Get weekly updates via email!
tip of the day SAT 25 OCT 14
Want to get an edge at work? Attend seminars, immersions, and training sessions provided by your office to hone your skills.
  • Good House Keeping
    Judy Ann Santos-Agoncillo returns to our cover this September issue and gets candid about money, marriage, and motherhood.
    Good Housekeeping
  • Women's Health
    Drop two sizes fast—with simple exercises you can do at home! This month's ultimate weight-loss special shows you how. Plus, real women share how you, too, can shed and keep off excess weight for good.
    Women's Health
GIRLTALK

Author Topic: Gusto kong gayumahin si EX. Help!  (Read 11810 times)

Parissydney

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 47
Gusto kong gayumahin si EX. Help!
« on: June 18, 2012, 02:11:19 PM »
Yung babalik feelings niya saken pero di ko na sya babalikan. Ang sakit lang kasi na makita sya na ok lang sa kanya yung nangyari samen. Parang balewala lang sa kanya yung 5 taon. Pero nagdadalawang isip din ako mga sis. May karma kaya to saken???? Gayuma lang naman yan diba hindi naman kulam.

aquacharly

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 4682
Re: Gusto kong gayumahin si EX. Help!
« Reply #1 on: June 18, 2012, 02:28:28 PM »
You want him to love you again, but you say "Hindi mo na sya babalikan".  Really, now?  So, is the issue Pride?  Such a useless thing: Pride. Best to spend your time & effort on something else.  (like Revenge? hehe. Just kidding)   Do not take it personally -- he just changed & prefers something else.  It's not like, tinimbang ka & you're kulang. 

Or, do you really want him back?  But you see,  Love cannot be forced.  Gumamit ka man ng gayuma -- are you ever ever gonna feel secure in his love again?  What's the point of having someone love you (again) &  possessing no confidence in that love?  Empty victory, assuming gayumas really work.  But, Teka, if the gayuma kicks in -- and you get enough time to kick him around for the world to see your rejection of him -- well, that is a truly tempting scenario. 

Everything has karma, even just thoughts daw.   IMO, do not be lulled into false security kasi "gayuma lang naman yan".  Ewan ko ha, but isn't the crux of karma all about putting obstacles into the natural progression of someone's life?   IMO, it's better to Live Happier -- that's the best revenge.   

Well, we do wonder. Gayumas work, really?  As in over 24 hrs?  If you do go for it, which I really do not advise.... get back here & cuento mo what happens ha.  We are very curious. 

Parissydney

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 47
Re: Gusto kong gayumahin si EX. Help!
« Reply #2 on: June 18, 2012, 02:48:48 PM »
Kasi sis ang gusto ko mangyari, na kahit may ka gf man sya na iba, hindi pa rin niya ako makakalimutan or hindi mawawala feelings niya para naman may regret siya na pakawalan ako. Oo hindi ko siya babalikan talaga, gusto ko lang mag suffer siya at magsisi bakit niya ako iniwan. Pero sabi mo nga baka may karma so baka pag isipan ko muna ng maigi to.

Parissydney

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 47
Re: Gusto kong gayumahin si EX. Help!
« Reply #3 on: June 18, 2012, 02:51:15 PM »
" it's better to Live Happier -- that's the best revenge.  "

- eh feeling ko sis, lalo matutuwa yun na maging masaya ako eh. Para di na siya ma-guilty. Gusto niya talaga maging masaya ako.

shenka

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 60
Re: Gusto kong gayumahin si EX. Help!
« Reply #4 on: June 18, 2012, 02:56:41 PM »
Sis it's better to move on na wala kang burden na dala. I was cheated by my ex boyfriend, 4 years naging kami.

