Get weekly updates via email!
tip of the day WED 22 OCT 14
Invest in closet classics like one little black dress, a white polo shirt, and a pair of slacks. After you have them all, you can splurge
  • Good House Keeping
    Judy Ann Santos-Agoncillo returns to our cover this September issue and gets candid about money, marriage, and motherhood.
    Good Housekeeping
  • Women's Health
    Drop two sizes fast—with simple exercises you can do at home! This month's ultimate weight-loss special shows you how. Plus, real women share how you, too, can shed and keep off excess weight for good.
    Women's Health
GIRLTALK

Author Topic: Bohol Thread 19  (Read 55799 times)

mama squeak!

  • Board Moderator
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 4331
Bohol Thread 19
« on: July 06, 2012, 10:15:42 PM »
New thread!  :)

thebratinella

  • shopaholic, obsessed mummy, happy wifey and
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1432
Re: Bohol Thread 19
« Reply #1 on: July 06, 2012, 10:32:46 PM »
ang bilis!  ;D

baresexy: 550 pesos yung fee sa PINR. consumable yung 450. may infinity pool sila, manmade island and cave. nakakatuwa kasi nung june 13 maalon sa dumaluan pero pagdating sa PINR, calm ng water sa side nila. nakapag-enjoy yung daughter ko sa beach though yun nga maliit lang yung shoreline nila.

worth it naman yung day tour namin dun kasi konti lang yung tao. yung mga chinese guests nila busy sa diving kaya nasolo namin yung pool that afternoon.  :) we chose that over BBC kasi sa dumaluan kami. stone's throw away from there lang yung BBC. ganun din. ang singil sa amin ni mang rene sa trike ride na balikan is 500 but we gave him 50 pesos pa since malayo naman talaga.
Happiness is a choice.

ceebee

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 54
Re: Bohol Thread 19
« Reply #2 on: July 06, 2012, 10:45:23 PM »
I'm also choosing between BBC and PINR para mag day tour.  I think I'll go for PINR, gusto ko rin makita yung cave nila at mas prefer ko mag swim sa pool. Mukhang maganda resort ng PINR. Gusto ko rin sana dun kumuha ng accomodation kaya lang out of budget na, ang mahal  :P

baresexy

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 48
Re: Bohol Thread 19
« Reply #3 on: July 07, 2012, 12:22:29 PM »
thanks sis thebratinella sa reply, sayang hindi ko na-research dati yung PINR, yung BBC na kasi ang napakita ko kay hubby na pupuntahan namin, baka mainis pag pabago bago ako ng isip :) :), sa july 23 na kasi ang punta nmin.. siguro yayain ko na lang syang silipin ang PINR since magkalapit lang naman pala hehe..

tammy1979

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 337
Re: Bohol Thread 19
« Reply #4 on: July 08, 2012, 02:29:23 PM »
sa mga nakapag sea tour na, if ever marunong naman lumangoy, pwede bang di na kumuha ng guide? medyo pricey din kasi yung 150 per head sa guide nila, eh sa nakita ko naman, mababaw lang yung tubig..malayo-layo nga lang sa paradahan ng mga bangka..

beijhing

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 148
Re: Bohol Thread 19
« Reply #5 on: July 09, 2012, 09:13:49 AM »
^baka pwede naman sis tammy. lakarin nyo lang papuntang right side of the island where the snorkelling area is. yep medyo malayo nga lang sya sa pinaparkan ng mga boats kung keri nyo naman maglakad why not. actually there are 2 snorkelling areas ata, isa yung sa mababaw lang then yung isa medyo malalim. makikita nyo naman kung saan yung area na pinagdadalhan nung mga guide sa mga bisita so sundan nyo na lang  ;D

yosh

  • Newbie
  • *
  • Posts: 34
Re: Bohol Thread 19
« Reply #6 on: July 09, 2012, 04:35:49 PM »
share ko lang our experience.

