cs ako sa panganay ko, bikini cut. nung tinanggal na yung bandage at yung isang buhol sa dulo, nag panty girdle na agad ako. panty muna tapos panty girdle.
first time ko magsuot niyan, nagpatulong pa ako kay hubby kasi sobrang higpit, baka matamaan yung sugat ko. pero later on, ako nalang mag isa, mas nakakatakot pag may katulong ako nagsusuot, parang lalong matatamaan. kaya nagpractice ako mag isa.
feeling ko mas secure yung puson ko kapag naka panty girdle ako, pag walang girdle parang luluwa yung puson ko, parang bubuka yung tahi.
tinabi ko yung panty girdle ko for 8yrs at nagamit ko ulit sa second baby. cs ulit, bikini cut. same procedure. at itinago ko ulit yan para magamit din sa third baby. :-) sulit na sulit na yung panty girdle ko.