keziah1219, very good naman ang train system nila, and masarap maglakad sa foreign city, so go lang.
When riding a cab, insist on meter. And kahit pumayag sa meter, be aware of the path! Dapat alam mo kung paano pumunta sa lugar na gusto mong mapuntahan. Iikutin ka ng metered taxis para tumaas ang singil sayo.
May pinara kaming taxi ng dad ko, ang singil samin eh 100 baht kahit less than a kilometer away yung pupuntahan namin. Kahit sakit na paa ko sa kakalakad, at kahit pagod na ako, I said no firmly. My dad wanted to take the cab na nga, kasi ang dami naming dala, pero ako yung matigas talaga na nag no. And I stood there, unwavering, hanggang sa nag-offer yung driver ng 80 baht. Pero mahal pa rin, so I stayed put. I waited for a metered cab, and 45 baht lang ang pamsahe namin.
Based on my experience, whether sa tuktuk, cab, or sa tiangge stalls, if you want to get a lower price, say no and turn your back on them. Sila pa hahabol sayo. May nabili akong blouse na from 350 baht naging 200 baht lang, kasi talagang tinalikuran ko lang. Nakakatawa nga kasi while I was walking away, sumisigaw yung tindero ng "350? 300? 250? 200?" at bawat tanong nya, sumisigaw din ako ng "NO" habang palakad papalayo hehe. Kaso nung umabot na sa 200, lam ko na fair price na yun, wala nang ibababa, kaya bumalik nako.