Get weekly updates via email!
tip of the day FRI 29 AUG 14
Learn to laugh at yourself! Share embarrassing moments with your friends and giggle along with the rest of them.
  • Good House Keeping
    Forever young Cheska Garcia-Kramer talks about her stay-gorgeous secrets, mommy bliss, and the surprising success of #TeamKramer in the August issue a.k.a. the Anti-Aging Special of Good Housekeeping!
    Good Housekeeping
  • Women's Health
    Build the confidence to strut in a pair of jeans with our 28-day pound-shedding, lean muscle-building workout, and learn the best cuts for your body type with our easy style guide.
    Women's Health
GIRLTALK

Author Topic: may karapatan ba ang kabit sa pera/properties?  (Read 8232 times)

m_lim

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 5989
may karapatan ba ang kabit sa pera/properties?
« on: November 08, 2012, 07:25:15 AM »
totoo ba na kapag matagal ng hiwalay ang mag asawa, mawawalan ng karapatan si Legal Wife sa acquired properties ng husband within the time na hiwalay sila?

more than 20+ years separated but not legally separated.

si kabit ang kasama ni husband ng mapundar niya ang pera/ properties. they have 3 illegitimate children.

ano ang karapatan ng legitimate wife and children sa mga properties, bank accounts na nakapangalan sa husband?


chefron

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1487
Re: may karapatan ba ang kabit sa pera/properties?
« Reply #1 on: November 08, 2012, 09:43:01 AM »
the legal wife has all the right  ;D

ANG KASAL AY WALANG EXPIRATION PERIOD AT WALANG BATAS SA PILIPINAS O SA FAMILY CODE NA NAWAWALA ANG BISA NG KASAL SA TAGAL NG PAGHIHIWALAY NG MAG-ASAWA........https://e-lawyersonline.com/


ANG CONCUBINAGE O PAGKAKAROON NG SEKSWAL NA RELASYON NG ISANG KASAL NA LALAKI SA BABAE NA HINDI NIYA ASAWA AT PAGBABAHAY DITO AY ISANG KRIMEN NA MAY PARUSANG KULONG. ANG PAGKAKAROON NG ANAK NG ISANG KASAL NA LALAKI SA IBANG BABAE O BIRTH CERTIFICATE NG ANAK SA IBANG BABAE HABANG KASAL SIYA AY HINDI MAGAGAMIT NA EVIDENCE SA KASONG CONCUBINAGE DAHIL ANG PINAPARUSAHAN DITO AY ANG PAGBABAHAY NG KABIT. ANG CONCUBINAGE AY HINDI GROUND SA ANNULMENT AT ANG PAGKAKAROON NG ANAK SA IBANG BABAE AY HINDI MASASABING CONCUBINAGE.
****sya pa nga pwede mong ipakulong tee hee!****


sensya na sis if all caps, copy paste ko lang kase
EPHESIANS 2: 9

SALVATION IS NOT A REWARD FOR THE GOOD THINGS WE HAVE DONE, SO NONE OF US CAN BOAST ABOUT IT

m_lim

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 5989
Re: may karapatan ba ang kabit sa pera/properties?
« Reply #2 on: November 08, 2012, 10:49:27 AM »
thank you sis.

may nakapagsabi kasi saken pag napatunayan daw na within the frame na hiwalay na ang mag asawa na acquire ang ari arian, wala ng karapatan ang legal wife doon.

swerte naman ng mga kabit ano!

aquacharly

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 4627
Re: may karapatan ba ang kabit sa pera/properties?
« Reply #3 on: November 08, 2012, 11:55:01 AM »
^that's BS.  kahit na ba the estranged wife did not contribute to the amassing of wealth, she gets 50% of the estate PLUS the share of 1 legitimate child.

    But, an estranged legal wife can end up with nothing if she does not know details of properties, funds placements, etc.  think Grace of Iggy Arroyo.  She knows the details of where everything is hidden, kaya she has power!

brandi

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 773
Re: may karapatan ba ang kabit sa pera/properties?
« Reply #4 on: November 08, 2012, 01:01:30 PM »
unless my joint accounts or properties sila, baka pwede makinabang yung kabit doon. pero kung wala and sa name lang nung guy, hindi ba parang or considered na conjugal yon so sa legal wife mapupunta yon? tama ba yung understanding ko?

aquacharly

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 4627
Re: may karapatan ba ang kabit sa pera/properties?
« Reply #5 on: November 08, 2012, 02:00:43 PM »
^ tama

marssie

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2686
Re: may karapatan ba ang kabit sa pera/properties?
« Reply #6 on: November 12, 2012, 03:38:50 PM »
Yun lang, kung mas mautak ang kabit now a days, ipapalagay nga niya name siya sa properties and pwede sila magjoint account, pero pag in case nadeads ang lalaki.. paano yun, di ang kahati na niya si kabitch ;D parang sa 50% na share ng husband niya, 50% sa kanya and 50% sa illegitimate and legitimate child?

