Get weekly updates via email!
tip of the day MON 22 SEP 14
Problems with doggy ticks and fleas? A fine-toothed comb will help you brush them out--just be sure to kill them (e.g., in vinegar or alcohol) so
  • Good House Keeping
    Judy Ann Santos-Agoncillo returns to our cover this September issue and gets candid about money, marriage, and motherhood.
    Good Housekeeping
  • Women's Health
    Drop two sizes fast—with simple exercises you can do at home! This month's ultimate weight-loss special shows you how. Plus, real women share how you, too, can shed and keep off excess weight for good.
    Women's Health
GIRLTALK

Author Topic: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)  (Read 66163 times)

mamichula

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 290
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #140 on: November 17, 2012, 02:04:33 AM »
^yan din sinabi sakin Ng mommy Ko. Sya daw kasi masyado financially dependent sa dad Ko and mahina pa business Nya nun kaya Hindi sya nakahiwalay kahit mambababae dad Ko. Tiniis daw Nya for us kasi Magiging kawawa daw kame. So sabi Nya dapat bukod sa. Magtipid Ang women daw dapat kahit papahanap may career be wag masyado madming anak para u can walk away agad pag nambabae the husband.

gab54

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 964
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #141 on: November 17, 2012, 02:13:21 AM »
sis momentum, salamat

sis feb24, just continue what u are doing, being the best wife u can be. hayaan mo mataranta at mainip at mapraning si kab!tch, antayin mo siya ang bumigay, either magsawa, mag hanap ng iba, magtampo sa hubby mo, mag demand, mag nag... torture her by giving her the idea na "kahit anong mangyari hindi mo hihiwalayan si hubby". darating ang time mas nagger, demanding, haggard pa siya sayo! matatauhan si hubby at iwan siya. pag pray mo lang talaga na wag siya mabuntis. mas complicated...

snowflakes

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 976
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #142 on: November 17, 2012, 05:34:05 AM »
Just keep on praying sis, ako nga dati pag natutulog asawa ko pinag pe pray over ko sha. Nakakatawa pero desperate na ko noon at Diyos lang kakapitan ko. Nawalan na ko ng pag asa kase wa epek dasal ko minuminuto.
After 8 years nagbago sha... Simula ng lumabas baby ko mabait na asawa ko. Tyagaan lang sis hanggat kaya mo wag kang bibitaw. Pero kung sagad kna wag mo ng pilitin.

bibibuy

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 255
  • ... Hotter than a fantasy, lonely like a highway
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #143 on: November 17, 2012, 06:48:17 AM »
pano naman sa part ng hindi kasal sa lalaki na may kabit?

nalaman ko to last month at syempre i confronted him. ng away kami at inaway ko yung kabit. ang hirap kasi hindi naman kami kasal at may isa kaming anak. todo tanggi siya na may ginagawa syang milagro though ilang beses ko na nahuli sa text, sa mga history sa internet at pag tatago nya ng cellphone nya sakin. ito nga at nahanap ko tong topic na to at tntry ko ngayon na iapply yung sinasabi ng ibang mga sis na be a better wife at ipakita sa asawa na sweet ka, mapagmahal at maalaga ka. yun ginagawa ko ngayon, alam ko pakitang tao lang yun pinakikita ni hubby na nag papaka sweet sakin. kasi behind my back or when im not around todo text parin sya dun sa kabit. wala akong pinaghahawakan dahil hindi kami kasal pero im still trying my best na ako piliin nya. ayaw ko sabihin sakanya, gusto ko sya mismo ang bumalik sakin. mag hihintay ako na bumalik yung totoong kami noon.
Fun to be with. Secretive. Difficult to fathom and to be understood. Quiet unless excited or tensed. Takes pride in oneself. Has reputation. Easily consoled. Honest. Concerned about people's feelings. Tactful. Friendly. Approachable. Emotional temperament

snowflakes

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 976
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #144 on: November 17, 2012, 07:03:11 AM »
^sis 5 years kaming live in bago magpakasal. Sa 8 years na pagtitiis ko worse ng buhay ko ang first 5 years. Yun ang time na marami shang babae. Pero di ako nagpatalo. Oo t**** ko pero mahal ko eh. Yun nga lang wala pa kami anak non.

