Author Topic: Instagram/Facebook Sellers: Rants and Raves  (Read 69033 times)

preciosa

  • Ako ay isang certified
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 386
Re: Instagram/Facebook Sellers: Rants and Raves
« Reply #20 on: December 04, 2013, 10:14:00 am »
^korek sis... kakapagtaka lang kasi dumami ng ganon scammer naman pala
Dami kayang ganyan sa instagram nababasa ko lang dun sa binuong account nung mga naloko

babyboo.0326

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 797
  • "Believe..."
Re: Instagram/Facebook Sellers: Rants and Raves
« Reply #21 on: December 04, 2013, 09:00:04 pm »
^^true. what they do is they lure IGers for having thousands of followers to make them believe that they are a good shop. ako naman i don't even have 500 followers but it doesn't mean i'm not legit in my businesses din.
"One should always be in love. That is the reason why one should never marry.  -  Oscar Wilde"

whitestarrr

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1027
  • KIKAY Flight Attendant
Re: Instagram/Facebook Sellers: Rants and Raves
« Reply #22 on: December 05, 2013, 03:59:08 pm »
Meron din sa IG nainis ako, Daily Green Store. Gusto ko kasi magresell nun accessory box nya. Nagpacustomize ako 10pcs, sabi nya 50% downpayment then we will meet on saturday sa makati, 5days after ko madeposit. Friday night lumuwas na kami ni hubby (im from bataan pa) tinext ko sya, no reply. Saturday ilan beses ko pa tinext tapos nag sosorry kasi may mali pa sa boxes at uulitin pa, monday daw, sabi ko okay i understand, monday came, tues nalang daw, tuesday came wed nalang daw, at hindi nya ako inuupdate, sabi ko isend nalang nya yun picture kasi gusto ko malaman kung tama yun colors. Ayun, wala syang sinend, so sabi ko balik nalang nya. Binalik naman nya, pero nakakainis lang napaka unprofessional nya. Hindi nya inuupdate un client nya not unless kulitin sya.

Shadow Angel

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2167
Re: Instagram/Facebook Sellers: Rants and Raves
« Reply #23 on: December 08, 2013, 05:36:35 pm »
Isang seller ng ig lang binibilhan ko. Pwede ba magpost dito ng mga legit na seller talaga ang daming kasi seller claiming there items are authentic pero hindi naman, un iba naman expected mo mas mura compared sa store pero pag ask mo ng price kaloka mas mahal pa kaya mas magandang wait na lang ng sale sa store. Tama kayo bakit kailangan ipm pag ask ng price diba dapat given na un na nakapost ang price ng item tapos wala naman reply pag ask ka kaya nakakatamad din mag browse at mag message sa kanila.

sweet.trish

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 226
Re: Instagram/Facebook Sellers: Rants and Raves
« Reply #24 on: December 26, 2013, 07:36:27 am »
Naku natry ko na din sa IG mga sis. Maraming mababait na sellers. Yung iba babait lang kapag nakapagbayad ka na. Yung iba pati courier fee tinutubuan.
Natawa ko sa isang seller ng Ka'fen. She sells the product for 750. Then one of her followers commented, 500 lang to right,kasi 500 lang sa salon malapit samin. I was waiting for her reply kaso i just found out deleted na.
Mga sis baka may alam kayo pwede pag orderan ng Ka'fen hair treatment. Pa pm pls. I saw one IG seller selling it for 650 kaso parang inactive na sya eh  TIA

