Good news mga sis!
Yung brother ko nafinalize na yung offer ng permanent work ng isang client nya. Full time graphic designer na sya para sa isang client. Pagtagal tagal baka kailangan daw nya mag hire ng mga tao, sabi ng client. Hindi daw nya kakayanin mag isa. Mukhang dadami ata ipapagawa.
Nung nakwento ko sa kanya yung oDesk, sinubukan lang nya, test lang daw. Halos 12 hrs a day sya nag-hahanap ng jobs sa odesk at nag-aaral ng photoshop. Wala sya alam sa photoshop, nag-aral na lang on the job. Ang background nya sa graphic design ay paggawa lang ng flyer at menu para dun sa tindahan nya. Karamihan ng alam nya ngayon, puro self-study.
April lang nagsimula sa oDesk ang brother ko, mga 3.5 buwan lang, eto na nangyari. Syempre inalagaan din nya talaga mga naging clients nya. Sobra sobra lagi effort at trabaho nya na binigay para dun sa mga client. May 3 clients ang hindi rin nagbayad.
Balak na nga ulit isara ng kapatid ko yung tindahan nya pero sabi ko sayang at malapit na "ber" season, baka lumakas na. Sabi ko rin kahit full time na work sa isang client, dapat lagi sya handa kasi pwede yun mawala anytime. Kailangan pa rin magdagdag ng skills.
Share ko lang sa inyo, lalo na dun sa mga baguhan na tingin nila wala sila skill. Pati na rin sa mga datihan na sa oDesk na gusto magdagdag ng skills. Kaya pala basta gusto mag-aral, may panahon, sipag, tiyaga at lakas ng loob. Biro ko nga eh kung sino susunod dito sa amin magkakaroon rin ng full time work
