Get weekly updates via email!
tip of the day SUN 23 NOV 14
No boyfriend? No problem! Learn to be comfy in your own company--it will help boost your self-confidence too!
  • Good House Keeping
    The New Mrs. Pitt, Angelina Jolie, is on the cover of the November issue of Good Housekeeping!
    Good Housekeeping
GIRLTALK

Author Topic: QATAR Thread 4  (Read 33128 times)

honeys_wife

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 101
Re: QATAR Thread 4
« Reply #20 on: September 04, 2012, 11:51:32 PM »
Bago na raw procedure sa visa ngayon? Dati papadala sa Qatar Embassy sa Pinas thru DHL ngayon daw personal ng dadalhin?

Nabalitaan ko nga sis nung minsan magpadala ako sa DHL. Sabi sa kin, end na daw contract nila with Qatar Embassy. If that's the case, malamang nga personal na dadalhin sa Qatar Embassy .

**My Sweet November**

  • A Proud Wife, Mother and
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 458
  • Who needs Superman when I already have one!
Re: QATAR Thread 4
« Reply #21 on: September 05, 2012, 09:39:39 PM »
^Let's meet her, together! ;)

Apir, mag EB na tayo mga Sis pagdating ni Sis aquacharlycalling Sis Kai!

Nabalitaan ko nga sis nung minsan magpadala ako sa DHL. Sabi sa kin, end na daw contract nila with Qatar Embassy. If that's the case, malamang nga personal na dadalhin sa Qatar Embassy .

Yup, tunay po ito, two cases ng ganito sa company ng husband kosana nga mag change ulit sila ng rule/policy kasi hassle naman ito sa mga malayo ang house sa Manila
Faith so that you can believe,
Courage to know yourself,
Patience to accept the truth,
And love to complete your life.

missreese

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 963
    • Pink Shoppe Online
Re: QATAR Thread 4
« Reply #22 on: September 12, 2012, 09:06:22 AM »
sis pag sinabing visit visa . dapat may relatives ka dun? tama? paano kung friend mo lang? pwede pa rin ba mag visit visa?

marssie

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2388
Re: QATAR Thread 4
« Reply #23 on: September 12, 2012, 01:11:43 PM »
^Pwede ka pa rin naman magvisit visa thru agency. Like the usual thing pag magtatravel ka, kung wala kang relatives or friends, book hotel, show your ticket and justify your travel. Kasi sa atin pa naman, basta ang destination mo Qatar, Dubai, etc.. kadalasan alam ng immigration na you will look for a job kaya ang higpit nila.

ms_ldr

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 346
Re: QATAR Thread 4
« Reply #24 on: September 12, 2012, 02:30:44 PM »
^^tourist visa or business visa ang ginagamit dyan. sobrang higpit sa business visa minsan raw kailangan pa maglagay sa immigration Officer  ::)

**My Sweet November**

  • A Proud Wife, Mother and
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 458
  • Who needs Superman when I already have one!
Re: QATAR Thread 4
« Reply #25 on: September 12, 2012, 03:19:22 PM »
sis pag sinabing visit visa . dapat may relatives ka dun? tama? paano kung friend mo lang? pwede pa rin ba mag visit visa?

Hindi pwede kapag friend lang. You can bring your friend here though either through business visa or tourist visa.

And not all relatives belong to the category "visit visa". For example pinsan ng pinsan mo 'pag hindi mo maipakita iyong proof ng pagiging relative mo sa papupuntahin mo medyo mahihirapan ka rin. And now meron ng salary bracket it should be QAR10K & up para makapag visit visa...
Faith so that you can believe,
Courage to know yourself,
Patience to accept the truth,
And love to complete your life.

**My Sweet November**

  • A Proud Wife, Mother and
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 458
  • Who needs Superman when I already have one!
Re: QATAR Thread 4
« Reply #26 on: September 12, 2012, 03:21:54 PM »
Hi Sis marssie, howdy?