bibibuy

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 255
  • ... Hotter than a fantasy, lonely like a highway
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #145 on: November 17, 2012, 07:46:04 AM »
^ so sis, [textspeak!] ginawa mo? ako din mahal ko sya kahit live in lang kami gusto ko ako parin piliin nya at pakasalan sa huli
Fun to be with. Secretive. Difficult to fathom and to be understood. Quiet unless excited or tensed. Takes pride in oneself. Has reputation. Easily consoled. Honest. Concerned about people's feelings. Tactful. Friendly. Approachable. Emotional temperament

stylishmomy

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1830
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #146 on: November 17, 2012, 09:03:17 AM »
^yan din sinabi sakin Ng mommy Ko. Sya daw kasi masyado financially dependent sa dad Ko and mahina pa business Nya nun kaya Hindi sya nakahiwalay kahit mambababae dad Ko. Tiniis daw Nya for us kasi Magiging kawawa daw kame. So sabi Nya dapat bukod sa. Magtipid Ang women daw dapat kahit papahanap may career be wag masyado madming anak para u can walk away agad pag nambabae the husband.

I agree with your mom sis. Very good point, dapat may career ang wife para if things gets worse you can leave anytime and not worry on how you will raise your child/children.

dhuday

  • Probationary
  • Posts: 8
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #147 on: November 17, 2012, 11:26:40 AM »
Naalala ko lang minsan nagbiro si hubby. Sya kasi pinamalantsa ko nung  Shirt nya kasi wala naman syang ginawa maghapon. Pinipilit ako na ako na raw eh sabi ko naman pwede naman wag na plantsahin isuot nya na lang. Sabi nya makikita raw ng crush nya. SAbi ko ako rin may crush (pero wala naman). Sabi nya magsasama na kami. SAgot ko naman o sige basta magpatayo ka muna ng bahay para sa anak namin at sustento nya kasi ako wala ng balak mag asawa. Pabor sa akin yun sabi ko, may sweldo ako, may anak ako, wala na akong ipaglalaba, ipaghahanda ng baon, ipagluluto at ipamamalantsa..in short buhay single ulet. Kaya lang sabi ko siguraduhin mo lang na mabibigay mo yung condition ko kasi kung hindi kulungan ang bagsak nila.

I know my worth kasi at bihira na syang makakakita ng kagaya ko. Alam din nya siguro na hindi naman din masyadong kawalan sa akin kasi meron din ako kung anong meron sya. In fact I'll gain pa nga. One thing wala na akong in laws na demanding at arogante. Kung my own family side ay at peace at hindi kami ginagambala, sa side naman nya yung family side nya sa pinas puro pera pera..lahat katumbas pera pabigat na din minsan. Pero sabi nga what to do? di naman din sila matitiis ni mister kaya tanggap ko na yun.

Tsaka naisip ko din na my parents raised me well, they deserve that their daughter be treated well. At ganun din naman ginagawa ko sa asawa ko..i treat him well. Ako rin naman kasi may mga pagkukulang.

So empower yourselves..para you'll have the confidence to walk out and retain your self worth.   

snowflakes

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 976
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #148 on: November 18, 2012, 12:09:39 AM »
^ so sis, [textspeak!] ginawa mo? ako din mahal ko sya kahit live in lang kami gusto ko ako parin piliin nya at pakasalan sa huli

dinaan ko nga sa dasal sis. lagi kase nag aaway kapag nabubuko ko sha at inaaway ko yung kabitena!

