Get weekly updates via email!
tip of the day FRI 18 APR 14
Instead of sweeping floors with a broom, which just pushes dirt around, try a static sweeper, which attracts and holds dust.
  • Good House Keeping
    Find your bliss this summer! GH's guide to a calmer, luckier, and happier you. On stands now for only P120.
    Good Housekeeping
  • Real Living
    Real Living’s April 2014 issue is a thing of beauty, literally! The magazine’s Beautiful Homes issue features 43 pages which will inspire you to rethink your own space.
    Real Living
  • Women's Health
    Everything you need to score your hottest, sexiest summer EVER is in the Women’s Health March issue!
    Women's Health
GIRLTALK

Author Topic: have you ever been stared at or discriminated at a luxury boutique/store?  (Read 15570 times)

wahmproject

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 117
Re: have you ever been stared at or discriminated at a luxury boutique/store?
« Reply #20 on: November 27, 2012, 02:12:11 pm »
I agree.  SA should not discriminate.  And kahit wala talagang pera pambili ang papasok sa highend luxury stores, wala na sila dun. They should still do their work. Wag silang mang-uri ng tao lalo na pareho tayong mga Pinoy. Wag din sila magyabang kasi baka kahit sila walang pambayad ng mga binebenta nila dun.

Ako naman baliktad, nakaporma pag nakakotse. Pero comfy attire naman pag maglalakad ako to the mall. 

prettybarbie

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1709
Re: have you ever been stared at or discriminated at a luxury boutique/store?
« Reply #21 on: November 27, 2012, 02:44:35 pm »
it happened to me one day, naubusan ako ng make up that time and that same day may pasok ako (night shift) so gumising ako ng maaga hindi na ko nag ayos kasi nagmamadali ako dahil kailangan ko pa pumasok. Pumunta ko sa make up counter ng Chanel sa isang mall, then yung saleslady parang ayaw ako asikasuhin tapos may mga tinatanong ako about make up nakabusangot lang yung face tapos lahat ng sagot "we dont have that" kahit meron. Sa sobrang inis ko lumipat ako don sa katapat na counter sa Estee Lauder and ang bait nung salelady, don ko binili lahat ng kailangan kong make up pati perfume bumili din ako. Tapos nakita ko yung mga saleslady sa Chanel nagbubulungan sila LOL. Nakakainis lang yung mga taong ganon, mga akala mo kung sino nakapag work lang sa ganon matapobre na, lalo na siguro kung sila yung may ari.

chicafabulosa

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2275
Re: have you ever been stared at or discriminated at a luxury boutique/store?
« Reply #22 on: November 27, 2012, 02:50:29 pm »
Tama knowing ha SA sila and kahit balig baligtarin saleslady lang sila. Baka nga sila mismo walang pambili ng products na binibenta nila
A girl's most beautiful outfit is charisma, the prettiest accessory is smile, & the best pair of heels is confidence.

ceejhei

  • Super mommy!
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1960
  • i am what i am
Re: have you ever been stared at or discriminated at a luxury boutique/store?
« Reply #23 on: November 27, 2012, 02:57:26 pm »
^ very discriminating nga. as if naman na kung sila ba eh afford bumili dun? i will also demand for a manager if that happens to me.
even sa dubai ganyan, mga SA na nag sspray ng perfume for testing hindi ka nila lalapitan kapag pinoy ka pero pag foreigner super accommodating. what's wrong kung kapwa pinoy? dapat nga mas accommodating sila eh.

i also have an experience, when i was 7 months preggy pa ata naka dress lang ako tapos hubby wearing pambahay clothes namimili kami ng gamit ng baby, walang lumalapit, walang nag aassist, but nung kumuha na yung husband ko ng 2 big push carts hala ang mga lokaret kanya kanyang habol at offer. deadma sila, sabi ko lang "please allow us to look around, tatawagin ko kayo pag may kailangan or tanong ako" kanina deadma kayo ngayon habol habol kayo.

