Author Topic: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)  (Read 119530 times)

twelvth_goddess

  • A certified ZOE-holic and a true blue
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 7403
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #580 on: April 09, 2020, 04:39:28 pm »
Pakalat ka ng fake news. Puro ka drama na hinde ka makatulog sa gabi eh wala ka kaseng ginawa kungdi mag facebook at mag share ng mga fake news. Manahimik ka nga. Pati video ng nagsuicide, pinost mo pa sa group chat alam mong may mga kids don. Paka t**** mo.
Whatever I want, I get. If I can't, I don't stop TRYING.

twelvth_goddess

  • A certified ZOE-holic and a true blue
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 7403
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #581 on: April 17, 2020, 06:38:52 pm »
MIL

Most of the time I tolerate you. And believe it or not, I always urge my husband to give you the benefit of the doubt and to sometimes take time to see your side pag nagta tantrums ka and the entire family gets annoyed with you. Pero minsan ka nalang maramdaman sa family namin, bawing bawi ka naman sa kababalaghan.

I'm sure you don't know the lengths I take to prepare healthy meals for my family. I don't buy processed food and even with the ECQ as much as possible, sobrang konti ng canned food ko. Why? Because I care for my family's health. Iniingatan ko diet ng husband ko, na anak mo nga pala, because in case you didn't know, he's a natural stone former. And, oo, masarap ako magluto, and YES, I always make time to prepare food even if I'm working, taking care of our newborn, and so on and so forth. Kase ganon dapat ang asawa and ina. I'm sure you can't say the same for yourself kase puro pagpapasarap naman talaga alam mo, imbyerna ka. So wag ka aarte na sinagot kita ng pabalang sa GC because una, wala kang alam. Second, kung wala kang alam, wag ka basta basta nagco comment dahil sorry not sorry, maiksi pasensya ko.

Ang kapal mo magsalita sa GC na bakit hinde ako nagluluto at puro Jollibee kame. Inamoka. After so many months ngayon lang kame nag fastfood dahil 4th month ng anak namin. Anong hinde nagluluto pinagsasabe mo jan? ga** ka. Naku talagang ang init ng ulo ko sayo. Ang kapal ng muka mo para magsalita ng ganyan eh ikaw nga hinde naman nagluto para sa pamilya mo before. At wag mo ipagmalaki samin na pinagluluto ka ng anak mo jan sa Canada dahil hinde hamak na mas masarap and mas mahal kinakain namin kesa sainyo. At ang mga niluluto ko, masarap pero hinde binudburan ng 1kg asin kagaya ng ginagawa nyo. Kaya wag ka maka arte arte na sinagot kita dahil hinde ka kakampihan ng asawa ko ever. Magpasalamat ka saken dahil sa iilan beses na nagri reach out sayo yan, that's because I always urge him to do so. Otherwise, sawang sawa yan sa drama mong puro kasinungalingan. Che!
Whatever I want, I get. If I can't, I don't stop TRYING.

exquisitegem

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1053
  • Be Bold or Italic. Never Regular.
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #582 on: May 19, 2020, 09:09:04 pm »
I have always been grateful for my inlaws. I just hope my SIL who is living abroad will be very extra careful especially frontliner sya.  I pray for her health and safety.

crzysxycl

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2501
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #583 on: June 01, 2020, 02:37:01 pm »
^^Nakakaloka naman MIL mo sis. Bakit nga kaya ganon, no? Parang issue sa kanila yung minsan lang na hindi magluto, feeling nila never ka na nagluto. Imbey! Ganyan din MIL ko eh.

MIL at SILs, alam ko atat na atat kayong lumipat kami dyan sa bahay nyo. Maka aya, akala mo mansion ang pinagawa. Eh malaki pa 'tong apartment namin ngayon kesa dyan. Palibhasa excited kayong mangyari yung setup gaya ng dati na pinagluluto ko kayo at inaalagaan ko mga anak nyo. Iba na ngayon, may anak na rin ako at nakabuo kami nung lumayas kami dyan sa inyo. If I know, parasite mode nanaman kayo lalo na ka na, SIL1 at MIL. Laging naka abang sa grasya, ninuno nyo ata si Juan tamad eh. Sana naman bawas-bawasan nyo yung kakapalan ng mga mukha nyo. Isipin nyo anong mararamdaman at iisipin ng magulang ko kapag bumalik ako dyan? Paki-consider naman yon, hindi yung puro pabor sa inyo ang gusto nyo. Pagkatapos ng paninira nyo sa akin sa lahat ng kakilala, kamag-anak at kabarangay nyo, babalik ako dyan? Para ano? Para lalo nyo pa akong pasamain sa mata ng iba? Tapos kayo bida-bida as always. Haha. Mauuto nyo asawa ko pero hindi nyo ako mapapabalik dyan sa impyerno nyong lugar. Kung gusto nyo, ibalik ko na asawa ko sa inyo. Ok lang din naman.

