Get weekly updates via email!
tip of the day MON 21 APR 14
Make sure everyone eats together at dinner every day so that no matter how busy you are, you always get even just a little quality time
  • Good House Keeping
    Find your bliss this summer! GH's guide to a calmer, luckier, and happier you. On stands now for only P120.
    Good Housekeeping
  • Real Living
    Real Living’s April 2014 issue is a thing of beauty, literally! The magazine’s Beautiful Homes issue features 43 pages which will inspire you to rethink your own space.
    Real Living
  • Women's Health
    Everything you need to score your hottest, sexiest summer EVER is in the Women’s Health March issue!
    Women's Health
GIRLTALK

Author Topic: Babies due 2nd Q - 2013 (Apr, May, June) THREAD 2  (Read 24803 times)

gogreengorgeous

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 949
    • The Curious Case of A Late Bloomer
Re: Babies due 2nd Q - 2013 (Apr, May, June) THREAD 2
« Reply #40 on: November 05, 2012, 05:41:56 pm »
@gullible ako rin sis pinagantibiotic, di pa lang ako ulit nakakapagpa-urinalysis. ok lang naman siguro yun, sa saturday pa naman check up ko e hehe. damihan mo sis inom ng cranberry juice at saka buko juice. saka kung kaya mo kain ka rin lagi ng yogurt.

pinatigil rin pala ako ni doc na mag-pantyliner at mag-lactacyd, parang naaallergy daw kasi ako e (mga bago pa ko mag-preggy nung pinatigil nya ko) kasi super itchy saka nag-red yung vag ko e na parang may pantal pa. so tuloy ko pa rin yung routine na yun hanggang ngayon, although may times na itchy talaga

@shooting_star naku ewan ko lang din sis. last check-up ko kay doc tinitigan nya ko tas sabi nya girl siguro baby ko, sa saturday pag nagkita nya ko baka sabihin nun boy hahahaha. dami ko kasi chismis sa face ngayon! hindi naman pimple e, parang butlig lang LOL...yung ate ko, may time na andami nya pimple (dun sa girl pa yata yun) tas may time ang kinis kinis naman nya na pinkish pa ang pisngi (dun sa boy naman na sumunod) tas panget ulit dun sa bunso na boy...so ewan ko kung pwede nga bang basis yun  ;D

angelbabe

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 192
Re: Babies due 2nd Q - 2013 (Apr, May, June) THREAD 2
« Reply #41 on: November 05, 2012, 05:43:21 pm »
sis mrsluluyz ang laki na ng tummy mo! nakakainggit. halos magkasabay lang tayo ng edd di ba?pero yung tummy ko mukhang busog lang.lumalaki na mukha at braso ko pero tummy ko hindi pa halatang buntis.  :(
may naglalabasan nang stretchmarks sa breast ko kaya bumili na ako ng SBO sa human heart nature kanina.

gullible

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 160
Re: Babies due 2nd Q - 2013 (Apr, May, June) THREAD 2
« Reply #42 on: November 05, 2012, 06:55:03 pm »
@gogreengorgeous: sana nga sis gumaling na UTI natin...ako naman halos walang symptoms..may times lang na may konting pain sa opening ng vag..pero few seconds lang tapos kusang nawawala...sinusubukan ko na rin mag-buko juice kahit hirap talaga ako makaubos ng 1 baso :( sinabi din ni OB na ok ang yogurt kaso di ko talaga kaya ang lasa nun :o

si hubby lagi nya sinasabi na mukhang girl daw baby namin kasi di ako pumapangit  ;) pero ang gusto nya talaga boy :) ako gusto ko boy din pero ngayon ok sakin basta healthy at normal :)

sa heartbeat naman, simula 6 weeks laging 130 - 160 bpm ang heartbeat ni baby :)

1st time ni hubby makasama sa check-up ko last Saturday, nakakatuwa kasi sabi ni OB nagyayabang daw baby ko sa daddy niya kasi aside from heartbeat, naririnig namin mga fetal movements :D