prettybarbie

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1709
Re: have you ever been stared at or discriminated at a luxury boutique/store?
« Reply #24 on: November 27, 2012, 03:13:10 pm »
Pag pinoy ka kasi na nasa abroad minsan ang tingin ng iba DH ka kaya di inaasikaso, walang masama sa pagiging DH ha pero alam naman natin na mababa tingin sa kanila, kaya nga yung sa make up store sabi ng asawa ko sakin baka daw akala katulong ako kaya di ako inentertain LOL, todo shorts and shirt lang kasi suot ko tamang pambahay.

showermist

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1322
Re: have you ever been stared at or discriminated at a luxury boutique/store?
« Reply #25 on: November 27, 2012, 03:25:35 pm »
^ I beg to disagree. Abroad= DH?! What kind of thinking is that?! Now that's more deragatory/discriminatory than those SA's who thinks high of themselves compare to the 'lowly' customers.


ceejhei

  • Super mommy!
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1960
  • i am what i am
Re: have you ever been stared at or discriminated at a luxury boutique/store?
« Reply #26 on: November 27, 2012, 03:41:07 pm »
Pag pinoy ka kasi na nasa abroad minsan ang tingin ng iba DH ka kaya di inaasikaso, walang masama sa pagiging DH ha pero alam naman natin na mababa tingin sa kanila

sis kahit ata DH eh basta may pambili eh walang silang karapatan gawin yun. Hindi naman lahat ng nasa abroad eh DH na ang tingin kagad, nag punta akong UAE for vacation and i am with my friend at family kaming magkakasama sa mall, sabi ng friend ko "pansinin mo, kapag "kabayan" (kabayan ang tawag kapag pinoy ka sa isang country)  hindi sila lalapit para ipa test yung perfume"

siguro sis you need to explain your post para hindi ma-misunderstood kasi based sa comment ni sis showermist ganyan din ang pagkakaintindi ko when you mentioned DH sa ABROAD =) peace

melmedrano

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 866
Re: have you ever been stared at or discriminated at a luxury boutique/store?
« Reply #27 on: November 27, 2012, 04:03:28 pm »
naranasan ko na rin to sa rustan's sa gateway... naka uniform kasi ako (polo shirt na may embroidered na product logo at jeans)... Tapos may dala pa akong folding na payong... so naisip nya siguro for sure wala akong car at mukha akong walang pambili... nasa may kitchen section ako at may ilang items na akong hawak na gusto kong bilhin... small items lang naman kasi yun lang ang kailangan ko, eh naghahanap pa ako ng iba kaya matagal ako... besides... susunduin ako ng husband ko nun kaya di ako nagmamadaling umuwi.

Medyo matanda na sya, pero nakikita ko sa gilid ng mata ko na pinapabantayan nya ako dun sa ibang SA... ano ko shop lifter??? binitawan ko na lang lahat ng gusto kong bilhin... nawalan na ako ng gana sa kanya... and never came back to rustan's since then. Gusto ko nga sana sya iconfront nung time na yun kaya lang Im so tired na from the office at wala ako sa mood makipag away. Besides matanda na sya at kahit papano, di rin naman nya ako pinahiya... tamang hinala lang sya na ipupuslit ko yung mga hawak kong items... buti na lang din ganun na lang ang nangyari... may pera pa naman ako nun, maraming cash (which is bihirang mangyari)... kaya rin i stepped out of the store na lang para wala ng gulo...

On the otherhand... I really like yung mga SA sa jewelmer at mga receptionist sa Facial Care Centre... kasi they are super nice to everyone... nakaporma man or hindi... at least sa mga experience ko with them. Ok sila.

akireyhoj

  • Guest
Re: have you ever been stared at or discriminated at a luxury boutique/store?
« Reply #28 on: November 27, 2012, 04:12:08 pm »
wala pa naman akong na eencounter na ganyan pero sa sales lang ako naiinis. feeling ko kasi hindi all out na nasa labas na lahat eh mahahalata mo kasi sa kanila na tamad lang :)

nung nag shop kami sa SG, nababaitan ako sa mga pinoy SA don. ewan ko iba yung approach nila. never kami naka encounter na tinarayan or tinatamad iaccomodate ka.

