@tawnylee,
Pag active candidacy, nasa interview process pa lang. Minsan may ipapagawa yung client na sample work para makita yung skill mo. Minsan naman, may mga client na tini-take advantage at pag nakuha na yung sample work, wala ka na maririnig.
Kung hourly ang job, download mo yung oDesk team application. Yun yung pinaka timer mo at every 10 min, may screen shot sa webcam mo at sa screen ng desktop mo. Pwede mo stop anytime kung gusto mo mag break. Pag hourly job, guaranteed ng oDesk. Weekly mo makikita yung total accumulated hours, payment to oDesk at yung net pay mo. Sa work diary pwede mo rin makita by day yung total hours worked. Sa wallet mo makikita yung kinita mo. Pag andun na sa wallet, pwede mo na ma-withraw. Pag nakalagay na pending, antayin mo lang. Pag fixed rate job, ingat ka. Depende sa client kung magkano at kailan magbabayad. Yung first client ko, 2 months na, hindi pa rin nagbabayad Deadma lang sa mga messages ko. Pag fixed rate contract, magkaka message ka pag nagbayad na yung client at makikita mo kung magkano, pending pa muna status nun. Pag pumasok na sa oDesk, makikita mo na yun sa wallet mo.