What made you decide to do it?My mom was a working mom, busy sya and sometimes my teacher bullied me telling I was born from a bamboo crack (mala si Marikit at si Maganda) kasi hindi talaga nila nakita ni isa sa mga parents ko na nag-attend ng PTA meeting. Kaya sabi ko noon nung bata pa ako, I will be a SAHM/W. Sinabi ko rin eto sa mom ko pero sabi nya sayang daw yung education ko, two years old palang ako pinasok na daw ako sa day care center.
Fast forward, nakalimutan ko na ang wish ko na maging SAHW kasi naging busy sa career. But circumstances stroked and I have no choice but to stay home. Totoo talaga siguro yung kasabihang "Be careful what you wish for, you may receive it, I did but was not ready for it.
How does it feel? Sulit ba?Wala pa kasi kaming baby but subrang fulfilling lalo na pag-uwi ni hubby sasalubongin mo sya ng kiss and hug at nasarapan sya sa luto mo. Tapos sabihin nya sayo sarap talaga pag kasama mo asawa mo. LDR kasi kami for more than two years after kinasal.
How much your husband earn just to provide your daily need (food,school,utilities and etc)Enough din naman, may savings din, di kasi kami magastos. Di ako mahilig magshopping and very simple. Bisyo ni hubby is DOTA lang and minsan nakikiDOTA rin ako.
Do you have any regrets?Ang hirap talagang mag-adjust, it took me more than 6 months. Ilang beses na rin akong naiyak, nakiiyak na rin mister. Alam nyang nahihirapan talaga ako, naguiguilty din ako everytime kasi feeling nya kasalanan nya pero alam ko naman sa sarili ko na ako yung may problema hindi sya. He's been a great husband at yun yung palagi kong ina-assure sa kanya. Nag-aadjust pa nga ako hanggang ngayon. After our wedding in 2009, natanggap kasi ako for post graduate scholarship sa Japan for two years so hindi talaga kami nagsama except nalang kung nagbabakasyon ako (every 3 months). So nag-usap na talaga kami na after my postgrad magsasama na talaga kami. And we just did that.
Sa ME nakabase si hubby and I move with him. Naghanap ako ng work but wala talaga akong nakita, subrang frustrated ako, feeling ko I'm so useless, incompetent and all. Subrang regret ko kasi I turned down PhD offer sa Japan and job offer sa Pinas just to be with my husband. Kaya grabing pray talaga, sabi ko kay Lord i know you have a greater plan for me, di ko pa lang nakita yun ngayon but I know it would be great, please bigyan mo lang ako nga extra patience alam mo naman wala ako nun.
Then summer came, ang init pala dito, kaya natuwa ako na wala akong work atleast nasa bahay lang ako di ko kailangang lumabas.

But seriously, wala na akong regrets ngayon. Just seeing how happy my husband everytime I meet him sa door ( I can't do this pag may work ako diba?) and sabihin nya subrang swerti daw nya and spoiled ko daw sya.Natanggap ko na rin na sa bahay na talaga ako kasi may future plans na ako if ibigay na si baby ni Lord. I want to be hands on and will homeschool to give them the best education they could have and bonding moments na din.
How do you see yourself in the next 2 years? Do you plan to go back to the workforce?Nasa bahay pa din siguro at hopefully mag-aalaga na ng baby. If may mag-ooffer ng PhD scholarship dito tatanggapin ko siguro (wish ko kasi yun) but dependi na rin kasi gusto ko talaga maghomeschool. For now I'm just waiting for God's plan to unfold.
Do you earn your own money? How?I always love to give to charities kaya nung naputol yung income stream ko, wala na talaga. Generous naman yung husband ko, nagbigay naman kami dun sa Sendong at nagbibigay din sya sa mom and siblings ko but meron talagang mga charities na personal ayaw kong manghingi sa kanya.
Then may nakilala akong Malaysian na involve sa charities, sabi nya sakin kausapin ko daw yung husband ko for allowance. Ayun may weekly allowance na ako, inipon ko for charity. Yehey!
Sa personal needs naman, I hold my husbands ATM and CC, so anong gusto kong bilhin pwedeng pwedi, pero di naman ako mahilig magshopping.
And most importantly: How do you live your everyday life? How do you survive? What keeps you busy everyday?Since wala pang baby wala talagang akong magawa aside from the household chores. What keeps me busy is the learning that I get from internet (basa-basa), yung stock market investment namin, exercise pag di tinamad, tv and my most favorite matulog. Minsan lumalabas ng bahay to see green and blue, pag di mainit.