berrygln

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 62
Re: Instagram/Facebook Sellers: Rants and Raves
« Reply #25 on: December 26, 2013, 12:49:21 pm »
My experience naman sa isang ig seller.. May pre oder daw siya ng shu uemura eyelash curler. Nag pre order ako sa kanya nong first week sa october tapos sa 3rd week sa november ang dating. Sabi ko sa kanya order ako ng isa sis. Tinanong ko siya kung kailangan ko ba mag downpayment para ma deposit ko. Sabi lang niya copy sis sa viber. Will viber you pag dating ng order mo. Wait mo lang ang message ko pagdating. Sabi ko ok sis thanks. Tapos nong third week na sa november nag viber siya sa akin na. Sis ubos na ang shu uemura eyelash curler.. Inuna ko yung nag downpayment sakin. What????? Ganun? Pinag hinaty mo ko ng halos dalawang buwan tapos ganun? Sinabihan ko siya bakit ganun sis? Diba tinanong kita kung kailangan ko ba mag down payment para ma deposit ko at paki review rin ang conversation natin sa viber at yung mga sagut mo sa akin. Sabi niya yes sis nabasa ko. Tapos? Gunon lang ka simple? Sana sinabi mo nalang agad para maka order ako sa iba. Hindi yung pinaghintay pa niya ako ng halos dalawang buwan. First time ko talaga ma encounter ng ganitong seller. Siya pa ang galit at hindi pa nag sorry.

rinapie

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1039
Re: Instagram/Facebook Sellers: Rants and Raves
« Reply #26 on: December 26, 2013, 02:29:57 pm »
ig seller and buyer din ako pero nag stop ako kasi di ko siya maasikaso sa ngayon. wala pa naman akong reklamo sa mga seller na iba. pero sobrang ingat ko din kasi may mga nakikita ako na mukhang legit pero may ibang nagsasabi na bogus? parang nagsisiraan na hindi?

 ang pinaka naging problema ko lang, may isang buyer na kamalas-malasan, nag crash yung viber ko na hindi ko pa nase-save yung details niya and nung ipapa-ship ko na, di naman dumating yung courier kaya sobrang na-delay tapos tatlong sabon lang naman in-order niya. kalurks lang naman.

may mga buyer din na sobrang daming tanong tapos wala naman pala kukunin. may naencounter na rin ako na prefer niya kasi ang pick-up kaso di kami mag tagpo sa sched hanggang di na niya nakuha. buti na lang, ginagamit ko din naman yung mga binebenta ko or may kumukuha naman na iba kaya keri lang naman. kaso parang nasayang sa oras.

yung sa ibang queries, kaya pinapa-private message kasi hindi lahat ng comment sa picture lumalabas kaya minsan nade-dedma sila kahit hindi siguro sinasadya ng seller. yun nga lang sa price, sana naka post na.
« Last Edit: December 26, 2013, 02:33:04 pm by rinapie »

budzwhiz

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1897
  • Baking. Arts. Photography. Travel.
Re: Instagram/Facebook Sellers: Rants and Raves
« Reply #27 on: January 11, 2014, 01:46:46 pm »
Mga sissies baka pwedeng pa-post ng IG NAMES ng fake or mga unprofessional na sellers para maiwasan din ng iba. And papost na rin ng trusted and mabait sellers.

I'm looking for sellers sana ng cosmetics. Any suggestions? :)
"Not one drop of my self-worth depends on your acceptance of me."

Accept what life has to offer, and enjoy.

jelliebean28

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 195
    • jeleebeanie.wordpress.com
Re: Instagram/Facebook Sellers: Rants and Raves
« Reply #28 on: January 11, 2014, 04:52:07 pm »
Mga sissies baka pwedeng pa-post ng IG NAMES ng fake or mga unprofessional na sellers para maiwasan din ng iba. And papost na rin ng trusted and mabait sellers.

I'm looking for sellers sana ng cosmetics. Any suggestions? :)

Agree ako sis sa pagpost ng ig names ng mga fake sellers or buyers, yung fake talaga na manloloko ha, wag na yung mga bogus buyers... :)
Meron sa ig din na mga account nagpopost ng mga scammers... #bogusph #scammerph etc etc....
Sun. Stars. Moon. Nature. Family. God. My Life.

Happy_Angel

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 64
Re: Instagram/Facebook Sellers: Rants and Raves
« Reply #29 on: January 11, 2014, 05:08:37 pm »

Oo nga mga sis,  I would personally appreciate if we can post their IG names (or PM me na lang para makaiwas).