We were in Bohol last July 2-4. Actually July 1-4 talaga ang tour namin. But we passed by Cebu muna. Our planes were actually from Cebu.
I booked my Bohol Tours kay Kuya Tatsky. 3 sila pinagpipilian ko - Kuya Tatsky, Kuya Naldix and RJ Intano.
I choose Kuya Tatsky kasi nagpahelp kami kay Ate Kathy (wife ni kuya tatsky) sa accomodation. As in 2 days before the tour saka pa lang kami nakapagbook. lahat ng napagtanungan ko fully booked na. So ginrab ko na yung inoffer ni ate kathy na accoms sa DBR1. e since ganun nga, si kuya tatsky na rin ang kinuha ko. well, super endorsed din naman sya ng friends ko na nakapagtour na dun.

so from cebu, we arrived sa tagbilaran pier mga 8:30am. andun na agad si michael. may bookings na kasi si kuya tatsky kaya si michael na lang ang magtour daw samen. ok naman si michael, he let us decide kung ano ang mga gusto namin puntahan. pero we said ikaw na bahala since mas alam mo ang lugar. so sya ang nagcontrol ng oras namin. hindi rin nya kami minadali, he just let us know na kung gusto namin maraming mapuntahan imanage daw namin ang oras.

1 - blood compact site - eto yung una namin nadaanan. andaming tao, take turns talaga pagpapapicture. dito unang nagoffer si michael to take our pictures. at in fairness ha magaling sya kumuha. pero sabi nya fake site daw ito, lately lang daw nadiscover yung totoong blood compact site.
2 - baclayon church - pasok kami sa church, pinagsuot pa pala muna ako ng mga manang ng tapis, bawal daw kasi nakashorts sa loob. super luma na talaga ng church. unting pictures lang then labas na kami, pinicturan kami ni kuya dun sa markings ni father pio and mama mary sa labas.
3 - phyton chorva - ok lang. di ako masyadong naimpress. yung phyton talaga ang sadya namin dito kaya lang parang panget sya that time, malapit na daw kasi magpalit ng balat sabi ni ate. tapos nakuha pa nung monkey yung eyeglasses ni bf tapos sinuot nya, loko yun. haha. kinuha lang ni ate. mejo parang snob din yung 2 ate, kwentuhan lang sila ng kwentuhan. di man lang kami pansinin. di rin namin nakita sumayaw si marimar, 2 lang kasi kami kaya dedma? bumili na lang kami ng kalamay sa labas.
4 - true blood compact site - last year lang daw nadiscover na dun pala ang totoong site ng sandugo. kaya panget sya compared sa nakagisnan na.
5 - Butterfly Farm - maganda din. naglecture lang yung guide about butterfly lifecycle. tapos picture-picture sa mga preserved butterflies. tapos gora na sa live butterfy farm, pinadapo lang samen for pictures.
6 - Loboc River Cruise - mejo early yata kami. 11am pa lang andun na kami. pero turned out better kasi nakapili pa kami ng magandang seats. at mainit at puno pa ang buffet! inencourage din kami ni kuya michael na mag-cr kahit di kami nawiwiwi kasi sulitin daw yung bayad na P100. haha. P300 lang kasi talaga yung sa resto, P100 sa facilities.
7 - Chocolate Hills - una muna daw sa malayo. at last nagawa ko din ang pangarap kong magjumpshot na may walis! haha. in fairness hindi naman kami pinilit ni kuya michael magpapicture sa baba. yun kasi nababasa ko dito.
8 - Shiphaus - nagpapicture lang kami sa harap nito. hindi na kami pumasok. may entrance pa, e wala din naman sa dagat. hehe
9 - Man-made forest - dito ako nagenjoy kakapose. andami kalokohang pose ni kuya michael. tapos andami din naming baong pose. mga prenup level poses. hehe. at pati si kuya nakikijumpshot din.
10 - Tarsier encounter - hmm mejo nabore ako dito kasi halos lahat ng tarsier tinakpan nila ng dahon, mejo umaambon daw kasi. e hindi naman aalis yung tarsier so nilagyan na lang nila ng bubong. ok rin kasi kahit tulog sila dilat pa rin ang mata so pwede pa rin picturan. meron isa na gising, grabe nagrotate ng 180deg ang ulo. amazing!
11 - Hanging Bridge - kaboring nung una pero inalog kami ni kuya kaya nahilo na din ako. haha. mas mura dito yung peanut kisses saka ibang pasalubong.
12 - Hinagdanan Cave - award ang mga guide sa loob ng cave. pare-pareho sila ng peg! baklush! nakakaloka! at ang gagaling magset ng settings ng camera. take note: DSLR ang usapan. galing! wala silang bayad so ikaw na lang bahala sa tip. at pwede nga pala maligo sa tubig dun, may healing powers daw.
13 - Bohol Bee Farm - Ang sarap ng Malunggay Ice Cream! bumili din kami ng tinapay - forgot the name basta sa T nagsisimula at 15pesos sya. haha. andami ding free taste. ang galing ni kuya michael e, kilala sya ng mga bantay. natikman yata namin lahat. di na kami umikot sa paligid gabi na e.

