This might be a long post.
So... my boyfriend for more than 6 years broke up with me.
He's my first boyfriend, since fourth year highschool hanggang nagwowork na, and we believed na kami na talaga. We loved each other so much. But the last few months away kami ng away, madaming reasons. Sobrang busy kasi niya sa work (accountant), puro OT, plus he was reviewing for the board exam sa review center, and siyempre nagdedemand din ako ng time. Nabanggit niya before na nasasakal na siya pero di ko pinapansin kasi naisip ko, paano ka masasakal kung di ka naman nakakapagbigay ng time?
Ako rin may issues na nun, na di ko na gusto yung ugali niya, tipong madali na siyang magalit, puro away ganito ganyan.
And then nagbreak kami nung June, actually it's just a silly thing. Pero I was relieved din, kasi natulong ako sa kanya financially, tapos yun pang strain na puro kami away. Ilang beses na naman kaming nagbreak, pero di natagal ng 5 days, merong isa sa'min na makikipagbalikan. Eto, for the first time, hindi ganun, aabot na ng almost a month bago ko siya sinuyo.
At that time sinabi niya sa'kin na hindi na niya ko mahal.
So I was devastated. And then we had this "talk" kinabukasan, sinabi niyang he's unhappy, sabi ko ako din. Sabi niya mas madalas na malungkot siya kesa masaya, and he kept saying sorry which really breaks my heart. Cause I'd never thought na kaya niyang wala ako, na iiwan niya ko. Sabi niya mahal na mahal niya ko before, mas mahal niya ko sa sarili niya, di niya alam bakit nawala, siguro napagod lang siya kasi nga puro kami away. Mahal pa niya ko pero di na ganun. Aminado naman ako na ganun na din sa side ko.
Nung naghiwalay kami magaan pakiramdam namin both and he texted me na mahal niya ko. Though nagkausap kami na we're still friends (siyempre I was hoping na mababago din yun). Kinabukasan ayaw niya magpahawak ng kamay, simpleng yakap, etc. So I asked and sabi niya, di niya sure kung mahal pa niya ko. And then palit-palit siya na hindi niya sure, mahal niya ko pero konti na lang, di niya sure.
Yung almost one month na nagbreak kami he already arranged to go abroad early next year. Mahirap lang kasi family nila, kahit di siya panganay siya yung parang breadwinner. Ayaw niyang umasa ako kasi hindi daw unfair sa'kin, he believes that there's someone much better for me, hindi niya sure feelings niya. This is the kind of guy na talagang seloso, so masakit yung parang pinupush na niya ko sa iba. Sabi niya nung nagbreak kami nakita niyang nagsisi ako, na bumalik ako to loving him, pero opposite daw epekto sa kanya. Sabi niya masaya na siya ngayon mag-isa, nakakapag-aral.
Siguro kasalanan ko din na lumala situation namin kasi tuwing nagkikita kami iniiyakan ko siya, kahit ayaw na niya ng ganun. Last night na nagkita kami parang masigla siya pero nananadyang mang-inis, pabara sumagot ("binasa mo ba yung gift ko saýo?" "tinapon ko na"), though he was the nicest guy I know. Parang bigla siyang nagbuild ng wall, ayaw na din niya talagang lumapit physically.
And even though sabi kong di na ko iiyak, naiyak din ako nung sinasabi kong I should be happy when he's happy even though hindi ako part nun, at ang dami-dami kong sinabi. Nabanggit din niya na napatawad na niya ko but may bitterness pa rin kasi kung nakinig daw ako sa kanya, sana ok pa din kami ngayon. Tas yun, nagteary-eyed siya, pinipigil mag-iyak nung nagsasalit ako (thank you for his love, that's his greatest gift, etc.). Then nagsoften siya, sabi niya napatawad na niya ko and niyakap niya ko. Then parang may hardness ulit, sabi niya, ang kelangan ko daw maging matigas. Tsaka siguro daw hindi na kami dapat magkita.
I'm just really heartbroken kasi we really loved each other so much. Alam ko din, even though I was his third gf, na ako lang minahal niya ng ganun. One time we went to church and said to God na kahit hindi pa kami kasal, we're already husband and wife.
My friends say give it time. Sabi ng ate ko after last night wag na palamigin ko muna siya ng ilang weeks, pag nagkita kami ulit wag na ko iiyak, be light lang, magkwentuhan ng nonsense things, walang pressure.
My fear lang ako cause mukhang stick na siya sa decision niya, to go abroad kahit 1-2 years. Kasi kung yung almost one month na nagbreak kami parang nakamove on na siya, paano pa pag di na kami nagkita kahit ilang weeks lang.

I just don't believe (please give me your opinion on this girls) na masaya kayo for 6 long years, na although mahirap yung last months, mawawala na yung love mo para sa isang tao. Nahirapan din naman ako and ilang beses ko din inisip makipagbreak na cause I wanted to be happy, pero minemaintain ko na rough spot lang to sa relationship namin.
Is it possible to move on na ganun kabilis, mawala ang feelings? And how do couples get back together?