Author Topic: He said, "I fell out of love."  (Read 5599 times)

fifi_girl

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 771
Re: He said, "I fell out of love."
« Reply #20 on: May 25, 2021, 06:31:45 am »
@carrotsteeks, minsan rin kasi yun na lang ang ginawa ng taong gustong kumalas e - ang palabasin or iparamdam na ikaw ang may kasalanan ka para hindi na nila kailangang magexplain kung ano ba talagang reason bakit sila nagkakaganyan. Since nabanggit mong nagcheat na siya sa iyo dati I hope iready mo na lang sarili mo for the worst.

Super agree ako dito. Minsan ginagawa nalang nilang excuse so they don't have to take the blame for the failed relationship. As i've mentioned in my earlier post, they have the "victim mentality", na lahat ng pwede isisi sayo, eh isisi sayo, maski pa sila ang nag desisyon. These are the type of people na ipagdarasal mo nalang talaga.

All i can say is, you need to start picking up the pieces for yourself. Your child needs you.  Start healing yourself.

exquisitegem

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1053
  • Be Bold or Italic. Never Regular.
Re: He said, "I fell out of love."
« Reply #21 on: May 25, 2021, 11:24:14 am »
@carrotsteeks Hi sis, have you considered marriage counselling/retreat or theta healing? You have to be on the same page though, na dapat decided kayo both to work on your relationship. Protect the marriage - syempre ibang kaso kapag it's a domestic abuse na or infidelity.

Talk openly to your husband and ask kung ano ang ibig niyang sabihin sa "this has been happening for years" kasi baka pmay pinagdadaanan din sya na hindi mo alam (depression, maybe?)

Don't be too hard on yourself sis. Pray. If may someone trusted kayo (probably Ninang sa kasal), you can also seek advice and guidance. Minsan kasi kailangan natin ng perspective ng ibang tao to see the whole picture.

Hugs and pm mo lang ako if need mo ng kausap.
« Last Edit: May 27, 2021, 01:06:07 pm by exquisitegem »

carrotsteeks

  • Newbie
  • *
  • Posts: 20
Re: He said, "I fell out of love."
« Reply #22 on: May 25, 2021, 12:10:44 pm »
Hello, Sisses. Salamat sa replies ninyo. Binasa ko isa isa. Weekends siya umuuwi kasi malayo workplace niya. I told myself na if may 3rd party, papakawalan ko siya. Respeto naman sa sarili ko.

Sa ngayon, naguusap kami, ok naman. Pero ramdam ko nag iba. I'm planning to talk muna sana sa isang ninang namin. Di ko alam kung kelan na pwede sabay namin kausapin. Honestly, malapit na kong mag give up sa kanya. Napapagod din naman ako na mageffort tapos sa kanya parang wala lang. 20 years kami magkakilala since highschool. On and off kami. Nung college, nagkahiwalay kami for 4 years then nagkabalikan. Nagpakasal nung 2013.

Ang hirap mga sis. He's giving me mixed signals kasi. Minsan ok siya, minsan dedma. Parang gusto ko na bumitaw kasi nakakapagod na.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close