tumigil din kami sa convenience store para bumili ng mga milo, tubig, softdrinks at palaman. tapos idinaan kami ni kuya Michael sa Chicken Ati-atihan para magtakeout ng dinner. Sana pala dun na lang kami kumain kasi walang unlimited rice ang takeout. Ang sarap nya pala. pagdating sa resort di muna kami iniwan ni kuya, binitbit pa nya yung gamit namin at inaantay kami makacheckin. wala daw kasi kami masasakyan if ever palpak pala yung reservation namin. ang bait! pero ok naman yung reservation na ginawa for us ni ate kathy.

Ok din yung team ni kuya tatsky. Ok sya kausap, mejo nakakalimot lang. ilang beses nya tinanong saken ano resort nga namin ulet. hehe. need lang ipaalala lage. pero ok pa rin. sabi ni kuya michael 10 na daw kasi yung for rent nila. si kuya michael ok din. machika at no dull moments. magaling na photographer pa! yun nga lang mga 2x nya uulitin yung joke tapos minsan mauuna pa sya tumawa at pumalakpak! buti na lang mababaw lang kaligayahan namin. haha. at super thankful ako na anjan si ate kathy! grabe sya ang nagpabook ng resort namin, sya din ang tumawag nung sabi namin late checkin kami. at sya din ang bumili ng ticket namin sa oceanjet. sya din sana ang magpaparebook nung ticket namin pero nagvolunteer na kami na kami na lang kasi nakakahiya na. sabi na lang nya pag di namin naparebook itext sya agad para sya na lang. at take note No extra charge, as in kung ano yung published rate yun ang sinasabi nila. super bait nila! although di man lang namin nakita yung magasawa. aww

:)

yosh

  • Newbie
  • *
  • Posts: 34
Re: Bohol Thread 19
« Reply #7 on: July 09, 2012, 04:48:46 PM »
hindi po pala natuloy yung seatour namin the next day dahil malakas ang alon. although di naman umuulan. ayaw daw kasi ng coast guard. at hindi naman daw pipilitin yun ni kuya tatsky. so cancel na lang kami. naggala na lang kami sa paligid. naglakad kami papunta sa BBC. andami foreigner grabe. mejo madumi din yung dagat dahil sa mga seaweeds, tinangay siguro ng alon.
tapos nung nagsawa na kami bumalik kami sa resort, magsiswimming sana kami sa DBR2 since wala pool sa DBR1. pero sabi ni manong guard. P150/head daw yung pool tapos plus P100/head pa na entrance. kamahal e! sa DBR1 lang kami nakacheckin nyan ha? aww. at totoo pala na may DBR3 na. katabi sya ng DBR1, yun na yung katabi mismo ng BBC.

