Just to share my story:
Brief Background
My former yaya gave an ultimatum na hanggang February 19 na lang siya of this year kasi pagod na siya. Mahirap daw alagaan ang baby ko. That was a month's notice. Hirap na hirap kami sa paghahanap at hindi ko naman afford yung 10k na fees ng mga agency. I can only offer P3500 na starting.
Sa amin, since yaya lang and hindi all around, hindi ko sagot ang toiletries. Iba ang housegirl ko, sa yaya, sa labandera, sa hardinero. P3,000 si housegirl, P3,500 si yaya for a start. Alam nila yun na hindi ko sagot ang toiletries.
My baby stays with my mom during the day tapos kukunin ko sa hapon when I arrive from work.
Come February 12, yung dating kasambahay ng Mom ko ay may dinalang woman in her 40's in dire need of tumanggap ng labada. Tumakas daw sila from Quezon Province, sa mga kamag-anak niya kasi daw inaapi sila. The husband is a paralyzed ex-construction worker, bedridden and alagain. They have five kids to feed, one is a special child tapos the eldest is 16. Pero si 40 year old woman cannot go stay in. So hindi siya ang naging yaya. Since naawa kami, kinuha namin yung anak na babae as yaya. She is 14 years old.
The Employment of the 14yo
Sa simula pa lang, nagcash advance na sila ng P3,500 panimula daw nila. Ibinili ata ng gas stove kasi nga two weeks pa lang sila dun sa amin sa San Mateo, Rizal.
Kahit hindi qualified si 14 year old, we gave her P3,500 dahil sa awa sa sitwasyon nila. So ang P3.500 na binale, she worked for February 15 - March 15. Ang usapan is hanggang katapusan lang siya ng May dahil uulitin daw niya ang grade six sa June.
The Start of the Sakit sa Ulo
1. Unang-una, she doesn't know what a bib, face towel, hood, diaper, bottle are. Oo nga naman, kahit na siya ang nag-alaga sa mga kapatid niya, [textspeak!] makain nga wala sila, bakit pa sila gagamit ng bib, face towel, etc for babies diba? So sige na, my also-paralyzed mom ang nagtuturo kung ano ang gagawin. She wasn't really qualified and doesn't deserve the P3,500 salary. Dapat nga P3,000 lang binigay ko.
2. Sa una pa lang, nagsabi na siya na hindi daw siya pwede maglista nung mga gamit ng baby na wala na. Ang term na sinabi niya is mahina daw siya.
3. Mormon siya. I don't know if it has something to do with being mormon na hindi daw pwede gupitin ang buhok until makatapos ng grade six. Eh may kuto pala siya. O sige, pasensiya na lang ako.
4. Mahina daw siya magbasa. I was once asking for the cough syrup of my child and what she handed me was astringent number 3. O sige na, mahina nga kasi magbasa diba?
5. Sunod, binalik ko sa pedia ang anak ko kasi di nawawala yung sipon. Tapos inendorse ko sa Dad ko yung gamot na dinala naman ng Dad ko sa bahay nila. Pag-uwi ko, malaman laman ko eh yung old medicine pa rin ang pinapainom. Sabi ko Nasatapp hindi Dynatussin. Nalaman kong ganun kasi hindi naiuwi yung medicine sa bahay namin. PInakuha ko ulit sa bahay ng mom ko. Sabi ko, pakibasa. "Nah-sa" OMG! Akala ko grade six siya. Eh pang-grade one ang level ng pagbabasa niya. Sinabi ko na lang na, "Alam mo, may mga namamatay sa maling bigay ng gamot." Maryosep! Kabilin-bilinan ng mga tiyahin ko at tatay ko, wag ako mag-angas at wag ko pagalitan. Napaiyak na lang ako.
6. Sabi ng mom ko, marunong naman magbasa raw ng time. I asked, "Anong oras na?" Ang sagot eh, "Mag-aalas sais na po." Ipeprepare ko na kasi supper ng anak ko. Sabi ko, "Anong saktong oras?" "Mahina po ako." I had to stand up and checked. 5:20 ang oras...alright..sige na nga! Mag-aalas sais na nga yun! Grrr!