aquacharly

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 4627
Re: may karapatan ba ang kabit sa pera/properties?
« Reply #7 on: November 14, 2012, 06:50:17 PM »
The estranged legal wife can still challenge that.
Baket may joint account or ownership? Partners ba sila in business?  Equal ba partnership? 
Matagal na halungkatan yan, usually the parties just agree to an out of court settlement.
The critical document is the Marriage Contract filed with the NCSO. 
The critical factor is -- motivation --  How motivated are you to go after what is legally due you? 
« Last Edit: November 14, 2012, 06:51:57 PM by aquacharly »

m_lim

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 5989
Re: may karapatan ba ang kabit sa pera/properties?
« Reply #8 on: November 14, 2012, 09:11:10 PM »
minsan kasi hindi nalang sa pera, pera kayang kitain. pero bilang legal na anak, ayaw mong makinabang ang mga l*ntek na kabit at mga anak na abusado.


aquacharly

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 4627
Re: may karapatan ba ang kabit sa pera/properties?
« Reply #9 on: November 14, 2012, 10:14:18 PM »
^in which case, you are highly motivated & can immobilze everybody with court cases.

Keep track of all accounts & properties.
IF your dad dies (knock on wood, scenario lang usapan dito)  --  agad agad inform banks of his death, ma freeze yang accounts until an Extrajudicial Settlement is presented.  Likewise, inform the involved Registry of Deeds so ma annotate agad TCTs/CCTs -- may fees yan ha.
Be sure your mom cooperates with you.  (why not naman?)

Unfortunately, bastards have the right to inherit.  So, may pakinabang. 
You can demand DNA testing, however. 

Careful, do not let your father see your "high motivation".

m_lim

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 5989
Re: may karapatan ba ang kabit sa pera/properties?
« Reply #10 on: November 14, 2012, 10:25:08 PM »
^kaya nga eh. kunyari walang paki dapat. kunyari tahimik ang buhay.

yan naman ang illusion ng mga fathers with kabitch/bastards. tahimik na buhay ko! hindi ako may problema, kayo! (yeah, right!)

hindi ko lang talaga ma track yung bank accounts eh. kasi nga civil lang kami. pero i have all the land titles.

ang mother ko ewan ko lang. isa pa yun eh. tumanda nalang ng gastador pa rin. hindi na natuto.

talagang mahirap magpalaki ng magulang.

aquacharly

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 4627
Re: may karapatan ba ang kabit sa pera/properties?
« Reply #11 on: November 14, 2012, 11:13:55 PM »
I will PM you how to get to the bank accounts.
Ayoko na cuento dito kasi baka  malaman pa ng mga kab1tch. 

i_v_y

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 351
Re: may karapatan ba ang kabit sa pera/properties?
« Reply #12 on: December 15, 2012, 12:27:13 AM »
may kilala ako na mistress na mautak. wala naman silang anak ng kinakasama nia, pareho silang may mga anak sa previous marriages nila. they run the business together, nakapagpundar ng mga properties. yung bahay at lupa nila ngayon, nilipat ng mistress sa name ng anak nia para sa assumption ng pag ibig mortgages or something to that effect. kaya ngayon, nasa pangalan ng anak ni mistress yung bahay at lupa. mautak. pati yung name ng business, nailipat na din nia sa pangalan ng panganay niang anak.

letters_to_cleo

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 703
  • happy, happy. my goal is to be happy!
    • Geek Wearing Makeup
Re: may karapatan ba ang kabit sa pera/properties?
« Reply #13 on: December 15, 2012, 10:07:07 AM »
^^Aquacharly, can I know rin how to get the bank accounts? Hahaha!  Magaling din kasing magtago ang magaling kong ama eh. hahaha!

PrincessC

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 431
Re: may karapatan ba ang kabit sa pera/properties?
« Reply #14 on: December 20, 2012, 10:49:55 PM »
I will PM you how to get to the bank accounts.
Ayoko na cuento dito kasi baka  malaman pa ng mga kab1tch.

hi sis! can you let me know rin... may problema din kasing ganyan ang pinsan ko e...

snowberry

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 460
Re: may karapatan ba ang kabit sa pera/properties?
« Reply #15 on: December 27, 2012, 05:11:30 PM »
I will PM you how to get to the bank accounts.
Ayoko na cuento dito kasi baka  malaman pa ng mga kab1tch.

Hi sis, pa pm din. Just an additional info > iba naman case ko. I want to duisinherit may husband who is a bum. (See thread Can I disinherit my husband?