FayeP

  • I so love my baby reid!!!!!
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 914
  • 2year old na ang bebe ko...
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #149 on: November 18, 2012, 04:04:36 PM »
sa totoo lang mga sis parang ang sarap talaga ng feeling kun aawayin mo un kabit...ako, pag iniimagine kong may kabit si hubby, iniimagine ko na binubugbog ko un girl haha

last week nagkwento un isa kong friend na pinagresign na un hubby nya (sa call center un hubby nya work) en nagkaron ng isang TL na kulit ng kulit at flirt ng flirt sa hubby nya...hindi pa kasi kasal un friend ko pero may 2 kids na sila..nun tinext nya un flirty TL, aba cya pa un inaway at sabi mayaman cya, so wag cya guluhin ng friend ko, sabi naman ng friend ko eh mayaman ka pala bakit di ka mag aral  ulit ng grammar, pangit ng grammar mo...

kakainis lang
"The LORD is my rock, my fortress and my deliverer; my God is my rock, in whom I take refuge. He is my shield and the horn of my salvation, my stronghold."
                                     -Psalm 18:2

reese**

  • ProfessionalGoofer/
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 267
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #150 on: November 18, 2012, 05:49:31 PM »
i recently separated from my husband. for more than 2 years hindi kami OK, he is physically present but parang wala. for the longest time ive been asking maghiwalay kami kasi hirap na hirap na ako. he leaves the house and goes home anytime he wants. whenever i ask he will get mad. nanganganak ako walang nakaka alam kung nassan siya, yun pala kasama ng kabit nyang may asawa at anak din. worst thing is i just found out that they have a baby. so all these time my husband has been cheating on me. ang masakit he was with the kabit when she gave birth tapos ako wala siya due to work daw. i was able to get into his fb account and saw all their pics, sobrang hurt ako because i felt so betrayed in all possible ways. my hubby was jobless for almost 2 years then ako ang support ng fam and yet he has a kabit. i believe the girl is the one financing their escapades since madaming money yung husband nya. they even have fam pics dun sa fb.

i believe it is true that madalang sa cheaters ang nagbabago. they have to be in a life threatening/life changing situation to change. this is the 2nd time my husband cheated on me. I forgave him the first time. my bad was i did not see that he really reformed or no true remorse (both from aquacharly hehe)and just took him back. but the thing is people like him might be really weak and get tempted easily.

he is really in a messy situation because the woman also has a kid with a husband. it seems the husband took her back even if she got pregnant with my husband. but the husband did not know that until now ( the baby is 8mos) they are still seeing each other. since i hacked his fb with all the pics, i made it public and added her hubby and everyone in her workplace. fyi, he was a former boss of my hubby. but my hubby resigned last year since the gossip has been starting and i was always fighting with him about it. little did i know na even if he resigned they really continued whatever they were doin. weird thing is her hubby added the account in fb then removed it immediately sabay deactivate sa fb nya. im not sure if its because ayaw nyang maniwala na recent pics yun or who knows what.

im so hurt right now kasi we have 2 kids, i felt like we were just disposed so easily since he wanted a new family with the kabit. i really feel bad for my kids kasi they dont deserve to be treated this way.. what i dont understand is ive been askin him for the longest time to just leave, and be with whoever he wanted to. that will hurt - a lot but still its better than being stupid for the longets time since he's been lying to me na wala daw ibang babae ang ang problema is siya at hindi ako ( the overly gasgas line !)kaya lang talagang niloko pa talaga ako ng 2 years at pilit na tinago.
« Last Edit: November 18, 2012, 05:54:19 PM by reese** »

snowflakes

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 976
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #151 on: November 19, 2012, 06:07:11 AM »
^ sis tama ka, di sila magbabago. titigil sila ng ilang years pero babalik at babalik sila sa tunay nilang anyo. minsan sabi ng friend ko ano ba daw ang kulang sakin at nangangabit asawa ko. sabi nya nasa akin naman daw ang lahat, unless sex life. pero modesty aside, sabi na rin ng asawa ko magaling ako sa sex at mahilig pa ko kesa sa kanya. so i dont think it was me. ang lalake mismo ang may problema.
masakit lang tayo nasisisi pag nambababae sila . for me, it runs in the blood. nasa lalake ang problema... at kahit ano gawin natin magpa tumbling tumbling pa tayo gabi gabi, kung magloloko si lalake, magloloko yan. sabi ng isang friend ko, daanin ko sa dasal. sa awa ng Diyos nag stop asawa ko since kinasal kami nung 2007. pero five years ako nagtiis sa pambababae nya. year 2011 nanganak ako nung nagbago pati ugali at pakikitungo nya sakin. as in mabait na sha sakin. wala ng masasakit na salita ako naririnig. kaya magdasal pa rin tayo na sana tuluyan na silang magbago.
if bumalik sha sa dati nyang anyo, di ko na alam gagawin ko.