Grabe, Nov. 20 pa ang check up ko kay Dr. Shehatha :(
Faith so that you can believe,
Courage to know yourself,
Patience to accept the truth,
And love to complete your life.

marssie

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2388
Re: QATAR Thread 4
« Reply #27 on: September 15, 2012, 03:20:00 PM »
^ Hi sis, im good, bakit ikaw may schedule na? ako wala naman sinabi na dun ako magpacheck up, i went to abu bakher clinic near doha zoo, unfortunately, hindi na tumatangap ang muntaza health center ng new and transfer applications not unless from westbay daw ang health card. so dun nalang ulit ako nagrenew. 

last week,nagpablood grouping,urine and sugar test na ako at may schedule ako sa OB sa abu bhaker next week. Dun palang ba ako bibigyan ng appointment sa Hamad? Kasi yun ang tinanong ko kung after ba ng test sa hamad na ako tutuloy sabi kasi sa akin sa kanila pa rin daw at irerefer lang daw nila ako pag malapit na ako manganak. :-\

madiday

  • Newbie
  • *
  • Posts: 22
Re: QATAR Thread 4
« Reply #28 on: September 25, 2012, 11:41:47 AM »
hi mga sis.. may job offer na si bf papunta na sya sa doha by nov siguro nagaayos parin kase sya ng docs.. pwede nya ba ko ikuha ng tourist/visit visa kahit gf lang ako.. saka pwede ba ko tumira sa kanya habang nanjan ako? tia! :)

ms_ldr

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 346
Re: QATAR Thread 4
« Reply #29 on: September 25, 2012, 07:38:15 PM »
^hi madiday, pwede ka i-tourist/business visa ni bf mo from travel agencies. pero di ka pwedeng tumira kasama nya.

^^marssie, nung buntis ako galing ako health center lang nun ni refer ako sa (hamad) womens nung 9 mos na ko. naka 2 check up ako sa kanila. every week na kasi. nakakatawa nga kasi yung next appointment binigay sakin lagpas na sa due date ko sa hirap kumuha ng appointment.

marssie

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2388
Re: QATAR Thread 4
« Reply #30 on: September 25, 2012, 08:54:49 PM »
^Thanks sis. Oo nga raw tinanong ko sa OB pag malapit na raw manganak,yung last check up tsaka bibigyan ng referral sa Hamad.  Pashare naman birthing experience mo sa Hamad sis :)

2nd option ko kasi ang hamad, pero pinagpipray ko pa rin na maging smooth ang pagbubuntis ko at ang situation sa company namin para sa Al Ahli ako manganak.  Medyo natakot kasi ako sa hamad, sabi ng OB pipilitin daw muna akong magnormal, depende daw sa doctor pero kadalasan nga pinapanormal, CS kasi ako sa 1st child ko dahil maliit sipit-sipitan ko kaya parang ayaw ko magtake ng risk na magtry ng normal then later on CS din pala. Naloka pa ako sa kwento nung kasabay kong pinay sa clinic, sabi niya yung kakilala daw niya sinubukang inormal sa hamad,tapos bigla emergency CS,nung hinihiwa na tummy niya halos ramdam daw dahil di pa masyadong nag-effect yung anesthesia.. ngilong-ngilo tuloy ako..

^^pwede naman sis wag lang kayo papahuli sa baladiya ;D

kyuting13

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 132
    • FashionablyWet
Re: QATAR Thread 4
« Reply #31 on: September 25, 2012, 10:53:28 PM »
Hello mga sis :)

I gave birth in Hamad, almost 2 years ago. I have no major complaints. You just have to accept na di same doctor yung titingin syo kasi madami talagang nanganganak :) Though pag labor na talaga you have your own room naman with a mid-wife and regular na nagrounds ang doctors. True na normal talaga gusto nila. That time I was given the option pa if gusto ko magepidural. They didnt force me and gave me time to think. But I had fever due to the stress I guess so di na ako pwede bigyan. Though after an hour of being 9cm and pushing... sabi nung doctor if in 10 mins di daw ako manganak i-CS na ako... so in my head sabi ko.. WHAT! I've been in pain for several hours tapos ngayon i-CS nyo pa ako?! So I literally gave it my all to deliver na. Malaki din kasi si baby he was 8.2lbs and I'm quite small 5'2" lang. But the mid-wife and nurse really helped me. They also cleaned the "inside" or what's left of it after delivery, very well kasi I didnt bleed abnormally after.