then naisipan naming magrent na lang ng motorcycle. rider kasi si bf so ang hinire namin yung same lang ng motor nya sa manila. turista ang peg namin pagstroll, as in nakasando, shorts, tsinelas lang. buti may balabal ako. kasi nakarating kami ng Danao Adventure Park. ganun kalayo! haha. yung first route namin tinrace lang namin yung dinaanan ng tour, grabe sobrang off-road pala dun. pagkarating namin sa Danao, na-chicken naman kami magtry ng rides. pagod siguro sa pagmomotor. haha. kumain na lang kami sa resto nila. in fairness masarap yung beef steak, kulang lang sa palambot pa. then ibang route naman ang dinaanan namin pabalik ng tagbilaran.

then dumaan kami sa Pier para magparebook ng ferry. plan kasi namin magseatour kinabukasan, e 11:40 yung una namin sched, pinamove namin ng 4:20. sisses pag ganto nangyari sa inyo, icheck nyo yung dates sa new ticket ha. yung sa amin kasi mali ang nailagay na date ni ate. 7/3 imbes na 7/4. ayun tuloy kinabukasan panibagong rebook kami. di yata nakakaintindi ng tagalog si ate.

tapos daan kami sa Island City Mall para magmerienda at bili shirts.

ayun balik na kami sa resort. pagpunta namin sa beach super lowtide pala. nagpicturan na lang kami sa sunset kasi mapapagod ka kalalakad para makarating sa tubig.

nagdinner kami sa DBR Grill. ang sarap ng White Marlin nila. mas bet ko sya kesa sa Blue Marlin. pati si bf napaextra rice. tapos ayun wala kami mahanap na massage so nuod na lang movie sa room. ok rin naman ang rooms sa DBR1. di na masama. mabait din naman ang staff. at pwedeng magpasok ng food.  :D

yosh

  • Newbie
  • *
  • Posts: 34
Re: Bohol Thread 19
« Reply #8 on: July 09, 2012, 05:07:32 PM »
nakapag-seatour na rin sa wakas on our last day.
early naman kami sinundo sa resort nung alalay ni kuya aldrin. di ko nakuha yung name nya. si kuya aldrin pala yung bangkero na inassign sa amin ni kuya tatsky.
nakalaot na kami tapos bumalik. nakalimutan yata yung waiver. tapos binigyan din kami ng lifevest. may dumaan kasi na coastguard at nagcheck. haha
super tagal namin sa laot, mga lampas one hour yata yun.

ineexpect ko magdolphin watching muna kami, pero nagulat ako na idinaong na kami sa pampang ng isang island. tapos dun na lang sinabi samen na di na kami tumuloy sa dolphin watching kasi wala daw dolphin pag maalon. ano ba naman yung sabihan kami earlier db? nageexpect kasi ako aww. Anyway, Balicasag Island na pala yun. Mejo nadisappoint lang ako kasi masyadong mabato. well ganun yata talaga kasi snorkeling site nga yun. Pero andaming basura! meron pa akong nakita na floating mangkok! dahil ba naulan the day before? argh. pagkababa namin sa bangka, di man lang kami inassist ni kuya aldrin. yung alalay nya ang tinanong namin kung ano gagawin namin. So ayun nga daw hanap daw kami ng magbabangka samen para sa snorkeling. So lumapit na sa amin yung mga bangkero. aba P150/head daw! buti nagbabasa ako dito sa GT, natutunan ko na maglakad muna sa may bandang dulo para P100 na lang. So yun nga nakakita kami kaya lang may bayad pa daw na P100/head yung mask! whoa! tinawaran ko na lang ng P50/head. pumayag naman. so P150/head na lang. Ayun dinala na kami ni manong sa dagat. kainis lang kasi parang ayaw nya lumayo, andun lang kami sa mababaw. Nung sinabi ko na pwede ba lumayo saka lang lumayo. aww. Mejo di rin masaya kasi nakalimutan namin magbaon ng skyflakes. di tuloy lumalapit samen ang isda. kaya siguro mabilis nainip ni bf at nagyaya na umakyat. saka si kuya din kasi mahirap kausap, di marunong magtagalog. tumawag pa nga sya ng kakilala nung bayaran na kasi di nga nya kami maintindihan. siguro kung nagenglish kami mas magegets nya? hmm. nga pala, di naman gaanong kailangan ng aqua shoes. wag na kayo magrent dun.

