ako sis kasi si doc manalo ayaw nya na itake ang risk kaya ginawa na nyang twice a day ang crinone ko di ako nag utrogestran kasi msa maganda ang crinone direct na unlike sa tabs d ba daan pa sa dugo. ang mga tinake ko lang is metformin, aspirin and crinone and the usual folic acid and obimin, until 2 magpregnancy ako twice a day ng crinone, then nung nagpositive, pinatuloy pa rin ni doc [textspeak!] crinone, halos hanggang 3 months ako nakacrinone twice a day. plus nung nag positive na ako pinagtest nya ako ng apas, and i was positive kaya nakaheparin na ako, duvadilan 3x aday plus aspirin pa.
the grade of my embryo, tinanong namin bago trinasfer and it was only day 2 nga e, di n nila pinaabot ng blastocytes nung nag 4-cell na sya pinatransfer na agad. Actually ang nagharvest ng eggs ko si doc novero kasi umalis nun si doc manalo pero the day itself dumating kaya dalawa silang nandun. then the transfer, supervise ni doc novero si doc manalo kaya dalawa pa rin sila nandun. tapos after the transfer we want to ask the sperm count ni hubby alam kasi namn low sperm si hubby kaya itinanong namin and they gave us the summary of the embryo details and the sperm count ni hubby. kaya we have a pic pa ng embryo na trinansfer nila sa akin.
two embryo lang ang nag fertilize sa akin kaya yung 2 ang transfer, but isa lang din ang kumapit. kaya wala akong reserve embryos.
hubby and i plan to stay at hotel kasi sa quezon city kami nakatira, ayaw lang namin matagtag talaga pagkatransfer kaya right after the transfer stay ako sa recovery room ng 2 hours saka lang ako tumayo and before the transfer nga pala nagpaaccupuncture ako, if you want before and after transfer yung accupuncture pero kung isang beses lang before ka magpaaccu para relax ang uterus mo kapag nagtransfer. tapos nung pauwi na kami nagwheelchair ako di talaga ako naglakad, the npagdating sa hotel, nagpahanda kami ng wheelchair hanggang sa room, ganun kami ka praning ni hubby na wag matagtag. there's no herm sa pagkamaingat laki rin kasi ng expenses natin diba. kaya lahat ng pag iingat ginawa na namin. wag mastress at sa hotel at least wala ka rin masyadong iintindihin at bedrest ka lang talaga. tapos si hubby minsan iniiwan nya ako sa room kapag bobored sya iiwan nya malapit lahat sa akin the water food, then mag gym sya. yun lang ganda rin kapag sa hotel kesa sa hospitel ng st. lukes.