naks naman, aktib aktiban ang ttc girls at mabilis lumipat ng bahay...
konting tips lang, lalo na sa may mga issues (PCOS, endo, etc)
• kung ttc, magpacheck muna kay OB, lalo na kung never pa kayo nakapagpacheck before. Para rin alam ninyo kung anong status ng repro health.
• ang PCOS po ay either symptom or side effect. pwede syang symptom na mataas ang blood sugar at dahil chabita, or mataas ang blood sugar at chabita dahil PCOS ka. either way, kaylangan ma-maintain ang blood sugar. proper diet and exercise. pag namaintain ang weight at blood sugar, pwede ring bumaba ang polyps to normal count. best is to ask your OB kung ano ang best way to go.
• ang PCOS po ay hindi dahilan para hindi magconceive. mahirap para sa iba, meron naman madali makaBFP. kaya tiwala lang (parang ako... took us about 10 months...)
• monitor your period. best way to determine your ovulation dates. kung irregular, kunin ang average. ovulation depends on the length of your lutheal period, kaya need mo din alamin yun. (yung iphone app na iPeriod, meron nang calculator ng average cycle days, kasama na ang green days (ovulation days). you might want to check that out. in fairness, swak naman sa banga yung dates na binigay.
• ang sexual enhancement pills and drinks ay hindi po nakakatulong sa conception... kasi depende pa rin po kung meron fertile na egg na naghihintay. hindi rin po ito nakakarami ng spermies, may possibility pa ngang mabawasan, kasi merong mga pills na may synthetic components "to enhance performance". better kung mag vvit E si hubby, mas safe pa.
• patience is a virtue, mga kapatid. kaya wag magpakastress sa pressure ng kung sino mang poncio pilato sa paligid. dapat chill lang, at enjoy lang ang lovey moments...
isang umaatikabong pasabog ng extra sticky baby dust sa lahat