sa marionnaud sa MOA pansin ko don sa mga SA tamad, gusto lang nila pagandahin sarili nila nung nagpunta kasi ako don nagtatanong ako ng concealer sabi lang sakin wala tapos panay make up :D nainis na ko hindi ko na binili yoko sa mga tamad eh

Cheesecak3

  • Mom
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1307
  • missing my baby so much....
    • Jan's Travel and Tours
Re: have you ever been stared at or discriminated at a luxury boutique/store?
« Reply #29 on: November 27, 2012, 04:21:45 pm »
Nangyari na din sa akin sa Cotton On Singapore, nakashort at shirt lang kasi ako ng nong pumasok don, tapos tingin tingin ako sa mga shelves. Tapos kuha ako ng kuha lahat ng gusto ko. Hindi din sila nag assist sa akin, akala nila susukatin ko lang lahat yon. Hindi na ako nagpunta sa fitting room at lahat ng dinampot ko binili ko. Ayon tsaka pa lang sila nagkandarapa na ayusin ang mga damit na kinuha ko.

Kapag ganon ang SA sa akin pinabayaan ko na lang, kasi malamang may mga problema sila. ahahahah

aquacharly

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 4417
Re: have you ever been stared at or discriminated at a luxury boutique/store?
« Reply #30 on: November 27, 2012, 04:41:15 pm »
So far, wala - as far as I can recall.  Medj aggressive and taray kasi  ako mag tanong, so hard to ignore. Or, if they ignore me, most probably I raise my voice a bit with matching hard face.  Lolz

As far as I am concerned, a SA is there to assist walk-ins, regardless. So, if one is ignored, one should firmly repeat the request.   

But in ordinary/non-luxury establishments, I have encountered lazy SAs.  But this past year -- they are all aggressive to assist. Siguro talagang they gotta clear a quota na, nowadays. 

bagaholic_chewy

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1788
  • *on shopping and travel rehab.. until 2014..*
Re: have you ever been stared at or discriminated at a luxury boutique/store?
« Reply #31 on: November 27, 2012, 04:52:46 pm »
Curious ako sa mga sagot nyo. At naaaliw na din ako sa mga kwento, hehe..

Personally, I rarely enter luxury stores dito sa Manila. Kasi nga parang nakaka-ilang. Di kasi talaga ako maporma at hindi ma-alahas or ma-makeup. Minsan lang, napa-LV ako sa Greenbelt kasi nag-ask ako pano pa-repair nung me konting natastas na tahi sa Neverfull ko. Ok naman ang SA, maayos naman nya ako inentertain.

Another experience sa Tiffany & Co. naman sa Shangrila mall. Usual shirt, jeans and sandals lang ako nun. Nauna ako pumasok kasi nag-CR si husband. tagal ko na nagtitingin sa displays di talaga ako nilapitan. Nagbabalak pa naman ako nun bumili ng tennis bracelet, anniv gift dapat ni husband sa akin. Nawalan ako ng gana. Pagpasok ni husband, medyo nakaayos sya kasi galing sa event sa hotel, aba, me "good evening" agad si SA. Sabi ni hubby, "o, san na yung bracelet? Di ka pa tapos pumili?". Di na ako sumagot, hinila ko na lang sya palabas.

Mas ok ang experience ko abroad, ok ang treatment kahit di masyadong nakaayos. Tapos sa isang LV sa Milan, Pinoy SA, nilapitan kami agad pagpasok namin. At tsumichika pa, hehe.. Di ko alam kung ganun talaga sya or dahil me dala na kaming binili from Prada. Generally in Europe, di ako nakafeel ng discrimination, whether Pinoy or non-Pinoy SA.

