Get weekly updates via email!
tip of the day THU 23 MAY 13
If being in transit causes you to get dizzy, prepare yourself well before the bus leaves. Choose a comfy seat and make sure to take a
Good House Keeping
31 DAYS TO HAPPY
A brand new look with more of the tried, tested, and trusted content you've been reading for 15 years!
Good Housekeeping
GIRLTALK

Author Topic: Celebrity Blind Item (Thread 31)  (Read 37550 times)

sweetscience

  • Certified
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 968
  • I ♥ the Butterfly effect...
    • Sweetscience08 Online shop
Re: Celebrity Blind Item (Thread 31)
« Reply #20 on: September 10, 2012, 10:54:17 am »
Young actor, nagbasag sa hotel
 
ALLAN DIONES


WALANG nabalitang engkuwentro o anumang insidente sa isang mabituing piging na ginanap kamakailan kaya akala namin ay naging behaved this time ang lahat ng artistang nagsidalo sa nasabing okasyon.

‘Yun pala ay may naganap noong gabi na ‘yon, pero hindi lang ‘yun ku­malat at napabalita kahit saan.

Ang involved sa insidente ay isang young drama actor ng network. May ginawa itong kabalbalan [textspeak!]’ng gabing ‘yon dahil sa sobrang kalasingan.

Nagtutugma ‘yung kuwento ng magkaibang sources namin na may mga nasirang hotel property si young drama actor doon sa lugar na pinagdausan ng event.

Hindi namin sure kung kaninong kuwarto ‘yung pinanggalingan ni young drama actor na nagkabasag-basag ang mga painting dahil sa pagka­bangenge niya.

Tahimik at mukhang hindi basagulero ang dating ni young drama actor kaya medyo nagulat kami sa nakarating sa aming kuwento.

Basta [textspeak!]’ng gabing ‘yon ay grabe umano ang pagkalasing nito at hindi na kayang kontrolin ang sarili.

Tila may kinalaman din sa pagbabasag ni young drama actor ang sitwasyon nila ng nobya niyang promising young actress.

Ang dinig namin ay break na ang dalawa, gayong kamakailan lang ay naging very open si young drama actor sa nararamdaman nito sa magandang young actress.

Mukhang isa ang breakup nila sa nakapag-trigger sa kakaibang mood ni young drama actor [textspeak!]’ng gabing ‘yon lalo pa’t bumabaha ng inuming nakalalasing sa party at enjoy silang lahat sa pagtoma.

May mga nakapansin kasi na tila nag-iiwasan ang dalawa sa party at ni hindi man lang sila nagtabi at naging cozy the whole evening tulad ng ibang mag-sweetheart na present [textspeak!]’ng gabing ‘yon.

May nakarinig din kay promising young actress na nagko-comment ng hindi maganda habang tinitingnan ang pictures ni young drama actor sa catalogue na isinabay ang paglulunsad sa nasabing event.

Ang medyo duda ng isang source namin ay baka hindi lang impluwensiya ng alak ang nagtulak kay young drama actor para magwala at manira ng gamit sa hotel [textspeak!]’ng gabing ‘yon kundi baka may iba pa itong tinira maliban sa alkohol.

Marami kasing ibang artista na pumaparty rin nang todo at nagpapakalasing nang walang patumangga kapag sumasapit ang mabituing piging na ‘yon, pero wala pang napaulat na may nag-trash ng hotel room na katulad ng ginawa ni young drama actor.

Hindi namin sure kung pinagbayad ba ng hotel si young drama actor o sinagot ng kanyang home network ang halaga ng mga napinsalang gamit doon sa hotel.

Sabi tuloy ng isang source namin, tahimik pero mukhang mapanganib pala si young drama actor lalo na kapag nakakainom.

Hindi raw pala ito isang ‘anghel’ gaya ng titulo ng kanyang madramang programa.
 
