nung magising ako after ko ma-cs, naka-binder na ako. i wore the blue one provided by the hospital, tig-300+ ata yun. it was so uncomfortable! kahit ano kasi gawin ko, kumikiskis sya dun sa tahi. gustong-gusto na alisin pero syempre hindi pwede sabi ng mga nurse. it supports the muscles daw kasi. tama nga naman sila. kasi nung inalis nung nurse yung binder para linisin yung tahi, parang bubuka yung tahi ko. feeling ko mag-spread out lahat ng lamanloob ko. LOL! Despite of that, I only wore binder religiously for 2 weeks yata. on the 3rd week, tuwing umaga ko na lang sya sinusuot. kasi pagdating ng tanghali, super init na! sa sobrang banas, nagmoist yung sugat, nagtubig sya. kaya ayun, si OB na mismo ang nagrekomenda na wag ng magsuot ng binder kasi lalong natatagalan ang pagheal ng sugat.