Author Topic: What's your worst experience with someone who borrowed money from you?  (Read 10670 times)

naizlabonita

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 273
Re: What's your worst experience with someone who borrowed money from you?
« Reply #20 on: October 31, 2017, 02:49:45 am »
A friend of mine (a friend who most of the time sends you a message because she needs somthing) she is a single mom btw sent me a fb msg. She initially borrowed money from me and was able to pay in a week..so okay kasi nag bayad siya..pero nangutang uli siya and until now d pa din bayad..shes giving reasons na nag away away na daw sila ng fam nya lumayas na daw sila ng anak nya sa bahay ng mom nya etc.. Hays.. I really want to sympathize..pero i need the money na din.. stress.
Protect your heart and mind from the ugliness that does not belong to you

mysterioza_me

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 6181
Re: What's your worst experience with someone who borrowed money from you?
« Reply #21 on: October 31, 2017, 06:42:15 am »
Ako din I stopped lending money to other people na. Kadalasan naman good payer sila pero kasi isa or 2 lang pinautang mo nadadagdagan pa kasi ikkwento nila sa iba na sa iyo sila nakahiram.
If a girl understands your b******t, stick through your mistakes, smiles even when you've done nothing for her , it's obvious she's a keeper. But it's also obVious that you don't deserve her...

ANJFinally

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 845
  • Beyond Blessed ♥
Re: What's your worst experience with someone who borrowed money from you?
« Reply #22 on: October 31, 2017, 01:45:31 pm »
Sis rory, salamat! Hahaha! Feeling ko kasi mukang pera na ako. Sinabi ko na yun one time kay hub, yun nga ang sagot sakin. Marami daw naitulong at naibigay ang ate nya before kahit hindi nya hinihingi kaya nahihiya syang sumingil. More than na year na yun, 8K is still 8K pesos no. Pero nasa tao rin siguro no? Kung may sense of responsibility ba talaga sa balat or wala.

Pero itong pinahiram namin for the visa and ticket, hindi ko na palalampasin to. Though nanghihinayang at naiinis parin ako na hindi naibalik samin yung sinabing "UTANG" 1.5 years ago, tapos wala ng message na ha ni ho, pero sana man lang itong ura-uradang hiniram saming pang visa at ticket eh maibalik sa amin ng maayos. Kasi kung hindi, baka mahirapan na akong mag pahiram ulit sakanila kasi baka kasanayan nila yung term na "PAHIRAM NAMAN IBABALIK KO DIN" pero hindi naman babayaran in the end.

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2628
  • Live and let live. Love and let love.
Re: What's your worst experience with someone who borrowed money from you?
« Reply #23 on: October 31, 2017, 02:01:44 pm »
^Ganon na nga Sis, pero kung kakausapin mo naman in a nice way, na kung pwede makuha dahil talagang kailangan lang yung pera, or pag nagkaron ng emergency (na wag naman sana) grab nyo na yun as a chance maningil. Parang nasa 30k din ata yun ha, aba di biro yan na halaga. Eto din isa sa rason bakit di ako nagpapahiram masyado, ang hassle ng bayaran portion.  ;D

ANJFinally

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 845
  • Beyond Blessed ♥
Re: What's your worst experience with someone who borrowed money from you?
« Reply #24 on: October 31, 2017, 02:38:08 pm »
^Haha! sinabi nga namin sis na pangbayad namin ng bahay this month yung hiniram saming pang visa. :P Reply lang samin, "sige pagbalik namin dyan" Hirap nanaman humopia! Hahaha!

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2628
  • Live and let live. Love and let love.
Re: What's your worst experience with someone who borrowed money from you?
« Reply #25 on: October 31, 2017, 02:59:27 pm »
^Oh my, aba Sis, sorry pero kung medj makapal ang fez nila eh kapalan mo na din fez mo haha! Nakaka irate yan!   ;D

three8one

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2648
  • GuyTalker
Re: What's your worst experience with someone who borrowed money from you?
« Reply #26 on: November 08, 2017, 08:14:31 pm »
yung pinautang mo na hindi nakakabayad sayo nakuha pang irefer ka sa iba para mangutang din. magugulat ka na lang may tatawag sayo unknown number. samantalang sa pangalan at mukha lang kayo magkakilala nun isa. haha! pambihira...

 ;)
.... apart from You i can do nothing.... but with God nothing is impossible...therefore, I can do all things through Him who gives me strength.
 
John 15:5
Matthew 19:26
Philippians 4:13

salted caramel macaron

  • Probationary
  • Posts: 3
Re: What's your worst experience with someone who borrowed money from you?
« Reply #27 on: December 26, 2017, 12:27:55 pm »
My rule is that I only lend money once and if I don't get the money back, I won't lend again.