I've been through tough times but everything went better, as in really better sa lahat ng area ng buhay ko when I have learned to forgive and mag move on and mag let go ng lahat ng bitterness. I am happily married now, and looking back I couldn't be more thankful sa naging decision ko

God said in Romans 12:19:

Do not take revenge, my friends, but leave room for God's wrath, for it is written: "It is mine to avenge; I will repay"

God loves you sis, you are so valuable to Him so He wouldn't let you go through all these kung wala syang better plans for you.
« Last Edit: June 18, 2012, 02:58:27 PM by shenka »

babymeow04

  • DBA on weekdays HMUA on weekends ;)
  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 94
Re: Gusto kong gayumahin si EX. Help!
« Reply #5 on: June 18, 2012, 03:01:49 PM »
may karma anything related to black magic.. kung hindi sayo sa loved ones mo or sa kabuhayan nyo..wag na lang :) paka-busy ka na lang humanap ng kapalit. meron na ba?

aquacharly

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 4682
Re: Gusto kong gayumahin si EX. Help!
« Reply #6 on: June 18, 2012, 03:18:53 PM »
Kasi sis ang gusto ko mangyari, na kahit may ka gf man sya na iba, hindi pa rin niya ako makakalimutan or hindi mawawala feelings niya para naman may regret siya na pakawalan ako. Oo hindi ko siya babalikan talaga, gusto ko lang mag suffer siya at magsisi bakit niya ako iniwan. Pero sabi mo nga baka may karma so baka pag isipan ko muna ng maigi to.

Hindi ka nya  makakalimutan, peksman.  I am s too that he loves  you still, but well.   -- this is Reality now, he loves someone more.. Or, mas type nya yung pagmamahal ng bagong GF.  He has changed, yon yon.  As of now, wala syang sisi he left you.  Bka after some time, & if his new relationship sours --  but do not hold your breath waiting for that ha.  Malabong umasa  sa ganon.

" it's better to Live Happier -- that's the best revenge.  "

- eh feeling ko sis, lalo matutuwa yun na maging masaya ako eh. Para di na siya ma-guilty. Gusto
niya talaga maging masaya ako.

If you are happier, Oo matutuwa sya not necessarily coz he will be feeling less guilty -- but naisip mo ba na he may really be capable of mature/true love? As in he left you not to reject/hurt you but coz he sees the way you 2 are individually developing/maturing --  you have both outgrown each other?  Hindi ba mas ok he set you free while bata bata ka pa, at wala pang collateral damage -- like a child?  Wasn't he a better lover for not two-timing you & putting you through the agony of a long protracted break-up? 




1choi_ko9

  • came from family of Drs./Clin.Psyc/Mom of 2 boys and a wife
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 3993
Re: Gusto kong gayumahin si EX. Help!
« Reply #7 on: June 18, 2012, 04:43:18 PM »
ibig lang sabihin sa nangyari sainyo.... meron something na mas better for you. DOnt dwell on the past leave it behind. Kesa think of ways to make the other person love you more or regret what had happened...be happy and be merry and remember there is something much much more better in store for you :)

pret_ty68

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1044
Re: Gusto kong gayumahin si EX. Help!
« Reply #8 on: June 18, 2012, 06:51:32 PM »
Sis Parissydney nabasa ko sa isang thread dito na may karma ang gayuma.  Kahit gayumahin mo sya at bumalik sayo di naman nakakatuwa yun kasi alam mo na dahil sa gayuma at di sa kusang loob nya kaya sya bumalik sayo. Tama si sis aquacharly na empty victory ang tawag dyan. Isa pa sa mga nababasa at napapanood ko di naman alam nang taong nagayuma ang pinaggagagawa nya habang under sya nung spell kaya nga pag natauhan na sya wala sya minsan na naaalala.

May karma naman lahat nang bagay sis. Ipagpaubaya mo na lang sa Diyos ang lahat.

enilec

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 149
Re: Gusto kong gayumahin si EX. Help!
« Reply #9 on: June 18, 2012, 06:57:50 PM »
seryoso sis? You believe in gayuma? as in, gayuma talaga? Haha, sorry ah di po kasi ako believer ng gayuma. But that aside. Advice ko sayo is mag move on ka nalang sis and start focusing on how you can be a better person. Kumbaga, upgrade yourself. I think mas productive yan kesa sa balak mo pong gawin :) Stick to doing positive things. Di talaga ako sure kung totoo ang gayuma, pero i'm dead sure na ang karma, totoo.