7. Nung una ayaw sa kanya ng anak ko, tapos tumakas pa ang house girl ko. So stressed much ako. Since iyak nang iyak yung bata at ayaw bumitaw sa akin, all I can do is to ask her to abot. Sabi ko, "Pakiabot ang dropper." "Ano po yung dropper?" Shiet! Ansket sa ulo! Wala lang talaga ako choice!
8. So March 13 of this year, since matatapos nang mapagtrabahuan yung nicash advance, tumawag yung tatay na lumpo sa phone ko. HIndi ko naman inusisa ang pinag-usapan. Ang sabi eh susunduin na raw siya. Sabi ko, "agad agad? Di ba usapan hanggang Mayo? At hindi ka pwedeng umalis ng walang kapalit!" So I called up my Mom kasi siya ang kausap nung family na kinaawaan namin. Aba pinupull out nung tatay na lumpo right there and then. At nagthreat pa sa Mom ko na isusumbong daw kami sa DSWD. Nanginginig daw sa takot yung anak niya dahil hindi daw alam ang trabaho, hindi daw alam ang gagawin, sinisigawan daw. Kapag di daw nirelease lagot daw kami sa DSWD dahil matatrauma daw. Eh hindi nga namin masigawan kasi nga super t****. Hindi pa rin niya maiintindihan ang mali kahit pagalitan siya.
So sabi namin, "Sige, magsumbong tayo sa DSWD, tingnan natin kung sino ang may kasalanan. Tandaan nyo kayo ang lumapit." Sinoft skills ng husband ko yung nanay na sumusundo. Ayun, napapayag na hanggang May.
9. Three days after kaming sabihan na isusumbong kami sa DSWD, bumabale ng P750, pambili daw ng gamot nung father. Sabi ko, 500 lang ang meron ako dito at hindi ako nagtatago ng pera sa bahay. Sige, pumayag. After ilang araw, bumale ulit ng P500.
10. Dumating ang March 30, dapat 500 lang ang sswelduhin niya. Humihingi ng PhP1,000 yung nanay. Sabi ko, P500 lang mabibigay ko kasi budgetted ang pera namin. Aba, nagtext na kukunin na lang daw nila at siya ang magtatrabaho sa Marikina sa P4,500 ang pasahod. KInausap ulit ng nanay ko, sabi "Bakit ba kayo nananakot? Di ba may usapan na hanggang Mayo? Saka diba nga, hindi ka pwede magstay in?"
11. Ni minsan walang nahawakang pera yung anak niya. Tapos mabaho na anak niya, tinitiis niyang walang toothpaste, sabon, shampoo, etc. So sabi ko, hindi ko ibibigay yung kasunod na P500 kung walang toiletries. Aba ang sagot eh, "Sa iba namasukan ako, sagot yan eh!" Grabe talaga, lalo akong nahighblood! Sabi ko, "Sige sasagutin ko, pero paglilinisin ko siya ng dalawang kotse at pagpapaliguin ng dalawang aso. HIndi siya all around dito ok?" HIndi ko na sinabing sobra sobra yang P3,500 sa kakayahan niyang anak mo.
12. Ilang beses akong naubusan ng kanin kapag siya ang nauuna. Ang lakas kumain palibhasa ngayon pa lang nabubusog. One time, inalok namin ng pizza ng Pizza Hut. She ate four slices. So nung sa S&R na pizza naman, pinagbukod ng asawa ko. Ang ginawa kumuha muna sa box. Sabi ng asawa ko, "Bakit yan ang kinain mo? Ito dapat sayo!" sabay turo sa binukod niya. Ayun, nakakuha na nga siya sa box, inubos pa rin niya yung binukod for her.
So feeling ko anytime ngayon eh darating na naman ang "Kim Henares" ng buhay ko. As in ganun an yung feeling ko. Ayoko nang makita yung nanay ni yaya. Actually kaninang umaga, nagulat na lang ako kasi naiwan pala niya yung house keys namin sa tipong maaabot na lang ng magnanakaw para mabuksan yung pinto namin. Grrr!!! Kung may iba lang sanang makukuha.....
It feels like I don't have a choice. Kapag hinamon ko na man na sige, kuhanin ninyo anak niyo, pano kung kuhanin nga? Eh di ako naman ang di nakapasok ng office....