Sis aquacharly, I always respect your opinion dahil magaling ka magpayo. Hope , you can add your insights dun sa thread ko.

misakychan

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 53
Re: may karapatan ba ang kabit sa pera/properties?
« Reply #16 on: January 03, 2013, 03:14:38 PM »
totoo ba na kapag matagal ng hiwalay ang mag asawa, mawawalan ng karapatan si Legal Wife sa acquired properties ng husband within the time na hiwalay sila?

more than 20+ years separated but not legally separated.

si kabit ang kasama ni husband ng mapundar niya ang pera/ properties. they have 3 illegitimate children.

ano ang karapatan ng legitimate wife and children sa mga properties, bank accounts na nakapangalan sa husband?

As far as I know sis, legal family pa rin ang kinikilala. Sila pa rin ang may karapatan.
Sa illegitimate children, unsure po. 50-50 siguro for the illegitimate children
ALIVE :3 #go2013 #girltalk
Let your faith be bigger than your fears.

ebiko

  • proud MOMMI to my papit
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1026
  • my papit calls me "may-mi" [mommi]
Re: may karapatan ba ang kabit sa pera/properties?
« Reply #17 on: January 15, 2013, 08:49:58 AM »
ganito din sitwasyon namin, PAnganay ako, Ang PApa ko may bagong asawa( asawa  kc they are claiming n nagpakasal sila) pero actually kasal c PApa kay mama may marriage contract [textspeak!] nila galing sa NSO. NGayon si PApa nasa abroad malaki ang sahud at sa 2nd wife niya pinapadala lahat. Ang 2nd wife niya sa bahay niya pinatira which si mama ang nagpatayo [textspeak!] ba ang dapat kong gawin at ano b ang habol namin? tatlo kmi magkakapatid, ako panganay,25, sunod, 20, then 18 yrs old.

yung kasal ng father at mother mo, was it legally separated? annulled? kasi kung hindi dumaan pa sa ganitong process ang naging kasal ng father at mother mo, then, kabit siya. pwede siyang paalisin sa mismong "bahay" ng father at mother mo.

to be sure, verify mo na din sa NSO kung may nangyaring kasalan between your father at yung kabit niya, legal document yun kaya dapat mag-a-appear sa NSO
.:~ * ~:.

Making the decision to have a child is momentous. It is to decide forever to have your heart go walking around outside your body. -- Elizabeth Stone

.:~ * ~:.

aki7

  • Probationary
  • Posts: 8
Re: may karapatan ba ang kabit sa pera/properties?
« Reply #18 on: January 15, 2013, 10:44:41 AM »
Hi mga sis,
unfair na mapunta sa kabit yung properties no? But this is how it goes with what I learned:

In a case of kabits what happens is that if they contribute jointly with your husband to acquire properties nung time na hiwalay kayo, it is still possible to run after the properties. Just don't expect to get 100% because those properties were acquired jointly especially if she can prove what she contributed (that half she will retain cause well, pera niya yun). You'll have to prove how much your husband contributed and that share can be taken. In the case na si husband lang ang nagpundar ng properties and walang share si kabit, then no problemo, it's yours. Rule of thumb, whatever is sure na pera ni husband (or worse, it is your property jointly owned with him) it should go to you and the children.

On the share of illegitimate children. Sa estate if anything happens, they get 1/2 of the share of a legitimate child kasi right nila yun kahit masakit pakinggan...at least si kabit walang share. Your share sa manahan is the share of 1 LEGITIMATE child and the size depends on how many children you have. Sa ganiyan sis, try consulting with a real lawyer kasi they will figure how the shares go properly :)

smoothie

  • Mom @ work
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1549
Re: may karapatan ba ang kabit sa pera/properties?
« Reply #19 on: February 06, 2013, 11:57:40 AM »
I will PM you how to get to the bank accounts.
Ayoko na cuento dito kasi baka  malaman pa ng mga kab1tch. 

sis! pa pm din kung paano. daddy ko din maraming tinatago kasi. baka makatulong sa mom ko. Thanks :)

 

ADVERTISEMENT
follow us
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT
Featured Articles
5 Steps to Financial Fitness in Tough Times
Instead of grumbling about the plight of the peso and dwelling on the negative, try these helpful tips to stay afloat. Remember--a little discipline goes a long way!
You're the breadwinner: Now what?
You want the freedom to spend your money as you wish but you know that if you don’t bring home the bacon, no one else will.
Getting money-wise: Why women are naturally capable of managing cash
She works hard for the money but she doesn’t know how to invest it. Here, Pearlsha Abubakar tells us why women are capable of managing their money well, but don’t. Read and get smart with your money.
Never go broke again! The FN guide to financial freedom-forever!
Fear not bankruptcy or eternal dependence on your parents (or a man!). There's a financial strategy for everybody. Read and get money-wise.
Wise up: Start your own business!
Tired of living from paycheck to paycheck? Why not go into business? Read on and find out how just a little cash can become a lot.