PwedePadala

  • Tea/kombucha Devotee
  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 94
  • Memories not materials.
    • Pwede Padala (my blog)
Re: What's your worst experience with someone who borrowed money from you?
« Reply #28 on: January 05, 2018, 05:19:52 am »
Once lang akong nagpautang and hindi na nabayaran. It's not that big but I learn my lesson big time. I don't lend anymore. I'll give what I can afford if it's an emergency; otherwise, I firmly say NO. End of story. Walang personalan. Natuto lang at nagsasave for retirement and emergency and anything in-between para hindi mangutang.  ;)
Personal finance blogger and OFW in Canada.

Shadow Angel

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2165
Re: What's your worst experience with someone who borrowed money from you?
« Reply #29 on: January 05, 2018, 07:56:32 am »
Dami ko experience sa ganito nakakabwiset. Pinaka makapal ang mukha sa nangutang sa akin sya pa ang galit at itsismis pa ako na masama ang ugali kasi hindi sinisingil ko raw sya hindi ko naman daw kailangan ang pera. Paano nya masasabing hindi ko kailangan ng pera kaya nga ako nag wowork kasi kailangan ko ng pera. Ang masaklap pa ang mga post sa fb puro bagong biling gamit, kain sa labas at pasyal. Un iba naman relatives ko grabe kaya now kahit magka emergency sa kanila wala na ako paki.

mysterioza_me

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 6181
Re: What's your worst experience with someone who borrowed money from you?
« Reply #30 on: January 05, 2018, 10:30:42 am »
^Bakit nga kaya ganyan ang mentality ng mga tao? Na kapag di ka naman naghihirap di ka dapat bayaran. Na matapobre ka or nangangawawa ng nangangailagan. Utang naman ang usapan ninyo hindi naman bigay or hingi.
If a girl understands your b******t, stick through your mistakes, smiles even when you've done nothing for her , it's obvious she's a keeper. But it's also obVious that you don't deserve her...

hisana

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1648
Re: What's your worst experience with someone who borrowed money from you?
« Reply #31 on: January 05, 2018, 11:15:38 am »
^
True, gusto ko rin malaman bakit ganyan. Naalala ko tuloy yung may nagnakaw ng mga hamon de bola. Binasa ko yung comments at ang daming nagsabing christmas naman daw, mayaman daw naman yung may-ari ng grocery na yun at hindi naman daw nya mararamdaman yung nawalang hamon, kawawa naman daw at dapat hindi na kinulong, kesyo baka wala lang makain yung pamilya nya (wow, so maraming hamon de bola pa talaga dapat), dapat magbigayan, etc. Parang kakaiba yung logic.

Miss Granger

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 329
Re: What's your worst experience with someone who borrowed money from you?
« Reply #32 on: January 05, 2018, 11:37:30 am »
So ang long time bff ko nung highschool days ay biglang nagparamdam, haha. Need daw ng pang pa check up ng baby niya. So hubby and i nagmadali siempre need ng bata, nag cebuana pa nga kami. So alam na namin na after nun e goodbye na yung pinahiram namin. Nag birthday ang bata, bongga, nalaman namin nanghiram din pala dun sa isa namin friend ng pera, pang pagawa ng costume, haha napapailing na lang ako, di na kami pumunta.

mysterioza_me

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 6181
Re: What's your worst experience with someone who borrowed money from you?
« Reply #33 on: January 05, 2018, 11:42:19 am »
^True sis. Hindi nila naisip na nagnakaw yung tao at kasalanan yun. Yung may ari ng tindahan namuhunan yun. Madali lang magsalita kasi hindi sila ang nanakawan.

Ewan ko ba bakit may mga na Pinoy gustong-gusto kinaaawaan ang sarili. Kapag kawawa dapat sila ang priority, dapat laging pinagbibigyan. Mas malala self-entitlement ng mga ganitong tao.

Naalala ko may nagpost sa fb sabi niya ?New Year na New Year naniningil, di man lang nagpatawad?. Ayun dami niyang bashers. Kasi naman kung nagbayad siya bago mag-New Year wala sanang maniningil sa kanya. Kaloka. Hirap magpautang. Pera mo na mismo ang kaaway mo.
If a girl understands your b******t, stick through your mistakes, smiles even when you've done nothing for her , it's obvious she's a keeper. But it's also obVious that you don't deserve her...

