Here's the sitch:
- BF and I have been together for more than two years now.
- Last year, namatay sa sakit ang mommy ng BF, na super close sa kanya. Dati nga akala ko mama's boy siya pero nakita ko kung paano alagaan ni BF ang mommy niya, kaya naintindihan ko kung bakit ganoon na lang ka-close ang mag-ina.
- I'm her very first girlfriend (note: NBSB siya for 21 years). Ngayon, everyone around him, from his brothers, his sister, his relatives and friends urge him na mang-chicks. So much na last summer, humingi siya ng 'hall pass.' Bilang may tiwala naman ako sa kanya, pinagbigyan ko naman pero hanggang two months lang.
- Two days ago, na-mention niya sa akin na parang sawa na raw siya sa buhay binata, na parang gusto na niyang magpakasal, and so on. Ako naman, parang hindi ako naniniwala kasi (a) bata pa siya at 23, (b) hindi pa siya stable (full-time student siya sa law school), (c) may mga habits pa rin siya na hindi pa rin niya kayang mag-part. Pero ang primary reason ko ay dahil alam kong naniniwala pa rin siya (sa sinasabi ng mga nakapaligid sa kanya) na malulubos lang niya ang single life niya kapag nakapag-chicks siya.
To sum it up, the way I understand it, parang he wants to do more with his single life (that is, mang-chicks), otherwise, he is mulling his thoughts towards getting married? Medyo naba-bother ako sa ganitong sitwasyon, so help naman mga sis! TIA!