Sa Dubai naman, pansin ko mas ok kausap ang non-Pinoy SAs sa mga luxury stores. Mas matyaga kahit matagal ka maka-decide. Kung naiinis man, di pinahalata. Minsan, Pinay SA kausap namin, me tinuro ako isang bag nakadisplay, inask ko anong model un. Sagot ba naman, "ay Ma'am, medyo mahal na yang bag na yan. Mas mura yang hawak mo.". Si husband natawa, sabay humirit "B, di mo daw afford yun.", tapos sabi nya sa SA "ikaw Ate ha, feeling mo wala siyang pambili".  Syempre, kumambyo si SA pero nainis na ako so di na ako bumili.
"Travel is the only thing you buy that makes you rich"

"The only time to eat diet food is while waiting for the steak to cook"

prettybarbie

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1709
Re: have you ever been stared at or discriminated at a luxury boutique/store?
« Reply #32 on: November 27, 2012, 05:11:33 pm »
I want to explain lang my post about don sa sinabi ko na MINSAN ang tingin sa ibang pilipino sa abroad ay DH... in my case lang kasi most of the filipinos who work here in hong kong are like that kaya ko nasabi yon, please dont get me wrong, hindi ko din naman sinabi na porke katulong e wala na pambili at kailangan tratuhin ng masama, sabi ko nga wala naman masama sa pagiging DH pero in reality yung ibang mga tao dito ganon nila idiscriminate ang mga pilipino, kahit saan naman ata may ganon. Wala naman ako masamang ibig sabihin sa sinabi ko, it's just that nangyayari naman talaga yon.

trishevil

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 375
Re: have you ever been stared at or discriminated at a luxury boutique/store?
« Reply #33 on: November 27, 2012, 05:32:14 pm »
I remember my friend and I walking inside the LV store in GB and non of the SA accomodated us. Oh well, my friend and I looked like a pair of college students (jeans and tees plus flats lang tapos naka messenger bags pa kami). Hahahaha halatang walang pera, well ako lang ata yun. Yung friend ko kasi may pagka-rich kid.

Pag nakaipon na ako ng cash, try ko mag walk in sa mga luxury boutiques na yan then I'll post my experience para ma-test lang hahaha


chicafabulosa

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2275
Re: have you ever been stared at or discriminated at a luxury boutique/store?
« Reply #34 on: November 27, 2012, 05:59:41 pm »
Its okay sis. Ive seen how HK people discriminate filipinas there. There's a Bally store in time square and since its weekend, i decided to shop. When Iwent inside,mabait naman yung sa akin. Then pumasok this filipina, on the spot sinabihan ng sa na NO DH, NO DH. I felt bad for the girl. Monday came and my office was at shell tower (inside time square) i told my boss what happened and what I saw. He immediately went down to the store (kasama ako) and ask for that sa. On the spot, my boss told them what they did was against race discrimimation ordinance or they call it rdo. My boss kasi is former chief of police in hk during british colony pa sila. So on the spot the manager terminated that said sa
A girl's most beautiful outfit is charisma, the prettiest accessory is smile, & the best pair of heels is confidence.

prettybarbie

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1709
Re: have you ever been stared at or discriminated at a luxury boutique/store?
« Reply #35 on: November 27, 2012, 06:27:42 pm »
^ kaya nga diba nakakainis, up to now nangyayari pa din yan...

Kady_14

  • Nanay ni Abudayday at Kutchikoy!
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1165
Re: have you ever been stared at or discriminated at a luxury boutique/store?
« Reply #36 on: November 27, 2012, 06:38:33 pm »
Sa HK Central super daming pinoy, there was a time na bumaba kami dun para mgpapalit ng dollars and meron din dun naaalala ko na Filipino store. That was a Sunday, day off ng mga pinay and dun mo makikita na ngbobox sila ng mga ipapadala sa Phil kahit ano lang kahit mga lumang kurtina ng amo siguro nila na panget na ipapadala pa. Para siguro sa mga kamag-anak dito. Yung isang ale, lola aged na pinagtanungan namin kung san yung Filipino store nagulat nun nalaman na turista kami, DIY trip kasi yun, hehe.... She looked sadly at our kids and she said ang swerte daw nila kasi nakapunta sila dun para mamasyal. Madami kasi talagang DH sa HK. Alam natin na hindi lahat eh DH sa abroad pero yung iba kasi yan talaga ang mentalidad nila na kapag nasa abroad ka eh yaya ka or maid ka.

Me mga kasamahan nga ako sa work na napadala sa Canada for training and bumili sila sa convenience store, used their BPI credit card, sabi ng cashier "Ohhh, Filipino? You're Nannies?" Sabi nila, No, We're trainers" akala trainers sila sa Gym, inexplain pa daw nila na they are like teachers and they're sent there to teach Canadians. LOL.

