@SnowBall,
May nabasa ako na pinoy student, kumikita sa oDesk. PDF file conversion ginagawa nya. Tapos sa isang blog, nabasa ko yung mother nya na 60+ years old na walang alam sa computer, nabigyan nya ng work sa oDesk.
Sa oDesk naman, may nabasa ako dun na agency, puro student sila, may nakukuha naman sila ng mga trabaho.
May nagpost dito way back several pages, yung husband nya, walang alam sa web design at graphic design. Within 3 months, kumikita na sa oDesk dahil masipag daw mag-aral.
Yung brother ko walang training sa graphic design. Gumagawa lang sya ng mga flyers para sa tindahan nya para pag may sale, may alam ng kaunti. Malakas loob, sumubok sa oDesk, test lang daw dahil nga mahina na benta sa tindahan nya. Nag-aral ng Photoshop habang may nakukuhang mga client. Inaplayan nya yung tingin nyang kaya nya. Ngayon hataw na sya. Nagsimula sya sa technical writing, 1 job lang. Nagsubok sya sa data entry sa excel, naloko. Sa graphics sya sunod sunod nakakuha ng clients. Puro aral na ginagawa ngayon.
May istorya sa oDesk blog, baka makakuha ka ng inspiration lalo na kung sa graphic field ka interesado. Eto yung link.
https://www.odesk.com/blog/2012/06/bangladesh-an-online-work-success-story/Ang iniisip ko na lang sa sa oDesk para hindi ako ma-insecure sa mga expert at professional ay ganito: I don't need to be the best in oDesk to earn. All I need to do is find a match for my current skills with the ideal hourly rate for a client who will be willing to pay for that level of skill. Tingin ko sa oDesk, parang isang malaking market place. May market para sa mga expert at professionals na yung mga client nila willing magbayad ng premium. May market din para sa mga amateurs o entry level na skills na yun lang kaya i-afford ng ibang mga client. Meron din market yung mid-range level na skills, na kaya ng mga client, hindi sobra mahal, hindi rin sobra mura.
Habang ma-hire ng pailan ilan, tuloy naman sa pagdevelop ng skills para madagdagan ang kaalaman. Eto po tip ko. Kaya ako napasok sa oDesk dahil nabasa ko yung isang internet cafe na nagshift sa oDesk. Nakita ko yung agency nila, nasa top 20 na daw sila. Ang daming contractors at ang specialty nila ay data entry.