------------------

JM de Guzman ba yun? yung sa anghelito?
« Last Edit: September 10, 2012, 11:04:49 am by sweetscience »
http://sweetscience08.multiply.com

♥Got engaged last Feb 06 2011♥
♥ Our 7th anniv and Big Day on Dec 08 2011♥
Our Wedsite :)

sleeping_beauty

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 665
Re: Celebrity Blind Item (Thread 31)
« Reply #21 on: September 10, 2012, 10:58:02 am »
Magaling na aktres lumayas na sa kanilang bahay, iniwan ang asawa't mga anak

Nalungkot kami sa narinig namin sa radio na umalis na sa bahay nila ng kanyang pamilya ang isang magaling na aktres at nagsasarili na ito ng bahay. Naiwan sa bahay nila ang mga anak at asawa pero gaya sa kaso nina Ramon Christopher at Lotlot de Leon, libre naman sigurong madadalaw ng kanyang mga anak ang aktres sa bago nitong bahay.

Matagal nang natsitsismis na hiwalay na ang showbiz couple pero ang alam ng lahat, sa iisang bahay pa rin sila nakatira. Ngayong umalis na sa family house nila sa may Quezon City ang aktres, sumunod na kaya ang pag-amin nila ng ex-husband na matagal na silang estranged couple?


*** is this CB? kasi taga QC sila eh...

momai

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 614
Re: Celebrity Blind Item (Thread 31)
« Reply #22 on: September 10, 2012, 11:16:03 am »
BLIND ITEM: Yes, latest na latest ang aming blind item today. Knowing n’yo ba ang bida natin na isang actress na malapit nang magpa-kasal sa isang politician mula sa may bandang Norte?

Sabi nga walang lihim na hindi puwedeng sumingaw. Yes, mga kaibigan, mukhang lihim pa ang preparasyon pero isang very reliable source ang nakapagtsika sa atin na busy na nga raw ang mga wedding organizer sa nalalapit na kasalang magaganap.

Alam na kaya ito ng dalawang anak ng aktres ang naging desisyon nitong magpakasal? At isama pa rin natin ang kanyang ex-husband, alam na rin kaya nito?

Kung matuloy man ang seremonya, bale second time na ni aktres kung saka-ling ngang makasal nga siya. Makialam kaya ang kanyang mga anak? Boto kaya ang mga anak niya? O, knows, n’yo na ba?

si ruffa guttierez kaya ito? may sinabi kasi siya sa isang interview niya sa TV5 na gusto daw niyang maging first lady eh....sino kaya ang politician?
If you want to feel rich, just count all the things you have that money can't buy....

sheilathevamp

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 83
Re: Celebrity Blind Item (Thread 31)
« Reply #23 on: September 10, 2012, 12:53:14 pm »
Si JM de Guzman rin hula ko sa aktor na naglasing. naipakita nga yun di ba na parang di sila nagpapansinan ni jessie mendiola ba yun if I'm not mistaken.

hun_nie08

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 376
Re: Celebrity Blind Item (Thread 31)
« Reply #24 on: September 11, 2012, 12:57:21 am »
si JM nga din hula ko.

marthastewart

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 37
Re: Celebrity Blind Item (Thread 31)
« Reply #25 on: September 11, 2012, 04:12:43 am »
From Ricky Lo:


Just when they are looking forward to walking down the aisle next year, maybe with their kids as Flower Girls, comes the sad/bad whisper that this lovable, supposedly loving, showbiz couple is headed for splitsville. They got married in civil rites in 2010 just before she gave birth to their first child. (Clue: There are two “a’s” in her name and three “o’s” in his name.)

What is causing the rift between them? Doesn’t the actor-husband approve of the actress/dancer-wife’s decision to return to showbiz (as part of a fantasy-drama)? Or, as the wife is reportedly suspecting, is the actor back to playing the field? He and the very popular boyfriend of a very popular actress used to have “spare tires” (read: kept women, both members of a sexy dance group).

If and when they do part ways (and their friends hope that they will not), they will follow in the footsteps of uncouples Heart Evangelista (oops! she looks like the actress-wife referred to above) and Daniel Matsunaga, Derek Ramsay and Angelica Panganiban, and Shaina Magdayao and John Lloyd Cruz (not to mention a sexy dancer in a defunct noontime show romantically linked to a businessman with a prominent surname married to the celebrity-daughter of a respected celebrity).

Who do you think is the next couple to call it quits?