Dorkys_Girl

  • Probationary
  • Posts: 9
Re: Babies due 2nd Q - 2013 (Apr, May, June) THREAD 2
« Reply #43 on: November 05, 2012, 07:25:33 pm »
Hi mga sis! Pa-join! Im currently 9w3d along. Kakatuwa to be reading on other expecting moms' experiences that are very similar to mine. This is already my 2nd pregnancy, but during my first pregnancy I didn't have any of these symptoms & pregnancy fatigue. Minsan pag feeling ko hinang-hina talaga ako and di makabangon, i feel guilty thinking baka tinatamad lang ako and using my pregnancy as an excuse. Kaso ang dalas, and super dali kong mapagod, mangalay, at hingalin! Kala ko gawa gawa lang ng isip ko, na parang sort of nag-iinarte yung katawan ko dahil alam kong preggers ako, and then I would feel guilty and try to push myself to move & get some work done. Pero nung mabasa ko yung mga experiences ng mommies here, I felt better, normal lang pala yung mga nararamdaman ko. :) I'm currently working from home, on bedrest as I am diagnosed with SCH. From my 2nd U/S last saturday, my OB determined that my SCH is less than 1cc. Previously, my OB prescribed my duphaston & duvadilan kaso grabe side effects ng duphaston on my body, lagi akong parang lalagnatin after an intake, kaya she switched me to utrogestan. Should the SCH be  any cause for alarm? After back reading kasi mejo kinabahan ako bigla. I'm hoping my baby & I can go past the SCH and carry on with a healthy pregnancy.

Starlust

  • Island Girl
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1185
  • iMeow
Re: Babies due 2nd Q - 2013 (Apr, May, June) THREAD 2
« Reply #44 on: November 05, 2012, 07:44:35 pm »
@koi - ako I drink Coke :( trying to cut down nga eh grrrr. It's so hard!!! Alam ko 1 can of regular Coke has 32 mg of caffeine.

Grabe it's not so easy o swim when pregnant hehe!
"Give a girl the right pair of shoes, and she can conquer the world." - Marilyn Monroe

france0220325143

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 533
Re: Babies due 2nd Q - 2013 (Apr, May, June) THREAD 2
« Reply #45 on: November 05, 2012, 10:03:48 pm »
welcome, sis Dorkys_Girl!
re:SCH, i had it too during my first triM. Second ultrasound ko, nawala sya kahit hindi ako nagtake ng gamot. (i was prescribed with duphaston din and meron pang isa) but unfortunately, si mamapeew lost her baby due to this, prolly... so ingat ka din... doble ingat ^^ 

mrsdee

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 384
  • I am my husband's no. 1 fan :)
    • Uninhibited Blog
Re: Babies due 2nd Q - 2013 (Apr, May, June) THREAD 2
« Reply #46 on: November 05, 2012, 11:41:44 pm »
sis mrsluluyz , ang laki na nga ng baby bump mo! now I'm looking forward to 4th month! hehe.

sis dorkys_girl, grabe din pregnancy fatigue ko. when I reach home from work, I feel completely useless kasi nakahiga na ako nyan hanggang gabi. Madali din ako mangalay sa arms, parang ambigat ng braso ko. haha. Ito lang ang weird sa akin, akala ko ako lang nakaka-feel pero everyday pag 6pm na, para na akong lalagnatin and worse, I'm having chills. Day time, I feel A-ok. Could it be from duphaston nga kaya? 2x a day intake ko nito since 4th wk and probably until 12th wk kasi I have history of miscarriage.

re: softdrinks. natuwa naman ako na ok lang ang sprite, haha. taas-kilay tuloy si hubby pagsabi ko kasi talagang ni-ban nya ang softdrinks since we knew na preggy na. 

Priceless

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 331
Re: Babies due 2nd Q - 2013 (Apr, May, June) THREAD 2
« Reply #47 on: November 06, 2012, 08:30:55 am »
Hi mga preggy sisters...

Baby Bump - sa akin sabi ni hubby, pag nakatalikod, parang wala daw, pero pag full frontal, ayan na ang bump at ang b@@bs. He says he loves the overall look, ako I love the b@@bs. Ganun din ba ang feeling nyo - parang nauunat ang buong tyan, even up to ilalim ng boobs, parang unat na unat, especially sa gabi - kaya kahit hindi pa ako busog, tumitigil na ako sa kain kasi feeling busog at sasabog na ang tyan ko.

