Author Topic: Iloilo Thread 3  (Read 106431 times)

mysterioza_me

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 6251
Re: Iloilo Thread 3
« Reply #520 on: August 30, 2019, 10:18:40 am »
Kami from Roxas nagvan kami going to Carles. Mas ok ang Roxas sa akin kesa sa Iloilo if going to Gigantes, ang layo kasi pala kapag Iloilo going to Carles. Naenjoy naman nmin ang Gigantes. Kumuha kami ng island hopping tour and stayed sa island ng 2D/1N kaya sulit. Sayang lang kasi closed pa Tangke Lagoon nung magvisit kami last 2017.

Saka when you are in Roxas do not skip yung mga paluto sa Baybay. Na-try namin dun (Almax ata ng resto) masarap luto and fresh ang seafood nila.
If a girl understands your b******t, stick through your mistakes, smiles even when you've done nothing for her , it's obvious she's a keeper. But it's also obVious that you don't deserve her...

ayanlanz

  • iN uR hEaRt yOu cAn finD
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1996
  • GT : mY 1sT eVeR fOrUm; 16 y3aRs @ cOuNt1nG!
    • discovering me....
Re: Iloilo Thread 3
« Reply #521 on: September 07, 2022, 01:58:52 pm »
New on this thread...  :)

We were not planning this Iloilo-Guimaras trip but kailangan ko na gamitin yung travel fund ng Cebupac kasi 2yrs nang naka-tengga, mag-eexpire na. At ang Iloilo flight ang swak sa budget at airfare.  :D

After 3yrs nakapag-family travel ulit kami. 6 days 5 nights ang peg.  ;D

We stayed sa One Spatial, walking distance sa Riverside Esplanade 1. Di kami sanay sa condo dahil mas prefer kasi namin ang GoHotel. No choice kasi may kasama kami seniors and last flight pa ang nakuha namin papunta roon.

First day - Friday, we traveled to Carles sa sobrang early 4am. Dumating kami ng port around 7am. Sobrang dami ng joiners (34pax) sa boat kaya siksik, liglig at umaapaw ang mga seats.  :o
Malakas na ang alon papunta pa lang sa island hopping. Matagal pa ang layag kaya sa Cabugao Gamay kami nauna. We tried sand bar too kaso hanggang tuhod ang tubig kaya hindi kita ang buhangin. Next stop is Antonia beach, ansarap maligo dito at masarap din ang mais con yelo tinitinda nila.  ;) Sobrang init ng panahon, pero malakas ang alon kaya di na tumuloy sa lagoon. May rehabilitation pa buong Sept or Oct yata. Lunch namin sa Lantangan, dito nagsimula kumulimlim ang kalangitan. Inabot kami ng ulan at hinintay pa namin humina bago kami naglayag pabalik. Unfortunately, sinuong namin ang ulan habang walang habong ang boat but kumalma naman yung tubig nung pabalik kami. Shower mode lahat pagdating ng port. Nakauwi mga 5:30 na at nakabalik ng Iloilo around 8:30.  ???

Next day - Saturday, bound to Guimaras. Pinakashortest ship travel na nasakyan namin.  ;D May kasabayan kami bikers sa ferry. Yun pala maganda ang daan doon at ma-eenjoy magbiking.  8) We went to smallest plaza, Holy Family Hills, windmills, Old Trappist, Pitstop, Guisi lighthouse, alobijod beach at Boboy's factory. Wala masyado tourists kaya less crowd. Yung kasama namin sa Gigantes, nakita rin namin kumakain sa Pitstop  ;D Nagswimming kami sa alobijod. Malinis yung tubig at konti rin ang naliligo. Nagtakeout pa si bro ng mango pizza,  :-[

Sunday, dahil may seniors kami kasama at di na kaya magcommute, no choice kami kundi kumuha ng car rental a day before. Mabuti na lang at may available dun sa nagtour sa amin sa Guimaras. We went to Garin Farm. 8) Inakyat-baba namin yung cross while nag golf cart ang mga seniors. Maliliit yung pagitan ng mga steps, di tulad sa Coron na sobrang taas.  ::) May reward na buko juice pagbaba!  :D After that bumalik na kami sa city pero nag-church hopping muna - San Joaquin, Miag-ao, Guimbal, Tigbanuan, Oton at Molo. Naabutan namin yung mass sa Oton before kami nag-lunch sa Tatoy's sa Arevalo. Then drop by sa Molo church na may aircon ang peg ;)

Maaga kami nakauwi sa condo kaya nung hapon nilakad namin yung Esplanade 1 from Iloilo landmark going to opposite side. Kulang pa ang lakad kaya dumaan kami sa may Smallville then Atria before tumuloy sa Madge Cafe.  :-[ Masarap yung pistachio cake  :-* Then another lakad ulit going to Ateneo de Iloilo at festivewalk bago bumalik papuntang One Spatial. Anlayo ng inikot namin para lang magkape!  ;D

It is Monday, supposed to be punta kami Iloilo Museum kaso close sila. Nagpunta na lang kami Molo Mansion na Kultura store pala at walang laman gamit yung 2nd floor. I miss those kind of mansions sa Bacolod-Silay trip namin before.  ::) Nagtuloy kami sa Jaro Church bago nagpahatid ng SM. Magdadate na nga lang ang mga seniors...anlayo pa ng venue.  :P We were supposed to walk sa Esplanade 2 at sa Festive Walk naman nung hapon kaso umulan kaya tambay na lang kami sa unit.  :-\

Next day, uwian na! Ang mahal ng taxi nila, P600-P700 per way.  :-X

In all, mas nag-enjoy kami sa Guimaras, Garin at church hopping.  :D
Sa Gigantes, sorry nasa bottom list sya ng island hopping places. Top pa rin ang Palawan para sa akin - Puerto Princesa, El Nido at Coron. Snorkeling, the best pa rin ang Dos Palmas. Maganda siguro yung Tangke pero kung yun lang ang babalikan namin..maybe someday.  :-X

Oh babalik kami ng Guimaras at magdadala ng bike!  ;D ciao!
EvEry tEardRop is sO prEciouS sO bEtteR makE surE thaT if yOu drOp somE, it iS woRth crYing fOr, bEcausE yOu caN nevEr picK thEm uP & puT thEm bAck to yOur eYes...                         LoVe WiSeLy! ;) :-* 

 

Latest Stories

Load More Stories
Close