would you believe i still have not acquired this lot? first was the SPA of the lot owners. 2010 pa yung SPA nila. tapos when they sent another SPA eh wala man lang authentication from the embassy. eh ayaw ni lawyer friend ng ganun, ni hindi man lang notarized yung pinadalang authorization. at sabi pa eh kung ayaw ko daw nung pinadalang authorization eh di maghahanap na lang daw sila ng ibang buyers. jusmio, ako pa takutin nila. eh two years ng nasa market yung property di pa rin nabebenta!
so finally dumating ang SPA. magbabayaran na kami ng reservation/earnest money. aba ang amilyar at association fees nila libo libo ang arrears. bayaran muna nila yun ano bago ako mag full payment. may contract to sell naman na pipirmahan. so game na. ang broker suggested na mag double deed of sale. gusto i declare lang ang zonal value para maliit daw bayaran na capital gains tax. pak! nakagalitan na naman ako ni lawyer friend. gusto ko daw ba makasuhan ng tax evasion chorva??? stalemate na naman kami. ayaw ng nanay ni seller magbayad ng malaking capital gains tax.
i emailed the owners of the lot and kinwento ko buong storya. baka di nila alam kung ano ano pinagsasa suggest ng broker. unang reply was kung ayaw ko daw pumayag sa zonal value eh walang transaction na mangyayari. naku ha, please lang. hindi naman to die for yung lupa nila. corner lot nga, maganda talaga at maaliwalas yung cut na yun pero i am also considering another lot na mas malaki at mas mura kaya wag nila ako takutin.
about to give up na sana and call the other broker when the owners emailed me and said upon the advice of their solictor (katumbas ng lawyer natin yun?) eh tama naman daw yung gusto ko mangyari. so heto na. abangan ang susunod na kabanata.
para hindi ma OT heto ang picture ng lote at ang mahiwagang mga poste ng pldt. plural, tatlong poste ang nasasakupan ng lot:
http://i135.photobucket.com/albums/q132/selle318/pang%20upload/P1080729.jpg