Parissydney

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 47
Re: Gusto kong gayumahin si EX. Help!
« Reply #10 on: June 19, 2012, 08:14:32 AM »
Mga sis, kwento ko na lang yung detailed story what went wrong. So eto yun.

I admit, maldita ako, demanding masyado at sobrang tamad. Si ex yung tipong sobrnag loyal, sobrang mahal ako, ginagawa lahat para mapasaya ako. So i took him for granted. Nung time na nagre-review siya for board exams, hindi ko siya sinuportahan. Pano kasi di kami nagkikita. Ayaw niya makipagkita saken kasi kailangan niya mag focus kasi pangatlong take na niya yun. Ako naman tong si ga**, na-depressed kasi di ko siya nakikita. So gumawa ako kwento na may bf ako at nagjugjug kami sa motel pero lahat ng yun gawa gawa ko lang. Mahilig kasi ako mag lie sa kanya at gumawa ng kwento na di ko alam dinidibdib niya pala all these years. Ako yung nakipag break sa kanya, pero promise mga sis tuwang tuwa ako nun na naiistressed siya. 9 days ako hindi nagparamdam sa kanya, tas siya panat [textspeak!], tawag at msg sa fb. (shet naiiyak na naman tuloy ako pag naalala ko yung mga ginawa ko nagsisisi talaga ako kahit last year pa nangyari to) so yun, hindi na rin sya nagparamdam tas nung pumunta ako sa bahay nila, hindi niya ako kinakausap tas pinaalis niya ako kasi kailangan pa daw niya mag review. Tas nung day na nung board exam, sinundo ko sya sa school. Ayun sobrang cold na niya saken pero ramdam ko na namiss niya ako non. Galit na galit talaga siya saken. Siya yung tipo ng tao na pag nagalit, sagad at sobra talaga. Na kahit anong gawin ko di ko siya mapaamo.

After ilang weeks, nagkaroon nag gulo sa bahay namin. To the rescue agad si ex nun. Tas since nun, sinamahan niya na ako dito sa bahay. Kaming dalawa lang pero ang rule namin "walang pakelamanan" tas dati lagi niya sinasabi na demonyo na daw siya ngayon. Sobrang nagbago talaga siya. From sobrang bait, naging ganyan na siya bigla. Lagi siya umiinom at kung saan saan pumupunta na di ko alam. Mga 2 months n kaming magkasama sa isang bahay, may mga nanliligaw na agad saken. Parang wala lang sa kanya.

Umabot na 1 year at magkasama pa rin kami sa isang bahay. At lumala na kasi for the past few mons, lagi ko nakikita sa damit niya may mga cum. So it means may ka-fubu siya. It started nung parang nag start siya mag work.

Nagbago ako para sa kanya. Naging masipag ako, natuto ako magluto. Natutuwa naman siya. Para daw sa next bf ko maging maayos na ko. Hanggang ngayon sobrang nasasaktan ako kasi pag mga off days niya wala siya dito at feeling ko andun siya sa fubu niya. Sabi niya kasi wala daw siya gf kasi kung meron edi umalis na siya dito.

Kaya ayaw niya ako iwan dito mag isa pa kasi wala daw ako kasama. At alam daw niya yung feeling na iniwan. Aalis lang daw siya pag nakita niya na kaya ko na. Sinasabi ko naman sa kanya na kaya ko na eh. Pero ayaw niya maniwala. Sobrang sakit talaga to mga sis kasi hanggang ngayon yung pagmamahal ko sa kanya hindi pa rin nababawasan. Sabi niya hindi na daw niya ako mahal. Mas may deserving pa daw na lalake para saken at wag ko daw siya iyakan kasi wala daw syang kwentang tao.

