I forgot their technical term for that CC arrangement sa BPI. Nasabi lang kasi yun saken nung teller na bakit di daw ako mag apply ng CC nila.
I used my own bank statement from Metrobank. Nagopen ako ng savings account tapos I talked to the manager kung paano magkaron ng CC na walang employment or financial records since wala naman talaga iyon. So ayun ang sinabi saken, mag-apply ng passbook account tapos after 1 month, nag-apply ako ng CC.
Minsan tinatawagan pa rin naman ako ng call center nila to follow up on the docs, pero ignore ko lang. Malaki naman yung transactions ko per month kaya siguro tinigilan na rin nila yung kakafollow up ng financial docs.
First CC ko ang Metrobank, satisfied naman ako. Paalala ko lang, malaki ang charges kapag hindi mo nasettle in full lahat ng charges mo per month. Mababaon ka talaga sa utang kapag ganun.
Alternative sa CC, why not try ang debit card?