Thanks mga sis! Kayang kaya nyo yan,search nyo [textspeak!] novena for safe delivery ni St. Gerard, yan dinadasal ko everynight nun.Will share my birthing experience.
October 23 at 2am may bloody show ako and regular contractions so just to be sure nagpunta nalang kami sa hospital to check, pero pagdating dun 1cm palang daw ako and we observed 4 hours kung magprogress pero hindi, so umuwi muna. Buong araw ng 23 I have contractions but tolerable naman, then October 24, I wake 6am naglakad ako sa grandstand, bale nakaisang ikot ako sa oval. Pagdating sa bahay I took a bath and able to sleep from 9am-12nn, then had my lunch. I have a 2pm check-up with my OB so nung mga 1pm nagpapalit na ako sumasakit2 nayung tummy ko napapatigil na ako sa sakit pero hindi ko pinansin.Super tagal pa namin sa parking wala kami mahanap pagdating sa hospital at dumodoble na yung pain na nararamdaman ko but still nakakapaglakad pa ako. When I reached my Ob's clinic sinabihan ko yung secretary na masakit na tyan ko pero kaya ko pa, then pagkaie sakin ng OB ko I was 5-6cm dilated na pala and 80% effaced haha! Hindi na ako pinauwi and for admission na ako so we transferred na sa hospital, they even asked me kung magpapakuha pa ng wheel chair told them na kaya ko pa. At 4pm admitted na ako and I received my 1st shot of epid, ie sakin 630pm 7cm na ako then suddenly nabroke na yung bag of water ko, that's the time na naramdaman ko na yung sobrang lakas na contractions at sunod2, I asked again for another shot of epid kasi sobrang hindi ko kinakaya yung sakit, sinasabayan ko ng pagkanta yung contractions para kahit papano malessen, I was singing the God of Silence, yun yung kinakanta ko kay baby pag bago ako matulog nung preggy pa ako. Next ie sakin 7:55pm then 10cm na ako so nilipat na sa delivery room. More than an hour na akong umiire pero ayaw bumaba ni baby, nakasiksik siya sa left side ko, my OB told me na iCS na daw niya ako kung ayaw parin bumaba, she went out and told my family na iCS na ako,when she came back I asked her kung stable ba ang heartbeat ni baby and she told me yes, so sinabihan ko siya na ayaw ko maCS, iire pa ako hanggat ok si baby..we waited for another contraction pero wala talaga then she told me na pagdating ng 930pm kung hindi pa lalabas si baby CS na daw ako baka makasama for me and baby, for the last time.. Sobrang lakas ng contraction..sinabayan ko mga sis,lahat ng lakas ko binigay ko! And AMEN to God! Lumabas si baby.. I heard her 1st cry and nilagay siya sa breast part ko, sinabayan ko siyang umiyak, that was the most wonderful moment of my life.
Kaya mga sis, just believe in yourself na kaya niyo and magdasal parati, hindi tayo pababayaan ni God.Btw, 4'11 lang height ko pero nakaya ko magnormal.
Ingat and enjoy your pregnancy!