My boyfriend and I were together for 11 years. We were high school sweethearts. Since day one ayaw sakin ng mom niya kasi physically hindi daw ako bagay sa anak niya. He was an only child and was a menopausal baby, his father died when he was four years old. Technically, dalawa lang sila ng nanay niya until the day we became a couple nung third year high school. 

To cut the long story short, after 11 years, nagbuntis ako at samin siya nakatira although umuuwi pa rin siya sa kanila to check on his mom. Never ako nakatungtong sa bahay nila sa buong relasyon namin pwera nalang kapag out of town mom niya

Noong kami pa noon at di pa ako buntis, umiinom kami, tuma-tambay sa bahay ng friends, kain dito kain diyan. Kaso siyempre nagbago lahat yun noong nalaman kong buntis ako. Nawala ako sa sirkulasyon. 


Mga barkada namin bihira ko na makasama. Siya din medyo nadamay sa paglayo ko. Napag-aawayan namin yung mga pag-inom nila kasi lagi ko siya hinahanap noong buntis ako which is the total opposite dahil di ako mahigpit sa kanya before. 


May mga nadagdag na new people sa circle of friends namin. I didn’t get the chance to meet those new friends kasi nga I was always home. I know the names and the faces because of the Facebook posts. Nag-start yung paglabas labas nila mga April or May of 2014.  

Noong nine months pregnant ako, June 1 yun, iniwan niya ko bigla. 

Nasa Baler, Aurora sila noon. Sabi niya sorry di na siya masaya. Di na daw niya kayang tiisin pagiging mahigpit ko at kung nanay nga daw niya di niya sinusunod eh ako pa daw kaya. Sabi ko bakit niya ko iiwan eh manganganak nako.

He said alam naman niya na papalakihin ko ng maayos ang anak namin. So kampante na siya. 

I thought he was just fed up. Nag-mamakaawa pa ko noon sa opisina niya and even knelt in front of him. Wala. Kinakamutan lang ako ng ulo. 

I gave birth on July. Nabalitaan ko may ka-live in daw. Di na ko nag imbestiga, di na nagtanong. May anak na ko at wala na ko oras maki-chismis. 

When August came, dumating siya sa bahay namin. I accepted him and he even slept here for a week. Nakikipagusap na ayusin daw namin yung mga buhay namin para sa anak namin. Parang awa ko na daw. 

Sabi ko sa kanya mahirap yung gusto niyang mangyari, pero sige susubukan namin. 

Noong huling gabi niya samin, sabi niya uuwi muna siya sa mama niya at kakausapin niya daw yung ka-live in niya. Sasabihin daw niya yung desisyon niya na kami ng anak ko lang pinipili niya. Babalik daw siya sa bahay namin kinabukasan to start anew. 

But, he didn’t return.

Ako tuloy ang sumugod sa bahay nila that night. Mag isa lang ako. Sobrang bad trip ko kasi di ko alam bakit di niya tinupad yung sinabi niyang babalikan niya kami ng anak namin. 

Pagparada ko, nag-iinuman sa garahe nila ang inabutan ko. Yung barkada namin at yung
 two "new'' friends na babae. Apparently, yung isa pala dun ang kinakasama ng ex ko. 
Si ex, mama niya, ka-live in niya at mga barkada niya ang inabutan ko doon

Nagsisigaw ako at ang sinabi ng ex ko: "Ang bobo bobo mo. Sa opisina ang galing galing mo, pagdating sa buhay tanga ka. Pinaikot lang kita sa palad ko para makasama ko anak ko. Umuwi ka na sainyo." 

At ito ang pinakasamaakit niyang sinabi sakin: "Sa eskandalong dinulot mo ngayon, kung namatay ang nanay ko, kahit mamatay kayo ng anak ko hindi niyo mapapantayan nanay ko."

Sabi ng nanay ko sakin, napakatapang ko daw pero sana ilulugar ko ang tapang ko. Mali ako sa pagsugod ko doon.

Now ito ako mag-one month palang since nangyari yung gulo na yun pero nagpapasalamat ako kay God na dahil sa pagsugod ko na yon eh na-reveal sakin lahat lahat all at the same time. 

Hindi na niya makikita ulit anak ko. Tsaka nalang kapag healed na ako sa lahat ng sakit na pinaramdam nila sakin.

Alam ko kaya ko lahat ito.

As posted on GIRLTalk

Got a story to tell? Send us an email at webmaster@femalenetwork.com!

*Minor edits have been made by the Femalenetwork.com editors 

PHOTO: Pixabay; GIFs: Giphy 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Get the latest updates from Female Network
Subscribe to our Newsletter!
Comments

Latest Stories

Mary Joy Tabal Wins PH's First Gold Medal in 2017 SEA Games

She also happens to be the first Filipina marathoner to qualify for the Olympics.
Load More Stories