You can't expect much special treat of course. But for sure safe naman. The things they have are all clean and new, normally disposable lang. They bring you to a recovery room for 2 hours, make sure you pee. Then you go to the room. Regular naman yung check-up.

In my case, nagkalagnat din si baby so they had to bring him sa NICU. I go and visit him. They helped me for breastfeeding. After when we went home, pinauwi pa lahat ng bottled milk, diapers for baby.

Plus 100QAR lang per day.

Only downside.. di pwede kasama si hubby :)

madiday

  • Newbie
  • *
  • Posts: 22
Re: QATAR Thread 4
« Reply #32 on: September 27, 2012, 09:17:50 AM »
thanks sis ms.ldr :D sana mameet ko kayo pagvisit ko :)

marssie

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2388
Re: QATAR Thread 4
« Reply #33 on: September 27, 2012, 05:11:59 PM »
^^thanks sis  kyuting13 for sharing your experience with Hamad, at least may nalalaman pa rin akong magandang story,kasi usually sa mga nakausap ko nga at ewan bat sa akin pa natapat,nahihindik ako sa mga kwenento nila. Yung kasama ko sa work nanganak din sa Hamad ang wife last year,tataka lang ako kasi from private doctor,one time lang nagpacheck up sa Hamad (women's mismo) then nung manganganak na deretso na rin siya sa Women's. Sabi ko nga ako sa clinic muna at irerefer nalang sa Hamad pag manganganak na, di daw niya alam bakit sa case ng wife niya wala ng ganon.

Anyway, have you heard about Qatari na pumasok sa UK para magpagamot dahil may Corona virus? Parang nakakatakot tuloy maglalabas ngayon..

rianne_00

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 121
Re: QATAR Thread 4
« Reply #34 on: September 27, 2012, 09:10:34 PM »
Ako two years ago din when I gave birth at Hamad...maganda rin experienced ko, although second baby ko na yun (yung first ko sa Pinas ko pinanganak) kaya medyo alam ko na kung ano mga ieexpect ko except sa enema(labatiba) kasi sa panganay ko sa Pinas hindi naman ako ginanun...pero ok din para nga naman walang sumabay na hindi maganda kay baby ( sorry medyo gross topic :) )...tsaka yun nga as what they've said, usually disposable lahat ng gamit at tsaka mababait naman sila :)..na enjoy ko naman experienced ko sa Hamad compared sa Pinas na naturingang sa private pa ko at mahal ng hospital bills.

***Speaking of panganganak na rin mga sisses...baka may mairerefer kayong pinoy na psychologist/psychiatrist dito sa Doha and their rates...feeling ko kasi upto now may post partum depression/syndrome pa rin ako :(...I really need someone to talk to.

***Nakakatakot nga yung SARS like virus mga sisses...huwag na sanang kumalat...mukang magkukulong na lang kami ng mga babies ko sa house, nakakatakot maglalabas.

marssie

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2388
Re: QATAR Thread 4
« Reply #35 on: September 27, 2012, 09:28:54 PM »
^hi sis, nice to hear your story din about hamad :) Nag alala lang kasi talaga ako sa part na sinabi sa akin na pipilitin akong inormal. I even asked her kahit ba sa case na maliit ang sipit-sipitan sagot ng OB depende sa doctor, so lalo tuloy akong kinabahan ::)

Sis baka you just need to unwind or meet with friends  :) SAHM ka ba? kasi ako nung di pa rin nagwowork,napapraning sa bahay, pero katagalan,naenjoy ko na rin naman. Kaya nga hirap ang loob ko nun na magstart sa work ulit dahil naging sobrang attach ako sa son ko.

ms_ldr

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 346
Re: QATAR Thread 4
« Reply #36 on: September 30, 2012, 05:58:46 PM »
marssie i gave birth last yr sa womens.
ok naman na galing private clinic then sa womens ka manganak, need mo lang makapag open ng file so kahit once ka lang maka chek up dun ok na, pwede ka na manganak dun.

