totoo naman they are still together and magkasama sila noong christmas and new year. :(
Title: Re: signs that your guy is cheating on you
Post by: iamshiela on June 28, 2013, 06:00:44 am
Hala mga sis!! Napapanaginipan ko din si bf may other girl. Sign na kaya iyon? :(
Title: Re: signs that your guy is cheating on you
Post by: anon on June 28, 2013, 07:52:54 am
bilib ako sa thread na ito as its bang-on correct, based on my experience. galeng talaga ng woman's instinct and intelligence!

not sure about dreaming about cheating though, as it might be instinct or fear...
Title: Re: signs that your guy is cheating on you
Post by: Katcatz on June 29, 2013, 08:06:33 am
Sudden change! Kung dati ikaw yung lagi niya pinag aalahan tapos biglang baliktad ikaw na lage nag aalala at naghahanap sa kanya.. Iba na yun. Biglang conscious sa katawan, nag gym na bigla date hindi naman kahit malake pa chan!
Title: Re: signs that your guy is cheating on you
Post by: purple.strawberry on August 21, 2013, 02:30:26 pm
Mahina siguro instinct ko sa ganyan, o siguro I trusted my first boyfriend too much na kahit nakakakita na ko ng signs e iniignore ko. Trust should be the foundation of your relationship, pero I learned na sometimes kelangan mo rin magdoubt for your own sake.

I think iba-iba din magtago ang guys when it comes to cheating. Meron yung iba na kapag alam nilang magaling manghuli yung GF e they up their game. Pero yung changes, yes, definitely. Magiging too caring or malambing, tapos later on, manlalamig, madaling mairita kahit sa simpleng bagay lang, etc.
Title: Re: signs that your guy is cheating on you
Post by: kat montecarlo on August 28, 2013, 03:25:17 am
based on my experience :

*ang liit liit na bagay, pinapalaki para pagawayan
*kung dati halos abutin ng madaling araw sa bahay makasama ka lang, ngayon parang sinisilaban yung paa makaalis lang sa bahay nyo.
*magtetext na maaga matutulog, para kapag tumawag or nagtext ka at hindi nya nasagot or nakapagreply sa text mo, may lusot!
*lagi na lang magaaway everytime na magkikita kayo. Para bang pinupush ka nya na iend na yung relationship nyo.


sabi nga nila, ang guys gagawa ng kalokohan pero they'll make sure maisisisi nila yun sayo.
Title: Re: signs that your guy is cheating on you
Post by: princeza08 on September 07, 2013, 01:42:35 pm
based on my experience before:

kapag cold na si guy sa'yo
nag iba sya pag kasama ka nya, hindi na sweet like before
nananaginip ka ng kung [textspeak!] ano, mga weird things about him na hindi mo maipaliwanag
magpaparamdam lang kung kelan nya gusto

at higit sa lahat...

women's instinct... totoo talaga ito. kahit na wala ka pruweba nakikita, totoo kahit kutob lang. darating at darating ang pagkakataon na kusang mapupunta sa mga palad mo ang sagot kahit hindi mo hanapin :-)
Title: Re: signs that your guy is cheating on you
Post by: GeRi Sp!cE on September 07, 2013, 02:22:18 pm
-Pag biglang andaming excuses
-Pag ayaw pahawak yung cp
-laging may lakad tapos hindi ikaw ang kasama haha
-maaga natutulog kuno kasi gigimik pa pala sa gabi
-Laging may dinner with officemates
-palaging papogi
-nakakalimutan ka nang itext
Title: Re: signs that your guy is cheating on you
Post by: azrael on September 07, 2013, 09:39:48 pm
Sa akin nman nahahawakan ko [textspeak!] cp niya at alam ng babae na may gf sya.
Mukhang he lived a double life ng almost a year.
Napansin ko lang talaga na pag mag cr sya ang tagal, as in so probably dun niya tinatawagan si babae at sinasabihan na andun ako.
Pag may tumatawag sa kanya... di niya sinasagot. Hmmm kase wala lang daw un. So si babae na un.
Laging pagod, puyat, antok... pag nasa bahay daw sya tulog lang... pag tumawag ka wala naman sa bahay nila.
Title: Re: signs that your guy is cheating on you
Post by: sweet_chic on October 11, 2013, 09:45:10 pm
* minsan sobrang sweet (guilty lang)
* or minsan wala ng sweetness, yung tipong ayaw ka na ding makasama
* laging hawak ang cp at may katext
* parang laging malikot ang mata at kung san san tumitingin
Title: Re: signs that your guy is cheating on you
Post by: ~ anna ~ on October 16, 2013, 08:28:44 am
Madalas umaalis, late na umuuwi
Super bantay sa phone
Title: Re: signs that your guy is cheating on you
Post by: mrgrey on October 18, 2013, 06:16:58 am
he has a phone pin and fb password that you don't know about