Once kasi, nagawa niya akong saktan nung nag aaway kami. Di daw siya makapaniwala na nagawa niya yun saken. Ayoko na talaga mga sis, pero di ko alam kung san ako huhugot ng lakas. I felt so alone. Wala yung family ko dito. Kaya pag umalis siya, ewan ko. Di ko alam, di ko kaya. :(
« Last Edit: June 19, 2012, 08:17:30 AM by Parissydney »

Parissydney

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 47
Re: Gusto kong gayumahin si EX. Help!
« Reply #11 on: June 19, 2012, 08:19:24 AM »
Tas sabi pa niya, gustuhin man daw niya na magkabalikan kami, di na pwede kasi sobra na yung sakit na binigay niya saken. Kaya wala daw siyang kwentang tao. I deserve someone better daw. Kaya naisip ko sana gayumahin kasi gusto ko bumalik yung feelings niya tas para magmakaawa siya tas hinding hindi ko siya babalikan.

babymeow04

  • DBA on weekdays HMUA on weekends ;)
  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 94
Re: Gusto kong gayumahin si EX. Help!
« Reply #12 on: June 19, 2012, 09:57:37 AM »
e sis, ano ba talaga?mahal mo pa or hindi na? you don't hurt someone you love, ok?

OOT na nga! wag na naten isama pa yung gayuma issue dito :). so first, decide kung mahal mo pa siya.  kung oo, then gawin mo lahat to win him back. remember:

Love is patient, love is kind. It does not envy, it does not boast, it is not proud. It is not rude, it is not self-seeking, it is not easily angered, it keeps no record of wrongs. Love does not delight in evil but rejoices with the truth. It always protects, always trusts, always hopes, always perseveres.

yung totoo, magpopost ba ko ng isang tambak na quotes dito?hahaha well sis, i just really wanna help you. i can feel na love mo parin siya..tutal, aminado ka naman na ikaw yung maldita and siya yung mabait between the two of you, he's done his part of being mabait and mapagbigay sayo so it's your turn na, na ikaw naman yung maging mabait at ma-pasensya sa kanya, here comes karma, joke! :) masakit yung mga nagawa mo sa kanya, yung pagiging unsupportive nagawa ko na yan sa bf ko now and buti na lang narealize ko ng maaga kaya naagapan pa. i knowwwwwwwwwww, nakakalungkot na hindi kayo nagkikita because he's busy, i get you trust me ;) but dreams and future na nya yung hindi mo sinuportahan. ginulo mo pa yung focus nya with lies about having kulelong with other guys (have you come clean about this na?)  kaya both hurts a lot! over nga yung advantage mo dahil magkasama kayo sa isang house, you have all the chance para bumawi sa kanya.. so ibaba ang pride, gawin ang lahat at kung feeling mo lahat na nagawa mo then you know na wala na talaga. beg him to leave kase hindi ka makaka-move on..tell him na maybe he thinks na you're not ok to be alone but neither being with him on the same roof makes anything better.

ayaw ko na umasa ka na magkakabalikan pa rin kayo dahil sa mga sasabihin ko pero based sa kwento mo, he seems to still care about you. kahit pa sabihin niya na hindi ka na  niya mahal. baka naman pareho lang kayo ng goal?ginagawa niya ang ginagawa niya sayo para maparamdam sayo yung same pain ng ginawa mo sa knya dati?sabi niya wala siyang gf pero meron chanak sa clothes niya?(does this mean you wash his undies?) diba ang guys, they can commit in having kulelongs without feelings at nakakapaglabas sila ng chanak by themselves?just saying..

hindi ko alam kung paanong pananakit ang nagawa niya sayo, but based on me and bf, umabot din sa time na sabi niya maghiwalay na lang kame kase he's not himself anymore. yung sobrang nagagalit na nasisigawan niya ko and napapasuntok siya sa wall or pakamatay  mode kame habang nasa kotse at nagaaway =)) sabi niya, hindi daw siya yun. mahaba daw ang pasensya niya at napuno ko yun. ganun din ako ka-maldita! at dun na nga pumasok ang line na "you deserve someone better". i realized, baka sa sobrang guilt at sa sobrang ayaw niya of the person he has become kaya niya yun nasabi. ilang beses kame nagbreak. i've lost count na who broke up with whom..pero basta nagka-sundo na kame na ang reason lang na magbebreak kame is because we don't love each other anymore. maraming definition of love, yung iba holding on, yung iba letting go. so choose your definition of love ;)

love hurts but that's one thing great about love..masakit pero ok lang because it's worth it.