crunchymyx22

  • Makeup Addictus
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 534
  • None
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #152 on: November 25, 2012, 02:17:11 AM »
antatapang ng kabit ngayon

mamichula

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 290
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #153 on: November 27, 2012, 05:08:09 PM »
^at ang kakapal ng mga muka

miminibebe

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 217
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #154 on: November 28, 2012, 01:45:37 PM »
^dahil yan sa mga movies ngayon, sabi nga ng 1 sis dito ata or sa ibang forum, glamorized na ang mga kabit kasi ang daming movie, teleserye at kung anuano pa about them na parang yung iba na-justify pa bat sila kumakabit. hehe

mamichula

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 290
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #155 on: November 28, 2012, 05:21:53 PM »
^onga bat ba nauso yang mga palabas na yan. Khit [textspeak!] pang sabihin kahit ang rason nila eh naghihingalo na ng tatay aa hospital at kailangan mangabit para makkuha ng pera,kabit pa din sila.may sinisira silang pagsasama, pamilya. Or [textspeak!] iba they justify their stupidity by saying "eh d naman nya talaga mahal ang asawa nya pinikot lang" or "salbahe daw kasi [textspeak!] asawa nya kaya sya nambabae" etc bali baliktarin mo man ang mundo mas mali pa din mangabit. Khit anung salbahe ng asawa d dapat niloloko. Eh di kung d tlg sila magkasundo ayaw na tlg ni lalaki sa asawa mag pa annul sila ng maayos kesa nangingibab bahay sya at nanloloko ng pamilya.

february24

  • Newbie
  • *
  • Posts: 23
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #156 on: November 28, 2012, 06:49:53 PM »
grabe oo ang mga movies ngayon mga kabitan ang theme.  uso nga talaga siguro ang kabitan ngayon at ang mga malalandi naman porket uso, naki-uso na rin....

pero parang ang pangit na ganun lagi ang thema kabit kabit.  para bang kinukundisyon na ang mga utak nating mga pinay na ang pangangabit at polygamy is a normal phenomena in this country.  kaya yung ibang malalandi parang proud pa sila namga kabit sila kasi nga uso daw kuno.  what the heck!!!

yung kabit ng husband ko kung manggulo wagas.  sabi nya sa tyext na paparusahan daw nya husband ko kasi sobrang nasaktan daw sya, pinaniwala daw sya at pinaasa lang.  nung ramdam na daw ng husband ko na in love na in love na sya bigla daw syang binitiwan, sabi ni kabit di daw marunong rumespeto husband ko.  ay ang t**** talaga ni kabit noh?  the fact palang na pinopormahan sya ng may asawa ibig sabihin hindi sya desenteng babae.  for me lang ha parang nakakainsulto para sa isang desenteng babae liligawan ng may asawa.... sobra na akong nai-stress sa mga kabit, grabe.