 ;)
Title: Re: signs that your guy is cheating on you
Post by: ilovejdy on October 20, 2013, 08:32:31 am
i agree sa post dito
and ofcourse the ever so relying women's instinct ;D

sobrang lakas ng radar ko sa ganito
Title: Re: signs that your guy is cheating on you
Post by: bubbles_sandy on October 28, 2013, 06:58:39 am
woman's instinct talaga. tapos cold treatment and daming excuses
Title: Re: signs that your guy is cheating on you
Post by: angelic_daphne on November 19, 2013, 05:38:02 am
Agree to all posted. If you feel like you are walking on eggshells, it's an impending sign.
Title: Re: signs that your guy is cheating on you
Post by: Uridessey on January 13, 2014, 05:41:45 pm
I've been in this situation for so many times, and trust me, believe in your gut feeling. Ilang times ng nagcheat sakin ang guy, and it is soooo painful. Like now, I have this feeling that he is seeing someone, because once a week na lang kami magkikita, minsan di pa sya magtetext sakin kung di pa ko magtetext, sasabihin nya na OT sya pero masama pakiramdam nya, minsan may dinner daw sila ng officemates nya, or nung umuuwi sya sa province, bawal ko daw sya tawagan or sya na lang tatawag sakin, and magiging limited yung time namin na magkatext, telling me na he is devoting his time sa son nya. Okay, I understand naman yun pero ang di ko magets yung parang iniiwasan nya ko e, minsan it will take hours before he replies to my messages. And the most hurting of all is that, this is the relationship where I gave my all. My time, my loving (wala akong tinira sa sarili ko), even my attention. Sabi nga nila kung kelan ka seryoso, tsaka ka gaganituhin. I even waited for him for hours pagkagaling sa work para lang makita ko sya. Kahit masama pakiramdam ko, pinupuntahan ko sya. Ngayon ko lang ginawa yung mga bagay na yun, which means that I'm dead serious about him. There were times din when I will send him sweet messages then the reply that I will get is parang "Mwah! Tulog na po tayo.." Minsan I'm just crying myself to sleep, di ko maisip kung anong di nya makita sa mga ginagawa ko para sa kanya. Minsan iniisip ko mahirap din siguro when you're loving too much, kaya naiisip mo yung mga minor na bagay, kaya ako nag iisip na ayaw nya na sakin or may iba na sya gusto. Nakakapraning!
Title: Re: signs that your guy is cheating on you
Post by: sugardrop on January 13, 2014, 06:51:25 pm
When your instinct eh non-stop ang pagpapatunog ng alarm bells na you cannot simply just ignore. Although there is a fine line between instinct and paranoia. Know which one it is by learning the difference between the two. :)
Title: Re: signs that your guy is cheating on you
Post by: simang on January 17, 2014, 04:43:54 am
You might want to refer to this article by David Wygnant:

http://www.davidwygant.com/women/blog/5-tell-tale-signs-hes-cheating-on-you/?utm_source=Women+Prospects&utm_campaign=8943ee60a4-Is_He_Cheating_On_You1_15_2014&utm_medium=email&utm_term=0_c24961f499-8943ee60a4-42349777&mc_cid=8943ee60a4&mc_eid=985e7f5661
Title: Re: signs that your guy is cheating on you
Post by: jainacute on March 06, 2014, 10:15:10 am
Pinakamagandang observation:

AYAW IPAHAWAK ANG CELPPHONE
MAY LAKAD BIGLA ayaw sabihin ang mga kasama

sa 2 [textspeak!] na ito alam na!!
Title: Re: signs that your guy is cheating on you
Post by: Prinsesa Mumela on March 07, 2014, 04:44:16 pm
He's always busy pero hindi sayo at alam mong hindi rin sa work/studies.  ;D
Title: Re: signs that your guy is cheating on you
Post by: vermich on April 18, 2014, 12:32:04 pm
I guess mga sisters best pa rin ang WOMEN"S INSTINCTS..  yun lang gumana instincts ko sa brother- in law ko. Kasi bigla syang naging sweet tapos mabait. Mabait naman talaga sya sa sweet, not that ayaw ko sa guy pero kasi there is this nagging feeling all of sudden, hindi dahil he changed for the better (looks/ attitude) may something lang hindi ko mapoint out. SO I dared my sister na installan ng tracking app yung phone ng hubby nya. Ayun dami nya palang apps na hindi alam ni sister at dun sya nakikipag sex chats (WeChat, Tango, Viber, KakaoTalk, Line)  Never nahuli na may tumatawag or nagtetext kasi sa mga apps sya nakikipagcommunicate sa mga girls nya. May code sila na sya unang magme message that means safe at walang istorbo for them to chat. Several girls ito ha. And most of them alam may asawa sya.

Nahuli namin sa Sogo nung Sunday kasama yung girl na nakilala nya sa WeChat (waiting kami sa lobby ni sister nun). Kaya eto si sister sa akin na muna umuuwi. Si hubby nya ligaw mode sa kanya ngayon.
Title: Re: signs that your guy is cheating on you
Post by: baliwsayo on April 18, 2014, 06:23:36 pm
I suggest kung ayaw nyo masaktan mga sis, don't make an effort to find out. Instead make a better version of you. Yun tipong maghihinayang siya pag nawala ka. O pag nambabae siya, the other girl will pale in comparison to you kaya ikaw pa din pipiliin niya.

Guys are hunters daw kasi, it's in their nature lang so nothing personal really. Now if you dont trust your guy naman I suggest you break up with him na lang kasi malakas makapangit ang mapraning.

Just my view.  ;)
Title: Re: signs that your guy is cheating on you
Post by: alice_alice on April 18, 2014, 08:19:43 pm
minsan yung phone na yan nako po yung ibang guys merong spare phone sa opisina ganon katalino yung ibang lalaki para sa bahay safe na iwan iwan yung telepono for the wife to check.
Title: Re: signs that your guy is cheating on you
Post by: BAISANAN on April 18, 2014, 09:05:20 pm
i agree sa may pin ang cp at may pw ang  fb na pinagkakait sayo ipaalam, nagagalit pag i aattempt mong basahin ang text message. madaling magalit na, at kung makapag hamon ng hiwalayan super lakas ang loob na dati ay hindi naman.
Title: Re: signs that your guy is cheating on you
Post by: prettyellowish on April 19, 2014, 12:14:52 am
I suggest kung ayaw nyo masaktan mga sis, don't make an effort to find out. Instead make a better version of you. Yun tipong maghihinayang siya pag nawala ka. O pag nambabae siya, the other girl will pale in comparison to you kaya ikaw pa din pipiliin niya.

Guys are hunters daw kasi, it's in their nature lang so nothing personal really. Now if you dont trust your guy naman I suggest you break up with him na lang kasi malakas makapangit ang mapraning.

Just my view.  ;)

True sis! natuto na ko sa ex ko, so if ever, sana naman hinde na maulit to.. ganyan ang gagawin ko. Alam ko loyal ang hubby ko pero di mo din masasabi diba? mabuti na ang prepared.
Title: Re: signs that your guy is cheating on you
Post by: vermich on April 20, 2014, 08:21:22 am
@jonduh saka ko na sasabihin yan. My sister still lives with me pero I up to now hindi pa alam ni hubby nya may naka install na app tracker sa phone nya. Mas tipid kaysa maghire ng private investigator 20k for 2 days?! Apps na lang.