ficklemind

  • Free as a Bird
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1440
Re: What's your worst experience with someone who borrowed money from you?
« Reply #34 on: January 05, 2018, 12:04:57 pm »
Konti lang naman experiences ko kasi bihira talaga ako magpautang, pero halos lahat ata ng pautang ko hinde na nabayaran. Oh well hinde din naman ako nagpapautang ng malaki.
Etong last kong pautang last month, kamaganak, kung makahiram nagmamakaawa at minamadali pa talaga ako. Siyempre ang promise kinabukasan din ang bayad sweldo naman.
Ayaw ko sana pero hinde ako tinantanan maghapon, maliit lang naman hinihiram so sige .
Ayun kinabukasan hinde naman nagparamdam. New Year na, hinde pa ulit nagpaparamdam.  Typical mangugutang  ;D
Pero sa FB, namasyal, nagbuffet nung kahabaan ng bakasyon ;D


naizlabonita

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 273
Re: What's your worst experience with someone who borrowed money from you?
« Reply #35 on: January 05, 2018, 01:45:29 pm »
hinde rin ako nagpapautang..madalas nga ako umuutang hahaha! pero barya barya lang..like mga 5 pesos ganyan haha.. with friends and they say na hayaan mo na no wag mo na bayaran. lol. Anyway, I have this friend na..lageng huy miss na kita.. ganyan pero hinde naman nagpapakita..inaanak ko din yung anak nya and single mom siya. So one time nag message after a long long time na hinde namamansin so akala ko nangangamusta yun pala mangungutang..10k..sabi nya ibabalik niya 11k.. after 1 week nabayaran nya around 10500 lang ata hinde na 11k kasu utang daw uli siya 9k babayaran nya daw ng 10k pag nakuha na daw nya loan nya need daw kasi nya bilhin yung laptop ganyan.. anyway ayon pinayagan ko kasi ambilis naman nya nagbayad nung una tapos may interest pa.. tapos ngayon..antagal bago mabayaran yung 10k..ang nanyare 5k daw muna.. after 3 months pero pahirapan pa nag rason pa ako na need ko na talaga..which is need ko naman talaga.. so 5k lang binayaran nya.. nag rarason na..naglayas daw sila ng baby nya..and issue with family nya..tapos ayun nga dahil single mom nga daw siya blah blah.. naintindihan ko naman kasu diba ako din naman may anak at hinde ko naman hiningi yung pera pinag hirapan ko yan..hehe..tapos napansin ko unfriend nya ko sa fb pero nakaka pag pm pa din naman ako sa messenger nya.. basta ang ending last na usap namen is yung binayaran nya yung kalahati..so yung kalahati maglalaho nalang ata sa bula..hahah kaya ngayon never na talaga ako magpapa utang ng ganun kalaki..mga 1k pede pa pero lagpas dun wag na lang.
Protect your heart and mind from the ugliness that does not belong to you

Shadow Angel

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2165
Re: What's your worst experience with someone who borrowed money from you?
« Reply #36 on: January 05, 2018, 08:23:27 pm »
Nabadtrip talaga ako nun malaman ko pa sa ibang tao na hindi ko raw need ng pera ang sama raw ng ugali ko. Duh ako pa masama ugali sa kapal talaga ng mukha.

three8one

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2648
  • GuyTalker
Re: What's your worst experience with someone who borrowed money from you?
« Reply #37 on: January 08, 2018, 01:26:47 pm »
yung mga pinautang ko, nun nangungutang palang nakakatawag sa celpon, sa land line tapos pag kukunin na yung pera nakakarating pa sa bahay mo. nun singilan na, 24 hours kang nganga kakaantay ng tawag sa celpon pero wala ni text. nun magkita kayo at (okay ako na makapal) siningil ko wala daw extra kung pwede next month. okay, next month.. ganun pa rin ang nagging routine nun singilin ko uli, next month na naman kesyo di daw dumating yung inaasahan pera gang inabot sa ika 4 months ayun nagbayad, nakatawag sa celpon ko aga aga kaya sabi ko himala. ayun pala makikisabay papasok tapos nagbayad nga kalahati lang. next month na naman daw yung kalahati......ako pa yung makapal na singil ng singil eh magbabayad naman daw. 1st time nangutang sakin pero yun na rin yung last once mabayaran na nya lahat.
.... apart from You i can do nothing.... but with God nothing is impossible...therefore, I can do all things through Him who gives me strength.
 
John 15:5
Matthew 19:26
Philippians 4:13

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2628
  • Live and let live. Love and let love.
Re: What's your worst experience with someone who borrowed money from you?
« Reply #38 on: January 16, 2018, 05:01:12 pm »
^classic, mas nakakahiya pa minsan mainingil, kaya ayaw ko na lately magpahiram.

three8one

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2648
  • GuyTalker
Re: What's your worst experience with someone who borrowed money from you?
« Reply #39 on: January 16, 2018, 07:40:26 pm »
^ trot! may mga instances pa nga na ikaw na yung hiniraman ikaw pa mamomroblema pano nila makukuha yung hinihiram. ikaw pa mag aadjust ng time mo para sa availability nila. at ikaw pa ang ma iistress kung paano mo didiskartehan yung kabuan ng perang hinihiram nila kung sakaling limitado lang ang hawak mong cash. hehe!
.... apart from You i can do nothing.... but with God nothing is impossible...therefore, I can do all things through Him who gives me strength.
 
John 15:5
Matthew 19:26
Philippians 4:13

 

Latest Stories

Load More Stories
Close