snowflakes

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 976
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #157 on: November 29, 2012, 06:17:03 AM »
nakoh kaya ako takot umuwe ng pinas with hubby. ayoko na pagdaanan ulit ang sakit na naranasan ko noon. kase for sure pag nagbakasyon sha sa pinas kikitain nya mga yun dahil may mga common friends sila.. waaaaaaa

feisty_angel4

  • be what you want to be!
  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 119
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #158 on: December 01, 2012, 03:36:46 PM »
Pasingit mga Sis. Nakakarelate ako sa sinabi ni Sis february24, kasi yung kabit din ng mister ko, kung manggulo...WAGAS!!!!! Akalain nyong gumawa sya ng 5 fake FB accounts just to make me think na sila pa din ng mister ko. kinukuha nya yung mga pics sa pinsan nya. Eh, tinitingnan ko mga time and dates sa kunwaring "POSTS" and "COMMENTS" ng kunwaring mister ko, eh magkasama kaming magpapamilya at minsan pa, out of town vacations kami na walng mga internet connections. Grabe, she also made friends with the other workers ng hubby ko using those fake fb's just to STALK OUR WHEREABOUTS.. nakakatawa nga eh, kasi yung mga old posts ko daw, nag-co-comment sya sa kanyang wall na inis na inis. Masaya na sana ako kaya lang yung mga accomplice na dalawang cousin ng hubby ko ay kakampi pa din nya, so kami now... DEADMA. As in, ayaw ko na silang ituring na kapamilya ng husband ko, sukat ba namang gawin nila sa akin yun? Akala ko mga kakampi ko, mga kampon pala ni Hudie... >:)

Hindi pa nagtatapos dyan ang annoyance ko sa family ng husband ko, pati na yung sister nya... wala man lang pakialam when I sent her a message through FB sa LAHAT ng nagyare. She should have at least replied out of concern sa pamangkin nyang muntikan nang nawalan ng ama. Ang bad talaga ng ugali ng angkan nila. Most of them are fakes pala. Buti pa yung mga pinsan nilang mga lalaki, sila pa itong tumutulong para malaman ko kung may communication pa ba yung kabit at hubby ko. Last November 12, we had renewed our vows, ikinasal ulit kami then after that...nagsabi yung kaibigan ko na kaibigan din ng kabit (without her knowing)... na nagpost ng Cover photo yung kabit about letting go and moving on...grabe ha?!?... Umaasa pa din pala sya until noww?!?...January 2011 kaya ko sya hinarap at Febraury sya hiniwalayan..pero grabe ang hoping power nya ha! XD

From sugar brown skin to ala-Christine reyes na kaputian daw nya ngayon...(well, thanks to GLUTHATHIONE and instagram application....it helps a lot!!! hehe). pero khit daw anong ganda nya, ang sama sama padin daw nyang babae dahil pumatol gn may asawa for 3 years, sabi ng bakla kong kaibigan, at pango pa din daw ang nose, dapat daw inuna yung rhinoplasty!! Ang sama ng kaibigan ko, but it really helps na may kakampi ka despite the fact na tinaraydor ka ng mismong kapamilya ng husband mo. Hindi ko kayang makipag-plastikan sa tatlong babaeng yun...pano kaya ito sa pasko? ;D E dun ang nakatokang usapan namin dahil New year, sa amin na naman....  ;D
You'll never know what hit you, not until you're face down with regrets...

jenybasti

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 341
  • lablab kuya bas en sab
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #159 on: December 04, 2012, 06:14:59 AM »
^  sis buti ako alam kong kakampi ko ang nanay at mga kapatid ni partner. It really helps a lot knowing na kakampi mo yung pamilya nya.

 

ADVERTISEMENT
follow us
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT
Featured Articles
5 Steps to Financial Fitness in Tough Times
Instead of grumbling about the plight of the peso and dwelling on the negative, try these helpful tips to stay afloat. Remember--a little discipline goes a long way!
You're the breadwinner: Now what?
You want the freedom to spend your money as you wish but you know that if you don’t bring home the bacon, no one else will.
Getting money-wise: Why women are naturally capable of managing cash
She works hard for the money but she doesn’t know how to invest it. Here, Pearlsha Abubakar tells us why women are capable of managing their money well, but don’t. Read and get smart with your money.
Never go broke again! The FN guide to financial freedom-forever!
Fear not bankruptcy or eternal dependence on your parents (or a man!). There's a financial strategy for everybody. Read and get money-wise.
Wise up: Start your own business!
Tired of living from paycheck to paycheck? Why not go into business? Read on and find out how just a little cash can become a lot.