Nakikita pa namin yung messages ni girl sa hubby nya na hiwalayan na yung sister ko tutal ginagamit lang naman daw yung pagbubuntis nya para mag stay sya sa marriage pero si guy gusto na magstop. Grabe kakapalan ng ibang girls na mahilig kumabit sa may sabit na! Desperada na ang peg! :o
Title: Re: signs that your guy is cheating on you
Post by: malhiz on May 06, 2014, 05:37:57 pm
hello, i just need an advice.
marriage ako for 6 years , with 1 son 5.. nahuli ko po yung hubby ko ng nambabae and i confronted him inamin naman nya..., pinalayas ko na sya but still bumalik pa din sya sa bahay. ang reason nya di nya daw kaya na hindi kame kasama pero nakikita ko na ang lake ng pinagbago nya.. feeling ko gusto nya lang talaga makasama yung anak namin.. feeling ko wala na talaga syang love for me.. hindi ko po sya maka usap ng maayos, lage galit... gusto ko na makipag hiwalay sa kanya dahil ayoko na magsama kame dahil lang dun sa baby.. pero kahit [textspeak!] pong  gawin ko palayasin at makipag hiwalay sa kanya di sya nakikinig.. feel ko na talaga na ang layo n ng gap namin.. subrang nahirapan na po ako. please help... what should i do.?  :(
Title: Re: signs that your guy is cheating on you
Post by: missybee on May 25, 2014, 06:43:12 pm
Pag nagkaroon ka ng infection cause by multiple partners.
Pag may mga buhok na ibang kulay or iba ang haba at kapal.

Mga mommies, I check Lagi ang front sit ni hubby sa car. Maglagay ng palatandaan kung paano mo siya pinihit or nakatutok sayo, then kinabukasan check mo kung same padin ba..
Pag napihit yon, that means may sinakay siyang ibang girl.
Title: Re: signs that your guy is cheating on you
Post by: Girltalker2 on May 27, 2014, 08:59:12 am
hello, i just need an advice.
marriage ako for 6 years , with 1 son 5.. nahuli ko po yung hubby ko ng nambabae and i confronted him inamin naman nya..., pinalayas ko na sya but still bumalik pa din sya sa bahay. ang reason nya di nya daw kaya na hindi kame kasama pero nakikita ko na ang lake ng pinagbago nya.. feeling ko gusto nya lang talaga makasama yung anak namin.. feeling ko wala na talaga syang love for me.. hindi ko po sya maka usap ng maayos, lage galit... gusto ko na makipag hiwalay sa kanya dahil ayoko na magsama kame dahil lang dun sa baby.. pero kahit [textspeak!] pong  gawin ko palayasin at makipag hiwalay sa kanya di sya nakikinig.. feel ko na talaga na ang layo n ng gap namin.. subrang nahirapan na po ako. please help... what should i do.?  :(

Kung decided ka na talaga na ayaw mo na sa asawa mo, puede ka naman umalis with your child.

Laging galit/aburido attitude at di makausap - sign din na may ibang babae, pero hindi 100% true.  Most of the time lang.

Title: Re: signs that your guy is cheating on you
Post by: diann28 on June 06, 2014, 10:33:57 am
Sakin naman yun 3yrs kami mag bf/gf ng asawa ko
 
( ako una ng loko samin noon. Nahuli ako ng kapatid nya. At nag kabalikan. Nag promised ako sakanya at kay god pag nagkabalikan kami eh faithful nako at sya lang talaga wala ng iba... nag kabalikan kami pero naging pasaway si kumag for 3yrs )

- friendster days palang its complicated ang status wala ako picture kahit isa
Sinabi ko married nya at lagyan ng pictures namin at ginawa nya naman. Pero may isa pa pala sya friendster at dun single at ka friendster puro chicks nya.

