I remember the days when my relationship with my then bf was on the rocks. That was 2 years ago. We were on our 10th year noon. Petty things lang yong issue namin. No third party. Sinumpong lang ang pagiging immature ko. I broke up with him. After 5 days yata of no communication, nahimasmasan ang lola mo. I called him. Pero ang mokong nag inarte. Dadating din daw yong araw na magiging ready na sya ulit sa relationship namin. We text parin naman every now and then. In fact, lagi parin sya nag a-i love you sakin at namimiss daw nya ako. Un bang out of the blue bigla magtitext na nalulungkot daw sya tandaan ko daw mahal na mahal nya ako. Pero hindi kami nagkikita. As in text & call lang. Everytime na yayayain ko sya to go out of town, ire-refuse nya. hindi pa daw sya ready. So ako naiinis na talaga. Ano ba to kami ba o hindi?? Pero in my heart, parang hindi kami. Ganun yong relationship ng halos half a year. So hopeless na talaga ako na maaayos pa. Until 1 day nalaman ko, may iba pala. My heart was crushed when i learned. Dali dali akong nag-punta sa house nila so we can talk. Pero bago yun, i texted him something like, gusto kita makausap gusto ko lang maging clear tayo then after that malaya na kayo ng girlfriend mo. So nalaman na din nya na alam ko na. He texted me back, "hindi ganun. wag mong sabihin yan".
So we talked. Iyak ako ng iyak. kahit hopeless na ako non, hindi non nabawasan yong sakit na naramdaman ko. He told me the whole story. Hindi daw nya mahal yong girl. Hindi daw nya niligawan. Parang naging sumbungan lang daw nya thru text. Then they started daw kumain sa labas. Twice daw sila kumain sa labas. Gustung gusto na daw nya mkipaghiwalay pero naaawa sya sa girl kasi kamamatay lang daw ng mother & yong father is na-stroke at paralized na. sya na lang daw yong breadwinner something na ganun.
Hindi daw nya alam kung bakit nya nagawa yon. Hindi daw nya sinasadyang dalawa daw yong babaeng nasaktan nya. Yakap yakap nya ako & sorry sya ng sorry. Kung minsan daw lungkot na lungkot sya kasi gustung gusto na daw nyang sabihin sakin yung tungkol sa girl. Gusto na daw nya kmi mkpag-start ulit. Gustung gusto na rin daw nya mkipaghiwalay sa girl pero hindi nya alam kung pano sasabihin ng less hurtful sa girl. Pinapili ko sya. Sabi nya, sympre ako daw. Bigyan ko lang daw sya ng time to talk to the girl.
So ayun, we are now 1 month & 18 days married.