Look around and those claiming to love each other until eternity and who are guilty of excessive PDA (Public Display of Affection) could be “it.”

glitterysugar

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 245
Re: Celebrity Blind Item (Thread 31)
« Reply #26 on: September 11, 2012, 05:43:30 am »

^hula lang: lian paz and paolo contis?
you don't bring out the best in me, you bring out the bi*ch in me.

marthastewart

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 37
Re: Celebrity Blind Item (Thread 31)
« Reply #27 on: September 11, 2012, 06:43:47 am »
^hula lang: lian paz and paolo contis?

Correct, sis!!! Very popular actress is marian rivera, na ang bf is dingdong dantes na best friend ni paolo contis. So wait......merong "kept women" sina paolo and dingdong????? Wow.

waterlily

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 69
Re: Celebrity Blind Item (Thread 31)
« Reply #28 on: September 11, 2012, 09:15:05 am »
natawa naman ako don sa kept woman ..di kaya isang kilalang politician yon lalaki at di bf ng sikat na actress  kaya out na si dancer sa isang kilalang show dahil lumaki na tiyan LOL

sweetscience

  • Certified
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 968
  • I ♥ the Butterfly effect...
    • Sweetscience08 Online shop
Re: Celebrity Blind Item (Thread 31)
« Reply #29 on: September 11, 2012, 10:44:49 am »
Young actor, kinakaya-kaya ng young actress
(GORGY RULA)

GUSTO lang naming magdagdag ng kuwento sa inilabas ni Allan Diones na blind item tungkol sa young actor na nagbasag ng mga gamit sa hotel sa isang mabituing pagtitipon kamakailan.

Napag-usapan lang namin ng ilang kaibigang malapit kay young actor na ang pagkakaalam nila, matagal na itong hiwalay kay promising young actress.

[textspeak!]’ng nagsu-shoot pa lang si young actor ng isang pelikulang isinali sa isang film festival, problemado ito dahil sa ‘di magandang relasyon nito kay young actress.

Napakaselosa ni young actress at takot sa kanya si young actor. Ang tingin pa ng ilang kaibigan ni young actor dito sa minamahal niyang young actress ay masama ang ugali.

Kung magselos ito ay wala sa lugar, na halos lahat ay pinagseselosan.

Pati ang leading lady ni young actor sa pelikulang ginagawa niya noon ay pinagseselosan ni young actress. Walang basehan ang selos na ‘yun.

Kaya sana ay tinuluy-tuloy na nito ang pakikipaghiwalay.

Nagulat sila, bakit hanggang ngayon ay ganu’n na lang pagmamahal ni young actor kay young actress na kinakaya-kaya lang siya?

-----------

si JM at Jessy ulit..
http://sweetscience08.multiply.com

♥Got engaged last Feb 06 2011♥
♥ Our 7th anniv and Big Day on Dec 08 2011♥
Our Wedsite :)

pandalicious

  • not your typical
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 986
  • no time for judgemental, narrow-minded hipocrites
Re: Celebrity Blind Item (Thread 31)
« Reply #30 on: September 11, 2012, 11:26:21 am »
Naku kung totoo man yan, kawawa naman si JM, hanap na lang siya ng iba :P
Never judge anyone, you don't know their life story
Learn to RESPECT other people's opinion
[textspeak!] means EDIT your post
BACKREAD para di clueless

france0220325143

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 534
Re: Celebrity Blind Item (Thread 31)
« Reply #31 on: September 11, 2012, 02:59:58 pm »
mukhang maldita si Jessy.. IMHO lang...

sk8rboyswife

  • i'm bulletproof nothing to lose
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 564
  • fire away, fire away
Re: Celebrity Blind Item (Thread 31)
« Reply #32 on: September 11, 2012, 03:31:56 pm »
^^^ kung sino pa yung napakaganda, yun pa ang selosa. (Jessy)

funky f

  • Shoe Diva Girl Talker
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1880
  • shoe lover...shoe diva
    • Flirteshoes
Re: Celebrity Blind Item (Thread 31)
« Reply #33 on: September 11, 2012, 04:08:55 pm »
^hula lang: lian paz and paolo contis?

pero sabi, there are three "Os" daw sa name ng guy...

