sis sether, try mo muna mga 2-3 spoons na lugaw sa simula. put super konti lang na salt, as in konting konti lang ha. tas pag feel mo malakas na sya magsolid, dagdagan mo na lang. malalaman mo naman pag busog na baby kasi aayaw yan. basta wag mo lang din pilitin kong ayaw ha. try ka na lang iba like smash potato, kamote, carrots, squash or banana. pero wag mafrustrate if minsan ayaw talaga ng baby, normal naman daw yun kasi naninibago pa sila kaya dapat wag biglain unti unti lang muna hanggang masanay. re oats naman, yup quaker oats yung instant ang binibigay ko. niluluto ko mga 15mins max tapos biniblender ko pa yan para sure na pinong pino talaga,. so far yun ang pinakagusto ng baby ko sa lahat. I didn't put sugar pero nilalagyan ko milk. dapat din wag tuyong tuyo. yung tama lang na medyo masabaw din ng konti.
sis ann_2128, pang 2 days ko na today at ewan ko lang ha... napansin ko kasi wala na ako masyado hairfall, konting strands na lang na nalalagas as compared to dati. pero sis, kasi hindi ko pa nabanlawan hair ko eh, tomorrow night ko pa malalaman kasi dun ko pa lang banlawan. kaya hindi ko muna irerecommend lol. update na lang ako dito bukas. pero nung nirebond hair ko napansin ng hairdresser na naglalagas nga hair ko I asked her kung marami sabi nya hindi naman daw masyado. sabi nya madalas ba daw ako nagpopony, then I said yes. sabi nya, pag nagkahairfall daw, hindi daw advisable magpony kasi nakalala daw yun, ang term nya, "nakukulob" tinanong ko ano yun ang sagot nya is dapat nakalugay lang para daw makahinga ang anit. tas syempre nagwoworry ako tinanong ko sya hindi ba kaya maglalagas lalo? sabi nya marami naman daw sya nirebond na mga nagkakahairfall wala pa naman daw sya nabalitaan na nakalbo! hehe. atsaka sis yung inavail ko kasi is x-tenso rebonding kasi narinig ko dati nakakalessen daw yun ng hairfall. basta update kita tom pag nabanlawan na..