May tanong pala ako, ano ang plans nyo in terms of visitors and carers during and after birth? Kami kasi we live abroad too and so far kaming dalawa pa lang ni hubby. We plan to get a maid soon but in terms of family, gusto ko nandito ang mom and dad ko, and naka schedule nang bumisita ang kapatid ko (sobrang excited sa pamangkin).

Eto namang in-laws ko, gusto ni MIL and SIL to fly over din for a few weeks, pero the last time kami naguusap, si MIL parating sinasabi na nung sya daw, she hated that they weren't alone (pumunta kasi yung MIL nya) for a long time at mas na stress daw sya na merong mga bisita.

Ewan ko ba kung cultural difference lang ang viewpoint nila (westerners kasi) or talagang pampagulo lang ang bisita. Sa totoo lang, I cannot imagine giving birth without my parents or my family around and I need their help to look after me and the baby kasi nga si hubby konti lang din ang leave nya so hindi ko pwedeng i-asa sa bagong maid ang lahat ng gawain (plus of course she's getting to know me and learning the job pa).

Si MIL hindi ko maasahang gumawa at tumulong sa akin, in fact parang mas helpless pa sya at gusto na inaasikaso sya. So syempre yung anak nya (si hubby) magkakandarapa para asikasuhin sya, make sure na may makakain sya/go to restaurants dahil maselan sila sa pagkain. I know na hindi ko dapat ipagkait na makita nila ang apo nila and to spend some time with us pero I'm sort of dreading na aalis ang family ko dito so that MIL and SIL can take their turn in visiting us. HAAAAY.

shooting_star

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 481
  • Sugar and spice and everything nice
Re: Babies due 2nd Q - 2013 (Apr, May, June) THREAD 2
« Reply #48 on: November 06, 2012, 08:52:09 am »
gogreengorgeous, ay ganun? Kala ko pa naman magkaka-idea na 'ko kung boy or girl baby ko pag tiningnan face ko. Tagal kasi mag-antay til 5th or 6th month. Hehe

france0220325143, yun din kinakatakot ko, yung umitim ang neck at singit-singit. Pero okay narin, para kay baby naman :) Sis may warts din ako! I asked my OB kung safe ba ipatanggal. Okay naman daw kaso dadami pa daw throughout our pregnancy so masasayang lang. Bat kaya prone ang preggies sa warts noh?

Priceless, naku iba talaga pag in-laws ang kasama, kahit super bait pa nila. Dapat when you give birth, parents mo talaga anjan para todo alaga sayo. Saka matuturuan ka ng mom mo kung pano magpaligo and whatnot (unless marunong ka na :) )

Hubby and I are currently living with my parents pero nagtitingin na kami ng apartments near our house. Plan kasi namin, may yaya si baby tapos pag papasok na kami sa work, we'll drop off baby and yaya sa house ng parents ko. Plus points din kasi kapitbahay namin ang lola ko so gusto din niya minsan sa house naman niya. :)

ayami

  • happily married and a
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1950
  • 愛してる、ハ二ー!とても大好きよ。
    • My Blog
Re: Babies due 2nd Q - 2013 (Apr, May, June) THREAD 2
« Reply #49 on: November 06, 2012, 09:01:10 am »
Welcome sa mga bagong dating sa thread!

Anlaki na nga ng baby bump ni MrsLuluyz! Naeexcite na rin ako sakin.

Re: Soda- di na ko umiinom except Sprite and Royal. Onti onti lang feeling ko kasi nakakaapekto siya sa pagkakaroon ko ng UTI :( Last undas nga pinapainom pa ko ng in-laws ko ng Table Wine kesyo pede naman though tumutol ang ilang titos and titas ni hubby.

Re: UTI- meron pa rin yata ako though I never checked na kasi di na ganon ka symptomatic gaya ng dati. Ewan ko ba pagdating sa bladder hirap ako magmanage since nanganak ako dati. Parte ata yon ng pagkapanganak or something

Re: Baby gender- Nainternalize ko na boy ang baby ko. Ewan ko ba, basta lahat kami sa bahay iniisip na boy si baby, puro boy names na iniisip and pati yung panganay ko baby brother na tawag sa kanya. Hirap pa kami ipaintindi sa toddler namin na kuya na siya, though sinasabi niya na "Kuya lang ako" and ang baby ay "Nasa tiyan ni mommy", parang di pa talaga nya nadidigest lalo na't wala pang obvious baby bump.


