hi, pasali po ako. edd june 24, ttc for 5 years. praying for a baby boy pero mapa boy or girl basta healthy si baby. overseas ako and planning na umuwi this coming january for good.
welcome sis! sa wakas may kalapit na rin ako. feeling ko kasi ako ata ang pinakamatagal dito dahil last week of june ang edd ko. magkasunod tayo. tayo ang pinakalast na magpopost ng confirmation sa gender prediction. hehe

hi mga sis! welcome rin sa mga bago sa thread.

nakakainggit naman kayo at lagi kayo nakaka update dito sa thread natin. ako puro work, review at family. kasi naman yun asawa ko, jealous type. pag nasa house na kami, kailangan sya at kids na lang ang intindihin ko. kalerkey!

sabayan pa ng nagloloko na dsl sa office namin kaya lalo akong di nakakapag GT tuloy! hayan, napapa emote tuloy ako habang nagta-type.

kasi naman ang haba ng binack read ko pati. hehe. Grabe, feeling ko nabu-burn-out ako sa kakulitan ng eldest ko. minsan napapa-emote ako dahil sa kanya. meron kasi syang mild ADHD kaya sobrang hyper at kulit. lagi ko nga sinasabi kay hubby na feeling ko, pag naging 3 na yun anak namin, makakalbo na ko. Feeling ko hindi ko na kayang manage yun 3.

pasensya na mga sis, napapa vent-out lang.

Ay meron din kaming Baby Center app sa gadgets namin ni hubby. Meron din kami nun WHat to Expect. pero mas like namin yun Baby Center app kasi nga may mga videos rin. Sana pwede rin mag add ng friends sa Baby Center para friends din tayong mga meron ganun app.

10 weeks na kami ni baby. last week, check-up ko, wala kaming narinig na heartbeat. pero sa TVS meron naman. hindi lang siguro masagap nun doppler ni OB. 10weeks pa lang ako pero feeling ko ang tagal ko ng buntis.

re: sleeping position - I know na dapat facing left side talaga pero comfortable ako ng nakadapa lately kasi lagi ko nafi-feel yun gas ko sa tyan. parang gusto ko mag-fart ng mag-fart. hahaha!
si hubby ko, before I got preggy sa Tacloban naka-assign. Nun nalaman nya na preggy na ko pinilit nya na dito na sya sa manila ma-assign ulit. nag emote kasi ako. sabi ko sa mga previous pregnancies ko, hindi nya ko nasamahan all through out. dun sa eldest namin, hindi pa kami magkasama. tapos dun sa 2nd naman namin, umalis sya nun 2nd tri ko. bumalik na lang sya nun manganganak na ko. kaya sabi ko talaga, siguro naman ngayon 3rd eh, pwede na nya ko samahan?

Sis MRSLULUYZ, tama ka! dapat nga, pag sa holidays magkasama naman kayo. malungkot kaya. kasi ako dun sa 2nd baby ko, wala rin hubby ko nun holidays tas preggy rin ako, kaya emotera ako. nagsasaya ang family ko, pero ako emo mode sa skype! hahaha! natatawa na lang ako pag naalala ko.

buti nga hindi pumangit ang anak ko kahit emotionally stressed ako sa 2nd pregnancy ko.

sis GOGREENGORGEOUS, san sa binondo OB mo? lapit lang ako dun.

ay naku, ok lang sakin maghintay ng matagal basta may doctor at wag ako tatarayan ng assistant. dahil pag ako tinarayan nya, tatarayan ko rin sya! di ko sya bibigyan ng merienda! hmp!
