Sisses, sa mga ganyang scenario na kulang ang nasingil na shipping fee at i-aask naten na ibalik ang kulang ay wag na tayong umasa na ibabalik ng client ang kulang na nasingil. Na experience ko na rin yan, mabuti nalang maramihan kung kumuha so mejo kahit masama sa loob ko na malaki ang nawala dahil kulang ang nasingil ko hinayaan ko nalang.. Mas mainam nalang na next time pasobrahan naten ang singil sa SF lalo kung maliit lang ang mark up price naten, kasi di naten masabi. If ever na sumobra inform nalang naten sila na next purchase nalang naten isosoli ang refund..

Ako naman imbey ako sa sobrang barat na client, yung mga new items ko ngayon 15 to 35 pesos lang ang mark up ko tapos etong new client ko na never pang naka purchase sa akin ay bibili daw ng 20 pcs sabi pa gagawin na akong supplier kapag maganda ang at tatawaran pa ako ng 20 pesos each item! napaka barat! nakakaasar talaga. at ang tinatawaran nya eh yung tag 60pesos each na item, my God! kanya na orders nya at kahit saang lupalop ka ng mundo pumunta kung ganun kakonti ang kukunin mo di ka pagbibigyan ng ganun kalaking discount.. Nakaka dismaya ang mga ganitong client, okay lang humingi ng discount pero yung sila na ang magsasabi kung magkano ang ibibgay mo na discount di ko na yun ineentertain, di kawalan ang mga ganyang clients, may mga client ako na kumukuha ng 50 pcs at suki ko na never akong hiningian ng discount, pero ako na ang kusang nagbibigay ng discount at freebies sa kanila.. grabe isipin nalang ang pagod, parang di na nga halos makabawi sa pagod palang ang kita ehh, pero para lang maidispose ng mabilis nililiitan nalang ang mark up, pero may mga ganito pa din.. Haaay..