May nabasa ako sa last thread ata yon na may balak mag-organize ng meet-up para sating mga 2nd Quarter mommies-to-be, parang game ako dyan basta within Metro Manila hehe

katalinah

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 38
Re: Babies due 2nd Q - 2013 (Apr, May, June) THREAD 2
« Reply #50 on: November 06, 2012, 09:18:04 am »
about Duphaston, am still taking this after my slight spotting and cramps last week. Bed rest din ako for a month. Hindi SCH sakin e, small retrochorionic bleeding yun nakita sa transv ultrasound. So far wala naman ako nafifeel na side effect ng duphaston. Basta sis yung bed rest take it seriously.

about soda, no-no din ako sa coke pero royal and sprite minsan kapag yung super namimiss ko at sobrang takam ako. pero konting sip lang rin at super daming ice :)

mommylyn

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 161
Re: Babies due 2nd Q - 2013 (Apr, May, June) THREAD 2
« Reply #51 on: November 06, 2012, 10:11:46 am »
welcome sis dorkys_girl, sana malampasan mo ang SCH.  :)

sis MrsLuluyz, congrats and best wishes sa upcoming wedding day and sana wala ng sipon by that time.  ;)
about sa discharge, you should ask OB na ipa- gram stain test yun discharge mo to make sure if may bacteria or wala. sometimes kasi, pag meron color ang discharge, sign ng presence ng bacteria.

sis ayami, ako rin since manganak ako kay 2nd baby, parang ang prone ko na sa UTI. ayan nga rin ang pinagtataka ko. :( parang pag di ako nakakainom ng maraming water, bigla na parang may symptoms agad ng UTI. kaya na alarm ako, nagpa U/S ako sa kidney at bladder kasi baka may stones na ko, pero thank God at wala naman. Kaya talaga inom na lang ako lagi ng water. dapat ata mag set na ako ng reminder sa phone ko to drink water. hehe

sa mga sis natin na may UTI, sana gumaling na kayo. kailangan talaga drink maraming water at buko or cranberry juice. ask nio rin OB nio if you could take cranberry supplements kung hindi nio mate-take ang lasa ng juice.

so far, okay naman ang panlasa ko, no problems drinking water kahit di malamig. pero dahil sa maraming klase ng inumin sa paligid ko, kuha lang ako pag di ko feel uminom ng water. hehe. iniiwasan ko na rin ang softdrinks since prone nga ako sa UTI at sabi nila nakakalaki daw ng baby ang softdrinks at malalamig na beverages. pero adik ako sa ice cream. ;)

sa gender naman, I already have 2 girls kaya sana boy naman. dun sa 2nd pregnancy ko, naku, ang pangit-pangit ko rin, as in!! sabi nga nila, boy na, ako naman at si hubby, sayang-saya! pero nun nagpa U/S na ko, ay naku, girlalu again! di pa kami naniwala, pa 4d pa kami to confirm, ayun bilat talaga! hahaha! kaya sana ngayon, boy na.
oh well, tingnan nyo rito mga sis if totoo yun sinasabi dito kasi ganito ginawa namin ni hubby now at sana nga effective sya:

http://www.fertilityfriend.com/Faqs/Gender-Selection-The-Shettles-Method.html

Nae-excite na nga ako malaman yun outcome. :D

sa baby bump, naku, chinika ako ng eldest ko kagabi:
Ya: Mommy, are you buntis?
Me: Why mo naman nasabi?
Ya: Bakit ang laki ng tummy mo?
Me: No, may bilbil lang si mommy. :)
Ya: Hindi, buntis ka eh, gusto ko little brother ha mommy? yehey! (with matching talon-talon pa)  ;D

