same here sis parang nag momourn din ako. I've been singing home along the riles for few days now. hehe.. na weirdohan nga ako sa sarili ko, siguro nga lahat ng lumaki sa home along or sa john n marsha eh parang naging tatay na sya.
at totoo na madami ka talagang mapupulot na payo kay mang kevin, bakit kaya wala ng ganung show ngayon. makaka relate ka sa mga family issues nila at matututo ka pano nila na sosolve and differences at problema nila diba...
yung 2 year old baby ko alam na nga katahin yung home along the riles song
Sumasaya ang family ‘pag tulung-tulong all the way. Problema ay may remedy kapag may konting comedy. At kahit na tumitindi ang hirap ng buhay, pare, kung tayo ay may unity, ang imposible ay pwede.
Home along the riles, home along the riles. Ito ang aming home sweet home (choo-choooo!!!). Umuuga, lumilindol. Kumapit ka, kumapit ka kung ayaw mong magkabukol.
Sumasarap ang pagkain kahit na ulam ay bitin. Basta’t sa iyong paghahain, huwag kalimutan ang lambing. Kung minsan ay nababato, kung minsan ay nagtatampo. Pito-pito, walo-walo, ayos na ang butu-buto.
Home along the riles, home along the riles. Ito ang aming home sweet home (choo-choooo!!!). Umuuga, lumilindol. Kumapit ka, kumapit ka kung ayaw mong magkabukol.
Pero aming matitiis. Kami ay hindi aalis. Dahil ang home along, dahil ang home along, home along the riles ang the best!