- sa cp nya pang work eh ako lang at mga close friends family ka work ang naka save at ka text nya. Pero nahuli ko sya may 3310 cp at dun mga ka text mga babae nya

- withdrawal ginagawa nya pag lovemaking kami.
Pero madalas may makikita ako condom sa bag nya or sa kwarto nya.

- pag date kami eh gusto nya sa isang place lang kami naka tambay. Ayaw mag lakad lakad sa mall o sa park. Pag katapos kumain mas gusto umuwi nalang kami sa bahay nila.

- pag nahuli ko may babae ( pa iba iba babae . Wala pa naman sya binalikan ex nya ) hinihiwalayan nga nya. Pero mag hahanap nanaman ng iba biktima.

* tinanong ko sya bakit ganon sya sakin. Ayaw nya naman mag hiwalay kami at ayaw ko din kasi mahal na mahal ko sya. Sagot nya lang .. gusto nya lang daw mag sawa sa buhay binata. At matikman ang lahat ng tukso para pag nag pamilya na kami eh masasabi nya. Na exprienced nya na yan. At alam nya mali. Kaya di nya na gagawin.

- present - 4yrs na kami mag asawa (4 yrs na din ako house wife . At on call work nya kaya 2 - 3 × a week lang work nya kaya madalas asa bahay lang sya. Pero bayad sya everyday ng company nila with or without call )

- bago kami kinasal de activated na lahat ng friendster at facebook nya. 4yrs na din sya nakiki facebook sakin. At sa facebook mobile nya naka log in ang facebook account ko.

- yun cp nya wala password at sakin madalas ipabasa mga text kasi busy nag o-online games. Kalaro bf ng kapatid ko

- 4yrs na hangangg ngayon sweet pa din at lagi main event na gift sakin pag birthday.ko wedding anniv mothers day valentines day eh CAKE ... WALA PALYA NA CAKE . Tuwing christmass lang nag gi-gift ng gadgets.

- pag nag kayayan ng inuman ng mga barkada kapatid sa bahay nya dinadala mga ka inuman. Minsan nag aayaw sya sa inuman o kaya uuwi ng mas maaga sa set ko time.

- tuwing sunday pinapasyal namin nag iisa anak namin sa mall. Visit sa church. Tapos dadalaw kila mother inlaw. Para mag bigay ng allowance or dagdag budget Sa daily needs nila.
So far sa 4yrs kami kasal mabait pa naman si kumag

Title: Re: signs that your guy is cheating on you
Post by: bonita111809 on June 07, 2014, 04:16:21 pm
hello, i just need an advice.
marriage ako for 6 years , with 1 son 5.. nahuli ko po yung hubby ko ng nambabae and i confronted him inamin naman nya..., pinalayas ko na sya but still bumalik pa din sya sa bahay. ang reason nya di nya daw kaya na hindi kame kasama pero nakikita ko na ang lake ng pinagbago nya.. feeling ko gusto nya lang talaga makasama yung anak namin.. feeling ko wala na talaga syang love for me.. hindi ko po sya maka usap ng maayos, lage galit... gusto ko na makipag hiwalay sa kanya dahil ayoko na magsama kame dahil lang dun sa baby.. pero kahit [textspeak!] pong  gawin ko palayasin at makipag hiwalay sa kanya di sya nakikinig.. feel ko na talaga na ang layo n ng gap namin.. subrang nahirapan na po ako. please help... what should i do.?  :(


sis, una kong tanong is tinanong mo na ba sya kung anong rason nya kung bakit sya nagloko? pangalawa, mahal mo pa ba sya?

kasi kung mahal mo pa, makukuha mong magpatawad ng buo sa kasalanang nagawa nya. tanungin mo din ang sarili mo kung ano yung nagawa mo at hindi mo nagawa na nagbigay sa kanya ng rason para mangaliwa sya.
Title: Re: signs that your guy is cheating on you
Post by: sugardrop on June 07, 2014, 05:15:41 pm
^
To add to that, kung kaya nyang mapatawad ng buo yung asawa nya, kaya din ba nya na hindi ungkatin yun everytime they get into a disagreement or a prob comes their way?
Title: Re: signs that your guy is cheating on you
Post by: bonita111809 on June 08, 2014, 12:31:00 pm
^
To add to that, kung kaya nyang mapatawad ng buo yung asawa nya, kaya din ba nya na hindi ungkatin yun everytime they get into a disagreement or a prob comes their way?