And I strongly suggest that we post those IG Sellers that have been good in their business dealings with us.  At the end of the day kasi, more than the experience, we need to identify them, di ba?  Just my opinion :)

fluffycupcake

  • Happy
  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 53
  • Live life to the fullest!
Re: Instagram/Facebook Sellers: Rants and Raves
« Reply #30 on: January 15, 2014, 11:08:47 pm »
Naku natry ko na din sa IG mga sis. Maraming mababait na sellers. Yung iba babait lang kapag nakapagbayad ka na. Yung iba pati courier fee tinutubuan.
Natawa ko sa isang seller ng Ka'fen. She sells the product for 750. Then one of her followers commented, 500 lang to right,kasi 500 lang sa salon malapit samin. I was waiting for her reply kaso i just found out deleted na.
Mga sis baka may alam kayo pwede pag orderan ng Ka'fen hair treatment. Pa pm pls. I saw one IG seller selling it for 650 kaso parang inactive na sya eh  TIA


750php din yung nakita ko, plus shipping fee pa. parang ang ganda talaga ng results. pero sana merong cheaper price.
Carpe Diem!


There are as many opinions as there are experts.
-Franklin D. Roosevelt

Chicky_C

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 40
Re: Instagram/Facebook Sellers: Rants and Raves
« Reply #31 on: January 16, 2014, 09:25:10 am »
IMHO, we should not expect too much professionalism from this IG sellers. Kaya nga sa IG lang sila nagbebenta kasi amateur sila or talagang nag-uumpisa pa lang. Most of the time, they are just doing the selling part-time. Yung iba naman, wala silang stock. Pino-post lang nila ang posts ng iba, papatungan, tapos kapag may umorder, saka nila oorderin sa iba.

inluvewithmikewesten

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 348
Re: Instagram/Facebook Sellers: Rants and Raves
« Reply #32 on: January 16, 2014, 09:38:53 am »
There's this one controversial IG seller na nagka issue sa actress na si Kris Bernal. shopwiserph yong name ng seller, the issue is posted on Fashion Pulis. Nakakaloka yong seller na 'yon.

rinapie

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1039
Re: Instagram/Facebook Sellers: Rants and Raves
« Reply #33 on: January 17, 2014, 11:36:50 am »
^naka-post yan sa ig ni kris bernal. hindi yata na-i-post ni kris yung 'binili' niya dun sa seller.

itsmeangel

  • Newbie
  • *
  • Posts: 25
Re: Instagram/Facebook Sellers: Rants and Raves
« Reply #34 on: January 18, 2014, 04:13:15 am »
Ako din, mahilig ako sa online shopping. Anyway, ang pinaka nakakainis lang sa lahat ng experience ko ay those sellers who don't reply..seriously, they've been saying in their posts "PM for queries" etc, then pag nagmessage na ako, they won't reply..as in kailangan kulitin pa.. Or sometimes magrreply sa unang tanong or sa first two, then dedma na. Nababastusan lang kasi ako lalo na sa fb or imessage when you see "read" or "seen" tapos dedma lang? Seriously? Nang sseen-zone na rin mga sellers? :))

Another thing, I also experienced yung magpapa preorder ako, then sasabihin sakin she'll get it for me, then after ilang weeks.. sasabihin wala na daw nakuha, etc. Bakit naman kailangan pag antayin pa ng sobrang tagal yung bumibili sayo for nothing? How unprofessional can they get?  >:(

Sorry sa rant.. Haha.  :)

fluffycupcake

  • Happy
  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 53
  • Live life to the fullest!
Re: Instagram/Facebook Sellers: Rants and Raves
« Reply #35 on: January 27, 2014, 11:48:45 pm »
@itsmeangel Same here sis. super tagal ng reply tas makikita mo "seen" naman yung message mo. or antagal nilang online pero hindi pinapansin message mo.

