need lang mga input mga sis, hinde ko alam kung may point ba ako or mas tama talaga si MIL ko.
I'm giving birth on April (first time mom), after my maternity leave balik work na ako. Need ko ng magaalaga kay baby.
My plan is to get a yaya, nagstart na ako maghanap kung pwede magstart bago pa ako manganak mas ok para mas makiklala ko na. Of course hinde naman pwede iiwan si baby with yaya lang diba. So ang balak ko iiwan ko si baby at yaya sa bahay ni MIL (same street lang ng house namen) kapag nasa work ako. Dun lang sila maghapon, si yaya bahala kay baby, if may time pa linis siya bottles, laba ng damit ni baby. I will be out of the house from 8am to 8pm.
Basta primary job niya is to take care of the baby, my in laws will just be there to monitor.
My MIL knows na magwowork pa din ako, she is willing to take care of the baby pero gusto niya MAID/helper daw ang hanapin namin, wag daw namin sabihin na yaya kasi hinde daw nauutusan kapag ganun. Gusto niya kasi mauutus-utosan niya, pwedeng runner din. so si MIL mag-aalaga sa baby then maghire ako ng utusan niya.
Ang concerns ko sa gustong setup ni MIL:
1. Kakayanin ba talaga ng MIL mag-alaga ng newborn, 5days a week, 12 hours a day? The past few years may back problem siya then nagkaron ng time hirap siya makalakad. She's in her mid 50s.
2. Hinde kaya malito yung yaya/maid sino talaga amo niya, ako or MIL ko? kasi if yung mga housechores na papagawa sa kanya dun sa bahay ni MIL tapos lahat ng utos galing kay MIL.
If sa house lang namin, hinde ko need ng helper. I can cook, laundry is easy (pagsampay at pagtupi lang), linis ng bahay kayang kaya na ni hubby yun.
3. Mahilig gumala si MIL, active ang social life niya, baka mamiss niya yun pag fulltime na siya nagaalaga, maging bugnutin siya lol.
4. Baka naman kapag ginabi ako ng uwi eh magalit MIL kasi nga siya nagaalaga, or baka wala na kaming couple time ni hubby, taasan kami ng kilay incase magpaalam kami na lalabas.
Siyempre kung si yaya ang caregiver ni baby ok lang sa kanya to dahil trabaho niya yun.
Hubby ko nung una on board na sa plano ko tapos nung nagusap sila ng nanay niya nagbago ihip ng hangin, kinonsensiya pa ako na ibang tao pa daw gusto ko pag-alagain sa anak namin. Hinde ko naman iiwan totally sa yaya si baby eh andun naman sila sa bahay ng inlaws ko, laging may tao dun.
madali ba makahanap ng papayag sa setup na 50% yaya + 50% helper? Tingin ko kasi sa ngayon, either yaya or helper, 1 primary role lang. baka naman hinde pumayag sa pasweldo ko kung both gagawin nya.
Friend ni hubby meron alam na makukuhanan namin ng yaya, madami daw, mga taga dun din sa lugar ng mga naging yaya ng anak niya. But she said 'yaya' lang daw kapag ganun as in alaga lang ng bata. When we asked if pwede helper din, wala daw ganun dun, gusto alaga lang ng bata.
Puro stay out nga lang.
thanks mga sis.