sis, mahirap yan pero doable naman. ayaw ng lalakeng inuungkat yung mga kasalanan nya. tapos na eh, nangyari na. kung 'nagpatawad' lang si babae para bungangaan at ungkat-ungkatin ang kasalanan nya, wag magtaka si misis kung umulit mangaliwa si mister. wag na lang magpatawad kung ganon. magkakasakitan lang silang dalawa.
Title: Re: signs that your guy is cheating on you
Post by: happie on June 12, 2014, 09:23:35 pm
When your guy doesn't want to let you read his phone, that's a sure sign that he is up to no good.

If he is always defensive, that's another way to know he is hiding something from you.
Title: Re: signs that your guy is cheating on you
Post by: ladyglam on June 12, 2014, 10:52:39 pm
When he doesn't let you borrow your phone kahit na wala ka naman balak i-check yung content.
Title: Re: signs that your guy is cheating on you
Post by: Miss.Pancake on July 10, 2014, 01:10:56 am
When your guy doesn't want to let you read his phone, that's a sure sign that he is up to no good.

If he is always defensive, that's another way to know he is hiding something from you.

Agree ako dyan. Sometimes he would suddenly change his passcode at laging hindi nya mabitawan yun phone nya as if may inaabangan sya.
Title: Re: signs that your guy is cheating on you
Post by: kc44 on August 11, 2014, 12:43:12 pm
Quote
hello, i just need an advice.
marriage ako for 6 years , with 1 son 5.. nahuli ko po yung hubby ko ng nambabae and i confronted him inamin naman nya..., pinalayas ko na sya but still bumalik pa din sya sa bahay. ang reason nya di nya daw kaya na hindi kame kasama pero nakikita ko na ang lake ng pinagbago nya.. feeling ko gusto nya lang talaga makasama yung anak namin.. feeling ko wala na talaga syang love for me.. hindi ko po sya maka usap ng maayos, lage galit... gusto ko na makipag hiwalay sa kanya dahil ayoko na magsama kame dahil lang dun sa baby.. pero kahit [textspeak!] pong  gawin ko palayasin at makipag hiwalay sa kanya di sya nakikinig.. feel ko na talaga na ang layo n ng gap namin.. subrang nahirapan na po ako. please help... what should i do.?

Kailangan mong ihanda ang sarili mo for any scenario, especially kung maghihiwalay kayo. You are not to blame, and yet he seems to act as if it's your fault. If he feels any remorse at all, he would do anything to earn back your trust and make you happy again -- but if he's only showing anger, then that doesn't look like a man who wants to fix the marriage right? Before you confront him, ask yourself and picture yourself living a life without him. Surround yourself with people who appreciate you as a person and RESPECT you. Do you still respect yourself, or are you wallowing in self-pity? Because if you don't begin to love yourself, expect to be bullied and cowed; expect to be continually be unhappy within your relationship. When you realise that your own husband continues to disrespect you even after everything has been revealed, then its really time for you to take charge of your life and get out of the marriage. Kung hindi nya kaya, sorry na lang sha dahil you gave him the chance to make up for everything, and he was too slow to realise what he had done was HURT you KNOWINGLY and WILLINGLY. Your child will be better off with a role model who's principles are strong and can stick to her guns when it comes to what's right or wrong. When he grows up and you tell him your reasons, he can decide for himself whether your separation was for the best. If you let him grow up seeing how his father treats you (meaning, no love, no caring), he WILL think that is how its supposed to be, and therefore will do the same thing to a future partner. But right now, please regain your self-respect -- consult with a counsellor and a lawyer for options. You do not have to be tied to this man. Count the number of years you have left on this earth and decide whether they will be better spent living a life being loved by someone who truly respects you, or spent living a lie with someone who doesn't just because of a piece of paper that declares you "married". Note, in so many levels, he has already broken those vows, therefore, your marriage is technically invalid. You just need to take the steps to make it legally so, if you want. But if you want to stick together, then be more than just a little firm with your conditions, and you have the right to be vigilant. Earning trust takes years. Your husband should realise that. Kung magagalit sha, then tell him if he's not willing to earn back her trust in this marriage, then it is over. What kind of marriage would you have kung wala na yan diba?
Title: Re: signs that your guy is cheating on you
Post by: khaleesiCersei on August 28, 2014, 03:58:07 am
May something off or pagbabago sa kanya, be it his treatment of you or sa everyday routine nya. Nagbago ng password sa email or fb at naglolock na ng fone. Deleted halos lahat ng messages sa fone. Higit sa lahat cleared ang logs hehe
Title: Re: signs that your guy is cheating on you
Post by: bubbles_sandy on August 28, 2014, 04:14:30 am
i guess you can add if he is extra sweet sa iyo lalo na if hindi sya ganun dati. will always shower you with gifts lalo na wala occassion and hindi nya gawain yun, maybe a sign that he is guilty.