another experience ko pa na sobrang nakakainis. i ordered 5 different items from an IG shop. nagbayad ako sa BPI including the shipping fee. tapos nakuha ko yung package 2 days after pero kulang ng one item. super inis kasi ang sabi pwedeng irefund na lang daw niya or isabay sa next order ko. e sobrang kailangan ko na yung item na yun at nag order ako ng madami (at various items) para lang sulit ang SF at para matagal na ulit bago ako mag order (kung mauulit pa). tapos ayaw niya isend sa akin yung item unless magbayad ulit ako ng SF. grabe talaga. since sobrang kailangan ko at nakabayad na ako sa kanya nung item na hindi niya naipadala, napilitan na lang akong mag order ulit ng iba pa kahit hindi ko pa kailangan para lang sulit yung SF na babayaran ko AGAIN.

sorry, super inis lang talaga ako.

Post modified. Please refrain from quoting long posts instead use the ^ or @ sign.
« Last Edit: January 30, 2014, 02:17:02 am by fluffycupcake »
Carpe Diem!


There are as many opinions as there are experts.
-Franklin D. Roosevelt

Juricks

  • Love never fails.... (1 Corinthians 13:1-8a and 13)
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 513
  • Live, laugh, love. ;)
Re: Instagram/Facebook Sellers: Rants and Raves
« Reply #36 on: January 31, 2014, 04:15:16 pm »
Ako naman i find it annoying na yung mga recent feeds ko e puro SfS nila. Wala na ako mabasa. So pinag-uunfollow ko sila. Tinira ko lang ibang shop, friends, kakilala.

Isa pa yang hindi nagrereply. There is this one IG shop na nagsesell ng mga wood furniture. I inquired about sa details ng mirror cabinet kasi hindi naman kita sa pictures niya yung details na gusto ko iconfirm. I sent messages via viber pero "seen" lang. I followed up after a month and same lang. "Seen" lang napala ko.

I ended up buying it from a different IG seller na near lang sa house namin so sobrang baba ng delivery charge and yung binili ko pa e yung color na gusto ko. :)
« Last Edit: February 21, 2014, 10:05:50 am by Juricks »
Life isn't about waiting
for the storm to pass..
It's about learning to
DANCE in the RAIN...

chichi143

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 730
Re: Instagram/Facebook Sellers: Rants and Raves
« Reply #37 on: February 03, 2014, 12:00:14 am »
Hindi naman purket thousands ang followers nya ay legit sya.
Need talaga icheck if legit yung seller.

IMO...

so kaya nila dayain yong number of followers. huh.
doon ko pa naman binabase yon.tsk.

^^ true sis. puro sfs! minsan mas madami pa ang sfs nila kaysa sa actual product nila. nagbawas narin ako.
« Last Edit: February 03, 2014, 12:02:29 am by chichi143 »

fluffycupcake

  • Happy
  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 53
  • Live life to the fullest!
Re: Instagram/Facebook Sellers: Rants and Raves
« Reply #38 on: February 04, 2014, 07:55:29 pm »
ako din, sa number of followers din ako nagbe-base. pero once matext ko na tapos medyo hindi maganda makipag-usap sa akin, ina-unfollow ko na.

nakakadagdag din sa followers nila yung mga kapwa sellers na ka-SFS nila.
Carpe Diem!


There are as many opinions as there are experts.
-Franklin D. Roosevelt

miSlovESka

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 124
  • traveller
Re: Instagram/Facebook Sellers: Rants and Raves
« Reply #39 on: February 15, 2014, 09:15:42 pm »
Yes yun ang nakakaasar sa IG puro SFS na lang kadalasan makikita mo, mas gusto ko pa yun di kadamihan yun followers na seller kasi mas mabilis magreply kesa sa sobrang dami ng followers di na din nagrereply.

Yun ibang seller naman over price naman magbenta, yun tipong outlet bag tapos yun price mataas pa sa mabibili mo sa store talaga.
we are just passer by, so enjoy every minute of it as we are alive-ish, have fun, fall in love, get crazy, make mistakes, learn to grow up! Share your thoughts and humor! :D

 

Latest Stories

Load More Stories
Close