rics

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1229
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #584 on: June 02, 2020, 05:10:15 am »
SIL - malapit na kayo pumunta sa US, hopefully, you and your husband will learn to live on your own and not to be too dependent on our parents. For sure, when you get to the US, you will let mama & daddy pay for your rental apartment and they will contribute a very substantial amount to your daily gastos since it has always been that way.  Hopefully hindi ka rin Lalo yumabang, same with your unico ijo. Hopefully hindi kayo puro pasarap, porma and yabang lang when you get to the US. Wala ka naman work for almost 2 decades already and lahat ng gamit mo ay galing lang din sa mga padala from abroad. You dont actually own anything.  And your family also ang makikinabang sa pinagpaguran ng parent namin.
-- If the only prayer you say in your life is "Thank you Lord," that would suffice. --

DearDace

  • Probationary
  • Posts: 2
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #585 on: August 03, 2020, 06:05:10 am »
To my MIL and ILs.

I dont really care kung okay na kayo ng gf ni Kuya. First of all, hindi ako ang nagpalaki ng issue kundi po ikaw. Opo ikaw. Nung nakaranas kayo ng pambabastos mula sa gf ni Kuya at galit na galit kayong lahat, dinamayan ko kayo. I was mad also kasi Pamilya ko na rin kayo, nagdamayan tayong lahat nun dahil halos lahat tayo ayaw sa kanya. Tapos binastos pa nya uli kayo dahil ayaw nyang pumunta sa bahay para magusap kayo at magkalinawagan sa ginawa nya. Anong sabi nya sa inyo? Wala syang ginawang kasalanan. Nagalit ka uli. Kasi sabi mo Nanay ka ng Bf nya tapos ganun.  Na ang mahal nya lang talaga ay si Kuya at hindi kayo. Tapos inunfriend nya ako sa fb nakwento ko sa bunso mong anak na babae kasi close naman kami, hanggang sa nakarating sayo tapos tinanong mo ako kung totoo ba sabi ko oo sabi mo kakausapin mo sya sabi ko huwag na dahil baka lumaki pa issue natatandaan mo po na sinabi ko na ?Huwag na po Mama ata hayaan na lang? ang sabi mo nun sakin wag ako magalala dahil di mo babanggitin ang pangalan ko. Hanggang sa ilang linggo lang nagtrxt sakin yung babae na nagsorry tapos di nya alam bat sya nagsosorry basta magsorry lang raw sya samin kasi sabi mo. Ginawan rin nya ng kwento ang asawa ko at yun ang kinagalit ko at ikinasama ng loob ko.Ilang buwan ang lumipas at  Ngayon na okay na kayo, ako ang naging masama ngayon? Sobrang sama po ng loob ko sa totoo lang. Wala akong mapagsabihan kahit asawa ko alam ko kayo kakampihan.    😭 Ang sama po ng loob ko na parang ako pa po ang nagpalaki ng issue e ang totoo kayo naman saka ipinagtanggol ko lang asawa ko. Huwag nyo rin po ako utusan na kaibiganin sya porke maayos na po kayong lahat. I already forgave her pero ayokong makipagreconnect sa kanya wag nyo po ako utusan sa kung anong gusto nyo gawin ko. Kasalanan nyo rin naman po at ng oamilya nyo bat ganyan sya sakin kasi lagi nyo kami pinagkukumpara. Pasensya na po kung iiwasan ko na kayo, mas mabuti pa na ilayo ko na loob ko sa inyong lahat. Pasensya na rin po kasi di po ako lumaki sa ganyang klase ng Pamilya na nagkukumparahan at nagsisiraan. Sobrang sama ng loob ko po. Di naman rin po ako makikipagkumpetensya sa kanya sa atensyon nyong lahat kasi sapat na sakin ang sarili ko pong Pamilya. Salamat po.

crzysxycl

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2501
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #586 on: August 03, 2020, 02:21:34 pm »
SIL - kunwari ka pang hindi ka chismosa at backstabber.. ano yung parinig mo sa fb at ig? dakilang inggitera ka kahit kelan. pareho lang naman kayo ng mga kapatid mo, magaling lang pag nakatalikod ang kalaban, pag kaharap na nga nga naman kayo. che!  :P

qweasdzxc

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 41
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #587 on: August 12, 2020, 07:02:25 am »
Thank you for loving me and my family as well. Sa panahong walang pwedeng mag drive for me and my sister, to the rescue agad kayo pag di available brother nyo (my husband) - you drive us to and from work. During my bedrest, once a week nyo akong binibisita sa bahay ng sister ko and bring food para sabay tayo mag dinner.  :'( I may not always say it, but, Mahal na mahal ko din kayo!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close