that uneasy feeling na you think something is wrong, pero wala kang proof. and yung dreams talaga, you keep on dreaming na may third party. it happened to me, tpos bigla ako nagising and then i checked his fb, ayun dati nyang crush ng message sa kanya pero walang previous conversation sa fb. yun pala sa viber sila nglalandian. i replied to the girl using his fb to stop flirting and wag maging bastos kac babae din sya. buti naman natauhan ang girl.
Title: Re: signs that your guy is cheating on you
Post by: killbill on August 28, 2014, 11:59:30 am
Instincts. Mine were super accurate! Maliban dun kusa na lang nilantad ng tadhana sa harap ko.
Title: Re: signs that your guy is cheating on you
Post by: Girltalker2 on October 05, 2014, 11:27:33 pm

*madalas hindi macontact or di masagot telepono


Or may time hindi nagpaparamdam or nawawala.

This, I think is the #1 sign.

Title: Re: signs that your guy is cheating on you
Post by: jenny.babe on October 06, 2014, 05:52:00 pm
Dati full blast ang communication. Ngayon wala na. Nakakatawa talaga mga lalake, ang bilis nila hulaan. Tapos nakakainis huling huli na nga nagmamaangmaangan pa. Sarap hatawin ng kawali sa face.
Title: Re: signs that your guy is cheating on you
Post by: purplegravity on October 07, 2014, 05:41:56 pm
Yes, instinct works but sometimes its hard to tell. May mga guy na never nagbabago yung treatment sa gf or wife nila so its hard.  You can check their fbs, pag pinipigilan ko tumingin lalo na sa mga messages. It could be a sign.
Title: Re: signs that your guy is cheating on you
Post by: purplegravity on October 07, 2014, 05:57:20 pm
If the relationship is worth fighting for, yes, another chance can be given.  You'll know and feel naman if he is sincere and if he really loves you.  Just make it clear to him the consequence if it will happen again.  For me, its a good na din na nangyari sa amin yan during bf/gf stage pa lang kami. Im sure mas mahirap pag kasal na kayo at may anak.
And true, ang mga guys hanggat kayang makalusot, gagawin talaga. Kaso, may instinct talaga ang mga girls. At magaling din kaming detectives. :D
Kaya mga guys, mag isip mabuti pag may plano kayong gumawa ng kalokohan, baka mawala sa inyo yung ginto na nasa inyo na at mauwi kayo sa tanso.
Title: Re: signs that your guy is cheating on you
Post by: psyche29 on November 11, 2014, 10:09:52 am
1. extremes. super cold or super lambing. parang pendulum ang ugali
2. inconsistent
3. super defensive. wala pa ko sinasabi may dahilan na agad.
4. SUDDEN change sa habit
5. biglang napupunta sa kweba and hindi macontact ng ilang oras. (walang signal sa bulsa my gulay.)