ui parehas tayo, ganyan din asawa ko nung buntis ako sa panganay namin AND mag bf-gf nga kami. Dala rin ng hormones ang todo selos ko at syempre nawalan ako ng confidence sa looks and body ko dahil preggers nga ako. Pero true, nakikipagflirt nga sya. Di nga lang texts, kundi pa-party party pa sa condo nila with matching inuman and di ako pinapansin for months. Tiniis ko lang rin kasi diba magiging mag-asawa na kami non (ikinasal kami nung 7 mos. ako). Ngayon ok naman na kami. Bonggang pag-aaway, sakitan, at pangongonsensya nga lang sa unang taon ng marriage namin. Actually, kung ako tatanungin, di ko talaga siya pakakasalan agad-agad. Pinilit lang ako e, alam mo na, typical naman sa Pinoy yung ganon.
Pero nasayo naman yan at sa sitwasyon mo, syempre. Yung prof ko sa college, matagal bago nya pinakasalan yung jowa nya kasi, naniguro muna sila kung sila nga talaga.
Good luck and have a safe pregnancy sis