2nd baby ko to dito pinanganak yung panganay ko sa pinas.
mabilis ako manganak, pag punta namin sa womens check up nila ako 6 cm na so admit na ko agad.
yung nga may private room at midwife na magbabantay sayo. meron sya fill up na file, so iinterviewhin ka rin nya. marami ikakabit sayo, para sa heartbeat, sa tyan, may pang blood pressure...maganda facilities, gulat nga ako dun sa mismong bed dun na ko nanganak at may lagayan na rin si baby dun sa room.

ayaw ko talaga ng epidural, takot ako sa injectiong malake :o kaya pinag aralan ko yun. tinanong ko yung midwife kung may iba pang options, meron naman raw. pero may nilagay sya sakin pinadaan sa dextrose, tapusin lang raw yun then anesthecia na. eh sa bilis ko manganak at andyan na si baby ire na ko ng ire hinde na ko nalagyan ng anesthecia. ok lang naman, kaya ko pala. or siguro mataas lang ang tolerance ko sa pain. yun lang tinahi ako ang tagal tagal  :o may konting kurot na sakit lang. nung tinanong nga ako kung ok ako, sabi ko oo nangangalay lang yung paa ko sa tagal ng tahi, nagtawanan mga dr at nurses na andun.

tips ko sa yo kapag nag decide ka sa womens manganganak:
pumunta ka sa hamad pag di mo na ma take yung labor pains mo, kasi di ka nila a-admit hanggang di ka 6cm. orasan mo yung pagsakit ng tyan mo. kapag mga 1 min na ang pagitan ng contraction thats the time.

magdala ka ng cellphone pag-i-admit ka na. papapaltan ka naman ng damit at bibigyan ka ng malaking plastic bag para ilagay mga clothes at slippers mo dun, dun mo na rin ilagay yung fone mo. after mo manganak ibibigay sayo yun. para may way of communication ka sa relatives mo naghihintay sayo sa labas, nangyari sakin nasa room na ko wala pa hubby and mom ko kasi sabi sa kanila after 1 hr pa raw. eh si baby andun na rin sa room ko.

yung una kong midwife ok sya, nung nagpalit ng shift hay naku, namasyal pa sya at iniwan ako nag breaktime pa sya ha. hinde rin ako tinanong kung gusto ko i breastfeed si baby, pina cup feeding na nya agad, nung 2nd time ako pa nagsabi sa kanya na gusto ko i breastfeed.

kung manganganak ako ulet, mas gusto ko sa pinas, maganda kasi experience ko dun sa private hospital samin pero di kasing ganda ng facilities sa hamad pero kung iisipin ko yung gastos at yung abala sa pag gawa ng mga documents ni baby, sige dito na lang.

marssie

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2388
Re: QATAR Thread 4
« Reply #37 on: September 30, 2012, 09:05:29 PM »
^ Wow sis! bilib naman ako sayo, parang pinakanakakangilong part sa normal delivery yung tinatahi na ;D Buti ka pa, galing mo maghandle ng pain, ako wag lang mapaper cut nagingiwi na ng husto sa sakit, plus yung bad experience ko pa sa IE at catheter nung nanganak ako sa dubai dati >:(

Naka one check up na ako sa clinic, pinababalik ako for sugar test na, ayaw ko na nga balikan kasi haba ng pila sa clinic. Kung pwede pala ganong set up okay lang na punta na ako hamad without referral mga clinic's OB?  Kaso sa case ko, i was CS before,baka dahil walang referral talagang pilitin ako i-normal at i-CS last minute..