Minsan kailangan mag-adjust kasi limited knowledge or info ang kausap. hahahaha... Hala baka ma-OT na ako.
« Last Edit: November 27, 2012, 06:42:26 pm by Kady_14 »

taleebin

  • Future Designer.
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 858
Re: have you ever been stared at or discriminated at a luxury boutique/store?
« Reply #37 on: November 27, 2012, 07:56:56 pm »
So far hindi ko pa naexperience to. Kasi, nagcacanvass muna ako at babalik nalang pag bibilhin ko na. Pero yung mom ko, talagang na high blood sa SA nung di sya inasikaso. (depot yung store)  Nag cr kasi ako tapos pinuntahan ko nalang sya. Pag balik ko andyan na yung manager at kinakausap ng mommy ko. Sabi ko sa SA "lagot ka, kala mo wala pambili mommy ko no?" haha. Di mapinta mukha nya.

rosangitim

  • Newbie
  • *
  • Posts: 15
Re: have you ever been stared at or discriminated at a luxury boutique/store?
« Reply #38 on: November 27, 2012, 09:07:03 pm »
Hi prettybarbie :) bilang DH ako dito sa HK super gets ko yung post mo, true naman kase iba ang discrimination samin dito.. Pero sa una lang nakakahurt, nakaka immune din at god thing is hindi naman lahat ganon.. Yung lancome sa festival walk nageentertain kahit sunday yun at mejo matao, mdalas kase expected na namin na parang bula lang kami pag pumapasok sa ganon.. Tapos sa milan station sa mongkok nagbeentertain din kahit makulit yung kasama ko.
Just to explain bat ako pumapasok sa mga yan kahit wala naman akong pambili, kase yung kaibigan ko beki super hilig sa ganyan, part time raket nya dito is make up artist kaya sya keri nya.

kettlekorn28

  • a very happy wife & mom and a
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 789
Re: have you ever been stared at or discriminated at a luxury boutique/store?
« Reply #39 on: November 27, 2012, 09:09:05 pm »
nakaka-highblood yang mga SA na ganyan, yung inuuri ka sa pamamagitan lang ng pananamit. Di naman kami napasok sa luxury stores eh. But similar things had happened to us sa Baby Company (SM). Our son was 2 or 3 mos old then, at marami pang kulang na gamit. When we went there, unang una namin pinuntahan yung section ng Pigeon. Papalitan na kasi ng size yun nipple. So hubby asked a lot of questions dun sa SA. Pinagmamasdan ko lang sila. I noticed that the SA is getting impatient sa mga tanong ni hubby. Syempre, as an SA, you should accomodate all the customer's queries about your products, di ba? Malay ba namin sa sizes at klase ng mga tsupon. Aba, nakita kong umismid yung SA sabay talikod. Sa isip siguro nya, "worth 350+ lang yung bibilhin nyo, aabalahin nyo pa ako ng husto." eh wala naman ibang customer para talikuran nya kami. Porque simple lang suot namin eh. Pagkakuha namin ng nipple, kumuha na kami ng basket at naglalagay ng kung ano-anong needs ni baby. Si SA sunod na ang tingin sa amin...lalo na ng magawi kami sa area ng playpen. Nung nakita nya na ibina-box na yung playpen na bibilhin namin, halatang hinintay nya kami. So kung nagwi-window shopping lang or cheap item lang ang bibilhin, pakikitaan na agad ng masama? Ayun, worth 20k ang nabili namin. Sa ngayon, tuwing napapagawi kami dun, nakangiti na sya agad. Tse!
God has given us the greatest gift of all. And that is you, Baby Matthew! :)

 

ADVERTISEMENT
follow us
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT
Featured Articles
FN's Top 10 SPF Beauty Picks for Summer 2014
These babies are mighty protectors from the sun's harmful UV rays.
5 Ways to Reflect and Meditate When You’re Time-Bound
Whether you have five minutes or five days, a breather from all the deadlines and meetings will do you good.
FNites! What Reminds You of Summer?
Send us a photo and we might feature it on the website!