@Priceless, sis sana meron ka makasama na family mo pag nanganak ka, kasi syempre iba talaga pag family mo kasama mo. naranasan ko with our 2nd baby, mahirap kahit may maid ka kasama especially if bago pa lang. naku, bumuka ang suture ko sa kakakilos. :o pero kung talaga no choice ka at maid lang ang makakasama mo, kuha ka na ng maid kahit 2mos or 1 month bago your due date, para ma-train mo na sya and ma-brief mo na sa mga gagawin nya when you deliver the baby at pagka uwi nio from the hospital. :)

mga sis, when you feel ngalay or pamamanhid, you should take vitamin b12 ata. ako sa last pregnancy ko, si OB she gave me yun Dolo Neurobion. para ma-lessen yun madaling pangangalay at pamamanhid. she gave me that mga 2 weeks lang naman. after nun, naging okay nga ako. di na madaling mamanhid yun legs at braso ko.

sa heartbeat naman ni baby, normally, mabilis talaga sya during sa first trim, pero habang papalapit na due date natin mga sis, bumabagal na dapat ang heartbeat. ganun yun sabi ni OB sa akin dati.

mga sis, anong position nio pag natutulog? kasi ang position natin pag natutulog could affect yun pag-ikot ni baby sa tummy, sabi during pregnancy, it's best to sleep facing left side. makaka-help daw yun maiwasan yun pagbuhol ng umbilical cord kay baby and makakatulong sya pag malapit na ang due date natin para makaposition si baby ng maayos palabas. :)
God always answers our prayers. Maybe not with a YES, but always with what is BEST.

prettynvain

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1535
Re: Babies due 2nd Q - 2013 (Apr, May, June) THREAD 2
« Reply #52 on: November 06, 2012, 11:17:24 am »
^sis, ako lagi nakatagilid. either left or right tapos may pillow. si hubby nga kawawa, lumiit na space niya sa bed. kasi 2 pillows ko left and right an takot din siya na masagi tummy ko.
If yesterday didn't end up the way you planned it, always remember.. "if God had wanted your yesterday to be perfect, then He didn't need to create today..."

gogreengorgeous

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 949
    • The Curious Case of A Late Bloomer
Re: Babies due 2nd Q - 2013 (Apr, May, June) THREAD 2
« Reply #53 on: November 06, 2012, 11:32:30 am »
@mommylyn ako sis nakatagilid matulog. nabasa ko kasi somewhere na mas ok nga daw pag nakatagilid. pero minsan nakakangawit din kaya napapahilata ako.

@dorkys_girl ingat lagi sis. follow mo lang lagi advice ni OB mo and rest lagi.

mommylyn

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 161
Re: Babies due 2nd Q - 2013 (Apr, May, June) THREAD 2
« Reply #54 on: November 06, 2012, 11:35:16 am »
^^sis, face ka na lang sa left side lagi. tapos yun right leg mo, lagi mo idantay sa pilow mo. yan ang position ko pag preggy ako. so far, laging okay ang position ng baby ko pag malapit na ang due date.  kasi pag preggy daw yan ang position na maganda yun blood circulation ng katawan natin at madaling makaka-position si baby lalo na pag malapit na due date natin. :)
God always answers our prayers. Maybe not with a YES, but always with what is BEST.

Starlust

  • Island Girl
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1185
  • iMeow
Re: Babies due 2nd Q - 2013 (Apr, May, June) THREAD 2
« Reply #55 on: November 06, 2012, 11:36:14 am »
@Priceless - your in laws are foreign too? I'm also going to be based overseas. We're leaving for France in a couple of weeks already because we've decided to deliver there. I'm due April pa naman.

My in laws are extremely nice, wala talaga akong masabi. I even get along better with them than with my own mother. We were there for a month nung September kasi we got married &  they would pamper me like crazy & make everything so comfortable for me. I really have no worries in this area :)

Call me weird but I prefer that my mother isn't there when I deliver. She's super super stressful kasi & such a control freak.

I think I'm more anxious about being separated from my current OB here in the Philippines kasi she's really really great! Also, even if I can speak French well na I'm still a bit worried that during the delivery baka may maganap na miscommunication between me and the staff.

Re-Sleeping Position:
I always sleep on my left side. I'm planning on ordering this pregnancy pillow when I arrive in Paris na.