Oo nga e,gusto ko rin talaga sa pinas manganak and initially that was the plan naman talaga, kaya nga till now parang gusto ko humabol sa pagbili ng ticket sa katapusan ng october.. kaso nagcocompute din kaso ako ng gastos, since may insurance naman ako pwede pa rin ako sa al-ahli manganak, 2nd option ko lang talaga ang womens just in case na may part ng insurance ko ang di ko magamit like for some complicated cases na pinagdadasal ko sa Diyos na wag naman sanang mangyari.. Eto kasi pumipigil sa akin sa pag uwi-- Money ;D feeling ko kasi di praktikal:

-3way tickets namin (hubby, son ko and ako), shoulder na namin dahil nagamit na namin yung free ticket namin sa company ni hubby last january
-1way ticket ni hubby - pag nanganak ako sa december which is ang mahal ng ticket
-1way ticket ni hubby pag sinundo niya kami sa Feb
-2 months unpaid leave ako..50days kasi yung maternity leave at mga 20days nalang remaining AL ko, so Nov to Feb is equivalent to 4months na nakaleave ako..
-at matitigil sa school ang son ko ng 4months din,kasi ayaw ni hubby maiwan ang bata dito sa kanya dahil mahihirapan daw sila pareho at dagdag gastos din sa ticket pag umuwi si hubby ng Dec at Feb nanaman..
-Hospital Bill pa, although mare-reimburse sa insurance pero baka matapat ako sa hospital na di tumatangap ng guarantee form from international insurance eh papaluwalan ko muna..
-and lastly yung project ngayon kung san ako nakaassign matatapos na ng january hehe..pagbalik ko tapos na ang project, kaya sinasamantala ko muna yung mga months na sasahod pa ako ng buo :)

Sabi naman ni hubby wala daw problema sa gastos as long as kumportable ako,dun ako manganak, pinas man or dito, sabi ko kumportable nga ako sa pinas, kaso pag naiisip ko mga gagastusin,nasstress ako kaya nagdecide ako na dito na nga lang..

Thanks for sharing your experience.. halos lahat ng nagshare dito sa thread na to maganda ang experience sa hamad :)
« Last Edit: September 30, 2012, 09:08:32 PM by marssie »

ms_ldr

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 346
Re: QATAR Thread 4
« Reply #38 on: October 02, 2012, 07:54:40 PM »
ang experience ko kasi sa pinas pag labas ni baby ang bilis ng tahi wala pang 3 mins yata tapos na. eh dito di ko alam panong tahi ang gawa nya nainip talaga ako promise.

onga noh ang daming gastusin at abala. yun ang mas nakakangilo  :P ang iniisip ko kasi yung asikaso ng papers sa pinas, yung birth certificate, passport, yung new process pa ng qatar visa ngayon hay naku ang hirap ng byahe at pag aantay. dito after 2 mos pa namin naasikaso passport ni baby, yung visa nya after 3 mos pa.

sis kung pwede ka sa al ahli e di go ka na dun, kung gagastusan ka dun ok lang at least mas less ang gastos at abala siguro kumpara sa pag uwi mo pa sa pinas.

God bless you on your delivery day, wag ka mashado mag alala para mas mabilis lumabas si baby

marssie

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2388
Re: QATAR Thread 4
« Reply #39 on: October 03, 2012, 09:03:12 PM »
^Haha oo nga.. Nung tinatahi ka ba sis may anesthesia naman? Sabi kasi nung nakausap ko dati, nilagyan daw siya pero ramdam pa rin niya ::)
« Last Edit: October 03, 2012, 09:05:21 PM by marssie »

 

ADVERTISEMENT
follow us
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT
Featured Articles
5 Steps to Financial Fitness in Tough Times
Instead of grumbling about the plight of the peso and dwelling on the negative, try these helpful tips to stay afloat. Remember--a little discipline goes a long way!
You're the breadwinner: Now what?
You want the freedom to spend your money as you wish but you know that if you don’t bring home the bacon, no one else will.
Getting money-wise: Why women are naturally capable of managing cash
She works hard for the money but she doesn’t know how to invest it. Here, Pearlsha Abubakar tells us why women are capable of managing their money well, but don’t. Read and get smart with your money.
Never go broke again! The FN guide to financial freedom-forever!
Fear not bankruptcy or eternal dependence on your parents (or a man!). There's a financial strategy for everybody. Read and get money-wise.
Wise up: Start your own business!
Tired of living from paycheck to paycheck? Why not go into business? Read on and find out how just a little cash can become a lot.