aiyayil, dapat na din ba ako maghanda sa galit ni ate dahil may comments din ako sa gawa nya? hindi ako nagkukwento sa kanya about what is written here, puro tungkol sakin/samin lang kasi ayoko din naman na ichismis kame. minsan na kasi akong napangunahan sa pagsasabi sa kanya kaya ayoko na maulit yun at mali ang maipadalang mensahe, pero kahit na ganun ang ginawa sakin eh hindi ko naman inaway yung taong nangunang magsabi. lagi din na sya ang nagkukwento kung ano yung ginagawa sa kanya ng brides nya, kagaya na lang ng hindi sya pinakain kahit maaga palang andun na sila para sa fitting at habang nakikita nila pinapakain ni bride ang ento nya while sila hindi.
i also don't agree sa ginawa nya sa inyo, client kayo so dapat i-take nya ang criticisms nyo to her items/products objectively at imbes na pagalitan kayo dapat nagpromise na lang sya na aayusin ang mga damit nyo. as long as about sa service/product ang pino-point nyo at hindi pagkatao nya, she should take it responsibly and maturely. siguro kung minura mo sya dito dapat awayin ka nya, pero you didn't do that. naging understanding ka pa nga eh! actually yang ganyang situation ang naisip ko kung bakit hindi ko muna sinabi dito lahat ng comments ko about sa mga damit na ginawa nya. again, about the products and not about her. alam mo naman sis kung ano yung ibig ko sabihin, i already messaged you this di ba? pero kahit hindi ko naman sinabi muna lahat eh nagbigay pa din ako ng objective criticism dito. tama lang naman na sinasabi mo dito yung nararamdaman at experiences mo, kasi dito kumukuha ng idea yung ibang b2bs. kung itatago mo lang ang totoo paano maayos ni ate yung mga maling nagawa nya di ba? still, objective ka naman sa comments mo about her work.
so bukas din kayo magmi-meet, what time daw? kasi bukas din kame naka-schedule, malabon ka sa mandaluyong naman kame. kung 10am sya umaalis ng bulacan at ikaw ang uunahin nya, malamang cancelled nanaman ang meeting namin. sasabihin ko na lang dalhin sa divisoria store nila yung mga damit namin, mas sigurado pa ako dun kesa sa tentative time of meeting her. kung may magsasabi man sa kanya ng sinabi kong ito, pakisabi na din "hindi kasi ako sanay sa tentative date/time ang ibinibigay sakin" sana wag na dagdagan yan.
i make it a point na pag masyado ng "hot topic" ang comment ko, nag-aabiso na ako sa sisses natin na hindi ako galit o nang-aaway. isa kasi ito sa outlet natin ng stress, kaya pasensya na sa iba kung minsan parang galit tayo o kame sa mundo...stress lang po talaga.
mspepot, magkakasunod nga kame at talagang nakaka-worry na kasi ilang days na lang pero ang mahahalagang damit pa din ang iniisip namin. di ba dapat puro finalizing details na lang sa caterer, florist, P/V at HMUA ang iniintindi namin? sana may magsabi kay ate na wag i-take negatively ang criticisms sa kanya, dito man o sa iba pang sources. challenge dapat sa kanya yan na pagbutihan pa, sabi nga ni Aunt May (Spider Man) "with great power comes great responsibility"