tapos derecho na kami sa virgin island. disappointing sya for me kasi andami harang. puro yellow tape pa na caution. sabi ni ate dun kasi daw nagsisiga daw yung mga turista nasusunog daw yung mga puno kaya hinarangan. oh well. nairita din ako dito kasi andaming nagbebenta ng sea urchin at mga perlas. ok lang sana yung once ka tanungin pero yung iba kasi as in kukulitin ka kahit sabihin mong allergic ka. nakakatakot din na may sign dun na malaking Beware of Pickpockets! waaaa. dun tuloy kami nagswimming sa malayong lugar na walang tao. sinabit na lang namin yung mga gamit sa puno. make sure pala na nakabalot ng plastik ang gamit nyo. nagustuhan ko din yung may tinadahan din sa island. at ang bait ni ate. kumain kami ng banana cue, nilagang itlog at buko! sarap!

tapos nung pauwe na. nakakainis lang kasi dapat ihahatid kami pabalik sa DBR. pero sina kuya aldrin sinabihan kami na sa danao,panglao na lang daw kami ibababa. tagadun pala sila. sabi malakas daw ang alon, e same lang naman nung umaga. tinatamad lang siguro. nahihiya na lang kami sabihing ayaw namin, so umo-o na lang kami. tapos hinatid na lang kami nung julalay nya ng habal-habal papuntang resort.

lunch lang ulet sa DBR Grill, our new fave white marlin lang ulet. hehe.

tapos by 2pm dumating na yung sundo namin from kuya tatsky. P500 yung hatid sa pier. di ko naalala yung name. ok din naman kaya lang tahimik sya compared kay kuya michael na madaldal. pero mas articulate sya magenglish, sosyal ang peg. tapos tinanong kami kung meron pa daw ba kami need daanan sa bohol. sabi ko ice cream sa bohol bee farm! pumayag naman sya! wow! kung gusto daw namin pwede din sa mall kasi meron din daw sa mall nun. sabi namin wag na kasi out of way na, dun na lang sa original. so ayun. pagdating namin sa pier, tinuro pa nya samen yung papasukan namin at pano magcheckin.

ayun back to cebu na  ;D

purpleish

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2722
  • Princess Di
Re: Bohol Thread 19
« Reply #9 on: July 09, 2012, 05:34:56 PM »
^ nako, napaisip tuloy ako sa SEA TOUR :-\ ang tanong ko lang sis worth it ba?? and magkano ang inarrange sa inyo na rates?? napag iisip den ako sa habal-habal ride going back to DBR2, never pa kasi akong nakasakay ng motor na single, nag bayad pa ba kayo sis sa habal-habal pabalik??
« Last Edit: July 09, 2012, 05:52:35 PM by purpleish »
Instagram: purpleish_diane

tammy1979

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 337
Re: Bohol Thread 19
« Reply #10 on: July 10, 2012, 12:01:24 AM »
^^ ako din parang napaisip sa sea tour. Maalon kaya pag August sa Bohol? baka di rin kami makakita ng dolphin ah! yun pa naman ang gusto ng mga kasama ko..

