@freelancer_babe,
Mahilig din ako sa graphic design pero corel draw gamit ko noong unang panahon, hehe. Kailangan ko maging familiar sa Photoshop. Thanks sa info sa rates, may target na ako kung ano pwede abutin sa graphic works.
Tingin ko wala ata choice pag newbie sa oDesk, kailangan ibaba ang price para pansinin ka. Sa $2/hr nagsimula brother ko, pero pagktapos ng job na yun, inangat nya na agad. Bawat tapos ng bagong project, angat ulit. May mga malalaking project kasi na yung matataas na rate ang gusto ng client. Kung mababa ang per hour mo, out ka na agad sa criteria pa lang. Nung nakita namin ito ng brother ko, somehow it makes sense. Naisip namin na baka ganito thinking nila, "If you think your skill in graphic design is $1 to $2/hr, then you must not be that confident with your skill and most likely you're not very good."
Hindi pa naman super dami work ng kapatid ko, sunod sunod lang. Gusto ko rin na sarili kong project, pag pasa lang parang di ko pinaghirapan, hindi maganda ang feeling.

Saka mahirap na masisi pag hindi nagustuhan ng client nya kapag ako gumawa. Lagi na nga nakangiti ngayon brother ko at panay kwento tunkol sa photoshop, hahaha! Di tulad dati, problemado lagi sa negosyo na maliit ang kita. May talent pala sya sa logo design, ngayon lang nadedevelop.
@tiggerlily,
May nakita ako nyan dati, yung "everyone gets a job, 100 jobs!" Nasubukan ko mag apply. Ang baba ng bayad at ang hirap ng pinapagawa, withdraw ako sa interview. Ok talaga mga post dito sa thread, nabibisto mga bulok na style ng ibang client. Minsan nga nagtataka ako sa job post, ang tagal pero wala naman hina-hire. Naisip ko baka gusto lang nila may magclick sa web site nila, dami kasi binigay na link at doon daw dependent yung trabaho. Style talaga bulok. hehe.
@BB84,
Logo designer ang brother ko, wala pa sya tinanggap na ganyan ang condition ng client. Ako duda agad diyan, sobra dami nyan. Isang logo nga lang na pinapagawa sa brother ko, minsan $10 to $30 agad. Sa isang logo job nga, marami pang iteration at variation ginagawa ng brother ko hanggang ma-satisfy yung client. Ang hirap ata mag-isip ng design ah. Yan 20 pa ha. At saka, madali tanggalin yung watermark kung gusto nakawin yung design. Kung may portfolio ka ng sample designs, sa opinyon ko lang dapat sapat na yun.
@jazzygelable,
Thanks po sa tip tungkol sa writing. Tuloy ko pa rin yung writing pero bibilisan ko na rin yung pag-aaral ng photoshop. Yun din nakita ko sa ibang client, uhaw na uhaw sila sa original and quality content. Kung kaya nila makuha sa barya, mas lalo sila natutuwa. Kaya nga naisip ko na gumawa ng sariling blog kung barya lang ibabayad sa akin. Sa blog ko na lang ako magpapakahirap kaysa bayaran ng $0.20 per 500 word article. Yup, content is king.