Good luck, God bless, at tigilan na ang gayuma, ok? :)
« Last Edit: June 19, 2012, 10:02:33 AM by babymeow04 »

lenjeearroyo24

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 168
Re: Gusto kong gayumahin si EX. Help!
« Reply #13 on: June 24, 2012, 10:58:51 AM »
just begin to have fun, and you won't be able to keep the guys from punding down  your door. plus, if your genuinely busy and enjoying yourself, there will be windows of opportunity for you to meet other people.

HoldingOn

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 303
    • Get Paid in $$$ By Completing Tasks Online
Re: Gusto kong gayumahin si EX. Help!
« Reply #14 on: July 04, 2012, 11:40:38 PM »
Yung babalik feelings niya saken pero di ko na sya babalikan. Ang sakit lang kasi na makita sya na ok lang sa kanya yung nangyari samen. Parang balewala lang sa kanya yung 5 taon. Pero nagdadalawang isip din ako mga sis. May karma kaya to saken???? Gayuma lang naman yan diba hindi naman kulam.

gayuma.... kulam.... pare-pareho lang yan na dark side. and yes, may balik sa iyo yan, at super bigat pa ng balik sa iyo! but if you'll learn to forgive and let go, super laki din ng balik sa iyo because God will give you the man that you deserve... the man who will love you more than you can ever imagine!

gorgeous_mommie

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 725
  • If you're not sure if someone wants to be in your
Re: Gusto kong gayumahin si EX. Help!
« Reply #15 on: July 04, 2012, 11:51:04 PM »
ang tanong is there such a thing as this- gayuma??? and baka pagsisihan mo lang din sis pag magkataon.. kasi what if makahanap kana ng iba and ayaw ka tantanan ni ex mo??? just forget him.. you would... in due time.. at tama ka din may karma lahat ng gagawin natin na di maganda sa kapwa...
"Dont get mad when a girl cares too much. Worry when she starts not to care at all"

gorgeous_mommie

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 725
  • If you're not sure if someone wants to be in your
Re: Gusto kong gayumahin si EX. Help!
« Reply #16 on: July 04, 2012, 11:54:02 PM »
PS: pinaka the best that you can do, make him regret losing you by improving yourself even more... mas magpaganda ka pa.. mas mag try ka new things, mas mag aral ka ng mga bagay na di mo pa natutunan... prove to him na kawalan ka nya....
"Dont get mad when a girl cares too much. Worry when she starts not to care at all"

divineoctyan508

  • Probationary
  • Posts: 1
pls help me!!!
« Reply #17 on: September 11, 2012, 02:12:02 PM »
paano po ba alisin yung gayuma sa hubby ko kasi ginayuma siya ng babaeng malandi kahit may asawa na siya!at higit sa lahat may anak na kami ni hubby ko bat pa siya nakkisingit sa amin...kaya kami nag kabwesit bwesit dahil sa ka traydoran ng putang yun!pls help ginayuma aswa ko!help help help
god is good all the time!!!

tinapa

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 37
Re: Gusto kong gayumahin si EX. Help!
« Reply #18 on: September 23, 2012, 03:53:16 AM »
walang gayuma para sa karma  8)

lenjeearroyo24

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 168
Re: Gusto kong gayumahin si EX. Help!
« Reply #19 on: September 24, 2012, 07:42:58 PM »
right!

 

ADVERTISEMENT
follow us
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT
Featured Articles
5 Steps to Financial Fitness in Tough Times
Instead of grumbling about the plight of the peso and dwelling on the negative, try these helpful tips to stay afloat. Remember--a little discipline goes a long way!
You're the breadwinner: Now what?
You want the freedom to spend your money as you wish but you know that if you don’t bring home the bacon, no one else will.
Getting money-wise: Why women are naturally capable of managing cash
She works hard for the money but she doesn’t know how to invest it. Here, Pearlsha Abubakar tells us why women are capable of managing their money well, but don’t. Read and get smart with your money.
Never go broke again! The FN guide to financial freedom-forever!
Fear not bankruptcy or eternal dependence on your parents (or a man!). There's a financial strategy for everybody. Read and get money-wise.
Wise up: Start your own business!
Tired of living from paycheck to paycheck? Why not go into business? Read on and find out how just a little cash can become a lot.