sweetscience

  • Certified
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 968
  • I ♥ the Butterfly effect...
    • Sweetscience08 Online shop
Re: Celebrity Blind Item (Thread 31)
« Reply #34 on: September 11, 2012, 04:35:44 pm »
^sis kasama yung surname.. paOlO cOntis
http://sweetscience08.multiply.com

♥Got engaged last Feb 06 2011♥
♥ Our 7th anniv and Big Day on Dec 08 2011♥
Our Wedsite :)

funky f

  • Shoe Diva Girl Talker
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1880
  • shoe lover...shoe diva
    • Flirteshoes
Re: Celebrity Blind Item (Thread 31)
« Reply #35 on: September 11, 2012, 04:49:08 pm »
ay, oo nga...haha!  sorry naman, hehe!

glitterysugar

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 245
Re: Celebrity Blind Item (Thread 31)
« Reply #36 on: September 11, 2012, 06:49:27 pm »
Correct, sis!!! Very popular actress is marian rivera, na ang bf is dingdong dantes na best friend ni paolo contis. So wait......merong "kept women" sina paolo and dingdong????? Wow.

sad naman kung may kept woman nga si paolo. but dingdong dantes? parang ang hirap paniwalaan kase marian gives me the impression na bantay-sarado si dd sa kanya eh. tapos warla agad sa kanya pag feeling nya "threat" sa relationship nila ni dd. hmm..
you don't bring out the best in me, you bring out the bi*ch in me.

pandalicious

  • not your typical
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 986
  • no time for judgemental, narrow-minded hipocrites
Re: Celebrity Blind Item (Thread 31)
« Reply #37 on: September 11, 2012, 07:06:23 pm »
^ baka naman noon pa yun, sabi naman sa BI "used to have", baka wala na ngayon natakot na kay MR hehe.
Never judge anyone, you don't know their life story
Learn to RESPECT other people's opinion
[textspeak!] means EDIT your post
BACKREAD para di clueless

neng10

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 246
Re: Celebrity Blind Item (Thread 31)
« Reply #38 on: September 11, 2012, 09:06:38 pm »
Hindi naging malinaw ang hiwalayan nina Aktres at ni Aktor.
 
Kung paano? Saan? At ano ang dahilan? Walang nakakaalam.
 
Basta bigla na lang lumabas sa mga balita na hiwalay na nga sila.
 
Pero may nakapagbulong sa yours truli, ng tunay na dahilan daw kaya hiniwalayan nina Aktor si Aktres.
 
Ayaw raw kasi ng paryentes ni Aktor kay Aktres.
 
Ang sabeh: Wiz nila feel ang pagiging "JEJE" ni Aktres para sa kanilang Hijo.
 
Richie Rich kasi ang pamilya ni Aktor at feel nila, wiz deserving ni Aktres ang kasosyalan nila.
 
Kung ganun pala ang feeling nila na zuper zozyal ang level nila, bakit di na lang nila patigilin si Aktor na junak sa showbiz?
 
Afterall, sa ayaw nila o sa gusto, maraming "jeje" na katulad ni Aktres sa showbiz at baka ang next girlfriend ng kanilang Hijo de... ay isa na namang, sa wika nga nila, "jeje."
 
Knows nyo ba kung sino si Aktres at si Aktor?

http://www.pep.ph/peparazzi/photos/3399/jeje-girlfriend

---i just read this from pep. have no idea....:)

hun_nie08

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 376
Re: Celebrity Blind Item (Thread 31)
« Reply #39 on: September 11, 2012, 11:02:39 pm »
^ Maja and Mateo ang hula ko

 

ADVERTISEMENT
follow us
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT
Featured Articles
Color Story: 20 Fresh and Fab Looks from Mexx
Mexx opens its Shangri-la Plaza East Wing branch with a fashion party.
The Fast and the Furious: 3 Tips for Quickie Newbies
Sometimes, you just have to let your inhibitions go.
The Cool Mom's Guide to High School TV Series
Bond with your teen over these four great shows!
10 Delicious Food Picks at Yummy Eats 2013
We came, we saw, we ate! See our fave finds from this food-filled event.
The Damage is Done: 5 Bad Hair Habits to Drop
Quit these habits for healthy locks!
DMCI DMCI