baresexy

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 48
Re: Bohol Thread 19
« Reply #11 on: July 10, 2012, 12:43:25 AM »
then naisipan naming magrent na lang ng motorcycle. rider kasi si bf so ang hinire namin yung same lang ng motor nya sa manila. turista ang peg namin pagstroll, as in nakasando, shorts, tsinelas lang. buti may balabal ako. kasi nakarating kami ng Danao Adventure Park. ganun kalayo! haha. yung first route namin tinrace lang namin yung dinaanan ng tour, grabe sobrang off-road pala dun. pagkarating namin sa Danao, na-chicken naman kami magtry ng rides. pagod siguro sa pagmomotor. haha. kumain na lang kami sa resto nila. in fairness masarap yung beef steak, kulang lang sa palambot pa. then ibang route naman ang dinaanan namin pabalik ng tagbilaran.

hi sis, magkano rent nyo sa motor? saka gaano katagal nyo minotor yung danao? madali lang mag motor? hindi ba nakakaligaw?hehe..

purpleish

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2722
  • Princess Di
Re: Bohol Thread 19
« Reply #12 on: July 10, 2012, 07:24:44 AM »
^^ yun nga den sis ang iniisip ko... kaya kame mag sea tour para sa dolphins para sa daughter ko..pero kung walang dolphins wag na lang den... palubag na san yung Balicasag and Virgin kung ok ang surroundings kaso base sa review ni sis yosh paran hhhhmmm :-\ sana by the time na mag punta tayo improve na.. :-\
Instagram: purpleish_diane

yosh

  • Newbie
  • *
  • Posts: 34
Re: Bohol Thread 19
« Reply #13 on: July 10, 2012, 08:17:45 AM »
purpleish:
P1600 po yung rate. tinext ko nga si kuya tatsky kung wala ba bawas yun kasi di naman kami nakapagdolphin-watching. sabi nya yun daw kasi ang rates ng mga bangkero. so sa intindi ko sa kanya derecho sa bangkero yung bayad. and sa bangkero din kami nga nagbayad. wala na sis bayad yung habal-habal. ay nako! dapat lang wala. kasi db dapat sa shore ng DBR nila kami ibababa.
imo, di ako nasatisfy. di rin ako nagandahan sa corals. siguro kasi nasa mababaw lang kami? pero baka dun sa malalim mas maganda. try nyo sis sabihan yung bangkero na lumayo. pili na rin kayo ng marunong magtagalog.  ;)

baresexy:
P600 sis ang rent namin sa motor. dun na kami sa DBR nagrent. pero sabi P500 lang daw yun sa labas. try nyo hanap sa paligid. mga 3hrs yata kami bago nakaabot sa danao. nawawalan kasi ng signal yung gps namin gawa ng bundok? ayun pala may gps kasi yung phone ni bf.  ;)

tammy1979:
nakatry ako ng dolphin-watching sa dumaguete, tapos september yun. yun nga din yata yung pupuntahan sa bohol? anyway, i guess depende sya talaga sa weather. pwede naman na august tapos maaraw.  ;)

purpleish

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2722
  • Princess Di
Re: Bohol Thread 19
« Reply #14 on: July 10, 2012, 08:32:24 AM »
^ oo nga naman sis pag nasa mababaw lang, wala talagang makikitang corals... buti naman sis at walang bayad yung habal-habal akala ko meron pa hehe... sana nga man lang sinabihan na hindi na pala matutuloy yung dolphin watching niyo, kung sa akin den nangyari yun nakakasama ng luob... napapa-isip talaga ako :-\ sis yung sa Virgin Island ba, medyo so-so lang ba?? and regarding sa food, saan pala kayo kumain ni boyfie? meron bang paluto sa island??
Instagram: purpleish_diane

beijhing

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 148
Re: Bohol Thread 19
« Reply #15 on: July 10, 2012, 10:44:18 AM »
@tammy, purpleish, yosh. naku mga sis dissappointed din ako sa sea tour namin kasi walang dolphin. maalon daw kasi which is true naman kahit na ang taas-taas ng araw. mabait naman yung bangkeros namin kasi sabi nila baka daw walang dolphin kasi maalon, pero ikot-ikot muna kami, mga 15 minutes din yun tapos nung wala talaga makita sabi nila Balicasag na kami. saka mega-alalay naman si kuya tommy and naihatid naman kami sa may DBR2.