"Give a girl the right pair of shoes, and she can conquer the world." - Marilyn Monroe

prettynvain

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1535
Re: Babies due 2nd Q - 2013 (Apr, May, June) THREAD 2
« Reply #56 on: November 06, 2012, 12:22:47 pm »
^^sis, pag patulog ako yes, pero di ko namamalayan umiikot ako. minsan magigising ako to pee nakahilata na eh. haha.
If yesterday didn't end up the way you planned it, always remember.. "if God had wanted your yesterday to be perfect, then He didn't need to create today..."

gogreengorgeous

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 949
    • The Curious Case of A Late Bloomer
Re: Babies due 2nd Q - 2013 (Apr, May, June) THREAD 2
« Reply #57 on: November 06, 2012, 12:41:38 pm »
@starlust sis kung sino ang mas comfortable ka and mas makakapagpalakas ng loob mo and makakaalis ng worries mo, yun na lang ang papuntahin mo pag malapit ka na manganak and sa day mismo na magdeliver ka haha. then let your family visit you na pag ok na :) ako i want my mom with us pag nasa hospital na dahil sanay sya sa mga hospital procedures e, si hubby kasi di nya masyado alam process sa hospital. like nung naoperahan ako last may, buti nandun mom and sister ko kasi na-assist nila si hubby sa mga kelangan gawin.

saka mahirap din talaga pag foreign hospital kahit kaya mo naman yung language nila, kaya sana bantay lagi si hubby everytime para maiwasan na magkaproblem. sana makahanap ka na agad ng trusted na OB dun na mapapalagay ang loob mo.  ;D

sa maid naman, ayaw ni hubby na yaya lang ang magtingin kay baby kung sakaling balik work na kami, gusto nya may kasama na kahit sino sa family namin (mom ko or mom nya or kahit sino na mapapagkatiwalaan). I agree with him naman, yun lang ayoko kasi talaga na magstay ng matagal ang mom ko or mom nya sa house na kasama namin kahit ok naman sila both. parang feel ko di ako makakakilos, alam mo na, isa lang dapat ang queen bee sa bahay dahil siguradong magcclash pag tumagal tagal na and yun ang pinakainiiwasan ko :D

prettynvain

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1535
Re: Babies due 2nd Q - 2013 (Apr, May, June) THREAD 2
« Reply #58 on: November 06, 2012, 12:53:34 pm »
^dito naman sis bawal ang bantay ss ospital. bale si hubby visiting hours lang makakapunta pero kasama ko siya sa delivery room naman.

and ayaw din ni hubby na yaya ang titingin, ayoko naman ng mom niya na fully mag-alaga kasi di sila marunong magturo ng good manners. hehe. so sabi ko pag 1 year old na yung bata baka tita ko na lang kunin naming yaya. atleast mapagkakatiwalaan ko siya kasi siya rin  nag-aalaga sa pamangkin ko now.
If yesterday didn't end up the way you planned it, always remember.. "if God had wanted your yesterday to be perfect, then He didn't need to create today..."

Starlust

  • Island Girl
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1185
  • iMeow
Re: Babies due 2nd Q - 2013 (Apr, May, June) THREAD 2
« Reply #59 on: November 06, 2012, 01:00:55 pm »
Thanks sis gogreengorgeous! Since my hubby is OA sa pagkaprotective, I know that he will be present all the time :D hehe. Mas paranoid pa nga siya sa akin.

I will meet my new OB palang this December 6. Hope we get along :D Happy naman ako dun sa hospital that we picked out with the help of my MIL. It's the 3rd best hospital in the country & they specialize in childbirth. After birth pala, they will send a nurse/midwife to check on me & the baby several times per week to see how I'm doing & teach me how to bathe the baby, breastfeed, etc.

"Give a girl the right pair of shoes, and she can conquer the world." - Marilyn Monroe

 

ADVERTISEMENT
follow us
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT
Featured Articles
The Top 10 Legs in Local Showbiz
We round up the sexiest legs in local showbiz.
5 Quick Ways to Get Rid of Post-Bakasyon Blues
Get yourself out of bed and out the door.
FNites! What Reminds You of Summer?
Send us a photo and we might feature it on the website!
FN's Top 10 SPF Beauty Picks for Summer 2014
These babies are mighty protectors from the sun's harmful UV rays.