I need your opinion sis, meron kase kami barkada ni hubby na medyo takaw disgrasya.... Pag kasama sya ng husband ko masyadong maswerte ang hatid.., yung first kasama sya ng husband ko nawala motor namin,

pag park lang sa mall wala pang 5 minutes nawala na...2nd time umangkas lang sya sa motor namin bumagsak na agad yung motor at nasira center stand at yung 3rd time kahapon lang sumemplang ulit sila, me konting sugat husband ko, minor damage sa motor ko pero malalim yung gasgas na need for repaint talaga..at yung friend namin tosino inabot sa balat.( ito yung friend naming maalat)
Parang everytime kasama sya ng husband ganun ang nangyayari kase.., mabait naman sya na kaibigan, gusto ko sana umiwas na kami sa kanila kase hinde ko gusto nangyayari. , naniniwala b kayo sis meron mga taong sadyang maalat at nakakahawa, o nagdadala ng hinde maganda.,.?
Ayokong mahawa kami sa kanila., natatakot ako para sa family namin., sobrang nagaalala ako pag kasama sya ng hubby ko, ang hilig nya kase iback ride itong friend namin na ito na walang sasakyan man lang.
Close kase kami sa kanila yung wifey ng friend namin na maalat eh close sakin.., every weekend nagtatambayan kwentuhan konting inuman,
Mahalata kaya nila biglaang pagiwas namin?kung kayo na sa place ko what will you do.?
Mas importante kase kapakanan ng family ko over friends.
Base na rin kase sa kwento ng wifey ni friend na maalat kinukwento sakin na medyo takaw disgrasya, simpleng katangahan nadidisgrasya....like nagluluto lang , sira pala hawakan ngkawali nabuhusan ng mantika, nagbisikleta lang nawalan na ng preno, bababa na lang ng motor mula sa pagkaka backride nauna ulo bumagsak kesa sa paa mga ganun ......
Am i overly reacting?