^kami ni hubby mga sis natuwa talaga sa Virgin island. super ganda sabi ni hubby. enjoy lang kami sa pagswim, high tide that time pero mababaw pa rin tubig. okay din naging experience namin sa mga locals don, wala namang nangulit.

purpleish

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2722
  • Princess Di
Re: Bohol Thread 19
« Reply #16 on: July 10, 2012, 10:56:06 AM »
^ sis kayna kuya tatsky den ba sila sa Sea Tour niyo?? hmmm siguro will give it try na den since andun na, sna lang meron kameng dolphin na makita para perfect... saan pala pwedeng kumain dun sis sa Balicasag or sa Virgin?? or mas ok na kung mag dadala ng food...
Instagram: purpleish_diane

tammy1979

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 337
Re: Bohol Thread 19
« Reply #17 on: July 11, 2012, 01:58:44 AM »
Ayyyyy..parang bigla ako nalungkot. The last time kasi na nag Bohol kami ni bf dati, di talaga namin ni avail ang dolphin watching kasi sobrang aga ang alis eh pagod kami sa byahe. pero nakakatuwa kasi may nagpakitang dolphins kahit tanghali na at papunta kami sa Balicasag. Baka dahil sa tag-ulan na kaya nagiging maalon. yung sis ko pa naman gusto din makakita ng dolphins kasi nung magpunta naman sya doon tinanghali sya ng gising hehe. Sana nga maging ok ang weather by August. Thanks sa mga feedbacks mga sis...:)

yosh

  • Newbie
  • *
  • Posts: 34
Re: Bohol Thread 19
« Reply #18 on: July 11, 2012, 08:35:42 AM »
@purpleish
Ok naman yung virgin island sis. nairita lang talaga ako sa mga nagtitinda ng sea urchin at perlas. saka mejo naging wary lang ako sa signage na beware of pickpockets. anyway, di naman makukumpleto seatour mo pag di mo napuntahan un, so try mo na rin. for experience lang. :)

at natext ko na pala si kuya tatsky mga sis. kakausapin daw nya. yun ang maganda kay kuya tatsky e, kapag may feedback na negative sa mga tao nya ginagawan nya ng action. parang yung issue ni michael dati. so ngayon ok na si kuya michael. :)

bluez

  • Mother of three beautiful children and now a
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 230
Re: Bohol Thread 19
« Reply #19 on: July 11, 2012, 09:34:21 AM »
woot woot tomorrow na bohol trip ko!!
hoping the weather is perfect rain or shine go ako sa bohol  :)
Bongga ka Teh  !

 

ADVERTISEMENT
follow us
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT
Featured Articles
5 Steps to Financial Fitness in Tough Times
Instead of grumbling about the plight of the peso and dwelling on the negative, try these helpful tips to stay afloat. Remember--a little discipline goes a long way!
You're the breadwinner: Now what?
You want the freedom to spend your money as you wish but you know that if you don’t bring home the bacon, no one else will.
Getting money-wise: Why women are naturally capable of managing cash
She works hard for the money but she doesn’t know how to invest it. Here, Pearlsha Abubakar tells us why women are capable of managing their money well, but don’t. Read and get smart with your money.
Never go broke again! The FN guide to financial freedom-forever!
Fear not bankruptcy or eternal dependence on your parents (or a man!). There's a financial strategy for everybody. Read and get money-wise.
Wise up: Start your own business!
Tired of living from paycheck to paycheck? Why not go into business? Read on and find out how just a little cash can become a lot.