Alam mo sis ilang weeks before my wedding. Nagstart ang iringan namin ng SIL ko plus her cousins and isang tita na makitid ang utak. Muntik nako mag back out sa wedding kundi lang sinabi ni hubby na hindi naman sila papakasalan ko. Even on my wedding hindi nagptalo. After ng church ceremony pinalitan yung gown kasi abay sya eh. Nagpalit ng bongga na gown. Kkaloka sya.
I promised myself na papatunayan ko sa kanila mas BETTER at di lang puro ganda (kasi sobra syang proud na maganda sya pero yun lang kaya nya pagmalaki) ang meron ako (i'm not pretty pero di naman ako pangit ha LOL)...
When hubby finally got his family visa sumama na ako sa kanya sa abroad and promised myself my parents and even my PIL will be proud of me. At sila NGANGA! Luckily sinuwerte makapasok ako sa isang US government office. And we now have a house of our own. Ako pa nagpapasalubong ngayon kay SIL pag ngbabakasyon kami. Oh well, sa bawat thank you nya sakin ngayon lagi ko nalang iniisip na "eto ako ngayon na dati nyo nilait lait"!
Eh sya ano sya? Maganda daw? Tapos wala na. Employed as receptionist for a very long time pero till now contractual. Nung nasa pinas ako i even helped her para makapasok sa office namin as receptionist din pero mas malaki sahod pero di sya pumasa. Nung wedding nila, nagpipilit magpakabongga ng kasal at gusto daigin yung samin pero kapos naman sa budget. Even the rings they used eh samin dapat hindi lang ngkasya kaya binigay na namin sa kanila.
Myabang at feeling lagi rich sya eh ang totoo naman hindi. Yung tipong makabili lang ng phone na uso eh uutang kasi nakita nya new phone namin ni hubby. Tapos aasta akala mo madami pera. Gusto rin bumili ng house sa subdivision kung saan kami nakakuha pero hindi afford. Nasan ang yabang nya ngayon na rich sya? Waley!
Ang point ko dito, wag masyado malakas ang dating mo sa ibang tao na akala mo ang perfect mo at ang taas mo pero hindi naman. Na wala ka naman kayang ibuga.
Mabuti nalang maganda ang pagpapalaki ng magulang ko sa akin pinapayuhan ako ni mother na hayaan ko lang sya. Eh ang tita nya, tuwang tuwa sya dun samantalang ang galing magpayo nakisawsaw pa sa iringan ng mga bata hahahah nakakatawa sya.
Even the cousins wala din naman ipagmamalaki akala mo mga perpekto.